LOGINYsabel Trinidad’s point of view
"Sigurado ka bang katulong ang ipinasok mo rito at hindi future wife ni Señorito?" Napataas agad ang kilay ko habang napapailing. Nakaupo si Amaris sa kama ko na parang sarili niyang kwarto ang pinasok niya. Katatapos lang namin magtrabaho ngunit mukhang wala pa rin siyang balak matulog. "Kapag nahuli tayo ni Ate Leonor, pareho tayong mapapagalitan," reklamo ko. Ngunit lalo lamang siyang natawa. "Katulong ka lang ba talaga rito, Ysabel?" "Oo naman." "Mukhang hindi ganyan ang tingin ni Señorito sa'yo." Napabuntong-hininga ako. Sa totoo lang, kahit ako ay nalilito na rin minsan sa mga ginagawa ni Maximo. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa akin. Isa lamang akong ordinaryong katulong, ngunit pakiramdam ko ay palagi niyang napapansin ang bawat nangyayari sa akin. "Isipin mo nga," patuloy ni Amaris. "Nasanggi mo lang iyong side table noong isang araw at nagkapasa ka." Napailing siya. "Halos pagalitan niya sina Ate Leonor dahil pinagawa ka raw ng mabigat na trabaho." "Ay nako, OA ka lang." "OA?" Napakunoot ang noo niya. "Alam mo bang hindi naman talaga nagtatagal dito si Señorito? Lagi siyang nasa business trips. Pero simula nang dumating ka rito, halos nandito lang siya." Hindi ako agad nakasagot. "Nataon lang siguro." "Ayaw maniwala." Depensa niya. Nagkibit-balikat ako. Hindi ko na lamang pinansin ang mga sinasabi niya kahit may bahagi ng isip kong nagsisimulang magtaka. May ilang beses na rin kasing napansin kong tila naiiba ang pagtrato ni Maximo sa akin. Kapag nagkakasalubong kami sa mansyon, palagi niyang napapansin kung pagod ako o kung may mali sa kalagayan ko. Noong una ay inakala kong normal lamang iyon. Baka ganoon talaga siya sa lahat. Ngunit ayon kay Amaris, hindi raw. “Observe mo kasi," sabi niya. "May kakaiba talaga sa paraan ng pagtrato niya sa'yo." Bago pa ako makasagot ay tumayo na siya. "Sige na nga. Matutulog na ako." "Finally." Lumabas siya ng kwarto habang nakangisi pa rin. Pagkasara ng pinto ay napabuntong-hininga ako. Hindi ko na lamang pinansin ang mga sinabi niya. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya lumabas ako ng silid upang kumuha ng tubig. Tahimik na ang buong mansyon. Halos lahat ng katulong ay tulog na. Pagdating ko sa kusina ay nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso. Ngunit nang paalis na sana ako ay bigla akong napahinto. May nakasalubong ako. At halos tumigil ang tibok ng puso ko. Si Maximo. Naka-dark gray na robe lamang ito at mukhang bagong ligo. Sa sobrang pagkagulat ko ay nabitawan ko ang basong hawak ko. Bagsak. Nagkalat ang mga bubog sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko. Patay. Mukhang mamahalin pa naman iyon. Mabilis akong yumuko upang pulutin sana ang mga bubog ngunit bago pa ako makalapit ay agad akong binuhat ni Maximo. "What are you doing?" Inis niyang sambit. Napakurap ako. Bago pa ako makapagsalita ay inilapag niya ako sa ibabaw ng kitchen counter. "Don't move." Agad na bumaba ang tingin niya sa paa ko. "May sugat ka." Saka ko lamang naramdaman ang hapdi. May maliit na hiwa pala sa gilid ng paa ko. "Ako na po, Señorito." Akmang bababa sana ako ngunit isang tingin lamang niya ang nagpahinto sa akin. "I said don't move." Awtomatikong sumunod ang katawan ko. Makalipas ang ilang segundo ay dumating si Amaris na mukhang narinig ang ingay. "Ako na po ang maglilinis, Señorito." Nang magtagpo ang mga mata namin ay agad siyang nagtaas ng kilay. Parang gusto ko tuloy maglaho sa kahihiyan. "Alright," sabi ni Maximo. Naglakad siya papunta sa cabinet at pagbalik ay may dala nang first aid kit. Bigla akong kinabahan. "Señorito, ako na po talaga—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang marahan niyang hawakan ang paa ko. Bahagya akong natigilan. Mahigpit ang kanyang paghawak, ngunit kapansin-pansing maingat din. Tahimik niyang nilinis ang sugat ko, at nang matapos siya ay saka lamang nagsalita. "Where's your room?" "Katabi po ng kay Amaris." Tumango siya. Pagkatapos ay tumingin kay Amaris. "Take the lead." Bago pa ako muling makapag-react ay agad na niya akong binuhat. "S-Señorito!" Angal ko ngunit indi niya ako pinansin. Para bang normal lamang sa kanya ang ginagawa niya at tahimik niya akong dinala patungo sa servant quarters. Pakiramdam ko ay lalo lamang bumibilis ang tibok ng puso ko habang hawak niya ako. Pagdating sa harap ng silid ko ay marahan niya akong inilapag sa kama. Saka siya tumingin kay Amaris. "Can you take care of her?" Napakurap kami pareho. "I'll pay both of you double." Double pay? Dahil lamang sa maliit na sugat? "Stay with her." "No work tomorrow, and the next day after tomorrow." "O-Okay lang naman po ako," mahina kong protesta. Kaunting hiwa lamang iyon. Hindi naman malalim. Ngunit agad niya akong tiningnan, at muli kong naramdaman ang kakaibang tensyon sa pagitan namin. "I don't care." Bahagyang gumalaw ang panga niya. "You're not okay in my eyes." Hindi ako agad nakapagsalita at maging si Amaris ay tila natigilan. "Sige po," mabilis niyang sagot. Tumango si Maximo. "Good." Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Rest." Hanggang sa tuluyan na siyang umalis. Tahimik kaming dalawa hanggang sa marinig naming sumara ang pinto sa dulo ng hallway. Pagkatapos ay biglang napahagikgik si Amaris. "Oh, ano ka ngayon?" Napahawak ako agad sa noo ko. "Amaris..." "Nakabasag ka lang ng baso." "Nagkasugat ka nang konti." "Tapos no work tfor two days agad?" “Double pay pa.” Napabuntong-hininga ako. Pakiramdam ko ay mas sasakit pa ang ulo ko kaysa sa sugat ko. Ngunit hindi pa rin tumigil si Amaris. "Ngayon mo sabihin sa akin na normal lang lahat ng iyon." Hindi ako nakasagot. Dahil sa unang pagkakataon, nagsisimula na rin akong magtanong. Noong una ay inakala kong normal lamang ang mga kilos ni Maximo. Akala ko ganoon din siya sa lahat. Ngunit habang tumatagal, mas napapansin kong tila naiiba ang pagtrato niya sa akin. Maging ang maliliit na bagay ay agad niyang napapansin. Para bang wala sa mga iyon ang nakakaligtas sa kaniyang paningin. At iyon ang lalong nagpapalito sa akin. Dahil sa kabila ng malamig at nakakatakot niyang reputasyon, sa akin lamang tila nagiging iba ang kilos niya. Napahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. At isang tanong ang paulit-ulit na umiikot sa isip ko. Bakit? Bakit ganito ang trato ni Maximo Montenegro sa akin?Ysabel Trinidad’s point of viewGalit at bahagyang gulat na mura ang unang narinig ko bago ko pa tuluyang maramdaman ang matibay na brasong mabilis na pumalibot sa bewang ko. Mahigpit niya akong hinila pabalik sa kanya bago pa ako tuluyang mawalan ng balanse at mahulog sa hagdan. Halos magdikit ang katawan namin sa lakas ng pagkakahawak niya, dahilan para mapasinghap ako at mapapikit nang mariin sa gulat. Nang unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, agad kong nakita ang mukha ni Maximo na sobrang lapit sa mukha ko. Bahagyang magulo ang buhok niya, mabilis ang paghinga, at kitang kita sa mukha niya ang matinding kaba. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay tila nilamon iyon ng pamilyar niyang malamig na ekspresyon. Nawala ang pag-aalala sa mga mata niya at napalitan iyon ng galit na pilit niyang pinipigilan. Hindi ko man lang napansin na nakasunod na pala siya sa akin. Muntik na naman. Isa na namang segundo ang pagitan bago ako mapahamak. Mabilis kong inalis ang tingin sa kanya
Ysabel Trinidad’s point of viewUnti-unti ring humupa ang tawanan namin. Pareho kaming napaupo sa gilid ng kama habang inaayos ang magulong buhok at pinapakalma ang mabilis na paghinga. Sa unang pagkakataon simula nang makarating ako sa Montenegro Mansion, pakiramdam ko ay may normal akong sandali. Isang simpleng pagkakataong makatawa nang walang iniisip na panganib o mabibigat na sikreto. “Nga pala...” Napalingon ako kay Agnes. “Paano 'yung mga gamit natin sa lumang kwarto?” Napakurap siya bago bahagyang sinampal ang sariling noo. “Ay, oo nga!” “Buti pinaalala mo.” Tumayo siya agad sa kama at mabilis na inayos ang suot niyang damit. “Kukunin na natin ngayon. May lilipat na kasi sa dati mong kwarto.” “Huh?” Napataas agad ang kilay ko. “Ang bilis naman.” Napatawa siya. “Gano'n talaga.” “Nabawasan ng dalawa ang occupants, eh.” Napaisip ako sandali bago muling nagtanong. “Sino'ng lilipat doon?” “Si Nanay Carlotta.” “Ah...” Tumango na lang ako. Kung tutuusin, mas bagay nga s
Ysabel Trinidad’s point of view“Si Maximo ba naman backer ko.” Pareho kaming natawa. Unti unti ring gumaan ang mabigat na usapan namin. “Pero higit sa lahat…” Mas naging seryoso ulit siya. “Gusto talaga kitang maging kaibigan, Ysabel.” “Una pa lang.” “At pagkatapos…” Napatingin siya sa akin na para bang may gusto siyang kumpirmahin. “Nakita ko kung paano ka tingnan ni Maximo.” Nanahimik ako. “Alam ko na agad.” “Sa lahat ng naging girlfriend, fling, o kahit talking stage niya…” Bahagya siyang ngumiti. “Ikaw lang ang tiningnan niya nang gano'n.” Pakiramdam ko ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. “Malamig ang mga mata no'n.” “Matigas ang puso.” “Palaging seryoso.” “Halos hindi nagpapakita ng emosyon.” Huminto siya sandali bago ako muling tiningnan. “Pero kapag ikaw ang kaharap niya…” “Lahat ng 'yon nawawala.” “Daig pa maamong tupa e.”Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Parang gusto kong tanggihan ang bawat salitang naririnig ko, pero kasabay no'n ay unti unti ri
Ysabel Trinidad’s point of view“Ganito.” Dahan dahan siyang humarap sa akin hanggang sa tuluyan kaming magkatapat. Wala na ang kanina niyang pilyang ngiti. Seryoso ang ekspresyon niya habang diretso ang tingin sa mga mata ko, na para bang sinisigurado niyang bawat salitang sasabihin niya ay maiintindihan ko. Mahinahon siyang huminga bago marahang pinisil ang kamay kong hawak niya. “Magpapaliwanag ako. You don't need to process everything in one day, okay?” malumanay niyang sabi. “We have plenty of time to do that. Just hear me out… and accept me. Accept what we've both been doing.” Hindi ko alam kung bakit, pero kusa akong tumango. Ang dami ko nang nalaman ngayong araw at pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko sa dami ng impormasyon, pero mas nanaig ang tiwala ko kay Agnes. Kung may isang tao sa mansion na ito na sigurado akong walang balak saktan ako, siya iyon. “Kaya nga sinabi kanina na kay Maximo lang tayo magtatrabaho, diba?” “Oo.” Mahina kong sagot. Bahagya siyang napangu
Ysabel Trinidad’s point of view“Nasa second floor.” “Nasa pagitan ng office ko at ng kwarto ko.” Hindi ko napigilang mapatingin kay Agnes. Maging siya rin ay halatang nagulat. “May isa pang room na nakakonekta roon,” dagdag niya. “Separate ang pinto.” “Naka-lock iyon.” “I'm the only one who has the key.” Bahagya siyang tumigil bago muling nagsalita. “Don't worry.” “Wala akong tinatago roon.” Hindi ko alam kung bakit... Pero imbes na mawala ang kaba ko, lalo lang iyong lumalim. Pakiramdam ko ay may mas malaki pang dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. “For now,” pagpapatuloy niya, “bumalik na kayo sa room n'yo.” “Alam na rin ni Manang Carlotta ang bagong assignment n'yo.” “Mula ngayon... sa akin lang kayo magtatrabaho.” “At sa mga lugar kung saan ako naroon.” Tahimik kaming dalawa. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. “Malinaw ba?” “Opo,” sabay naming sagot. Kahit puno ng tanong ang isip ko, alam kong wala akong mapapala kung pipilitin ko pa siyang magsalita
Ysabel Trinidad’s point of view“Mamaya.” Mabilis niya akong tinapik sa balikat, pilit na ngumiti kahit halatang hindi na iyon natural, bago siya halos patakbong umalis sa hallway. “Agnes!” Hindi na siya lumingon. Tahimik akong naiwan doon, hawak pa rin ang papel habang pinagmamasdan siyang mawala sa dulo ng pasilyo. Mas lalo lang akong naguluhan. Kung kanina ay ako lang ang kinakabahan... Ngayon, pati si Agnes. At sa paraan ng reaksyon niya, pakiramdam ko ay may alam siya tungkol sa sulat na ito. Napababa ako ng tingin sa papel. Muli kong binasa ang nakasulat. "You're brave. Ikaw na ang susunod." Hindi ko alam kung bakit... Pero sa unang pagkakataon simula nang tumira ako sa Montenegro Mansion, nakaramdam ako ng kakaibang takot. Parang may mga bagay na nangyayari sa paligid ko na hindi ko pa nauunawaan. At pakiramdam ko... Unti-unti na akong hinihila ng mga sikreto ng mansyon na ito. Tahimik akong nanatiling nakaupo habang mahigpit pa ring hawak ang sulat. Hindi ko na







