Share

Scars of Yesterday
Scars of Yesterday
Author: Amazing_Mind

Prologue

IT is a beautiful day in the town of West Carolina. The sun is up, the birds are singing, the people in the town are healthy and smiling, the children are playing; the clouds are clear while the skies are blue, and everything is perfect and peaceful.

Another normal day for the people of West Carolina but they are all looking forward with this moment to come.

Payapa ang lahat ng bagay gaya ng inaasahan. Ito rin ang pinakamahalaga at pinakamasayang araw para sa isang babaeng may pangalan na Venus Navaeh MonteVillamor, ang anak ng pinakamayamang tao sa lugar na ito. Wala na siyang ibang mahihiling pa kundi ang mangyari ang araw na ito.

This is the day she has been waiting for, the day that they have all been waiting for. The day of her most awaited wedding.

Hindi lang siya ang masaya sa araw na ito kundi ang lahat ng tao sa West Carolina ay masaya at naghihintay sa araw ng pag-iisang dibdib nila ng mapapangasawa niya.

Like who would not be happy on her wedding day? No woman never dreams about not being excited on her precious moment that she will cherish on her entire lifetime.

Lahat ay masaya at inaabangan ang araw na ito. Bukod kasi sa may malaking handaan at kasiyahan, nagmamahalan ang lahat ng mga tao dito at parang isang pamilya na ang turingan. Kaya naman abot langit ang kasiyahan na nararamdaman ng dalaga sa araw ng kanyang kasal.

This is the day that she will marry the man she loves. This is the day that she will spend her lifetime with the man she dreams to marry. This day is great and perfect. Nothing bad will happen and the wedding will just be going to be fine, she hopes so.

"Mga bata pasok na kayo!" Tinawag ni Aling Corazon ang mga batang babae na nasa labas ng kanilang community church na naglalaro. Mga flower girls kasi ito at kailangan na sila sa loob dahil magsisimula na ang kasal. Tumakbo naman ang mga batang babae sa loob at tumigil sa paglalaro, bakas sa mga mukha ng mga batang anghel ang kasiyahan para sa araw na ito.

Nang tuluyang nakapasok ang mga bata sa loob ng simbahan ay kaagad na dumiritso si Aling Corazon sa likuran kung saan may nakatayong maliit na modernong kubo. Pumasok ang matanda sa loob at doon niya natagpuan ang pinakamagandang dalaga sa araw na ito.

"Are you nervous?" Napukaw ang atensyon ni Venus nang magsalita ang kanyang kaibigang babae na si Carina. Habang ang kanyang isa pang kaibigan na si Karla ay abala sa paglagay ng karagdagang kolorete sa kanyang mukha dahil kanina pa siya pinagpapawisan.

"How do I look?" Tanong niya sa dalawa niyang kaibigan.

Karla smile and put some matte lipstick on her lips. "You look perfectly beautiful, Vee."

"You all look beautiful, ladies..." May dalawang kalalakihan ang pumasok sa loob ng kubo. Kapwa nakasuot ng pormal at magagandang tuxedo na halatang mamahalin dahil sa kalidad at hitsura nito.

Iniwanan si Venus ng dalawa niyang kaibigan dahil sinalubong ng mga ito ang dalawang lalaking kararating lamang ng maiinit na mga halik.

H******n ni Carina ang kanyang asawa na si Marco at hinalikan naman ni Karla ang kasintahan nito na si Jackson.

Masaya si Venus na nakikitang masaya ang dalawang babaeng importante rin sa buhay niya sa piling ng mga lalaking minamahal nila at wala na siyang ibang mahihiling pa kundi ang sumaya din siya sa piling ng mapapangasawa niya.

Marriage is not a game that she and her husband will play. But it is a serious matter where they should face the struggles together.

Hindi biro ang pagpapakasal sapagkat hindi lang kasiyahan at pagmamahalan lang ang kailangan. Kaakibat din nito ay ang tiwala, pangako, at suporta na ibibigay ninyo sa isa't-isa.

It is not all about the happiness and rainbows. But there is always pain and problems they have to face and to solve. Venus and her husband are just young but the love they've shared together was strong enough to made a bond that connects their heart's content.

"Normal lang na kabahan ka, hija." Napatingin naman siya kay Aling Corazon na nagsalita sa may bandang kanan at niyakap naman niya ito.

"Oh! I'm just so excited and nervous at the same time, Aling Corazon..." She said that with pure bliss written all over her eyes.

Masaya si Aling Corazon na ikakasal na ang alaga niya, siya kasi ang mayordoma ng MonteVillamor Mansion kung saan pinagsisilbihan niya ang pamilyang ito buong buhay niya. Kaya naman pamilya na ang turing ng matanda sa kanila at sila naman ay pamilya na din ang turing kay Aling Corazon.

"Do you think everything will going to be fine?" Venus asked.

Aling Corazon smile, showing her perfect set of teeth. "Magiging okay lang ang lahat, hija."

Lumapit naman ulit ang dalawa niyang kaibigan na may mga ngiti sa kanilang mga labi. Pilit man na inaalis ni Venus ang kaba sa kanyang dibdib subalit hindi niya maitatanggi na may negatibong konklusyon pa din na pumapasok sa kanyang isipan sa kabila ng saya na kanyang nararamdaman ngayon.

"I'm getting married!" She exclaims with joy, trying to scratch the negative thought on her head. This day will be great and everything will be going to be just like what they have expected. Just like what they have planned.

Napagtanto niyang nakaalis na pala sina Marco at Jackson sa kubo. Mukhang hinihintay din ng mga ito ang lalaking mapapangasawa niya. Napagbugtong hininga naman siya, akala nga niya ay nahuli na siya subalit wala pa din dito ang mapapangasawa niya.

"Asan na ba ang lalaking iyon?" Tanong ni Venus sa kanyang mga kaibigan. Sinabihan pa niya ito noong huli silang nagkita na huwag magpapahuli sa kanilang kasal. Pero bakit ngayon? Ano na ang kalagayan nito?

Mas naging doble pa ang kabang naramdaman niya nang makitang pumasok ulit sina Marco at Jackson sa kubo na bagsak ang mga balikat at ang kanilang mga mukha ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Kinaway at tinawag ng mga ito sina Karla at Carina kaya naman lumapit ang dalawa niyang kaibigan ulit sa mga lalaki.

Seryosong nag-uusap ang apat at akmang lalapit na sana siya sa grupo kaso dumating ang kanyang ama at ina na may mga ngiti sa labi. Masayang niyakap siya ng mga ito at h******n ang kanyang pisngi at noo.

"You look beautiful just like your mother, Princess..." Her father sound so calm and proud. May namumuong luha sa mga mata nito at halatang hindi pa kayang tanggapin na malaki na siya at ikakasal na.

"Sus! Huwag mo nga akong bolahin, Fredo." At inirapan naman ng kanyang ina ang kanyang ama. Pilyong napangiti naman ang kanyang ama habang hinaharot ang kanyang ina. "Stop that, Fredo. Nakikiliti na ako..."

"Mama...papa..." Hindi niya alam kung paano magpapasalamat sa pagmamahal ng mga ito at suporta sa kanya. Masaya siya na kahit kailan ay hindi hinadlangan ng kanyang mga magulang ang mga desisyon niya. "I love you both."

"We love you too, Sweetheart." Niyakap na naman siya ulit ng kanyang ina.

"I love you too, Princess." At masayang nakangiti naman ang kanyang ama habang pinagmamasdan silang mag-ina.

"I'm not a princess anymore, papa." She smiles and then hug them both as she added, "Sooner or later I'll be the queen of my beloved king."

"Vee..." Nakuha ni Karla ang kanyang atensyon kaya naman nagpaalam muna siya sa kanyang mga magulang at lumapit.

"Bakit?" Tanong niya sa mga kaibigan subalit nagtataka siya dahil puno ng kalungkutan ang mga mata nila. Isang kalungkutan na hindi niya maipaliwanag kung bakit.

"He's not coming..." Ang kaibigan na niyang si Carina ang naglakas ng loob na sabihin ang mga katagang iyon kay Venus.

Her eyebrows furrowed. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Nalukot ang mukha ni Carina at bahagyang nagbaba ng tingin sina Karla, Marco, at Jackson. Hindi pa kasi nagsi-sink in sa utak ni Venus ang ibig sabihin ni Carina.

"He's not coming, Vee..." Inulit ni Carina ang kanyang sinabi at naawa ito nang nagsimulang maglandas ang mga luha ni Venus mula sa kanyang mga mata at kumirot ang kanyang dibdib. "Mathis is not coming..."

"No that's not true..." Napahagulhol naman si Venus. Ito na ba ang kasagutan sa kabang nararamdaman niya kanina pa? Hindi siya naniniwala, mahal nila ang isa't-isa at sigurado siya na hindi siya iiwan sa ere ni Mathis.

"What's happening here?" Tuluyan nang lumapit sa kanila ang mga magulang ni Venus pati na din si Aling Corazon nang makita nilang umiyak ang dalaga.

"T-Tito..." Namutla naman si Marco nang salubungin nito ang umaapoy sa galit na mga mata ng ama ni Venus.

"Carina..." Tinawag naman ng ina ni Venus ang babae at tumingin din sa isa pa niyang kaibigan. "Karla..."

"Tita...tito..." Nagbaba muna ng tingin si Carina bago hinarap ang umaapoy na mga mata nila. "Mathis is not coming."

"No! That's not true!" Venus keeps denying it even though her mind is screaming that it was true. "Hindi iyon magagawa ni Mathis sakin! He loves me, he really does!"

"Hija..." Marahang hinahagod naman ni Aling Corazon ang likod ng dalaga. Magulo na ang hitsura nito dahil nabasa na ang make-up sa mga luha.

"Aling Corazon, please tell me that hindi po yun magagawa ni Mathis. Di ba mahal niya ako? Di ba matutuloy pa din ang kasal namin?" Pilit kinukumbensi ni Venus ang kanyang sarili baka sakaling nagsisinungaling lang ang mga ito o nagbibiro. Subalit alam niya na tunay ang kalungkutan na namumuo sa mga mukha nila.

Kaya naman pinunasan ni Venus ang kanyang sariling luha at mabilis na lumabas ng kubo. Hinawakan niya ang laylayan ng kanyang wedding dress upang hindi siya matumba at binalanse ang katawan habang tumatakbo na nakasuot ng white stiletto.

"Vee! Saan ka pupunta?!" Narinig niyang sumigaw ang kanyang nakakatandang kapatid nang mapadaan siya sa simbahan at tumakbo lang ng diritso palayo dito.

Hindi na siya nag-abala pang lumingon o intindihin ang hitsura niya basta kailangan lang niya na mapuntahan si Mathis sa bahay nito. Hindi siya naniniwala hangga't hindi niya nakikita na wala ang binata sa pamamahay nito.

Dalawang minuto lang niya tinakbo ang bahay ni Mathis mula sa simbahan. Hinihingal siya dahil sa pagtakbo pero sigaw pa din siya ng sigaw sa labas subalit walang sumasagot sa kanya mula sa loob ng bahay. Desperado siyang malaman ang katotohanan kaya naman pinasok niya ang pamamahay ng lalaki at wala siyang natagpuan na tao sa loob.

Wala ang mga kasambahay. Wala rin ang ama ng lalaki. At higit sa lahat, wala ang anino ni Mathis. Nilibot niya ang bawat sulok ng bahay subalit wala siyang ibang natagpuan kundi ang kanyang sariling nasaktan at iniwan ng minamahal.

He left her without goodbye. He left her without any reason.

Ang masakit ay sa mismong araw pa ng kasal nila. Kanina pa niya kinakagat ang kanyang pang-ibabang labi dahil sa pagpipigil sa sakit na nadarama habang kinukurot ang sarili baka sakaling masamang panaginip lang ang lahat ng ito.

But sadly, this is reality. She can't escape the fact that the man she supposed to spent her life with left her without goodbye. She can't even think a reason why he did this to her.

Maayos at masaya ang naging takbo ng relasyon nila bago ang kasal. Hindi naman sa perpekto ang kanilang relasyon subalit nasa mabuting kalagayan naman silang dalawa.

Kaya naman malaking palaisipan para kay Venus kung bakit iniwan siya nito ng walang paalam. Hindi lang palaisipan kundi matinding sakit pa ang dulot nito.

Nagmahal lang naman siya at ano ang masama doon?

Then she holds on tight when she passed next to a chair because she felt dizzy and her vision became blurry. Maybe because of overthinking, crying, and feeling stress out because of what happened.

Unti-unting bumabalik ang masasayang nakaraan nilang dalawa ni Mathis at sa bawat pagpasok ng mga iyon sa kanyang isipan ay parang sinasaksak ang kanyang puso sa sakit na nararamdaman.

She felt so alone, so empty.

"Mathis..." She mumbled his name before she lost her consciousness and the darkness claimed her thoughts.

[Amazing_Mind]

July 2020

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mimi Ku
Paulit ulit po ang mga paragraph mo as if parang ini stretch lang.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status