LOGIN"Are you going to stand there all night?" tanong ni Calvin.
"Ha!" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ara. Kanina pa pala siya tulala. Hindi pa rin siya makapaniwala na mayaman na si Calvin? Paano nangyari? Ngumiti si Calvin. Ngiti na hindi niya alam kung anong pinapahiwatig. Ang alam niya hindi na ito matatamis na tulad ng dati lalo na pag nakita siya. "Sayang naman ang ibinayad sa'yo kung wala kang gagawin? Ang perang pinaghirapan ay di dapat sayangin." Dahan-dahan itong lumapit sa kanya dala ang isang baso ng wine. Huminto ito sa tapat niya at dahan-dahang ininom ang wine. Nauuhaw siya pero hindi sa wine. Nakita niya ang paggalaw ng adam's apple nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Hindi niya namalayang napalunok pala siya at pati siya ay biglang nauhaw. Napangiti ulit si Calvin. This time ay para itong nanunukso at nanunuya. "Thirsty?" tanong ulit nito. "Here." Inabot sa kanya ang wine glass pero umiling siya. Hindi pa siya nakakainom ng mga wine na ganoon. Baka malasing siya at di na makauwi pag tinikman niya. Bago pa niya nalaman ay nakalapit na ng tuluyan si Calvin. Gahibla na lang ang distansiya nila sa isa't-isa. Para siyang naduduling sa sobrang lapit nito. "Remember, I am your boss tonight. You have to follow my order. "ma-awtiridad na sabi nito. Napasinghap si Ara ng haplusin ni Calvin ang kanyang braso pataas sa kanyang leeg. Parang may kuryenteng nanalaytay sa kanyang balat at pinupukaw ang tinatago niyang damdamin. "No!" sigaw ni Ara. Sinubukang hablutin ni Calvin ang kanyang maskara. .Napahawak siyang mabuti sa tali nito at napaatras. "What's with the mask? Tss! As if you can hide your face forever! They told me that you are here to dance?" "Yes, Cal...yes sir!" utal-utal niyang sagot. "Kilala mo ako?" Natutop niya ang bibig pagkatapos niyang mabanggit ang pangalan nito. Napaatras ulit siya. Pero sumunod na naman ito. "Eh, nabanggit kasi nila kanina." palusot niya. Umatras ulit siya pero hinawakan siya ni Calvin sa baywang. Pigil na niya ang paghinga. "Tss! Are you now ready to dance?" pabulong nitong sabi na sumasayaw na rin sa harapan niya. Napigil niya ang pagtawa. Kung may hindi nagbago Kay Calvin ito yong pagiging asiwa niya sa pagsayaw. Lasing na ang lalaki sa katunayan naaamoy na niya ang alak sa bibig nito. Ayaw naman niyang mapahiya ito kaya sinabayan niya ito sa pagsayaw. Yong parang nasa bar sila pero sila lang dalawa. Sinabayan na niya ang ritmo ng katawan nito. Bumabangga ang dibdib niya sa katawan nito na lalong nagpapainit sa gabi. Mas mabuti na yong ganito kaysa naman panonoorin siyang parang dancer sa bar. Huminto saglit si Calvin sa pagsasayaw na parang nakikiramdam sa paligid. Mas lalo itong sumiksik sa kanya. Inamoy nito ang buhok niya at pati ang bandang leeg. "Shit! The smell of your hair and your scent.. is so familiar to me." anitong nakapikit pa. Ang amoy ba niya noong sila pa ang kinukumpara ni Calvin sa ngayon. Kung ganoon, hindi pa siya nakakalimutan ni Calvin. Para mawala ang tension ay sumayaw ulit siya pero hinila siya ni Calvin at napasandal siya sa matipuno nitong dibdib. "I know you are here to dance but can I kiss you? You're making me crazy. I will triple the pay." Bago pa siya makasagot kung papayag ba o hindi ay naramdanan na niya ang paglapat ng labi nito sa kanya. Kung ibang lalaki ito. Tiyak, hindi siya papayag. Pero ang lalaking minahal niya noon. Pero di nga lang alam ng lalaki na siya ito kasi nakamaskara siya. Walang gumalaw sa kanila pareho silang nakikiramdam. Hanggang sa naramdanan niya ang paggalaw ng labi nito sa labi niya. He was biting and sucking it and when she gives way he kissed like there's no tomorrow. Dahan-dahang parang nangangapa at nang naramdanan niyang tinutugon ang halika niya ay naging mapusok ito at mapanghanap. He was biting and sucking her lips like a hungry baby. Nagsisimula na ring maliyo si Ara sa nararamdaman. Wala ito sa usapan. Sayaw lang dapat. Pero si Calvin naman ang lalaking ito. "Calvin!" napasinghap siya ng maramdaman ang labi nito sa kanyang leeg. Nakikiliti siya na parang bibigay ang kanyang tuhod. Biglang huminto si Calvin sa paghalik at tinitigan siyang mabuti. Namumungay ang mga mata nito dala sa kalasingan. "Shit! Even the way you called my name is driving me crazy," sabi nito at siniil ulit siya ng halik sa labi. Habang ang mga kamay ay sinimulan ng pasyalan ang iba't- ibang parte ng katawan niya. "Sandali." Gusto niyang sabihin dito na wala sa usapan ang mga nangyayari pero parang napipi siya lalo pa't pinaglalaruan nito ang kanyang mga umbok sa harapan habang mariin pa rin siyang hinahalikan Hindi niya alam na May ganitong side si Calvin. Ang Calvin na kilala niya ay sweet, gentle and innocent. Sobrang opposite ng taong kahalikan niya ngayon. "Cal." sabi ni Ara na na hinihingal dahil sa dulot ng sensasyon na nagaganap. Bago sa kanya ang lahat. The fact na mahal pa rin niya si Calvin at sobrang na miss niya ito. Pero hindi pa siya handang harapin ang consequences kung sakaling maibigay niya ang sarili sa lalaki. Mas lalong hindi pa siya handang harapin ang lalaki bilang si Ara sa ngayon. Tinulak niya si Calvin at para namang nahimasmasan ito sa pinagagawa kanina. Napahilamos ito sa mukha. "I'm sorry! Nadala ako sa emosyon ko. I'll let my secretary handle everything for you." nahihiya nitong sabi Akma itong aalis ng hinawakan niya sa kamay. The same hand that she always wants to hold. Kung maibabalik lang sana niya ang nakaraan. Kung puwede lang bumalik at baguhin ang mga pangyayari. Sana nga puwede, pero wala namang ganoon. " Is there anything else that you need?" tanong nitong nakatalikod sa kanya. "Happy birthday, Sir!" Tumango lang ito. Hindi sumagot. Hindi nagpasalamat. Iniwan siya sa kuwartong iyon dala ang bagong- alaala. He will always be the one she loves kahit na magalit at itakwil siya nito. Balang araw mapapatawad din siya ni Calvin.Si Ara ang nagbabantay sa tatay niya sa ospital. Pinagpahinga muna niya ang nanay niya. Ilang araw na kasi itong walang tulog. Dahil sa perang binigay ni Calvin, natuloy ang operasyon ng tatay niya pero hindi pa rin ito gumigising. Pero sabi naman ng doktor ay medyo okay na ang tatay niya. Hinihintay na lang nila na magising ito. Napakalupit maningil ng tadhana. Sino ang mag-aakala na ng taong minaliit ng tatay niya noon dahil isa lang pipitsugin ay ang magsaasalba pala ng buhay niya.Napalabi si Ara. Imposible man ang naging pagyaman ni Calvin pero mabuti pa ito mayaman na. Siya, lugmok pa rin sa kahirapan.Ni minsan siyang nireto ng tatay niya sa kumpare nitong maykaya sa buhay at biyudo pero hindi talaga siya pumayag.Bukod sa ang laki ng agwat ng edad nito sa kanya ay amoy tabako pa ito. Hindi niya talaga bet ang mga smoker na lalaki.Naisipan ni Ara na lumabas muna saglit para bumili ng nakakain ng makasalubong niya ang babaeng nakauniporme sa bahay ni Calvin.Napaisip siya kun
Natampal ni Calvin ang noo pagkapasok niya sa kuwarto niya. Kailan pa? Kailan pa siya naging hayok na hayok sa laman na kahit sino na na lang papatusin niya? Walong taon. Walong taong hindi siya nagkasiyota. Ginugol niya ang mga panahong iyon para palawakin ang negosyo ng kanyang Tito na pinamana sa kanya. Yong babaeng nagsayaw kanina, parang kilalang-kilala niya? Ang amoy ng kanyang buhok at kanyang katawan, pamilyar sa kanya. Damn! Nababaliw na siya? Kahit ang pag tawag nito sa pangalan niya ay parang musika sa kanyang pandinig. Hindi puwede at imposible na si Ara ang babaeng yon. Pinindot niya ang intercom para tawagin ang kanyang secretary. Pumasok naman ito maya-maya. "Jana, nasaan na yong babaeng dinala nina Arkin kanina?" tanong niya sa kanyang secretary. "Sir, umuwi na po. Pinara ko po ng taxi kasi ayaw po niyang magpahatid." "Sige, salamat. Did you give her the amount that I told you?" "Yes, sir. Binigyan ko po siya ng cheque amounting to 500,000. Naiyak nga po eh.
"Are you going to stand there all night?" tanong ni Calvin. "Ha!" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ara. Kanina pa pala siya tulala.Hindi pa rin siya makapaniwala na mayaman na si Calvin? Paano nangyari? Ngumiti si Calvin. Ngiti na hindi niya alam kung anong pinapahiwatig. Ang alam niya hindi na ito matatamis na tulad ng dati lalo na pag nakita siya. "Sayang naman ang ibinayad sa'yo kung wala kang gagawin? Ang perang pinaghirapan ay di dapat sayangin." Dahan-dahan itong lumapit sa kanya dala ang isang baso ng wine. Huminto ito sa tapat niya at dahan-dahang ininom ang wine. Nauuhaw siya pero hindi sa wine.Nakita niya ang paggalaw ng adam's apple nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Hindi niya namalayang napalunok pala siya at pati siya ay biglang nauhaw. Napangiti ulit si Calvin. This time ay para itong nanunukso at nanunuya."Thirsty?" tanong ulit nito. "Here."Inabot sa kanya ang wine glass pero umiling siya. Hindi pa siya nakakainom ng mga wine na ganoon. Bak
Kanina pa nakatunganga si Ara sa gilid ng kanyang lumang kama. Sa kanyang tabi ay ang damit na isusuot niya sa pagsasayaw. Isang bodycon dress na above the knee ang haba, isang boots shoes at isang maskara.Nang minsang isukat niya ito ay hapit na hapit sa kanyang makurba na katawan. Bagay na bagay sa kanya. Kaya lang ay isusuot niya sa maling sitwasyon. Mamahalin din ang damit, mayamang negosyante ba naman ang magbibirthday. Mga damit na kailanman ay hindi pa niya mabibili para sa sarili.Kanina pa siya tapos maligo. Binigyan siya ni Sandra ng mga mamahaling body wash at pabango para sa okasyon ngayong araw. Maya-maya pa ay nagbihis na rin siya at naglagay ng light make up. Hindi naman kailangang kapalan kasi may maskara naman siyang gagamitin. Nasa ganoong ayos siya ng dumating si Sandra para sunduin siya. Oras na! Oras na para harapin ang hamon ng buhay. Na di minsan sumagi sa isip niya na gagawin niya pala.Napangiti ito ng makita siya at sinuri siya mula ulo hanggang paa. "Gi
Chapter 1Kakapunas lang ni Ara sa noo niya dahil sa pawis. Kumukulo na rin ang tiyan niya sa gutom. Hindi pa siya nakakapagreaktime dahil maraming hugasin sa karinderia. "Ara!"Napatigil siya sa paghuhugas para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. Si Alice pala kasamahan niya at cashier sa karinderyang kanilang pinapasukan."Nasa labas ang kapatid mo at hinahanap ka." pagpapatuloy ni Alice Bakit daw?" tanong niya habang pinupunas ang kamay sa suot na apron."Di naman sinabi. Puntahan mo na lang."Nauna na itong lumbas ng kitchen pagkatapos. Sumunod na rin siya para puntahan ang kapatid.Baka kako hihingi lang ng pambaon. Napailing siya, grabe nakakapagod maging breadwinner. Kulang na lang ibinta niya pati kaluluwa niya.Naglaho ang mga naisip niya kanina pagkatapos makita ang kapatid. Aligaga ito at pawis na pawis tulad niya dahil sa init ng panahon sa labas. At higit sa lahat, umiiyak."Tonton, anong nangyari?" tanong niya dahil parang hindi na ito magkandaugaga."Ate, si tat







