LOGINHindi na nawala sa isipan ko iyong narinig kong pakikipag-usap ni Victor sa telepono. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong bumalik sa kama at nagpanggap na tulog pa rin noong pumasok na ulit siya sa kwarto.Pero magmula noon ay hindi na ako napakali.Sino ang tinutukoy ni Victor na hindi dapat bumalik sa Pinas? May tinatago ba siya sa akin?Ewan ko. Pero hanggat maari sana ay ayaw kong masira ang unang linggo ng pagiging mag-asawa namin.Lalo na ngayon at narito kami sa isang private island para ituloy ang honeymoon namin.Ayaw ko nga sana dahil alam ko naman na maraming gawain si Victor, pero siya ang mapilit. Hindi na kasi niya ako tinigilan magmula noong may mangyari sa amin.“Victor… pwede bang lumabas naman tayo at mamasyal?” tanong ko. Napakagat pa ako ng labi dahil nararamdaman ko na namang hinahaplos niya ang dibdib ko.Mas sumubsob pa sa may batok ko si Victor. Marahan niya iyong sininghot at hinalik-halikan. Naramdaman ko na rin ang matigas niyang pagkalalake na dumidiki
Matapos ang kasal namin ni Victor ay isinama na niya ako sa bahay niya. Wala pa ring pagsidlan ang saya na nararamdaman ko ngayon na asawa ko na si Victor. Para pa rin akong lumulutang sa alapaap dahil sa saya. “From now on, you will stay here with me.” Napatingala ako sa dalawang palapag na bahay. Malayong-malayo sa luma at kahoy naming bahay. It was modern and luxorious. “Matagal ko na itong nabili, Wife. Dito sana tayo titira noon.” Natigil ako sa pagkamangha ko dahil sa sinabi niya. “Talaga ba?” Marahang tumango si Victor. “Yes. At sa ‘yo ko ito ipinangalan.” Napakurap-kurap ako. Wala akong ideya na noon pa lang ay plinano na pala ni Victor ang magiging buhay namin. Siguro kung hindi kami nagkahiwalay noon ay noon pa lang nabuo na ang pamilya namin. Pumasok na kami sa loob. Maging doon ay hindi maalis ang pagkamangha ko. Hindi masyadong magarbo ang disenyo pero halata na mamahalin ang lahat. Hindi nakataka-taka para sa isang Benitez. “I wanted to get us mansion. But I kn
Victor’s POVFuck… my head was spinning. Pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo dahil sa sobrang sakit niyon. What happened? Ang huli kong naalala ay nag-uusap kami ni Tatay tungkol kay Belinda. Bahagyang nawala ang kirot ng ulo ko noong maalala ko si Belinda. Yes, my wife. She was finally my wife. Tumagilid ako para sana yakapin siya. Asawa ko na siya kaya alam ko na siya ang katabi ko. Kaya napangiti ako agad noong maramdaman ko siya. Ngunit napakunot ang noo ko noong maramdaman ko na parang may kakaiba sa katawan ni Belinda. Belinda was petite. She has curves and a flat stomach. Pero ito? Parang yumakap ako sa malambot na at matambok na unan. Masyado ring matapang ang amoy nito. Iminulat ko na ang mga mata ko. Napanganga ako noong makitang hindi si Belinda ang kayakap ko, kundi si Tatay Arnaldo, ang tatay ni Belinda. Napatayo ako agad noong makaramdam ako ng kilabot. Hindi naman ako nandidiri kay Tatay. Sadyang hindi ko lang in-expect na ito ang katabi ko. “What happened la
Nakatungo na si Victor sa lamesa noong makita ko sila. Si Tatay ay namumula na rin. Halatang lasing na rin ito.Napailing na lang ako at lumapit na sa kanilang lamesa. Marahan kong tinapik ang balikat ni Victor.“Victor. Halika na. Matulog ka na,” yaya ko sa kaniya. Umungol lamang si Victor. Marahan ko na siyang hinila. “Victor,” tawag ko sa kaniya. Bigla na lamang kumilos ang kamay niya at hinila ako sa may baywang paupo sa tabi niya. Isinubsob niya ang mukha sa may leeg ko. Nag-panic ako nang kaunti dahil nasa harapan pa rin namin si Tatay. Isa pa, nasa bakuran kami. “Victor!” Suminghot-singhot si Victor. “Wife…”Pinamulahan ako ng mga pisngi. “Yes, Husband… Matulog ka na.” Umungol si Victor. Mas isinubsob pa ang mukha sa may leeg ko. Naramdaman ko na rin ang pagdampi ng mga labi niya sa leeg ko na nagpatayo ng balahibo ko. Marahan ko siyang tinapik sa braso. “Ano ka ba, Victor? Nasa labas pa tayo,” saway ko sa kaniya. “Hoy! Ano ang ginagawa mo sa anak ko?” galit na tanong
Napakabilis nang pangyayari. Kanina lamang ay nasa bahay kami. Na parang nasa hot seat kaming dalawa ni Victor habang kaharap si Tatay. Pero ngayon ay narito na kami sa munisipyo at naghihintay sa pagtawag sa amin ng mayor para ikasal kami ni Victor. Nagpalit lang ako ng simpleng white dress. Habang sila Nanay ay nagsuot din ng maayos na damit. Si Victor ay nasa loob ng opisina ng mayor at kinakausap iyon. Oo, ito ang gusto ko. Ang sa wakas ay makaisang dibdib ko ang lalakeng pinakamamahal ko. Pero pakiramdam ko ngayon ay para akong naduwag. Para kasing napakabilis ng mga pangyayari. Ni hindi ko manlang magawang huminga kahit saglit. “‘Tay, sigurado ka na ba talaga sa gusto mo? Talaga bang pumapayag na kayo na makasal kami ni Victor?” tanong ko ulit kay Tatay. Katabi ko siya sa bench. Si Nanay naman ay nasa kaliwa ko. Tumikhim si Tatay. “Bakit? Ayaw mo na bang magpakasal sa kaniya? Hindi ba ito ang gusto mo?” balik-tanong ni Tatay. Natahimik ako. “H-Hindi naman po sa gano’n, ‘Ta
Nakatungo lang ako habang naghihintay sa sasabihin ni tatay. Kanin pa ito dumating galing sa sabungan. Nagulat ito noong makita akong nasa bahay na. Pero mas nagulat ito noong magsabi na si Nanay sa rason kung bakit ako umuwi. Nasa sala pa rin kami. Ako ay mag-isang nakaupo sa kanan. Habang sila Tatay ay nasa kaliwa naman. Ang mga kapatid ko ay kasalukuyang nasa kani-kanilang kwarto at ini-enjoy ang pasalubong ko sa kanila. “Ewan ko ba rito sa anak mo, Arnaldo. Hindi naman ako nagkulang sa pagsabi sa kaniya. Kaso…” ani Nanay makalipas ang ilang sandali. Lalo akong napatungo. Kung pwede lang ay umalis na lang ako sa harapan nila. Ngunit alam ko na mas ikagagalit lang iyon nila. Tumikhim si Tatay. Naramdaman ko agad ang seryoso niyang mga tingin. “Totoo ba itong sinasabi ng nanay mo, Belinda? Umuwi ka dahil nagkabalikan na kayo ni Victor?” tanong ni Tatay. Bawat salita niya ay ramdam ko ang bigat. Napalunok ako at marahang tumango. “O-Opo, ‘Tay.” Huminga nang malalim si T
“Palabasin mo ako!” Pilit kong binuksan ang pinto sa tabi ko. Pero kahit na anong galaw ko door handle ay hindi ko iyon mabuksan dahil naka-lock iyon. Tumingin ako sa unahan sa driver ni Victor. “Kuya, please! Buksan mo po ang pinto!” pakiusap ko. Pero umiwas lang ng tingin ang driver. Napahi
“What the hell is going on here?!” Napaigtad ako nang marinig ko ang galit at malalim na boses ni Victor. Awtomatiko akong napalayo kay Sir Mike at napalingon sa aking likuran. Doon ay nakita ko ang nanlilisik na mga mata ni Victor habang palipat-lipat ang mga tingin sa amin ni Sir Mike. “V-Vic
Victor’s POVI stared at Belinda while she was lying on my bed. Bakit pakiramdam ko parang may mali? Bakit parang imbes na matakot kanina ay parang nasasaktan pa siya? Parang may kakaiba sa kaniya. Hindi ba dapat ay humingi na siya ng tawad sa akin? Bakit parang wala siyang ideya sa nagawa niyan
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Victor. Hindi ako agad nakagalaw dahil sa kaniyang ginawa. “Ano?” Hindi pa naman ako lasing dahil hindi pa ako nakakainom. Kararating ko nga lang sa hotel. Kaya malinaw kong narinig ang sinabi niya. Pinaghuhubad niya ako. Nagsalubong







