MasukInirapan lang siya ni Yna. "Masyado ka namang manhid, bakit hindi mo napansin ang ganoong ka-obvious na bagay?""Baka naman nagkakamali ka lang? Bagong salta lang si Manager Rolly sa pwesto kaya siguro mabait lang talaga siya sa lahat..." tugon ni Amanda.Hindi naman pwedeng porke't tinulungan lang siya nitong magbuhat ng maleta ay may gusto na agad sa kanya, di ba?Nagpaliwanag ulit ni Yna… "Hindi mo ba nakita ang mga tingin niya sa iyo kanina? Iba ang paraan ng pagtingin niya kaysa sa iba."Hindi nakakibo si Amanda…Wala talaga siyang masyadong napansin. Binigyan siya ni Yna ng makahulugang ngiti. "Natural lang na may magkagusto sayo dahil isa kang certified beauty! Isa pa, single ka na dahil sa annulment niyo, kaya pwede ka na ring mag-isip tungkol sa iyong second spring!"Umiling si Amanda. "Anong second spring? Nagkasundo kami ni Warren na panatilihing secret muna ang tungkol sa annulment namin."Ibig sabihin, sa mata ng publiko at ng pamilya nila, legal pa rin siyang may asawa sa
Walang anumang sabi, mabilis na nasulyapan ni Yna ang lunch box at napansing nabawasan ito ng dalawang rice balls."Hala, bakit nabawasan ng dalawa?"Nag-alinlangang sumagot si Amanda: "Ah, tungkol doon..."Hindi naman niya pwedeng sabihin na ang Big Boss ang lihim na kumuha at kumain nito, di ba?Ang pinakamahalaga sa lahat, kahit sabihin pa niya iyon, malamang ay hindi rin maniwala si Yna."Amanda, ikaw ba ang kumain?" hula ni Yna."Oo na lang," walang nagawa si Amanda kundi ang umayon na lang para matapos na.Makalipas ang dalawang oras, narating na ng bus ang Isla na kanilang pupuntahan… Huminto ito sa parking lot ng resort na matatagpuan sa paanan ng bundok. Isa-isang bumaba ang mga empleyado mula sa sasakyan.Pagbaba pa lang ni Amanda, mabilis na hinila ni Yna ang braso niya at sabay turo sa malayo. "Tingnan mo! Hindi pala umalis si Mr. Jonathan. Galing siya doon sa isang luxury car!"Sinundan ni Amanda ang direksyon ng daliri ng kaibigan at nakitang lumabas nga si Jonathan mula
Napakasarap pala ng lasa ng rice ball. Bukod sa cheese, mayroon din itong mga hiwa ng cucumber, crab sticks, at espesyal na dressing… Pagkaubos ng isa, kumuha pa ulit si Jonathan ng isa pang piraso.Nang pumasok si Amanda sa bus, saktong nakita niya si Jonathan na dahan-dahang kumakain ng ginawa niyang cheese and pork floss rice ball.Natigilan siya sandali. Hindi ba't tinanggihan niya ito kanina? Bakit ngayon ay lihim siyang kumakain dito? Mukhang hindi inaasahan ni Jonathan na papasok si Amanda sa sandaling iyon. Nabulunan siya nang bahagya at halos masamid."Ehem, ehem..."Mabilis na iniabot ni Amanda ang isang bote ng mineral water. Kinuha ito ng mahahabang daliri ni Jonathan, uminom nang marami, at nilunok ang kinakain. Sa wakas ay medyo gumaan na ang pakiramdam niya."Ayos ka lang ba?" tanong ni Amanda habang sinulyapan siya.Napansin niyang namumula ang magkabilang tainga ng binata. Nanlaki ang mga mata niya sa pagka-shock. Namumula ang mukha ng Big Boss? Akala niya ay namamali
"Bakit hindi mo alukin ng isa si Mr. Jonathan?" tanong ni Yna.Nag-alinlangan sandali si Amanda. Naisip niya na hawak na rin naman niya ang lalagyan, kaya parang bastos naman kung sila lang ang kakain. Dahil sa pagiging polite, ibinigay niya ang lunch box kay Yna at sinabing, "Ikaw na ang magtanong sa kanya."Ayaw na niya kasing direktang makisalamuha pa kay Jonathan.Nagtataka namang tumingin si Yna. "Bakit ako? Natatakot ka ba kay Boss?"Sa pagkakaalam niya, si Amanda ang assistant ng CEO, kaya dapat mas sanay at mas malapit ito sa kanilang Boss kumpara sa iba. Bakit kailangan pa siyang iutos nito?"Wala naman," tanggi agad ni Amanda.Hirit pa ni Yna, "Kung wala, bakit ikaw ang hindi mag-alok?"Mabilis umandar ang utak ni Amanda para maghanap ng palusot."Heto na nga, binibigyan kita ng chance para makalapit ng malapit kay Boss," mabilis na dahilan niya.Napangiti si Yna. "Magandang ideya 'yan."Kaya naman, bitbit ang lunch box at may kasamang lakas ng loob, lumapit siya ka
Hindi na bale, basta huwag lang siyang makatabi ulit ni Jonathan. Ano na lang ang magiging image niya non?Hindi napigilan ni Amanda na lumingon kay Yna at bumulong: "Yna, can we please switch seats?"Umiling agad si Yna nang may halong takot. "Ayaw ko! Natatakot ako sa mga boss, tapos ang cold pa naman ni Mr. Jonathan. Parang pwede mo lang siyang tingnan pero bawal lapitan."Hindi nakasagot si Amanda.. Nagbabalak pa sana siyang magtanong sa ibang mga kasamahan, ngunit huli na ang lahat. Nakalapit na si Jonathan sa direksyon nila. Wala na siyang nagawa kundi ang tumahimik habang si Jonathan ay dumiretso sa paglalakad ng hindi man lang siya tinitingnan.Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ng bintana sa pinakadulo ng bus. Dalawang upuan lamang ang layo nito kay Amanda, at walang ibang nakaupo sa pagitan nila. Biglang nanigas si Amanda sa kanyang kinauupuan. Parang tumigil ang paghinga niya sa sandaling iyon. Pakiramdam niya, napakalapit na naman sa kanya ni Jonathan.Hindi nagtagal
Ilang buwan na lang at darating na ang panahong iyon. Pagkatapos maghapunan, nagtungo si Amanda at ang kaibigan niyang si Yna sa malapit na supermarket para mamili ng mga kakailanganin para sa kanilang outing bukas sa Island.Nang mapadaan sila sa bakery section, biglang naalaala ni Yna ang homemade cheese and pork floss rice balls na ginawa ni Amanda noong nakaraang team building. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa alaala niya ang lasa nito kaya muli niya itong binanggit.Nakatawang sabi ni Amanda, "Gusto mo bang igawa kita ulit para may baon tayo bukas sa biyahe?"Nanlaki ang mga mata ni Yna sa tuwa. "Talaga? That's amazing!"Masaya nitong niyakap si Amanda dahil sa sobrang galak. Pag-uwi ni Amanda sa bahay, agad siyang naligo at natulog nang maaga. Nag-set pa siya ng alarm para magising ng alas-singko kinabukasan. Maaga siyang gumising para ihanda ang cheese and pork floss rice balls na ibabahagi niya kay Yna at sa iba pang mga kasamahan.Pagkatapos magluto at mag-ayos ng mga gamit, k
HALATANG hindi inaasahan ni Dr. Jonathan Ramirez ang sitwasyon. Pero pareho naman silang adults, some needs don’t need to be said. At alam din niyang may kondisyon si Amanda.“Sir…” ani niyang pabulong. Nanigas si Amanda. Parang nag-hang ang utak niya nang narinig ang boses ng lalaki sa kabilang lin
NAKAKUNOT ang noo ni Amanda. He actually promoted her to executive assistant?Hindi kaya pinapahamak lang siya nito?“Sir… I’ve never worked as an assistant before. Baka hindi ko kayanin…” agad niyang sagot dito bilang pagtanggi sa promotion nito. Sa totoo lang, ang laman ng isip niya…was something
MAHIGPIT siyang tinitigan ni Manager Reyes.“Ano bang kasalanan ang ginawa mo?” tanong pa nito sa kanya.Bigla siyang tinawag ng Big Boss, hindi lang si Amanda ang nagulat, pati ang manager niyang si Reyes.Kumindat si Amanda ng inosente. “I… I don’t know either…”Pinagpapawisan ang palad niya. Ang
HALOS hindi nakatulog si Amanda. The emptiness in her body at ang sakit sa puso niya ay hindi siya pinatulog nang maayos. Buti na lang, hindi siya na-late kinabukasan. Habang humihikab si Amanda papasok sa office ay napansin niya agad may kakaibang atmosphere sa paligid.“May bagong CEO na darating







