Share

Chapter 5

Penulis: LadyAva16
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-15 18:40:05

"Pagpasensyahan mo na ang Kuya Gustavo ko ah, nagsusungit na naman."

So, Gustavo pala ha?

Yun pala ang pangalan ng masungit na yun? Ang bantot! Kasing bantot ng bunganga nya.

Ang pangit ng pangalan, pangmatanda.

Sabagay, bagay naman yung pangalan nyang pangit sa kanya dahil pangit na gurang naman na sya. Gurang na masama ang ugali.

Kung alam ko lang na siya ang may-ari nitong kompanyang pinagtatrabahuan ni Maribeth, hindi ako pupunta dito. Nunca na itatapak ko mga paa ko dito.

Ang yabang! Akala niya naman ikinagwapo nya ang pagyayabang nya.

Ano sya gold?

Ang sungit ng ungas!

Dragustavong pangit!

Mapadaan lang ulit yun sa palengke kundi babangasan ko ulit ang sasakyan nun. Bubutasan ko ang gulong, babasagin ko ang salamin at gagasgasan ko. Mas matindi pa dun sa ginawa ko sa unang sasakyan niya.

Hindi lang bagoong ang itatapon ko sa kanya kundi yung tubig dun sa imburnal na kasing sangsang ng bibig niya. Pangit na nga pagmumukha, ang sama pa ng pag-uugali!

"Pero mabait yung Kuya ko ah..."

Mabait!? Aling parte dun ang mabait? Yung nanigaw ng kapwa? Yung sobrang taas ng tingin sa sarili na akala niya siya lang ang tao dito sa mundo? Na siya lang ang palaging tama?

Hah! Kung yun ang mabait wag nalang uy! Tenkyo nalang.

Magagawi lang talaga yung dragustavo na yun ulit sa palengke, makikita nya ang hinahanap nya. Ang yabang nya porket nasa teritoryo nya. Pwe!

"Medyo may pinagdadaanan lang nitong nakaraan tsaka ganun na din talaga siguro kapag tumatanda na. Alam mo na, sign of aging. Nambubuga na ng apoy. Rawr!"

Rawr? Tse niya!

Wala akong paki sa mga pinagdadaanan niya. Bakit sya lang ba ang may pinagdadaanan, meron din ako ah. Mas matindi pa nga.

Hindi lang sya ang may problema sa mundo. Lahat ng tao may kanya-kanyang problema, kanya-kanyang pinagdadaanan kaya wag syang umastang espesyal siya.

Itong nasa harapan ko, imposible namang walang pinagdadaanan 'to, pero bakit hindi naman sya nagsusungit. Yung gwardya, yung receptionista, yung ibang empleyado niya wala bang pinagdadaanan?

Hindi porket may pinagdadaanan sya basta nalang sya nagbibitaw ng masamang salita. Kung makabobo sya sa akin akala niya talaga kung anong kasalanan ko sa kanya. Hindi ko naman sinadyang humarang sa dinadaanan niya.

E di sana naglagay sila ng don't block driveway, gago!

Nagtitingin-tingin lang eh. Masama bang magtingin-tingin sa gusali nila? E di sana naglagay sila ng karatula, no watching! Lintek!

Nabighani lang ako sa ganda ng gusali nila ah, pero ngayon binabawi ko na. Ang pangit nitong gusali nila 'sing pangit ng ugali nya.

Dahil sa kanya lalo lang akong nanliliit sa sarili ko. Sobrang napahiya ako.

Gusto ko lang naman mag-apply ng trabaho ah. Kung alam ko lang na ito ang aabutin ko sana nagbuhat nalang ako ng mga gulay at isda dun sa palengke. Sana nangaliskis na lang ako ng isda.

Pwede niya naman akong kausapin ng maayos pero kung makasigaw sya sa akin parang sya yung nagpapakain sa akin.

Eh kung nakawan ko kaya sya?

Saan ba naka-park ang sasakyan ng ungas na yun at nang masilip ko kung ano ang pwede kung nakawin dun.

"Bad trip kasi si Kuya dahil naalala nya naman kanina yung nangyari sa favorite car niya."

Bahagya akong natigilan. Naalala ko kung anong damage ang iniwan ko sa sasakyan niya, Nakonsensya pa naman sana ako pero tama lang yun sa kanya. Kulang pa nga.

"Yung sasakyan kasing yun ay first car niya, regalo yun sa kanya, kaya paborito nya. Pero nasira kamakailan lang. I mean sinira pero hindi niya nahanap yung batang hamog, " muntik akong mabulunan.

"...tumakbo daw at di niya nahuli. Sinundan niya pa daw pero di niya nakita."

Talagang di niya ako makita. Ang bagal niyang tumakbo eh. Sabagay di na ako magtataka, baka nga inatake pa sya ng rayuma. Sa bilis kong tumakbo, imposibleng makahabol sya sa akin. Good luck nalang sa mga buto-buto nya.

Kanya itong Sandoval kampanis kampanis nya akin ang palengke. Alam ko ang pasikot sikot doon kaya kahit buong araw kami maghabulan dun di niya ako mahahanap. Tataguan ko lang sya.

Lintek sya! Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka-move on sa kanya dahil kundi dahil sa kanya, hindi mawawala sa akin ang bracelet na pinakaiingat-ingatan ko. Ilang araw ko ding hinanap yun at ilang gabi ko ding inyakan yun.

"Ang alam ko pinahanap niya ang batang hamog sa mga tauhan niya pero ang sabi, walang nakakakilala kung sino ang batang hamog na yun dun sa palengke. Kahit yung mga batang palengke ayaw din magsalita, di raw nila kilala."

Talagang di nila ako kilala. Si Milagring, Luningning at Mariposa pa talaga ang pinagtanungan nila. Malamang sa malamang hindi magsasalita ang mga yun kahit na kilala pa nila.

Alam ko din na pinahanap nya ako dahil napagtanungan din ako ng mga tauhan niya. Neknek nila. Mamuti ang mga mata nila di nila ako mahahanap. Mga gunggong!

At ito namang ungas niyang kapatid na pinaglihi ata sa dragon, ang tagal ding makapag-move on.

Para sasakyan lang. Ano naman ngayon kung regalo sa kanya? Napaka sentimental niya. Bakit gaano ba yun kamahal? Eh, ang luma na nga nun tingnan. Kulang na nga lang dun patimbang dun sa bote bakal.

" Vintage car yun, bie!" kumumpas kumpas pa ito. Pauso sa bie, di bagay.

Vintage car lang naman pala. Yun nga manliligaw ni Maribeth bagong toyota eh.

"Lintek naman kasi alam niyang palengke ang pupuntahan, niya yung sasakyan na yun pa ang dinala. Minsan wala din sa hulog si Kuya eh. Akala nya ata sa BGC sya pupunta. Vintage car ang dinala niya dun, ang mahal nun. Kundi ba naman..."

Hambog. Dugtong ko sa aking utak. Kundi ba naman sya hambog di niya dadlhin yun kung mahal yun. Alam niya naman palang mahal. Wait, mahal? Yung lumang sasakyan na yun na pabulok na mahal? Anong nakamahal dun? Eh, sasakyan pa ata yun ng mga sinaunang tao. Panahon pa ni kopong-kopong.

"Hay naku si Kuya talaga. Tsk! tsk!"

Hindi ako nagkomento, kanina pa ako hindi nagsasalita. Nanatili lang akong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko na kanina pa ako dinadaldal.

Ilang tinapay na ang naubos nito at malapit niya na ring maubos ang kape niya habang ako ay hindi pa nagalaw ang tinapay at kape na binigay niya sa akin.

Mula sa reception kanina walang pasintabi itong dinala ako dito sa coffee shop na nasa loob lang din ng malaking gusali nila para makapagkape daw muna.

Magkape? Close ba kami?

Kung makahila pa sya sa akin kanina akala mo talaga kilala nya ako. Pangiti-ngiti pa ito sa mga nadadaanan namin. Kahit si Maribeth na nakasalubong namin kanina ay mukhang nagulat pa nang makita akong hila-hila ng amo nila.

Tinanggihan ko na sya kanina dahil hindi naman ang pagkakape ang pinunta ko dito pero napaka kulit niya. Hindi niya ako binitawan hanggang sa makapag-order ito at makaupo kaming dalawa dito.

Sobrang daldal niya pa. Kung ano-anong kinukwento. Parang babae ang bibig.

"Gutom ako, nahuli kasi ako ng gising kanina tapos nagmamadali na si Kuya. May emergency meeting kasi ang board ngayon."

Pero in fairness sa kanya mukhang mabait.

"Nagmamadali kasi yun kaya medyo beast mode."

Kung gaano kasungit ang kapatid niya, sobrang kabaliktaran naman itong lalaking nasa harapan ko. Kanina pa ito pangiti-ngiti at pakaway-kaway sa mga pumapasok dito sa coffee shop. Lahat ata nga mga empleyado nila dito ay kilala niya. Para syang tatakbong kapitan na kinakawayan at nginingitian ang lahat ng mga nakikita. Minsan tinatawag niya pa sa pangalan.

"Coffee shop 'to ng kapatid ko. Yung nag-iisang prinsesa namin, si Cleopatra."

Kaya pala , Cleopatra ang nakalagay ng pa pangalan sa signboard.

"Share ko lang." anya saka s******p sa kape niya. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Maganda ang coffee shop, maaliwalas ang paligid at halatang sosyalin.

Akala ko tatahimik na ito at magkakape na lang dahil hindi naman ako sumasagot sa kanya pero nagkamali pala ako, bumubwelo lang pala.

"Cleopatra Cooper ang pangalan ng prinsesa namin. Ang ganda ng name niya ano? Kasing ganda niya. Triplets yun sila, Si Caleb Lexus, Si Cairo Ford at si Cleopatra Cooper. Hanep ng mga pangalan diba? Pinaglihi kasi sila sa sasakyan." 'Tapos tumawa ito. Natawa sa sarili niyang biro.

Wirdo.

"Maganda yun si Cleo, pero yung dalawang kambal niya mga pangit. Actually meron pa kaming dalawang kapatid na kambal din, nasa states si Kulog at Mangangaso."

Kulog at Mangangaso? "Thunder at Hunter, yun bie."

Bie mo mukha mo. Pauso ka. Gusto ko syang barahin pero di ko magawa dahil mukhang totoo naman syang mabait.

"Sa aming lahat na lalaki ako lang ang gwapo." Tinuro niya ang mukha niya. "Kita mo ang mukhang 'to?" Hindi pa rin ako nagkomento.

"Ito ang mukhang hinahabol ng mga babae bie. Isang kindat ko lang napapalapit na sila sa akin."

Ang hangin. Wala naman sanang bagyo.

"Pero choosy ako ah, hindi ako basta pumapatol ng kung sino-sino lang. Hard to get ata 'to..." bahagya siyang lumapit sa akin tsaka hininaan ang boses. "...pero easy to use." dagdag niya at pilyong ngumiti sa akin.

Easy to use? Para sa?

"Kape ka na..." tinuro niya ang pang-sosyal na kape na nasa harapan ko. May smiley pa na nakaguhit sa bula ng kape. May inorder pa syang tinapay na hindi ko alam kung ano ang pangalan. "Masarap yang croissant, tikman mo."

Kraw-san? Kwa-son? Basta tinapay.

Kinuha nya yung tinapay na parte nya at kumagat doon. "Ang sarap talaga mmm." Para itong batang kinikiling kiling pa ang ulo niya sa bawat kagat nya. Feel na feel niya pa ang pagnguya sa tinapay niya.

Wala sana akong balak tikman ito eh pero dahil sa kanya naku-kuryos ako kung ano ang lasa. Hindi pa ako nakatikim ng ganitong klase ng tinapay. Mamon, monay, star bread, pudding at iba pang mga tinapay na pangkaraniwang nabibili dun sa bakery sa may palengke lang ang natikman ko.

"Try mo, wag ka mahiya, para ka namang others eh." Inurong nya pa ng bahagya ang platito na may laman nun tinapay ko. Pagkatapos matamis itong ngumiti sa akin na parang matagal na talaga kaming magkakilala.

Ang kulay asul niyang mga mata ay kumikislap. Palangiti ito at sya yung tipo ng taong parang maraming tinatagong kalokohan. May pagkapilyo in short.

"Gaston Pierre ang pangalan ko. Si Kuya Gustavo ang panganay namin. Medyo pasaway kaming lahat kaya yun palaging bad trip. Tsaka mukhang hindi rin nakadilig." Aniya saka malakas na tumawa. Ang iba tuloy customer na nagkakape din ay napalingon sa amin.

Nahihiya akong yumuko at umiwas ng tingin. Kinuha ko ang tinapay na parte ko at gaya niya kumagat din doon.

"Masarap noh? Sabi ko sayo eh." Pero hindi ako sumagot sa kanya.

Masarap nga, pero mas masarap pa rin ang pandesal na nabibili ko dun sa bakery sa may palengke. Pero syempre hindi ko sinabi yun sa kanya, baka isipin niya pang napaka choosy ko eh nilibre niya na nga lang ako.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Tanong niya sa akin pero hindi pa man ako nakasagot sya na arin ang sumagot sa tanong niya. "Chiara nga pala, tama, tama. Chiara Andromeda Delgado. Naks!" Nagtaas ulit ako ng tingin sa kanya, palakaibigan itong ngumiti sa akin.

"Anong gusto mong itawag ko sayo, Chiara? Andromeda o Bebe?" Sumimangot ako sa kanya.

Bebe!?

Bakit Bebe? Wala namang bebe sa pangalan ko.

"Ah, alam ko na--"

"Chichay." Mabilis kong putol sa kanya at baka kung ano na naman kalokohan ang lumabas sa bibig nya. Naiisakandalo ang mga tao sa paligid dahil malakas ang boses nya.

"Chichay nalang po, yun kasi ang nakasanayang kong tawag sa akin dito. Pero kung ayaw niyo po sa Chichay pwede naman pong Chiara."

"Chichay? Uy, ang cute nung Chichay ah, nice name..." Matutuwa na sana ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon may nagandahan sa palayaw ko pero bigla itong kumambyo. "...parang pangalan nung pusa ng katabing unit ko si Chuchay. Ming ming ming, Chichay, ay I mean Chuchay."

Kinunutan ko sya ng noo pero agad itong nag-pease sign sa akin. Para syang batang maligalig. Hindi na ako magtataka kung m*****d trip ang dragustavo na yun sa kanya.

"Kabaw ka bie, gwapa kay ka. Bagay mo ni Kuya. Basin ikaw pay makausab sa batasan ni Kuya. Basin pag mabut-an sya." [Alam mo bie, napakaganda mo. Bagay kayo ni Kuya. Baka ikaw pa ang makabago ng ugali niya.Baka babait pa yun.]

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero alam ko kung anong salita yun, bisaya.

"Nakita na ba kita dati?" Tinitigan niya ang mukha ko pero nanatili akong seryoso. "Alam mo pamilyar ang mukha mo sa akin. Parang nakita na kita. Hindi ko lang matandaan kung saan at kailan."

Nirespetuhan ko lang ng inom ang kape niya at tatayo na sana. Magpapaalam na ako tutal wala namang silbi ang pagpunta ko dito.

"Mauna na po ako sa inyo Sir, salamat."

Tumayo na ako at kinuha ang folder na dala ko kanina pero mabilis niya akong napigilan.

"Saan ka pupunta?"

Saan pa ba? Edi uuwi sa palengke.

"Umupo ka muna, magkakape pa tayo eh."

Hanep ng trip nitong lalaking 'to ah.

Magsasalita pa sana ito pero tumunog ang cellphone niya. Tatayo na sana ako para iwan siya pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko at sinenyasan akong maupo muna saka niya sinagot ang tawag.

"Kuya kong pogi, miss mo na ako? Si Kuya Gustavo." senyas niya sa akin. Pagkatapos nilagay nya ang phone niya sa loud speaker. Walang pakialam kung marinig man ng kabilang mesa ang usapan nila ng kuya niya.

"Where the hell are you, Gaston Pierre? What time is it already?" Striktong sagot ng nasa kabilang linya. Pinaglihi ata sa dragon na may sama ng loob ang lalaking 'to. Walang pinipili sa pagsusungit.

"Kuya naman eh, nagkakape pa ako."

"The fuck, Gaston? I didn't ask you to come here just to have coffee. We have so many works to do. Come in my office now."

Pero imbes na tumayo lalo pang lumaki ang ngisi nito.

"Nagkakape pa kami ni Chichay eh, hindi niya pa ubos ang kape niya. Alangan naman iiwan ko sya dito." Nanalalaki ang mga mata kung tumingin sa baso ng kape ko at walang pagdadalawang isip na nilagok yun.Medyo mainit pa at napaso pa ang dila ko pero hindi ko na pinansin. Baka madamay pa ako sa kalokohan nya.

"Who the hell is Chichay? Finish your monkey business and--"

"Nandito lang ako sa coffee shop ni Cleo Kuya, aakyat din ako mamaya dyan. Chill, kalma." Kalmado nitong sabi at natatawa pa. Naiimagine ko ang masungit na mukha nang kuya niya. Sigurado ako na kung nasa harapan niya lang itong kaharap ko ay baka nakutusan na nya.

"Kaya ka tumatanda kuya eh. Ang aga-aga pa oh, init na agad ng ulo. Unsaon nimo pagpangitag uyab ana nga sige man kag kasuko?" [Paano ka makakahanap ng girlfriend niyan eh palagi kang nagagalit?]

Tumingin ito sa akin at tinaas-baba niya pa ang mga kilay niya.

"Shut your mouth, Gaston. I'm not looking for a fling."

"Ah sus atik pa jud Kuya uy! Sayang atong genes ug di modaghan. Pero seryoso Kuys, naa nakoy nakita para nimo. Dili ni pang-fling lang. Bagay mo Kuys, promise!" [Ah sus, kunwari pa si Kuya. Sayang ang genes natin if hindi dadami. Pero seryoso Kuya, may nahanap na ako para sayo. Hindi pang fling lang. Bagay kayo Kuya, promise!]

"The fuck, Fucker!? Stop playing around Gaston. Finish your fucking coffee and get up here, now now."

"Nagkakape pa nga si Chichay Kuya."

Bakit parang kasalanan ko?

"I don't care whoever that Chichay, Gaston. I need you here now!" Pagkatapos pinutol na nito ang tawag. Pero tila balewala naman sa kaharap ko. Malawak pa ang ngiti nitong binalik ang cellphone sa coat niya.

"Si Kuya talaga ang pangit ka-bonding. Sige Chichay ubusin mo muna yang kape mo."

"Uwi na po ako, Sir."

Wala na akong balak ubusin ang kape. Baka mabeast mood pa ang dragustavo at babain kami dito edi dagdag kahihiyan na naman.

"Bakit ka uuwi? Maya na. Hayaan mo yun si Kuya. Na-miss lang ako nun. Alam mo kasi galing akong US. Doon ako nag-aral. Kadarating ko lang nung nakaraan araw. Upo ka muna." Hindi niya binitawan ang palapulsuhan ko na hawak niya hanggat hindi ako nakaupo.

Mukhang mas makulit pa ang lalaking ito sa mga batang kasama ko doon sa ilalim ng tulay.

"Alam mo Chichay, familiar ka talaga sa akin. Sigurado akong nakita na talaga kita eh."

Hindi ako nagkomento.

"Nakapunta ka bang Davao?"

Marahas akong napalunok.

"Saan nga ba kita nakita ahm?"

Hindi ito pwede. Kailangan makaalis na ako. Baka bababa na ang kuya niya.

"Uwi na ako, Sir." Tumayo na ako.

"Luh? First day mo sa trabaho aabsent ka agad? Hanep ka din Chichay ah! Di pa nga nagsisimula absent agad? Gagi! Dinaig mo pa ako ah. Pero in fairness ang lakas ng loob mo, absent agad. Siguradong dalawa na tayong mapapagalitan ni Kuya nito." aniya saka malakas na tumawa. Napipikon na ako. Halos mag-isang linya na ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Anong first day? Paano ko naging first day? Hindi mo ba nakita ang ginawa sa akin ni dragustavo kanina?"

"Dragustavo what?" tanong nitong natatawa. Lumagpas pa ang tingin nito sa likuran ko.

" Oo dragustavo dahil mukha siyang dragon na pangit." Wala na akong pakialam kung marinig man kami ng ibang empleyado nila. So what! Tutal pinahiya niya naman ako kanina, wala na rin akong balak magtrabaho dito.

"Dragustavong pangit? Si Kuya Gustavo ko?"

"May iba pa ba? Malamang yung kuya mong dragon! Kulang nalang bugahan ako ng apoy ng kapatid mong pinaglihi ata sa dragon na masama ang loob. Yung matandang dragustavong pangit na yun, may araw din yun sa akin. Baka akala niya natatakot ako sa kanya. Pwe!"

"Hindi ka natatakot sa Kuya ko?" Isa pa itong lalaking 'to parang timang. Imbes na magalit sa akin dahil nilait ko ang kuya niya tumatawa pa. Muntanga din.

"Bakit ako matatakot sa kanya? Sino sya? Bangasan ko pa yung sasakyan niya eh. Aabangan ko pa yun dyan sa labas."

"Woi! Kaw naman masyadong kang harsh sa Kuya ko, mabait kaya yun, favorite Kuya ko yun eh."

"Mabait na ang pangit na yun sa lagay na yun? Yung makunat at mukhang pa-expire ng dragustavong yun, mabait para sayo? Gagi!" Nang-uuyam akong tumawa. Lahat ng tao sa paligid ay tumahimik at nakatingin na sa akin pero kiber ko ba.

"Gagi, patawa ka! Huy di ganun ang mabait boi! " Mahina ko pa siyang hinampas pero hilaw na itong ngumiti sa akin ngayon.

"Nung umulan ata ng sama ng loob sinalo lahat ni dragustavo kaya ang pangit ng pag-uugali niya. Nga pala sabihin mo dun sa Kuya mong matanda na pasalamat sya at nandito sya sa balwarte niya. Wag kamo siyang pakalat-kalat sa palengke ng Metro Manila kundi babangasan ko siya."

Hinintay ko ang sagot nang lalaki pero para itong naestatwa sa kinatatayuan. Wirdo talaga!

Inikutan ko sya ng mata at tumalikod na pero ganun nalang ang pagkagulat ko nang mabunggo ako sa isang matigas na katawan.

"Ano ba?!" Masungit kong sabi. Pero pag-angat ko ng tingin para akong binugahan ng apoy sa nagngangalit na tingin ng matandang dragon na sumalubong sa akin.

"Why don't you tell me personally, young miss?"

___________________________

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Ansaliyah Adilao Bangcola
parang excited ako basahin c gustavo...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Epilogue Last Part

    "Pandiwa."I saw how Andromeda stopped from making her assignment and shifted her gaze at the three kids. She also looked at me but I pretended that I didn't hear them. I lowered my head acting like I'm busy reading her assignments. Milagring read that word 'pandiwa' from her notebook out loud facing the two other girls, Luningning and Mariposa, whose face were now plastered with a playful grin. Alam kong may kalokohan na namang pumasok sa isipan ng mga batang 'to. Sila yung mga batang hindi nauubusan ng kalokohan. Probably because they grow up in the street. Kung ano-ano ang mga naririnig at nakikita nila sa paligid. But other than being maloko at palabiro, they are the sweetest and very respectful kids.I saw how they treated my baby with so much love and respect. They treated each other like family. They're so adorable and amazing children. Despite the hardships they've been through they never gave up on life.Andromeda and the kids are going to school now and every night after

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Epilogue Part-2

    "Dragustavo what?" Gaston Pierre exclaimed laughing. The brute saw me already and he smiled even more." Oo dragustavo dahil mukha siyang dragon na pangit."Dragustavo?D-dragustavo what?! Same reaction with my brother when I heard that word clearly coming from her mouth. Seems like she's mad at me but I don't even know her. Sabagay hindi na ako magtataka kung madaming galit sa akin.The fuck he called me? Pangit? This face? "Dragustavong pangit? Si Kuya Gustavo ko?"Gaston repeated looking at me while asking those questions. Really Gaston Pierre are you really confirming in front of me that I am pangit?I'm way more handsome than the five of you combined. You all didn't even made it to one fourth."May iba pa ba? Malamang yung kuya mong dragon! Kulang nalang bugahan ako ng apoy ng kapatid mong pinaglihi ata sa dragon na masama ang loob."What the hell is happening right now? Can someone explain this to me? Did this young miss just called me dragon?What did I do to her? I don't reme

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Epilogue Part-1

    "Gagi Kuya, seryoso? Nasira daw ang vintage car mo? Sinong gumawa?" I looked at my brother annoyed. Ke aga-aga alam niya na agad ang chismis? Wala bang ibang pinagkakaabalahan ang lalaking 'to? "Bat mo kasi dinala sa palengke Kuya? Anong akala mo nasa BGC ka? Tsaka anong ginagawa mo dun?" Oh about that, I couldn't tell him my reason dahil alam kong di niya ako titigilan sa mga tanong nya. But I was there dahil may nakapagsabi sa aking may lead na daw sila dun sa nawawalang bata nung magsasakang pinatay. Ang batang naging dahilan kung bakit ako nakulong ng anim na buwan. I've been looking for that kid, for a while now. But I am not sure if I can still recognize her face. By now, if I'm not mistaken maybe she's teenager already. Fourteen, fifteen or sixteen perhaps. "What are you doing here Gaston Pierre? Tapos mo na ba ang trabaho mo?" I ask him instead but the spoiled brute just pouted his lips like a kid. Pumunta pa ito sa harapan ko at umupo na akala mo talaga ang laking abala

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 49

    Hinayaan ko siyang umiyak at ilabas lahat ng mga nagpapabigat sa puso niya. Kahit sa gAnung paraan man lang maibsan ang sakit na dinadala niya. That night Gustavo slept with a heavy heart. Nakatulugan nito ang pag-iyak habang yakap ako. Nalulungkot ako sa nangyayari sa pamilya nila pero wala naman akong magagawa. Tanging magagawa ko lang ay ang suportahan ang asawa ko. Kinabukasan maaga na naman itong gumising. Balik sa pag-aasikaso sa negosyo nila. It was like a routine for him. But despite his busy schedule he never fails to take care of me. He still finds way to go with me for my check ups. He still wakes up in the middle of the night checking if I am okay and the babies inside my tummy. He knew about my pregnancy already. It was supposed to be a surprised but one time he had a breakdown and I don't know what to do with him anymore. Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin sa kanya. I gave him something he could look forward to. And I can say that it helped him. May surp

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 48

    Once again, another story has reached an end. This is the second installment of my Sandoval Series. 2/7 completed. Thank you so much AVAngers for being with me in Baba and Chichay's journey! Salamat sa iyakan at tawanan, sa mga tampuhan at walang sawang pagsuporta nyo sa akin. Thank you for the votes, comments and for sharing my stories. Most of all, thank you for being patient with me and for not leaving me. I wouldn't reach this far if not all because of you and I will be forever grateful for that. Maraming, maraming salamat sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta sa akin. Sana may nakuha kayong aral sa pagmamahalan nina Gustavo at Chiara. See you in my next story. Who do you think? Another series will be posted soon. Labyu all mga Langga! Amping mong tanan sa kanunay. Life is short always choose to be happy. God Bless us all! ________________________________ Sunod-sunod ang mga pagsubok na dumating sa pamilya namin ni Gustavo. Namatay si Lolo Ignacio, ang lolo ni Camilla a

  • Sandoval Series #2 : A BEAUTIFUL NIGHTMARE    Chapter 47

    "Thank you Atty. Gonzales—"I was cut off from thanking our lawyer Atty. Tristan Angelo Gonzales when a soft grip touched my wrist. Pagtingin ko sa may -ari ng kamay na nakahawak sa akin, nasalubong ko ang luhaang mukha ng doktora. Hindi paman ako nakapagsalita nang dahan-dahan nitong binaba ang katawan para lumuhod sa aking harapan. "What are you doing Miss Gatchalian? Stand up.""Chiara..." Lumakas ang pag-iyak nito ang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Agad naman akong inalalayan ni Gustavo para ilayo sa kanya. "Let's go, Baby." Sabi ni Gustavo sa akin pero hindi ko maalis ang tingin sa babaeng nakaluhod sa harapan ko. "Please G, I just want to ask something. Nakikiusap ako wag muna kayong umalis.""Stand up, Dra. Gatchalian." Mahina kong sabi sa kanya. Ang mga tao sa paligid ay nabaling na ang tingin sa amin. "Your dad admitted to his crimes. If you want to file a petition our lawyer will see you in court."Sunod-sunod itong umiling. Humahagulhol na pero wala akong na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status