LOGIN----There is no nakedness that compares to being naked in front of someone for the first time.----
Stefano was diagnose with dengue. Sabi nga ng doctor na tumingin sa kanya ay mabuti raw at nadala namin s’ya agad sa hospital dahil kung nahuli kami kahit limang minuto lang ay maaring mawala sa akin ang anak ko.
"’Nak, baka naman may iba pa tayong pagpipilian," lumuluha na wika ni Mama habang hinahaplos ang ulo ng aking anak. Sinabi ko na kasi kay Mama kung saan ko kinuha ang pera na ginamit namin para madala si Stefeno rito sa hospital. Alam na rin niya ang plano ko at ang pagsisimula ko sa club mamayang gabi para doon magtrabaho.
Isang malalim na buntong hininga naman ang aking pinakawalan bago ko nagawang harapin si Mama. "Meron naman Ma," sarkastiko kong turan sa kanya. "Una, ang tanggapin ang tulong ng magaling kong ama kasabay ng pagtanggap din natin ng mga masasakit na salita mula sa kanya kagaya ng kung paano niya ako murahin mula ulo hanggang paa ng lumapit ako sa kanya para humingi ng tulong sa pagpapagamot mo noon,” puno pa rin ng hinanakit ko sabi. “O kaya naman baka gusto mong dal’hin natin si Stefano kay Steeve, tamang-tama Ma, doctor siya, kayang-kaya n’yang suportahan ang gamutan ng apo mo. ‘Yun nga lang sa oras na gawin natin yun ariin mo na ring patay ang apo mo dahil sigurado ako hinding-hindi na natin siya makikita pa," patuloy na wika ko pa.
Totoo naman, hindi ko maaring sabihin na wala akong pagpipilian sa mga desisyon na ginagawa ko ngayon dahil ang totoo ay meron naman talaga akong choice. Pero ang desisyon na ginawa ko kagabi ay ang desisyon na sa tingin makakabuti sa aming lahat. Desisyon na alam ko sa bawat umaga na uuwi ako, meron akong anak at ina na uuwian. After all, wala na namang mawawala sa akin, gasino ba naman na muli kong gamitin ang katawan ko para sa magandang buhay ng anak at Mama ko. Hindi naman siguro habang-buhay ganito ang sitwasyon namin diba? Dahil naniniwala pa rin ako, gaya ng paglitaw ng mga bahaghari sa langit tuwing natatapos ang ulan ay mararanasan din namin nila Mama ang masaya at payapang buhay.
Hindi naman na muling nagsalita si Mama dahil alam din niya ang sitwasyon naming dalawa. Bigla rin ang pagtunog ng cellphone ko dahil sa isang tawag na pinagpapasalamat ko na lang din dahil nagkaroon ako ng dahilan para umalis sa loob ng silid ng anak ko.
"Hello Gen. Kamusta si Stefano? Pasensya ka na ha hindi ako nakadalaw kanina, kakauwi ko lang kasi. Yung isang constumer ko kasi kagabi broken hearted kaya ayun inabot na ako ng liwanag para masamahan lang siya," pangangamusta ni Ate Yuki sa kabilang linya.
Naupo naman ako sa isang bakanteng upuan sa labas ng silid ng anak ko bago ko nagawang makipagkwentuhan kay Ate Yuki. "Wala yun ate ano ka ba. Saka okay na si Stef, may dengue pala s’ya kaya hindi nawawala yung lagnat niya. Pero sabi naman ng doctor ay ligtas na naman daw ang anak ko. Kailangan lang namin manatili rito ng ilang araw pa para masigurado na maayos na talaga siya," kwento ko pa sa kanya sa kalagayan ng anak ko.
"Mabuti naman kung ganon. Napakadumi kasi sa lugar natin. Minsan nga natatakot na rin ako para kay Yuka eh. Nung isang araw nga nagsusuka at nagtatae s’ya, yun pala hinayaan nung tagabantay na maglaro sa labas hindi namalayan na namumulot na pala ng laglag na tsitsirya ang anak ko at yun ang kinain," kwento naman n’ya sa nangyari sa anak. Yuka is her daughter, apat na taon na ito at madalas kumukuha lang si ate ng tagabantay sa bata sa gabi sa tuwing papasok siya sa club. Madalas mga kapitbahay lang din naman namin ang kinukuha niya, yun nga lang dahil hindi naman nila kadugo ang bata ay hindi nila minsan nababantayan ng maayos.
"Kaya nga ate eh. Kung ako lang talaga may extrang pera kumuha na sana ako ng mas maayos na apartment para sa anak ko at kay Mama. Kaso alam mo naman ang sitwasyon natin diba. Siguro pag nakaipon na ako kahit kaunti sa club baka lumipat na kami," sabi ko naman sa kanya. Mahirap din kasi ang sitwasyon namin sa apartment. Yung mga kasama kasi namin minsan ay nag-iinuman at nagkakantahan kaya minsan ay hindi nakakatulog ng maaayos ang anak ko. Idagdag pa ang amoy sigarilyo sa paligid na wala naman akong magawa dahil una sa lahat hindi naman namin solo ang lugar. Kaso gustuhin ko man na umalis ay wala naman kaming malilipatan sa ngayon.
"Kung gusto mo Gen, magsama kaya tayo sa isang apartment. Tutal magkasama na rin naman tayo sa club p’wede tayong magsabay pagpasok at pag-uwi. Tapos maghati na lang tayo sa renta at sa iba pang mga gastusin," suhesyon naman ni Ate Yuki.
Napaisip naman ako sa kanyang sinabi. Pero gustuhin ko man ay wala naman akong extrang pera na maibibigay sa kanya ngayon para sa paunang bayad kung sakaling makakakuha kami ng apartment na mas maayos.
"Okay naman sa akin Ate. Kaso wala na akong extrang pera ngayon. Yung binigay ni Simon sa akin kagabi a-apat na libo na lang ang natira dahil binayad ko rito sa hospital," paliwanag ko naman sa kanya.
Naiintindihan naman ni Ate Yuki ang sitwasyon ko kaya naman sinabi n’ya na s’ya na lang muna ang magbabayad ng una sa apartment na makukuha namin. Sinabi ko kay Mama ang napag-usapan namin ni Ate Yuki at nagpresinta naman ito na siya na lang ang mag-aalaga kay Yuka para kahit papaano ay makatulong s’ya sa aming dalawa.
Kinagabihan ay dinaanan ako ni Ate Yuki sa hospital para sabay na kaming pumasok sa club. May dala rin s’yang ilang dress niya na ipapahiram niya sa akin dahil talagang wala naman akong maisusuot kung hindi dahil sa kanya.
"O Gen pumili ka na muna ng susuutin mo ngayon. Maaga pa naman tamang-tama maayusan pa kita," wika pa nito sabay abot ng isang paper bag na puro damit na agad ko namang kinuha. "Kamusta po pala Tita si Stefano?" rinig ko pang pangangamusta nito kay Mama habang papasok ako sa banyo para magbihis.
Isang kulay purple na dress ang napili kong isuot. Sa lahat kasi ng dala ni Ate Yuki ay bukod tanging ito lang ang medyo mahaba na umabot hanggang sa aking tuhod. Sleeveless nga lang ang desenyo nito at hapit na hapit sa aking katawan, nakakailang man pero kailangan ko na ring masanay sa mga ganitong gayak.
"Sigurado po ba kayo Tita na okay lang na rito ko iwan itong si Yuka?" rinig kong tanong ni Ate Yuki kay Mama saktong paglabas ko sa banyo.
"Oo naman. Saka mabait naman ‘yang si Yuka mo hindi mahirap alagaan. Saka isa pa matutuwa ang apo ko pagkagising niya at makita niya ang Ate Yuka niya dahil may kalaro na siya," nakangiting sagot naman ni Mama. Imbis kasi na iupa ni Ate Yuki ng mag-aalaga sa anak niya ngayong gabi ay sinabi ni Mama na dal’hin na lang ang bata rito sa hospital para sabay niyang maalagaan.
Saglit lang din akong inayusan ni ate at pagkatapos noon ay sabay na rin kaming nagpunta sa club. Pagdating namin sa lugar ay agad namang dumeretso si Ate Yuki sa VIP room dahil naroon na raw ang isang costumer nito at kanina pa nag-aantay sa kanya. Ako naman ay dumeretso muna sa opisina ni Simon dahil unang gabi ko pa lang rin dito at hindi ko pa alam kung ano ang aking gagawin.
Tatlong mahihinang katok naman ang aking ginawa ng tumapat ako sa pinto ng opisina nito bago ko ito marahang binuksan. "Magandang gabi Simon," bati ko sa lalaki na nakaupo sa pang-isahang upuan.
"Gen, it's good to see you here. Akala ko ay sa isang araw ka pa magsisimula pagkalabas ng anak mo," nakangiting turan pa nito bago ako pinasadahan ng malagkit na tingin sabay tayo at lapit sa akin.
Kahit pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko dahil sa paraan ng pagtingin n’ya, lalo na ng ikutan n’ya ako ay hindi ako kumibo. Ito ang trabahong pinasok ko kaya wala akong karapatang magreklamo.
Matapos ang ilang sandali ay pinadaan naman nito ng kanyang daliri aking mukha pababa sa aking leeg hanggang sa aking braso. "Nakapaganda mo talaga Gen. Paniguradong marami na namang parokyano ko ang mababaliw nito. Ngayong nandito ka na ay dalawa na kayo ni Yuki na magdadala ng nakakabaliw na gabi sa mga parokyano ko," marahan pa nitong ani habang hinahalikan ang aking leeg. Hindi ako kimubo at tanging madiing pagpikit na lang ang aking nagawa kahit pa naramdaman ko na rin ang pagdapo ng kamay n’ya sa aking dibdib at bahagya pa itong pinisil.
"Gusto sana kitang tikman muna bago ang magiging costumer mo, ang kaso ay limang minuto na lang at magsisimula na ang event sa taas. Tingin ko naman kahit na bago ka pa lang ngayon ay pwede na kitang ilako," nanghihinayang na wika pa nito matapos lumayo ng bahagya sa akin. Nang maramdaman ko na may sapat na siyang distansya ay doon ko naman nagawang imulat ang aking mga mata at pakawalan ang hangin na kanina ko pa pinipigilan.
"Anong event?" takang tanong ko naman sa kanya. Ngunit hindi naman siya sumagot, imbis ay lumabas lang ito ng pinto ng kanyang opisina at sinenyasan lang ako nito na sumunod sa kanya na ginawa ko naman.
Umakyat kami sa ikalawang palapag ng club kung saan naroon ang mga maraming silid na tinatawag nilang VIP room. At kahit pa hindi ko pa man napapasok ang mga silid na iyon ay alam kong sa oras na pumasok ako doon ay kailangan kong ibigay ang lahat sa akin para lang mapasaya ang lalaking magbabayad ng malaking halaga para lang sa serbisyo ko.
Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ni Simon hanggang sa marating namin ang isang silid na may kulay gintong pinto. Sa lahat ng silid ay tanging ito lang ang naiiba kaya naman alam kong espesyal ang nasa likod ng pintong ito.
"Our VVIP costumers are already inside Gen. Pero hindi mo sila makikita at tanging sila lang ang makakakita sayo," paliwanag ni Simon sabay bukas ng pinto.
Sa pagbukas pa lang nito ay tumambad sa akin ang dalawang silid. Ang isang kwarto ay nahaharangan ng salamin at sa loob nito at may nasa dalawampung babaeng walang suot na kahit ano sa kanilang katawan kundi ang numero lang na nasa kanilang leeg. Sa kabilang banda naman ng silid ay isa uling kwarto kung saan meroong mga tao sa loob ngunit hindi aninag ang kanilang mukha dahil sa espesyal na salamin na nakaharang dito.
"This is our bidding room. Dito magpapataasan ang mga kliyente natin para mailabas kayo. All those girls inside are all new here kagaya mo. Some of then are still virgin that’s why we are expecting high bids on them. Somes undergo some training para lang maging handa sa araw na ito. But in your case, you don't need any preparation. Hindi ka man virgin pero alam kong limpak-limpak na salapi pa rin ang dadalhin mo sa akin dahil sa akin mong ganda. Dahil ngayon pa lang nakikita ko na kung paano mababaliw ang lahat sa'yo," mahabang paliwanag ni Simon sa akin.
Nanatili lang kami ng ilan pang minuto sa labas ng espesyal na silid na yun hanggang sa isa-isa nang naglabasan ang mga babae sa loob gamit ang isa pang pinto sa kabilang dako ng silid.
"Now Gen strip. Dahil ikaw na ang susunod," seryosong ani pa ni Simon bago ito lumapit sa isang mikropono na nasa gilid ng silid.
"Gentlemen's may I have your attention please," pagkuha nito ng atensyon sa mga lalaki sa loob ng isang pribadong kwarto. "Tonight is a very special night for all of us. I'm here, and I'm glad to announce to everyone that tonight we have our new member in our family. In a few moments, you will meet our newest sensation, Gen, and she is now open for bidding. Her bid will start at one hundred thousand pesos, and the highest bidder can take her out tonight," anunsyo pa ni Simon bago muling patayin ang mikropono at muling humarap sa akin.
"Ano pang inaantay mo Gen, hubad na, madaming nag-aantay sa'yo sa loob," muling seryosong ani nito. Mabigat man sa loob ay pikit-mata akong naghubad sa kanyang harap. Wala akong itinira maging ang dignidad ko. Nang tuluyan ko nang maalis ang lahat ng saplot sa aking katawan ay isang madiin at mapusok na halik naman ang iginawad sa akin ni Simon bago niya ako pinapasok sa silid kung saan paglalabanan ng mga kalalakihan sa kabilang silid ang serbisyong ibibigay ko sa kanila ngayong gabi.
---- True love never has a happy ending, because there's no happy ending in true love. ----"Mama... play with kuya?" patakbong lumapit si Raydon kay Gen na ngayon ay kasalukuyang nakahiga sa aking hita. Nasa garden kami ngayon sa rest house ko sa Cebu at kasalukuyang naglalaro ang magkapatid."It's okay to play with Kuya baby, just ask permission first, okay?" bilin naman ni Gen sa bata.Raydon is now three. Noong unang mga linggo nang makita niya si Gen ay naging mahirap para sa aming lahat. Ayaw kasi sumama ng bata kay Gen dahil lumaki ito na hindi niya nakikita ang ina. Bakas ang lungkot sa mga mata ni Gen noong mga panahon na iyon lalo na at talagang nakaranas rin siya ng trauma dahil sa pagkakabihag sa kanya ni Marcedes sa loob ng dalawang taon.Muling nangibabaw naman ang hagikhikan ng magkapatid sa hindi kalayuan sa amin nang ipahiram ni Stefano ang kanyang paboritong laruan sa kanyang kapatid."Careful... Aarush..." bilin pa nito sa nakababatang kapatid.Maganda rin ang devel
----Thank you Alphy, for not giving up on me. Thank you for saving me...--------Aurora Geneveive Delos Santos----Halos hindi na mapatid ang pag-agos ng aming mga luha dahil sa nabasang mensahe ni Gen. Ilang mensahe pa ang ipinadala nito nitong nagdaang isang linggo kasabay ng ilang beses niyang pagtawag. Sinubukan naming tawagan ang numero ngunit nakapatay na ito kaya naman wala kaming nagawa kundi ang muling mag-antay sa susunod na pagtawag ni Gen sa amin."Stefano anak, sigurado ka ba na si Mama ang nakausap mo?" muling tanong ni Steeve sa bata na ngayon ay nakaupo sa kanyang hita habang kumakain ng tinapay."Y-yes.. d-da-ddy..." tugon pa muli nito sabay turo sa cellphone na aming hawak at tila nais itong kunin."Apo, puwede bang hiramin ni Lola ang cellphone mo? Gamitin mo muna yung tablet ni Tita sa pag-play," malambing na wika pa ni Tita Genina sa bata. Ayaw man noong una ni Stefano na ibigay ang kanyang cellphone sa amin dahil maging siya ay nag-aantay rin ng tawag mula sa ina
---- To know your enemy, you must become your enemy. ----Days became weeks, but still, there's no update on where Gen is. Ang huling kita sa kanya ay sa kuha pa ng CCTV mula sa delivery room kung saan siya inilabas ng isang babaeng naka suot ng scrub suit at inakala ng marami na isang staff rin ng hospital, ngunit matapos iyon ay wala nang ibang kuha ang aming nakita.Inilabas rin namin ng araw na iyon si Raydon sa takot na baka ang anak ko naman ang kanilang makuha. Nanatili kaming mag-ama sa puder pa rin ni Tito Aurelio dahil alam ko, dito mas ligtas ang anak ko."Ssshhh... baby stop crying now, please! Daddy is here. Ano pa bang gusto mo anak?" naiiyak ko nang pagkausap sa dalawang linggong gulang kong anak habang patuloy ang pagsasayaw rito para lang huminto ito sa pag-iyak. Dahil dito ay hindi ko maiwasang maisip muli si Gen at ang kalagayan nito. Kung nandito ba siya, mahihirapan kaya akong patahanin ang anak namin. Kung nandito ba siya, pareho rin kaya kami ng gagawin para map
---- Any man can be a father, but it takes a special person to be a dad. ----Dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na nahintay pa si Ryan. Pagkalapag na pagkalapag pa lang ng aming sinasakyan ay agad na rin akong napatakbo sa loob ng ospital para puntahan si Gen. Naabutan ko pa sa labas ng delivery room si Tita Genina at Tito Aurelio, habang si Auralyn naman ay nakaupo sa waiting area hindi kalayuan sa delivery room habang kalong si Stefano."Tita, si Gen po?" habol-hiningang tanong ko pa sa ginang nang wastong makalapit na ako sa kanyang pwesto."Nasa loob na, Alphy. Kanina pa sumasakit ang tiyan niya kaya dinala na namin dito, pero sabi naman ng doktor ay hindi pa naman pumuputok ang panubigan niya pero tingin nila ay ano mang oras ay puwede nang manganak si Gen," paliwanag pa nito.Sakto naman na lumabas din ang isang doktor mula sa loob ng silid kaya naman agad rin kaming napalapit dito."Who's the father of the baby?" tanong pa nito habang nakaharap sa amin.Agad naman ako
--- I'm not afraid of dying. I'm afraid of losing you. That's when my world ends. ---Five months had passed since the explosion incident, and despite the absence of any further threats, Tito Aurelio decided not to lower our guard yet. Nanatili pa ring mahigpit na nagbabantay ang aming mga tauhan at hangga't maaari ay hindi pa rin namin hinahayaan na lumabas ng mag-isa ang sino man sa pamilya. Kung kinakailangan naming lumabas, gaya na lamang ng checkup ni Gen at Stefano, sinisigurado namin na maraming bantay ang nasa aming paligid para masigurado ang kaligtasan ng lahat."Pupunta ba rito si Steeve, Gen? Diba ay Sabado ngayon at araw ito ni Steeve para kay Stefano?" usisa ni Tito Aurelio habang sabay-sabay kaming kumakain ng umagahan.Matapos ang pagsabog noong nakaraang limang buwan, agad ding napasugod si Steeve sa bahay para bigyan kami ng paalala. Matapos daw ang paglilitis kay Stella at makulong ang babae, hindi na muling nagpakita si Marcedes maging sa kanya, at ninakawan pa raw
----Don't ever be afraid of telling someone you love them. There are things wrong with your world, but an excess of love is not one. ---"Anong nangyayari? Bakit ang daming tao rito?" naguguluhang tanong ni Tita Genina matapos niya kaming madatnan sa may sala."Nag-iingat lang ako, mahal ko," sagot naman ni Tito Aurelio sa babae bago ito kinintalan ng halik sa noo nang makalapit ito sa amin. "Mukhang may nagmamanman sa atin. Sa ngayon ay hindi pa natin alam kung ano ang pakay ng taong nagmamatyag sa atin pero mas mabuti na ang nag-iingat," patuloy na paliwanag pa nito habang muling pinanonood ang CCTV magmula pa noong nakaraang linggo."Hon, magpahinga ka muna, baka makasama sa'yo ang sobrang pag-iisip at pagpupuyat," paalala ko naman kay Gen na hanggang ngayon ay nakaupo lang sa aking tabi."Hindi rin naman ako makakatulog sa taas eh, saka hindi pa naman ako inaantok," turan naman nito bago bahagyang humilig sa aking balikat.Sinulyapan naman kami ni Tito Aurelio bago muling makiusap







