Share

CHAPTER 293

Author: Jewel
"Hindi mo pa siguro alam, noh? Binago na ni Lolo ang huling habilin at testamento niya, at si Warren na ang pinili niyang bagong tagapagmana ng pamilya Aguirre."

Tumango lamang nang bahagya si Amanda. "Mmmmm."

Matamang pinagmasdan ni Charmaine ang reaksyon nito. Nagtatataka siya dahil napakalamig at parang walang pakialam ang naging reaksyon si Amanda sa kanyang sinabi, para bang walang kinalaman sa kanya ang balitang iyon.

"Hindi ka ba dapat masaya ka para kay Warren?" nagtatakang tanong ni Cha
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 400

    "Pasensya na po, Ma'am, hindi ko po sinasadya!" Nataranta na paghingi ng tawad ng kasambahay.Nakatayo si Sally sa malapit at nagpanggap na galit: "Ano bang ginagawa mo? Isang simpleng trabaho hindi mo pa magawa ng maayos!"Alam na alam ni Amanda na kung hindi dahil sa utos ni Sally, hinding-hindi maglalakas-loob ang kasambahay na gawin iyon. Gusto lamang ni Sally na bigyan siya ng lesson at iparamdam ang hiya dahil ipinagtanggol siya ni Warren kanina. Pero sa totoo lang, gusto na rin naman niyang makaalis sa hapag-kainan."Ayos lang po, maglilinis lang ako. Nasaan po ang kwarto ko?"Dati, tuwing dinadala siya ni Warren sa mansiyon na ito, sa guest room palagi siya pinatutulog. Kung mag-iiba man ang patakaran ngayon, siguradong mas lalong magagalit si Sally.Mabuti na rin iyon para hindi niya kailangan makisalo sa kwarto kay Warren. Nang marinig ni Sally na kusa itong hihingi ng guest room, medyo kumalma ang mukha nito."Doon ka sa dati!" malamig na sagot nito.Tumayo agad si Amanda at

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 399

    Kahit noong makita pa siya ng ina ni Warren , nanatili pa ring malamig ang ekspresiyon nito. Sa buong oras ng hapunan, para bang wala siyang presensya at tuluyan siyang binalewala.Ang buong atensyon at mga pagkaing inilalagay nito sa plato ay para lamang sa anak na si Warren, habang punong-puno ng pag-aalaga ang mga salita nito sa nag-iisang anak. Sanay na si Amanda sa ganitong trato, kaya wala na siyang pakialam. Hindi na siya apektado pa sa mga nangyayari..Dati, sa mahigit isang taon niyang pagiging asawa ni Warren at manugang ng pamilyang ito, ilang beses ba siyang tiningnan nang maayos ni Sally? Palaging ang anak lang nito ang nakikita ng matanda.Balak na lamang niyang kumain nang tahimik at umalis pagkatapos. Pero bago pa man siya matapos, biglang ibinaling ni Sally ang mga mata sa kanya at sinimulan siyang punahin."Amanda, have you been too busy lately? The whole family has been busy preparing for Frederick's funeral, but you—you seem like a completely different person. Bakit

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 398

    "Mmm..."Napilitang tanggapin muli ni Amanda ang mainit at marubdob na halik nito. Naging napaka-intense ng atmospera sa loob ng dining room. Pagkaraan ng ilang sandali, binitawan din siya ni Jonathan. Hinawakan nito ang kanyang makinis na kamay at dinala iyon sa ibabaw ng matigas at maskulado nitong dibdib."Bakit hindi mo na lang ipalit ang isang lalaking tulad ko—gwapo, maganda ang pangangatawan, at maaasahan—para maging asawa mo?"Nanlaki ang mga mata ni Amanda sa gulat.Anong ibig sabihin ng mga salitang ito? Hinihimok ba siya nitong piliin ito para maging asawa?Namumula ang buong mukha niyang nagtangkang bawiin ang kanyang kamay, pero mahigpit itong hinawakan ng lalaki.Kinakabahan niyang binalaan si Jonathan…"Jonathan, huwag kang ganyan. Ang usapan natin ay Fubu lang tayo."Dumilim ang gwapong mukha ni Jonathan.Seryoso siyang tinitigan nito… "Ganito lang ba talaga ang tingin mo sa relasyon natin? Fubu lang?"Walang pag-aalinlangang tumango si Amanda…"Oo."Gusto niya lamang i

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 397

    Nagtataka si Emma sa isinagot ng kanyang anak…"Hindi ba, ilang araw na ang lumipas, bakit parang walang progress?"Inis na kumunot ang noo ni Jonathan.."Sabi ko naman sa 'yo, hindi ko gusto si Easter. Bakit ba hindi ninyo maintindihan yun?"Nagmamalaking tanong ni Emma. “Kung ganoon, sino ba ang gusto mo?"Palihim na sumulyap si Jonathan sa direksyon ng banyo..."Siyempre, hinding-hindi si Easter,” deretso niyang sagot sa ina..Wala siyang anumang nararamdaman para sa babaeng iyon. Isa pa, alam na alam niyang si Easter ay isa lamang alas na ginagamit ng kanyang Uncle Tony.Nag-alinlangan si Emma saglit bago nagtanong ulit.."Nakausap mo na ba ang babaeng gusto mo? Nasuyo mo na ba? Kayo na ba?"Hindi nakasagot si Jonathan.Bumuntong-hininga si Emma… "Kung hindi mo makuha, bakit hindi mo na lang subukang pagbigyan si Easter...Gusto ka niya.."Mas lalong dumilim ang mukha ni Jonathan."Sino ang nagsabing hindi ko siya makukuha?" Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatutok sa pintuan ng ba

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 396

    Kinabukasan. Dahan-dahang pumasok ang mahinang liwanag mula sa siwang ng mga kurtina, na lumapag sa dalawang magkaakap na katawan sa ibabaw ng kama.Unti-unting idinilat ni Jonathan ang kanyang mga mata. Habang nakatingin sa babaeng mahimbing na natutulog sa kanyang mga bisig, ang kanyang gwapong mukha ay napuno ng hindi karaniwang lambot. Itinaas niya ang kanyang kamay at dahan-dahang hinaplos ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha nito. Lumitaw nang husto ang maganda at makinis na mukha ni Amanda.Mahigpit na nakapikit ang mga mata nito at tila tulog na tulog pa. Pero kumonot ng bahagya ang kanyang mga kilay, parang may mabigat na iniisip kahit sa pagtulog. Iniabot ni Jonathan ang kanyang daliri para hagkan ang kumunot nitong noo, nais na pawiin ang anumang gumugulo sa isip nito. Pero ng dumampi ang kanyang daliri sa balat nito, napaungol ng bahagya si Amanda.Ilang beses ikinurap ni Amanda ang kanyang mahahabang pilikmata bago tuluyang nagising. Pagkakita niya sa guwapong

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER 395

    Hanggang ngayon ay pinipilit pa rin nitong itago ang pangalan ng totoong may-ari ng panyo, na walang iba kundi si Amanda. Siyempre, hinding-hindi niya isasapubliko ang totoo dahil gusto niyang panatilihing mangmang at naguguluhan si Warren. Nais niyang makita itong tuluyang maloko at magdusa sa maling akala."Pak!"Isang napakalakas na sampal ang lumipad sa ere at tumama sa mukha ni Vanessa. Namula at umapoy ang galit sa mga mata ni Warren habang ibinubuhos ang buong lakas.Dahil sa lakas ng paghampas, tumilapon si Vanessa sa sahig at dumanas ng matinding kirot sa kanyang panga. Isang malapot na lasa ng dugo ang agad na sumambulat sa kanyang bibig, patunay kung gaano kainit at kasakit ang ginawa ni Warren."Fuck you. talagang sinampal mo ako?"Hawak-hawak ang namamagang kanang pisngi, hindi makapaniwala si Vanessa na nagawa siyang saktan ng lalaking ito. Para bang ibang tao ang nasa harapan niya ngayon—isang estranghero na walang awang dumudurog sa kanya. Hindi niya akalaing darating an

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER SIX

    NAKAKUNOT ang noo ni Amanda. He actually promoted her to executive assistant?Hindi kaya pinapahamak lang siya nito?“Sir… I’ve never worked as an assistant before. Baka hindi ko kayanin…” agad niyang sagot dito bilang pagtanggi sa promotion nito. Sa totoo lang, ang laman ng isip niya…was something

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER THREE

    NAPATIGIL si Amanda dahil sa narinig niya. Napansin ni Warren ang bahagyang lungkot na dumaan sa kanyang mga mata. Ngunit nanatiling malamig ang boses nito na tila ba walang pakialam.“Sorry. Ilang beses ko ng sinabi sa’yo na may obsessive compulsive disorder ako,” wika ni Warren kay Amanda..“P

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER FIVE

    MAHIGPIT siyang tinitigan ni Manager Reyes.“Ano bang kasalanan ang ginawa mo?” tanong pa nito sa kanya.Bigla siyang tinawag ng Big Boss, hindi lang si Amanda ang nagulat, pati ang manager niyang si Reyes.Kumindat si Amanda ng inosente. “I… I don’t know either…”Pinagpapawisan ang palad niya. Ang

  • Second Choice No More: I Replaced My Abstinent Husband with His Boss   CHAPTER FOUR

    HALOS hindi nakatulog si Amanda. The emptiness in her body at ang sakit sa puso niya ay hindi siya pinatulog nang maayos. Buti na lang, hindi siya na-late kinabukasan. Habang humihikab si Amanda papasok sa office ay napansin niya agad may kakaibang atmosphere sa paligid.“May bagong CEO na darating

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status