Share

Sagad 128

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-06-18 23:58:29
"Ika… tayo na d'yan, sige na…" pag-alo pa sa'kin ni Ymilio pero marahan ko na lang tinabig ang kamay niya, sunod ay dahan-dahan akong tumayo.

“L-Labas po muna ako," mahinahon kong paalam, pinigilan ang sarili na maiyak pa lalo.

Kita ko ang pagkakatameme nilang lahat sa'kin pero ni isa sa kanila ay wala akong binalingan. Lumabas na ako ng pinto, buhat-buhat ang suot kong gown. Agad sumikbo ang mas matinding kaba sa akin nang hindi ko nakita sa parking space sa tapat ang sports car ni Jace.

Nak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (10)
goodnovel comment avatar
GABBI Patricio
sana may new update ngaung gabi. salamat po
goodnovel comment avatar
LA-EL
Authorrrrrrr huhuhu
goodnovel comment avatar
LA-EL
Magbigay nko ulit gem mag update lang HEHHEE
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 140

    Tumagal ng halos isang oras ang sigawan nina Jace at Ymilio sa labas. Saka lang natigil nang may narinig akong umawat sa kanilang mga security guards.Dahan-dahan akong umalis mula sa pagkakasubsob sa unan at tiningnan ang kakabukas lang na pintuan. Pumasok si Donya Victoria. Magulo ang kaniyang buhok at halatang pagod na pagod ang kaniyang mukha. Agad siyang lumapit sa akin at naupo sa gilid ng aking kama, hinawakan ang nanginginig kong kamay."Nakaalis na sila, anak ko. Pinauwi ko muna si Ymilio at pinalabas na ng mga guard si Jace," mahina niyang saad, kalmado ang kaniyang boses pero halatang pinipilit niya lang ito. Kitang-kita ko rin ang lungkot at bigat sa kaniyang mga mata. "Pero Ika... kailangan kong malaman ang katotohanan."Hindi ako umimik pero muling nagsimulang manubig ang gilid ng mga mata ko."Totoo ba ang sinabi ni Ymilio?" tanong niya, may kaunting panginginig ang labi. "Si Jace ba talaga? Magpakatotoo ka kay Mama, pakiusap.""P-Patawad..." pagsuko ko. Umiling-iling a

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 139

    "She's three weeks pregnant, Donya Victoria. Kaya normal lang ang nakikita ninyong matinding panghihina, pamumutla, at ang madalas niyang pagduduwal."Iyan ang mga salitang unt-unting gumising sa akin mula sa kawalan ng malay. Idinilat ko ang mga mata ko at ang maputing kisame ng isang pribadong kwarto sa ospital ang bumungad sa akin. Amoy na amoy ko rin ang gamot at antiseptic sa paligid. Bago ko pa man maigalaw ang aking katawan, narinig ko ang pagsinghap ni Donya Victoria sa aking tabi."D-Diyos ko..." mahinang usal nito. Paglingon ko sa kaniya ay nakita kong gulat siyang napatakip sa kaniyang bibig.Sunod kong nilingon ay ang doktor na kasalukuyang nag-aayos ng kaniyang stethoscope. "Doc... ano pong sinabi niyo?" nanginginig at halos walang boses kong tanong.Humarap sa akin ang doktor saka niya ako nginitian. "Gising ka na pala, Hija. Maupo ka muna nang dahan-dahan." Kahit ramdam ko ang kaunting pagkahilo ko, pinilit ko pa ring maupo saka sinandal ang likod sa unan. “Base sa bl

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 138

    Mabilis akong napatakbo patungo sa pinakamalapit na lababo sa may dulo ng dining area. Napakapit ako sa gilid niyon habang walang tigil ang pagbaliktad ng sikmura ko. Napapikit ako sa tindi ng sakit, kasabay ng pait na gumuhit sa lalamunan ko. Suka lang ako nang suka, pero walang lumalabas kundi laway at asidong likido."Ika, anak ko!" bakas ang matinding taranta sa boses ni Donya Victoria. Mabilis siyang lumapit sa akin, hinawakan ang buhok ko para hindi ito humarang sa mukha ko, at marahang hinaplos ang likod ko. "Diyos ko, anak. Dinala ka na sa ospital noong isang araw dahil dito, 'di ba? Umupo ka muna, sandali.” Inalalayan niya ako pabalik sa upuan. Inabutan niya ako ng baso ng tubig na agad ko namang ininom para mahugasan ang pait sa bibig ko. Pagkatapos ay hinihingal akong napahawak sa aking tiyan."H-hindi po ako buntis," panghihina kong paliwanag, habang pilit na ibinabalik ang wisyo. "Gastritis po talaga ang sabi ng doktor..."Tumingin ako sa kaninang binabasa niyang dokumen

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 137

    "Kuya! Sinaktan ako ni Ate kagabi! Sinampal niya ako, Kuya, at sinabunutan ng ilang beses!"Kung gulat na ako sa bigla niyang pagsulpot, mas lalo ito nadagdagan nang mapansin ko ang kaniyang hitsura. May malinaw at pulang marka ng sampal sa kaniyang kanang pisngi, gulo-gulo ang kaniyang buhok, at may kaunting gasgas pa ang kaniyang mukha malapit sa panga. Humagulgol siya bigla at patakbong lumapit sa gawi ni Ymilio saka ito mabilis na nagtago sa likod nito.Teka… anong nangyayari sa kaniya? At anong sinampal at sinabunutan ko siya? At bakit ganito ang hitsura niya? May iba ba siyang Ate na tinutukoy bukod sa akin? Kasi sa pagkakatanda ko, siya ang nanampal sa akin."Chelsea… anong—" “Huwag mo na i-deny, Ate!" paasik niyang putol agad sa akin, nakayakap na sa balakang ni Ymilio. "Kung hindi pa ako tumakbo paalis kagabi, baka napātay mo na ako!”Napātay??“Chelsea, seryoso ka ba?" sa wakas ay natagpuan ko na rin ang buo kong boses, kunot na kunot na ang noo kong nakatingin sa kaniya. “

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagas 136

    Sa nakalipas na buong dalawang linggo ay puro stress lang ang naramdaman ko. Bukod sa malapit na ang aming first prelim exam, ang dalawang lalaki ay patuloy pa rin sa pakikipagpaligsahan sa isa’t isa. Nandoon na ‘yung araw-araw nilang pagtatalo kung kanino ako sasakay pag-uwi galing sa school, kung kaninong pagkain ang kakainin ko tuwing vacant time ko, at kung kaninong bulaklak ba talaga ang nababagay sa akin. Sobrang sakit na ng ulo ko sa kanila at sa totoo lang, nakakairita na.Hindi lang ‘yun, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ni Rachelle. Nakailang subok na ako na kausapin siya para maliwanagan na kami pareho, pero todo iwas talaga siya sa akin na tila ba isa akong malaking problema na ayaw niyang makita.Sa usaping pamilya naman, parang wala lang kina Don at Donya ang lahat. Siguro big deal sa kanila ang mga nangyari sa amin, pero sa nakikita kong mga asta nila nitong mga nagdaang araw ay parang wala lang talaga silang inaalala. Normal silang nag-uusap tungkol

  • Ang Inosenteng Maid ni Lord Master   Sagad 135

    Mabilis ang naging hakbang ko patungo sa building ng susunod kong klase, halos takbuhin ko na ang kahabaan ng daan habang yakap-yakap ang dalawang bouquet. Nang pasimple kong nilingon ang magpinsan ay nakita kong nakasunod lang sila sa akin pero ‘di tulad kanina, hindi na sila nagtutulakan at seryoso na ang mga mukha nila. “Sunduin kita mamaya, ha? Study hard!” pahabol na sigaw ni Jace nang nasa tapat na ako ng room ko. "Take care, Bless…" seryoso namang saad ni Ymilio, banayad niya akong nginitian. Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok na ako sa room. May thirty minutes pa bago magsimula ang klase ko dito pero may ilan ng nauna dito na classmates ko. Napayuko ako at tahimik na nagtungo sa bakanteng upuan nang dumirekta ang tingin ng ilan sa dala kong bouquets. Pero ganoon na lang ang pagkakatigil ko nang mapansin ko si Rachelle sa bandang gilid, nakaupo sa kaniyang paboritong pwesto malapit sa bintana.Nagkatinginan kami pero agad bumaba ang tingin niya sa dala kong bouquets,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status