Share

Two: Work

Author: GuemByoel
last update Last Updated: 2026-01-05 11:38:22

---Ma, kahit anong mangyari hinding-hindi na ako tatanggap ng tulong mula sa kanya....... Mas gugustuhin ko pang humingi at magpaalipin sa ibang tao kesa ang tanggapin ang tulong niya.---

----Aurora Genevieve Delos Santos----

Four years. Four years had passed, but the chain of my past still haunted me. Apat na taon na ang nakakalipas pero katulad noon ay patuloy ko pa ring pinagbabayadan ang pakikiapid na nagawa ko noon. Kung noon ay mahirap na ang buhay namin ni Mama, ngayon ay mas dumoble pa ito pero magkagayon man patuloy pa rin kaming lumalaban.

"Gen anak, anong oras na? Hindi ka pa ba matutulog?" tanong sa akin ni Mama ng lumabas siya sa maliit naming apartment. Hindi ko nga alam kung apartment pa ba itong matatawag dahil sa loob ng studio type na apartment na ito ay hinati pa ito sa tatlo. Napakaliit tuloy ng kilusan namin, literal na tulugan nga lang ang meron kami tapos may isang maliit na kusina at banyo lang para sa lahat. Pero wala naman kaming magawa. Ito na kasi ang pinaka mura sa lahat ng pwede naming matirahan ni Mama.

Mula kasi ng dumating kami rito sa Cebu ay dito na kami namalagi. Ang mga kaanak kasi na sinasabi ni Mama noon ay hindi rin kami tinulungan. Lalo na ng nalaman nila na katulad ko ay naging kabit din si Mama ng walang kwenta kong ama. Ni ayaw nga nilang lumapit sa amin na tila ba meron kaming nakakahawang sakit. Sabi nga nila nakakahiya at nakakadiri raw kaming mag-ina. But it's too late for us to go back to Manila. Naubos na rin lahat ng pera ko nung bumili ako ng ticket makapunta lang dito sa Cebu sa pag-aakala na maroon kaming pamilya na malalapitan, kaya naman kahit mahirap ay dito na lang din kami ni Mama nakipagsapalaran.

Sa loob ng apat na taon ay wala kaming ibang ginawa ni Mama kundi ang lumaban sa buhay. Si Mama ay walang tigil sa pagtanggap ng labada at pamamasukan para lang may makain kami. Ako naman ay wala ring tigil sa paghahanap ng matinong trabaho. Pero talaga atang ito na kabayaran sa lahat ng kasalanan ko, dahil sa tuwing sinusubukan kong maghanap ng trabaho ay palagi na lang nila akong tinatanggihan, kahit pa sa pinaka maliliit na trabaho ay wala akong mapasukan. Alam ko naman na dahil ito sa asawa ni Steve, pero magkagayon man ay hindi ko magawang magalit sa babae, dahil una sa lahat ako ang may malaking pagkakasala sa kanya. Ngayon ay wala naman akong ibang pwedeng gawin kundi ang patuloy pa ring sumubok sa paghahanap ng trabaho kahit pa alam kong imposible iyon dahil sa lawak ng koneksyon ng ginang.

"Mamaya po Ma ng konti. Sayang kasi ang free wifi, buti at malakas ang sagap ko ngayon. Baka maya-maya makakita pa po ako na pwedeng pagpasahan ng trabaho," sagot ko na lang habang patuloy pa rin sa pag titingin-tingin sa internet ng mga pwedeng mapasukan dito sa Cebu.

Lumapit naman si Mama sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Sorry anak ha, dahil sa akin nahihirapan ka tuloy ngayon,"

malungkot na wika pa nito. Hanggang ngayon kasi ay sinisisi pa rin niya ang sarili sa lahat ng nangyayari sa aming mag-ina, kahit pa ilang beses ko pang sabihin sa kanya na wala siyang kasalanan. Iyon naman kasi talaga ang totoo, walang kasalanan si Mama, dahil desisyon ko ang lahat ng iyon, at kung sakali man na malalagay uli sa ganoong sitwasyon ang buhay namin ay hindi ako magdadalawang isip na gawin uli ang ginawa ko kahit pa alam kong mali ito.

"Ma, ilang beses pa ba natin itong pag-uusapan? Hindi mo kasalanan ang nangyari sa’tin, okay. Walang may gusto nito at wala ring may kasalanan. Tigilan mo na ang paninisi sa sarili mo Ma. Saka kahit na alam kong mali, may mabuti naman iyong naidulot diba. Looked at you now, buhay ka. Buhay tayong lahat. Iyon na lang ang isipin natin," mahabang paliwanag ko na naman sa kanya.

Muli lang akong niyakap ni Mama habang umiiyak pa rin. "Bakit hindi na lang natin tanggapin ang tulong na inaalok ng Daddy mo. Ilang taon na rin siyang sumusubok na makausap ka anak. Baka… baka pwede kahit sa huling pagkakataon tanggapin na natin ang tulong na binibigay n’ya, para makapagsimula na uli tayo ng panibago," muling wika ni Mama.

Isang taon kasi matapos naming pumunta rito sa Cebu ay muli kaming sinubukang kontakin ng ama ko. Napag-alaman din namin na namatay na rin pala ang asawa nito dahil sa pananambang sa kanila dahil sa isang alitan sa negosyo. But even though my father shows an effort to contact and communicate with us, masyasbo ng bato ang puso ko para sa kanya. Kung noong huling pumunta siguro ako sa bahay nila ay nilabas niya man lang ako baka sakaling nagbago pa ang lahat sa amin. Pero huli na ang lahat. Nangyari na ang hindi dapat mangyari.

Marahan akong lumayo kay Mama sabay sara ng lumang laptop na gamit ko. "Ma, kahit anong mangyari hindi-hindi na ako tatanggap ng tulong mula sa kanya. Sapat na sa akin ang mga nangyari noon. At kung papipiliin ako kung ang tulong niya o ang pagbalik sa maruming nakaraan ko, hindi ako mag dadalawang isip na piliin ang huli Ma. Mas gugustuhin ko pang humingi at magpaalipin sa ibang tao kesa ang tanggapin ang tulong niya," seryosong wika ko kay Mama bago ako tuluyang pumasok sa silid na inookopa namin.

Kinabukasan ay muli akong maagang nagising. Naggayak na rin ako para sa pag-aapply ng trabaho sa kung saan-saan. Suot ang aking lumang rubber shoes, kupas na pantalon at lumang puting blusa ay binaybay ko ang iskinita palabas sa lugar namin. Kipkip ko rin ang isang envelop kung saan nakalagay ang mga dukumento na kakailanganin ko kung sakaling swertihin ako mamaya.

"Gen, ang aga mo naman. San ba ang lakad?" bati sa akin ni Ate Yuki nang magkasalubong kami sa isang kanto. Mukang bago pa lang ito uuwi galing trabaho. Alas-singko pa lang ng madaling araw kaya naman madilim pa ang paligid pero magkaganun man ay panatag naman ako dahil kilala na naman ako ng mga taga rito.

"Maghahanap ate ng trabaho. Baka swertihin na ako ngayon," nakangiting wika ko pa.

Isang sinserong ngiti naman ang isinukli nito sa akin bago ako marahang tinapik sa balikat. Isa si Ate Yuki sa mga naging kaibigan ko rito sa Cebu. Alam din niya ang pinagdaanan ko kaya alam kong sa kabila ng mga ngiting iyon ay may awa rin siyang nararamdaman para sa akin.

"Good luck sayo Gen. Sana nga ay may mahanap ka na ngayon. Pero kung sakali man na talagang wala ka nang ibang pagpipilian, sabihan mo lang ako ha. Alam kong ayaw mo ng bumalik sa dati, pero sa mga katulad nating mahihirap wala tayong ibang pagpipilian, kesa naman mamatay tayong dilat,"

wika pa niya.

Isang bayarang babae si Ate Yuki sa isang kilalang bar dito sa Cebu. Katulad ko ay biktima rin siya ng masalimuot na buhay at walang ibang pagpipilian kundi ang kumapit sa patalim. Labing-anim na taon pa lang siya ng ibenta siya ng sariling magulang sa nasabing bar kaya naman sa murang edad ay ibinugaw na siya.

Wala na ring pamilya si Ate Yuki, pero meron siyang isang anak na bunga ng trabaho na ginagawa niya. Sa kabila ng hirap sa buhay ay mas pinili ni Ate Yuki na buhaying mag-isa ang bata kesa ibigay ito sa nakabuntis sa kanya. Ang ika nga niya, ang anak na lang niya ang meron s’ya at hindi niya hahayaan na mawala pa ito sa kanya.

Saglit pa kaming nag-usap at pagkatapos ay tumuloy na rin ako sa aking lakad. Inabutan pa nga ako ni Ate Yuki ng limang daan na hindi ko na tinanggihan dahil talagang wala akong pera ni piso ngayon kundi dahil sa kanya.

Maghapon akong sumubok na mag-apply ng trabaho, lahat na ata pinuntahan ko. Kahit mga sa construction site nag punta ako at nag apply ng makita ko na naghahanap sila ng tao, kaso tulad pa rin ng dati bigo pa rin ako.

Nanghihina akong umuwi sa bahay namin bitbit ang konting grocery gamit ang pera na binigay ni Ate Yuki kanina. Hindi kasi talaga ako kumain maghapon at naglakad lang ako para lang may pambili kami ng pagkain dahil hindi ko alam kung kelan uli kami makakahawak ng pera.

Pag pasok ko pa lang sa maliit na silid na inookopa namin ay nabungadan ko na agad si Mama na yakap-yakap si Stefano, ang tatlong taong gulang kong anak. Yes, I have a child. Bunga si Stefano ng pagkakasalang nagawa namin ni Steve noon. Pero kahit pa bunga siya ng isang pagkakamali ay mahal na mahal ko ang anak ko. At gaya ni Ate Yuki gagawin ko rin lahat para sa kanya.

"Ano Ma ang nangyari kay Stefano?" nag-aalalang tanong ko habang mabilis na lumapit sa kanila.

Marahan namang ibinigay naman ni Mama sa akin ang bata. "Nilalagnat si Stefano Gen. Kanina ay sinat lang kaya alaga ko ng punas. Pinainom ko na rin ng gamot kanina ng pumunta rito si Yuki, kaso mukang hindi tumatalab yung gamot niya eh. Mataas pa rin ang lagnat niya. Kanina inatake na naman uli siya ng panginginig niya," naluluha ng kwento ni Mama.

Stefano has a tourette syndrome, in born ito at hindi namin alam kung saan ba niya nakuha, kahit nga ang mga doctor ay hindi rin ito maipaliwanag. Bukod pa sa tourette niya ay meron ding autism ang anak ko. Hirap din siya sa pagsasalita at maging sa paglakad.

Noong una ay iniisip ko na baka ang anak ko ang nagbabayad ng lahat ng kasalanan ko noon. Pero sabi nga ni Ate Yuki, walang kinalaman ang ginawa ko noon sa kalagayan ng anak ko. Nandyan na si Stefano. Hindi ko man siya plinano pero siya ang regalo sa akin ng Diyos kaya patuloy akong nagpapakatatag.

Muli kong ibinalik si Stefano kay Mama bago muling lumabas ng silid namin. Ayaw ko mang bumalik sa buhay ko noon pero kagaya ng sitwasyon na kinaharap ko noong si Mama ang nanganganib na mawala sa akin, ngayon ay muli akong kakapit sa patalim para naman sa buhay ng anak ko. Bilang ina, lahat gagawin ko para sa kanya.

Mabilis kong tinungo ang bar kung saan nag tatrabaho si Ate Yuki. Agad naman akong pinapasok ng guard dahil kilala na rin naman niya ako. Inantay ko lang si Ate Yuki sa may banyo at ng makita ko siya ay agad akong tumakbo palapit sa kanya.

Umiiyak akong yumakap kay Ate Yuki at alam ko maging siya ay umiiyak na rin. "Ate...." humihikbing wika ko, "Tatanggapin ko na ang trabahong inaalok sa akin ni Simon. Kailangan kong dal’hin ang anak ko sa ospital Ate," humahagulhol ko pa rin dugtong.

Ilang sandali pa at sinamahan na ako ni Ate Yuki kay Simon, ang may ari ng club kung saan siya nag tatrabaho. Binigyan din ako ni Simon ng sampung libo para magamit ko sa pagdala kay Stefano sa ospital. Buong puso akong nagpasalamat dito bago ako tuluyang umalis.

Sa pagtanggap ko ng perang hawak ko ngayon alam kong simula na uli ito ng maruming buhay ko. Dahil simula bukas ang katawan ko ay hindi ko na pagmamay-ari, nakalaan na ito sa mga taong nagnanais ng serbisyo ko mapaligaya ko lang sila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Epilogue

    ---- True love never has a happy ending, because there's no happy ending in true love. ----"Mama... play with kuya?" patakbong lumapit si Raydon kay Gen na ngayon ay kasalukuyang nakahiga sa aking hita. Nasa garden kami ngayon sa rest house ko sa Cebu at kasalukuyang naglalaro ang magkapatid."It's okay to play with Kuya baby, just ask permission first, okay?" bilin naman ni Gen sa bata.Raydon is now three. Noong unang mga linggo nang makita niya si Gen ay naging mahirap para sa aming lahat. Ayaw kasi sumama ng bata kay Gen dahil lumaki ito na hindi niya nakikita ang ina. Bakas ang lungkot sa mga mata ni Gen noong mga panahon na iyon lalo na at talagang nakaranas rin siya ng trauma dahil sa pagkakabihag sa kanya ni Marcedes sa loob ng dalawang taon.Muling nangibabaw naman ang hagikhikan ng magkapatid sa hindi kalayuan sa amin nang ipahiram ni Stefano ang kanyang paboritong laruan sa kanyang kapatid."Careful... Aarush..." bilin pa nito sa nakababatang kapatid.Maganda rin ang devel

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Thirty-Five: SAVED

    ----Thank you Alphy, for not giving up on me. Thank you for saving me...--------Aurora Geneveive Delos Santos----Halos hindi na mapatid ang pag-agos ng aming mga luha dahil sa nabasang mensahe ni Gen. Ilang mensahe pa ang ipinadala nito nitong nagdaang isang linggo kasabay ng ilang beses niyang pagtawag. Sinubukan naming tawagan ang numero ngunit nakapatay na ito kaya naman wala kaming nagawa kundi ang muling mag-antay sa susunod na pagtawag ni Gen sa amin."Stefano anak, sigurado ka ba na si Mama ang nakausap mo?" muling tanong ni Steeve sa bata na ngayon ay nakaupo sa kanyang hita habang kumakain ng tinapay."Y-yes.. d-da-ddy..." tugon pa muli nito sabay turo sa cellphone na aming hawak at tila nais itong kunin."Apo, puwede bang hiramin ni Lola ang cellphone mo? Gamitin mo muna yung tablet ni Tita sa pag-play," malambing na wika pa ni Tita Genina sa bata. Ayaw man noong una ni Stefano na ibigay ang kanyang cellphone sa amin dahil maging siya ay nag-aantay rin ng tawag mula sa ina

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Thirty-Four: Enemy

    ---- To know your enemy, you must become your enemy. ----Days became weeks, but still, there's no update on where Gen is. Ang huling kita sa kanya ay sa kuha pa ng CCTV mula sa delivery room kung saan siya inilabas ng isang babaeng naka suot ng scrub suit at inakala ng marami na isang staff rin ng hospital, ngunit matapos iyon ay wala nang ibang kuha ang aming nakita.Inilabas rin namin ng araw na iyon si Raydon sa takot na baka ang anak ko naman ang kanilang makuha. Nanatili kaming mag-ama sa puder pa rin ni Tito Aurelio dahil alam ko, dito mas ligtas ang anak ko."Ssshhh... baby stop crying now, please! Daddy is here. Ano pa bang gusto mo anak?" naiiyak ko nang pagkausap sa dalawang linggong gulang kong anak habang patuloy ang pagsasayaw rito para lang huminto ito sa pag-iyak. Dahil dito ay hindi ko maiwasang maisip muli si Gen at ang kalagayan nito. Kung nandito ba siya, mahihirapan kaya akong patahanin ang anak namin. Kung nandito ba siya, pareho rin kaya kami ng gagawin para map

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Thirty-Three: Sunshine

    ---- Any man can be a father, but it takes a special person to be a dad. ----Dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na nahintay pa si Ryan. Pagkalapag na pagkalapag pa lang ng aming sinasakyan ay agad na rin akong napatakbo sa loob ng ospital para puntahan si Gen. Naabutan ko pa sa labas ng delivery room si Tita Genina at Tito Aurelio, habang si Auralyn naman ay nakaupo sa waiting area hindi kalayuan sa delivery room habang kalong si Stefano."Tita, si Gen po?" habol-hiningang tanong ko pa sa ginang nang wastong makalapit na ako sa kanyang pwesto."Nasa loob na, Alphy. Kanina pa sumasakit ang tiyan niya kaya dinala na namin dito, pero sabi naman ng doktor ay hindi pa naman pumuputok ang panubigan niya pero tingin nila ay ano mang oras ay puwede nang manganak si Gen," paliwanag pa nito.Sakto naman na lumabas din ang isang doktor mula sa loob ng silid kaya naman agad rin kaming napalapit dito."Who's the father of the baby?" tanong pa nito habang nakaharap sa amin.Agad naman ako

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Thirty-Two: Fear

    --- I'm not afraid of dying. I'm afraid of losing you. That's when my world ends. ---Five months had passed since the explosion incident, and despite the absence of any further threats, Tito Aurelio decided not to lower our guard yet. Nanatili pa ring mahigpit na nagbabantay ang aming mga tauhan at hangga't maaari ay hindi pa rin namin hinahayaan na lumabas ng mag-isa ang sino man sa pamilya. Kung kinakailangan naming lumabas, gaya na lamang ng checkup ni Gen at Stefano, sinisigurado namin na maraming bantay ang nasa aming paligid para masigurado ang kaligtasan ng lahat."Pupunta ba rito si Steeve, Gen? Diba ay Sabado ngayon at araw ito ni Steeve para kay Stefano?" usisa ni Tito Aurelio habang sabay-sabay kaming kumakain ng umagahan.Matapos ang pagsabog noong nakaraang limang buwan, agad ding napasugod si Steeve sa bahay para bigyan kami ng paalala. Matapos daw ang paglilitis kay Stella at makulong ang babae, hindi na muling nagpakita si Marcedes maging sa kanya, at ninakawan pa raw

  • Saved (Alfred Zephyr Cordiva)   Thirty-One: Threat

    ----Don't ever be afraid of telling someone you love them. There are things wrong with your world, but an excess of love is not one. ---"Anong nangyayari? Bakit ang daming tao rito?" naguguluhang tanong ni Tita Genina matapos niya kaming madatnan sa may sala."Nag-iingat lang ako, mahal ko," sagot naman ni Tito Aurelio sa babae bago ito kinintalan ng halik sa noo nang makalapit ito sa amin. "Mukhang may nagmamanman sa atin. Sa ngayon ay hindi pa natin alam kung ano ang pakay ng taong nagmamatyag sa atin pero mas mabuti na ang nag-iingat," patuloy na paliwanag pa nito habang muling pinanonood ang CCTV magmula pa noong nakaraang linggo."Hon, magpahinga ka muna, baka makasama sa'yo ang sobrang pag-iisip at pagpupuyat," paalala ko naman kay Gen na hanggang ngayon ay nakaupo lang sa aking tabi."Hindi rin naman ako makakatulog sa taas eh, saka hindi pa naman ako inaantok," turan naman nito bago bahagyang humilig sa aking balikat.Sinulyapan naman kami ni Tito Aurelio bago muling makiusap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status