Mag-log inSERENA'S POV
His deep voice echoed throughout the hallway. Ma'am Hannah, Daniel, and the two guards behind him visibly stiffened. Kahit ako ay napatuwid ng tayo nang marinig iyon. Hindi ko akalaing may isang estranghero—at isa pang VIP ng hotel na ito—ang sasagip sa akin. Sanay na akong maliitin sa nakalipas na anim na taon dahil sa estado ko. Isang twenty-seven-year-old na babae na may kambal na anak, nagtatrabaho sa call center sa umaga at naglilinis ng hotel sa gabi habang may utang na ten million pesos, ay inililigtas ngayon ng isang lalaking pinagkalooban ng kagwapuhan, kapangyarihan, at kayamanan. Mas malala pa roon, inangkin pa niyang asawa niya ako at ang mga kambal ko ay mga anak niya. This man is so mysterious that I can't read him. His dark blue eyes locked onto Ma'am Hannah's. Mas mabigat ang dating ng titig niya ngayon, para bang sapat na iyon upang mapaatras ang kahit sino. "How dare you lay your hands on my wife and my twins?" dagdag niya. Napatingin ako sa mga anak ko. May pagtataka sa kanilang mga mukha, ngunit kumikislap ang kanilang mga mata sa pag-asa. Ipapaliwanag ko na lang mamaya na sinabi iyon ng lalaking ito para iligtas kami mula kay Hannah. Dahil alam kong kakapit sila sa bawat salitang narinig nila. Because they've always wanted a father. "S-Sir Sebastian? P-Pasensya na po. Hindi ko alam..." nauutal na sabi ni Ma'am Hannah. Binitiwan ni Sebastian ang braso nito kaya napaupo siya sa sahig. Sa gilid ng paningin ko, nakita kong paulit-ulit na napalunok si Daniel. Alam kong sumunod lang naman siya sa utos ng manager at wala siyang balak saktan ang kambal ko. "I'll pay for that fucking vase, but you'll still face the consequences of trying to hurt them." Nanatili akong nakaluhod sa harap ng mga anak ko. Why would this man go so far for a woman he doesn't even know? "Please... Sir Sebastian, maawa kayo." Ngayon ko lang nakita si Ma'am Hannah na nanginginig sa kaba at namumuti ang mga mata. Ang babaeng palaging nakatingin sa akin na para bang wala akong halaga ay ngayon halos hindi makatingin nang diretso. "Importante sa akin ang trabahong ito, Sir... please." Pagmamakaawa niya. "You should've thought about that earlier instead of hurting them." Pagkatapos magsalita ng lalaki ay tumingin siya sa akin. "Tell me, darling. What punishment would you like to give this insolent woman?" "H-Huh?" Napautal ako at walang masabi. Kung magsalita siya ay para bang matagal na niya akong kilala. Isang pagpapanggap lamang ito, ngunit para bang natural na natural sa kanya ang bawat salitang binibitawan niya. Napatingin ako sa mga anak ko. Ako mismo ang nagturo sa kanila na mali ang magparusa ng kapwa. Ngunit may dalawang pangalan na kusang sumagi sa isip ko. Kung may gusto akong paghigantihan ay sina Eric at Celine iyon. "H-Hindi ko nais magparusa. S-Salamat na lang." The man stared at me as though I'd just thrown away something valuable without a second thought. Madiin ang mga matang nakapako sa akin bago siya muling nagsalita. "If you won't, then I will. But since my wife decided to be merciful, the punishment won't be severe. You are banned from working at this hotel for three months. Use that time to reflect on your actions." "S-Salamat, Sir." Pasasalamat ni Ma'am Hannah, may nanginginig pa ring himig ang boses, para bang nabunutan siya ng tinik. Hindi ko maiwasang mapaisip kung gaano kakakatawa ang sitwasyon. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas, handa niya kaming itapon palabas. Ngayon ay nagpapasalamat siya dahil tatlong buwan lamang siyang suspendido. Ang lalaking ito... siya ba ang may-ari ng hotel? Pero imposible. Mukha siyang masyadong bata para sa ganoong posisyon. "You must be the janitor, right?" Lumipat ang tingin niya kay Daniel. Kahit bahagya niyang ikiling ang ulo niya, hindi nabawasan ang bigat ng presensya niya. "I'll let you off, but only this time." "Salamat! Salamat, Mr. Lancaster!" Paulit-ulit na yumuko si Daniel. May kung anong bumara sa lalamunan ko nang marinig ko ang apelyido niya. Ang apelyidong Lancaster. Siya siguro ang anak ng CEO ng L-Electronics Device Corporation. Ang kompanyang pinagnakawan ni Papa anim na taon na ang nakalipas. Ang kompanyang nagpakulong sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ako na iniligtas niya kami o mababagabag sa posibilidad na narito siya para ipamukha sa anak ng kaaway ang estado niya. Ang estado na kailanman ay hindi na mababawi ng mga Dela Cruz. Ang estado na sinayang ng pamilya namin dahil sa kasong embezzlement ni Papa sa kompanya ng L-Electronics. "Mama, okay lang po kayo?" tanong ni Chloe habang hinahawakan ang pisngi ko. Hinawakan ko ang tig-isa nilang kamay bago tumango. Pero sa totoo lang, hindi mapakali ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung narito ba talaga siya para iligtas kami o para singilin ang nakaraan. Hindi pa nababayaran ng pamilya ko ang perang nakuha ni Papa sa kanila. At dahil sa kasalanan niyang iyon, tinalikuran kami ng mga Dela Cruz. Ang utang kong ten million sa Jam Gang ay hinati ko para sa operasyon ni Mama at bilang kabayaran sa mga problemang iniwan ni Papa. Hindi pa nila ako sinisingil pero alam kong darating ang araw na kukunin nila ang lahat ng mayroon ako. Umalis na sina Ma'am Hannah at Daniel. Naiwan kaming mag-ina kasama si Sir Sebastian Lancaster at ang dalawa niyang guwardiya. Niyakap ko ang mga anak ko ng mahigpit. Gumaan ang pakiramdam ko na malamang ligtas sila at hindi nasaktan. Matapos ko silang yakapin ay agad akong tumingin kay Sir Sebastian. "Maraming salamat... hindi ko alam kung paano ko kayo mababayaran." Napayuko ako. He must think lowly of me dahil alam na siguro niyang anak ako ng magnanakaw sa kompanya nila. Kaya pala pamilyar siya. Mukhang nakita ko na siya noon sa TV. Marahil iniisip niyang nakakatawa ang kalagayan ko ngayon. "Siya ba talaga ang tatay namin?" Sabay-sabay kaming napatingin kay Caleb. "Hindi ko alam kung teorya ko lang iyon kanina... pero halata namang ama ka namin." "Anak, hindi—" Hindi ako nakapagsalita nang muli si Sir Sebastian. "I lied," sabi niya. "I lied when I said your mother is my wife because we're not married yet. But yes, you really are my twins." Parang huminto sandali ang paligid. Napakurap ako nang ilang beses habang nakatitig sa kanya. Ngunit nakangisi lamang siya. What is this man plotting? "Yay!" Tumalon si Chloe at niyakap si Sir Sebastian. "Narito na si Papa para iligtas si Mama! Caleb, may papa na tayo!" Nais kong maglaho na lang sa kinatatayuan ko. Samantalang nanatili ang kakaibang ngisi sa labi ni Sir Sebastian habang hinahayaan si Chloe na yakapin siya. "Ayos! Hindi na ako tatawaging 'A genius kid that is fatherless'!" Para bang nanalo si Caleb sa isang malaking kompetisyon. Niyakap sila ni Sir Sebastian habang nanatiling nakapako sa akin ang asul niyang mga mata. "Well then, we can talk tomorrow." Sabi niya iyon sa mga anak ko habang hindi pa rin maalis ang saya sa mga mukha nila. Ngayon ko lang sila nakitang ganito kasaya. And a part of me wanted to pretend that he was really their father so I could keep seeing those smiles. A trace of guilt settled quietly inside me. "You can stay here at the hotel. Dito na kayo matutulog." Tumango ang kambal. "Jeo, arrange a room for the twins and their mother," utos niya sa isa sa mga guwardiya. "Yes, Sir." "You can go with Jeo now." Walang pag-aalinlangan na tumango ang kambal. Kahit si Caleb, na bihirang magpakita ng emosyon, ay hindi maitago ang kasiyahan. "I'll just have to discuss something with your mother." Kasabay noon ay tumingin siya sa akin. May kung anong bumigat sa sikmura ko. "Good night, Mama! Good night, Papa!" Masigla nilang sabi habang papalayo kasama ang dalawang personal guards. Nagsimulang maglakad si Sebastian patungo sa isang malapit na silid. "Follow me." Tipid niyang sabi nang hindi man lang lumilingon. Mas malalim at nakakatakot ang tono niya ngayon. Sumunod pa rin ako kahit hindi sigurado kung ano ang pag-uusapan namin. Pumasok kami sa isang silid na may office desk. Walang bintana sa loob, may isang couch, coffee table at malambot upuan. "Sit." Utos niya na walang halong emosyon. Tahimik akong umupo sa couch. Pagkaraan ay may inilapag siyang mga papeles sa coffee table. "Ano ito?" tanong ko sa kaniya habang nakatayo siya sa harap ng mesa. "A marriage contract. What else?" "Wa... wala akong naiintindihan," sabi ko sabay iwas ng tingin. His eyes remained fixed on me, as if he were searching for something beneath the surface. "I know you're not a fool, Serena." Tinaas ko ang ulo ko sa gulat. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" "I'm Sebastian Lancaster. I have my ways around." May kung anong bumigat sa dibdib ko sa paraan ng pagkakasabi niya. "Alam kong anak ka ni George Dela Cruz, the man responsible for embezzling money from my company six years ago." Mahigpit kong pinagtagpo ang mga daliri ko. Preparing myself for whatever demand would come next. Siya pala ang CEO ng L-Electronics. Kung ganoon, siya rin ang taong nasa likod ng pagpapakulong kay Papa. Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin? "Three years ago, when you first started working in this hotel, my people immediately reported it to me. The hotel I invested in had a member of the Dela Cruz family working here." Umupo siya tsaka tiniklop ang mga braso. Sinandal niya ang likod sa upuan. "I let you stay, of course. At first, I wanted to play with you. That's why I purposely stayed away from this place for three straight years. But I always watched you through the surveillance cameras." Kumuyom ang mga kamay ko. As he leaned closer, a wave of discomfort crawled beneath my skin. May dahilan man siya para bantayan ako, hindi pa rin naging magaan sa pakiramdam ang marinig iyon. "Kung ganoon, bakit mo sinabi na ikaw ang ama ng mga anak ko? Bakit mo ako iniligtas?" Sunod-sunod kong tanong. "Oh... you don't know me all too well, Serena." Inabot niya ang isang hibla ng buhok ko. Napalunok ako at randam ko ang lamig at seryosong presensiya niya. "When I want something, I'm willing to go as far as claiming I'm the father of your twins." "A-Ano bang gusto mo?" "You." Tipid niyang sagot. "Ano?!" "I want you to become my wife since you're the perfect prop for my small... deception." Ito pala ang dahilan, kung bakit tinulungan niya ako, dahil may kapalit pala "Let's get married and act as a married couple for a year and a half." His head tilted slightly, locking his eyes onto mine but I tried to look away. There was something unsettling about the way he watched me. "Hayaan mo rin akong angkinin ang mga anak mo. I'll tell everyone that we had a relationship before and got separated without me knowing you were carrying my children. Twins, to be exact." "Para saan mo ba ito ginagawa? Para maghirap ako at makaganti ka?" He chuckled. "I wish that were the reason. But it's quite the opposite." Sumandal siya muli at tiniklop ang mga paa. "It will be a great advantage for you too." "Paano?" "My grandparents want me to have children. They're desperate enough to want grandchildren." Tahimik akong nakinig. "The media and other business tycoons will think I've finally decided to focus on securing an heir. Many of them will become more confident in investing in my company. As a result, my company will thrive even more." Napakunot ang noo ko. Isa rin pala siyang lalaking gahaman sa kapangyarihan at pera. Wala siyang pinagkaiba kay papa o sa pamilya ni Eric. Napakalaki na ng L-Electronics. Ang mga Lancaster na nga ang isa sa mga pinakakinatatakutang pamilya. Ngunit gusto pa rin niyang palakihin iyon. Ano pa ba ang kulang sa kanya? "Pasensya na, pero ayoko." Tumayo ako. Ayokong makipagsundo sa isang gahaman dahil matagal ko na silang kinamumuhian. "Hindi ako makikipagsundo sa isang taong gahaman sa kapangyarihan." I heard him laugh softly. "You really don't?" He raised one of his eyebrows "Then why would you associate yourself with the Jam Gang?" Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa likod ko. Pati ba naman iyon alam niya? "Look who's talking about decency." He scuffed. May kung anong tuluyang napigtas sa loob ko nang magsalita siya "Hindi kagaya mo, ginawa ko iyon para iligtas ang mama ko! Alam ko kung paano tumanaw ng utang na loob kaya gagawin ko ang lahat para mailigtas lang siya!" "Even if it means selling your own body?" Bumaon ang mga kuko ko sa palad ko sa narinig. Bawat bitaw ng salita niya ay tumutusok sa pagkatao ko. "Hindi mo pala ako kilala. Akala ko alam mo ang lahat tungkol sa akin pero katulad ka lang ng iba. Masyado kang mapanghusga. Alam mo ang pangalan ko pero hindi mo alam ang kwento ng buhay ko." Tumalikod ako para umalis. Hindi ko siya tiningnan pa. Bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit agad niya iyong napigilan. Isinandal niya ang isang kamay sa pinto na biglang lumiit ang pagitan namin. Naamoy ko ang mamahalin niyang pabango. Ang lapit na namin sa isa't isa at randam ko ang bawat paghinga niya. "Just sign it. For your twins." Mababa ang boses niya. Sapat para marinig ko ang bawat salita. "Didn't you see their smiles earlier? They looked so happy knowing they have a father." Kumirot ang puso ko. I blinked twice and figured he was right. Para saan pa ba ang lahat ng paghihirap ko kung hindi para sa kanila? "I'll pay off your debt to the Jam Gang and... I'll get your father released from prison." Humarap ako sa kanya nang wala sa oras habang nakasandal pa rin ang kamay niya sa pinto. Magkalapit ang mga mukha namin, ngunit iisang bagay lamang ang umagaw sa atensyon ko. "Gagawin mo iyon?" tanong ko. "Yes, in exchange for you acting as my wife." "Bakit ako...?" "Because I know you're desperate to free yourself from that debt, and I know you still believe your father didn't do it entirely out of his own intention. Besides, he's still your father." Napatitig lang ako sa mga mata niya. Ang lalaking ito ay alam na alam ang pangangailangan ko at gusto ko. Kahit nagawa akong lokohin ni papa ay hindi parin mababago na siya ang ama ko. "Pa-payag ba ang lola at lolo mo rito?" "They won't know and they never will." Diretso ang tingin niya sa akin. Wala lang sa kaniya kahit sobrang lapit na namin. "I'll take care of everything. Just pretend to be a devoted wife and mother for eighteen months, and you'll get everything you need." Ang tanging laman ng isip ko ay ang kambal. Ang maranasan nilang magkaroon ng ama kahit pansamantala lang. At kapag dumating ang araw na kailangan kong sabihin ang totoo, maiintindihan din naman nila iyon. "Si... sige." Agad na umangat ang sulok ng labi niya. Nasisiyahan siya sa sagot ko. "At maaari bang alisin mo na ang kamay mo sa pinto? Sobra naman yata ang ginagawa mo." "I apologize for that." Bahagya siyang umatras. Pagkatapos ay inabot saakin ang ballpen at kontrata. "It'll be quite an honor to make a criminal's daughter my wife." His face showed satisfaction. His dark blue eyes are now in pride of joy and relief. Hindi ko gusto ang galaw ng lalaking ito. May kung anong meron siya na dapat kong katakutan. "I hope we will get along well." Nanatili akong nakatingin sa kanya. Alam kong hindi magiging madali ang lahat ng ito. Dahan-dahan kong pinirmahan ang kontrata. At sa sandaling bumitaw ang dulo ng panulat sa papel, iisa lang ang pumasok sa isip ko. I had just made a deal with the devil.SERENA'S POVHe looked at me first before the corner of his lips slowly lifted into a smirk. His blue eyes lingered on my face, carrying that familiar amusement that somehow made me feel both irritated and strangely conscious of myself.Napasinghap ako at nawalan ng balanse sa upuan. Before I could even grab the edge of the table, he immediately reached for my chair and pulled it closer to him, steadying me before I could fall. His hand remained on the backrest for a second, while I stared at him in disbelief.Ano ba ito? Pang 18 years old na K-drama?"A-anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko."I'm just checking.""Checking para saan?""Uhm...for you?" Sabi niya pa na para bang iyon ay isang halatang sagot. "The butler said you're still awake, so I came to check.""Teka...anong oras na ba?"Agad-agad kong kinuha ang phone ko at tiningnan ang oras. Nang lumiwanag ang screen, halos mapatalon ang mga mata ko sa nakita ko. The numbers on the screen seemed almost impossible."3 am na?! Nako,
SERENA'S POVNapatingin ako sa anak ko at ngumiti."Gusto ko rin marinig 'to ni Chloe, but right now ikaw muna ang pagsasabihan ko nito.""Ang alin po?" tanong niya."Si Sebastian at ako ay aksidenteng nagkakilala. We met in an... unexpected way. Then, we got closer, gano'n..." I said, half lie and half true.Sebastian and I really met in an unexpected way. Siya ang nagligtas sa'kin mula sa mapanakit kong manager sa hotel at nag-offer na bayaran ang lahat ng utang ko if I agreed to arrange a marriage contract with him. Papalayain niya ang papa ko sa kulungan kahit pa man si Papa ay nakapagnakaw sa kompanya nila.Hindi ko pa rin nakakalimutan ang araw na iyon. Para bang isang eksenang hindi ko kailanman inasahang mangyayari sa buhay ko. Isang lalaking halos hindi ko kilala ang biglang dumating sa oras na wala na akong ibang malalapitan. At ang kapalit ng tulong na iyon ay isang kasunduang hindi ko akalaing magbabago sa buong buhay ko.Ngayon, we became a little closer, for me perhaps.
SERENA'S POVNakatutok lang ako sa laptop ko, sinusuri ang bawat detalye na meron sa mga files na nahanap ko. Alam kong matalino si Celine at hindi siya basta-basta gumagalaw. I know she has always had a plan. And I'm the one who's going to find it out.Napatingin ako muli sa cellphone ko. Narito ako sa loob ng kwarto at isang oras na ang nakalipas. Tahimik ang buong mansyon, at tanging mahinang ugong ng air conditioner ang naririnig ko. Ngunit sa kabila ng katahimikan, hindi pa rin mapakali ang isip ko. Para bang bawat impormasyong nakikita ko sa screen ay may tinatagong kasagutan na kailangan kong hukayin nang mas malalim.I texted Liam again.Serena Lancaster: Liam, gising ka pa?Hindi pa man umabot sa isang minuto ay agad siyang nag-reply.Liam Tyler: Oo. May kailangan po kayo Ma'am?Serena Lancaster: May I ask you a favor?Liam Tyler: Sige, ano po yun?Serena Lancaster: Let's talk this on the phone.Pinindot ko ang call button at idinikit ang cellphone sa tainga ko. Ilang segundo
SERENA'S POVKung ganoon...May mga kaso rin na hinarap ang mga Lancaster na ganito?Napahawak ako sa sentido ko habang pilit kong binubuo sa isip ko ang mga piraso ng impormasyong nasa harapan ko.Hindi ito simpleng coincidence.Ang ama ni Celine ay nagtrabaho sa kumpanya ng mga Lancaster. Nakulong siya dahil sa embezzlement. Tumakas siya makalipas ang ilang taon. At pagkatapos niyang makatakas, dinala niya ang kaniyang pamilya sa ibang bansa.At ngayon, ang anak niya ay nagtatrabaho sa mismong kumpanyang pinagtatrabahuhan ng kaniyang ama noon.Suddenly, something was putting me off.May mali.Hindi ko alam kung ano.Pero may isang bagay na hindi nagtutugma.Napatingin ako sa mga files tungkol kay Celine.Wait.Hindi lang ba tungkol sa pera ang gusto ni Celine?What if she wants something else?Some evidence against the Lancaster family.Napakabagal kong isinandal ang likod ko sa upuan.I know Celine.Hindi niya kailanman ipagkakaloob ang pride niya.She loves power and money, pero m
SERENA'S POV Matapos ang halos walang katapusang trabaho ay nakauwi na ako sa mansyon. Hindi ko akalain na ganoon pala kabigat ang trabaho ng isang CFO. Hindi lang pala tungkol sa pagtingin sa mga numero at pagpirma ng mga dokumento. Bawat desisyon ay may katumbas na responsibilidad, at bawat pagkakamali ay maaaring makaapekto sa buong kumpanya. Habang tumatagal ako sa posisyong ito, mas lalo kong nauunawaan kung gaano kalaki ang tiwala na inilagay sa akin ng mga Lancaster. Si Sebastian ay nasa opisina pa rin. Nauna akong umuwi dahil alam kong abala na abala siya. Iba rin kasi ang trabaho ni Sebastian. Mas marami pa nga siyang responsibilidad kaysa sa akin. Bilang CEO, halos lahat ng bagay ay dumadaan sa kaniya. Mga meeting, desisyon sa kumpanya, expansion plans, financial reports, at kung anu-ano pa. Minsan nga, hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawang manatiling kalmado sa gitna ng lahat ng iyon. But Sebastian always makes me feel deluded into thinking that he'll always s
SERENA'S POV"Isipin mo ng mabuti, Eric."Naglakad ako papalapit, isang hakbang na nagbabanta. Hindi ako nagmamadali. Bawat hakbang ko ay mabagal ngunit determinado, habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya.Naniwala ka kay Celine kahit wala pa ang ebidensya, you didn't even consider the truth. Bago pa man naipakita ni Celine ang litratong iyon sa'yo at sa pamilya mo ay nasa iisa na kayong kama. Hindi ka man lang nahiya, I gave you the seven million para sa palugi ninyong kompanya na para sana sa mama ko. Minahal kita despite sa kakaibang pagtrato mo sa'kin. I gave you everything that I have until none of it is left. Ganun kita kamahal at pinapahalagahan noon. Kung wala ang pera ko, edi sana wala ka ngayon dito. Sana nalugi na ang kompanya niyo noon pa!"Tinusok ko siya sa dibdib gamit ang hintuturo ko. Hindi malakas, pero sapat para iparamdam sa kaniya na wala na akong balak umatras.Nakita kong bahagyang gumalaw ang katawan niya sa bawat salitang binibitawan ko. Hindi siya su
SERENA'S POVKinabukasan, nagising ako sa malambot at malawak na kama ng hotel suite. Ang mamahaling puting kumot ay nakabalot pa rin sa aming tatlo habang ang mahinang sikat ng araw ay dahan-dahang sumisilip mula sa malalawak na bintana. Ang ginintuang liwanag nito ay tila marahang humahaplos sa m
SERENA'S POVMatapos kong pirmahan ang kontrata, I noticed Sebastian's satisfied face. Hindi ko akalain na siya ang CEO ng L-Electronics. Kung tutuusin, medyo bata pa siya para pangunahan ang ganoon kalaking kompanya.Maraming clause na inilagay si Sebastian sa kontrata, kabilang ang: Clause 2, act
SERENA'S POVNagising ako at nakita ang sarili kong nakahiga sa isang kama sa clinic. Nakaupo si Mama sa gilid, magkasalikop ang mga kamay sa kandungan habang nakatitig sa sahig."Ma, anong nangyari?" tanong ko habang hinahawakan ang ulo ko. Hindi na gaanong umiikot ang paningin ko. "Ma?"Nag-angat
SERENA'S POV"Ahh!!!"I screamed my lungs out nang makita ko ang sarili kong hubad at nakahiga sa isang malaking kama. Ang mas malala pa, may katabi akong hindi kilalang lalaki na nakahubad at nakatalikod habang natutulog.I covered my mouth as my eyes widened in shock. Lumingon-lingon ako sa palig







