LOGINSEBASTIAN'S POV"You're going to the US? For what?" I asked, one eyebrow raised as I looked at Hazel. The salty breeze brushed against my face while the sound of the waves echoed softly in the distance. We stood side by side, staring at the beautiful ocean stretching endlessly before us, yet it felt as though an invisible wall had already separated us."Doon... na ako mag-aaral," she answered hesitantly."You promised, Hazel," I said. "Nangako ka na mananatili ka sa tabi ko habambuhay.""Sinabi ko nga 'yan noon...""Then what? Are you going to say that it was meaningless because we were only twelve years old back then?" I looked at her, raising one hand in confusion as I questioned why it had to end like this."No, it's not, Sebastian. Sadyang... hindi mo ako naiintindihan."Her eyes were clouded with uncertainty, as if she wanted to say something but could not bring herself to do it."Yes, you're right. I don't understand you. I don't understand why you have to leave like this.""Kun
SERENA'S POVMatapos ang gabing parang nakakasakal ay pagkakinabukasan ay agad akong nagbihis. Kailangan kong puntahan si papa nang maaga bago pa kami magkasalubong ni Sebastian.Huling araw na rin namin dito sa penthouse at bukas ng umaga ay babalik na kami sa mansion. Dahil panghuling araw na namin ngayon ay sinigurado ni lola na magkakaroon kami ng sapat na alaala rito kahit pa man iba talaga ang plano niya.Ito na ang nagsilbing honeymoon namin ni Sebastian dahil siya rin naman ang nagsabi na ayaw muna niyang lumayo para lang sa honeymoon lalo na't isa siyang napakaabalang tao.Hindi naman talaga nakakagulat dahil isa siyang CEO at nagmamay-ari ng malaking kompanya ng mga Lancaster. Kasabay pa noon ang paghahanap niya sa salarin sa pagpatay sa mga magulang niya.Kung iisipin, nahulog ako sa isang taong wala naman talagang pakialam sa'kin. Isang tao na alam kong hindi ako titingnan katulad ng pagtingin ko sa kaniya.But I don't plan to tell him what I feel. Dahil kapag nangyari iyo
SERENA'S POVNakatayo lang ako roon habang hawak niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung saan ako napatigil, sa paraan ba ng pagtatanong niya o sa simpleng pagbanggit niya sa pangalan ni Hazel.Parang may kung anong humigpit sa dibdib ko. Isang pangalan lang iyon, ngunit tila ba may bigat na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ko. Hindi naman siya dapat mahalaga sa akin, ngunit sa bawat segundo na lumilipas ay lalo kong nararamdaman ang kakaibang kirot na unti-unting kumakain sa loob ko.Hindi ko talaga kilala si Sebastian nang lubusan. May mga bagay talaga na hindi ko maintindihan tungkol sa kaniya. Mga bagay na patuloy pa ring nananatiling lihim hanggang ngayon.Sa mundong ginagalawan namin, ako lang ang walang kapangyarihang malaman ang tunay niyang pagkatao. Nakikita ko ang malamig niyang mga mata, naririnig ko ang matitigas niyang salita, ngunit alam kong hindi iyon ang buong kuwento. Para siyang isang aklat na nakasarado ang bawat p
SERENA'S POVNapaatras ako nang bahagya. Nakatitig lang siya sa'kin. Amoy alak siya. Hindi iyong nakakasulasok na amoy na parang buong araw siyang nagpakalunod sa inuman, kundi iyong banayad na halimuyak ng mamahaling whiskey na humalo sa preskong amoy ng sabon at pabango niya. Halatang bagong ligo siya, pero hindi pa rin natakpan noon ang bakas ng alak sa hininga niya.Halatang naka-inom siya. Hindi ba talaga siya napaisip na naglalasing siya kahit kakasal niya pa lang?Marahil ay nasabi niya iyon sa'kin dahil wala siya sa tamang katinuan. Marahil ay epekto lang iyon ng alak. Baka bukas, paggising niya, wala na siyang maaalala sa lahat ng sinabi niya. Mas mabuti na sigurong isipin ko na ganoon kaysa paniwalaan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.Paano naman babagay sa'kin ang puting damit, gayong halata namang mas bagay iyon kay Hazel."Sebastian... nakainom ka ata," sabi ko at hindi ko maintindihan kung bakit parang pinipigilan ko ang sarili. Para bang ang marinig lang ang m
SERENA'S POVGinamit ko ang buong araw na oras para sa mga anak ko.Mula umaga hanggang hapon ay halos hindi kami umalis sa rooftop ng penthouse. Napakalawak ng espasyo roon. Sa isang bahagi ay naroon ang outdoor pool na tila sumasayaw ang tubig sa ilalim ng sinag ng araw. Mula roon ay kitang-kita ang tanawin ng lungsod. Ang mga gusali ay tila maliliit na lamang sa malayo habang ang bughaw na langit ay mistulang nakikipagtagpo sa abot-tanaw.Hindi ako sumama sa paglangoy.Sa halip ay nakaupo lamang ako sa gilid ng pool habang nakababad ang mga paa ko sa malamig na tubig. Paminsan-minsan ay pinapaalalahanan ko sina Chloe at Caleb na huwag masyadong lumayo sa mababaw na bahagi. Kapag naglalaro sila ng bola sa tubig ay ako ang sumasalo kapag napapadpad iyon sa gilid.Masayang-masaya si Chloe habang paulit-ulit na tumatawa sa bawat pagwisik niya ng tubig kay Caleb. Si Caleb naman ay pilit na nagpapakitang kaya na niyang lumangoy nang mag-isa kaya maya't maya ay lumilingon siya sa akin upa
SERENA'S POVTHREE HOURS AGOMatapos akong makabihis ng kulay puting bestida ay tumingin ako sa salamin sa walk in closet.Simple lamang ang damit, ngunit halatang mamahalin. Mayroon itong malinis na disenyo, hanggang ibaba ang haba nito at bahagyang dumadaloy ang tela sa bawat maliit kong galaw. Ang manggas nito ay maiksi at ang baywang ay bahagyang nakahulma, sapat lamang upang magmukhang elegante nang hindi sobra. Wala itong maraming palamuti, ngunit ang kinis ng tela at maayos na pagkakagawa nito ay sapat na upang ipakitang hindi ito ordinaryong bestida."Ang ganda ng damit..." bulong ko sa sarili habang nakahawak sa bestida ko.Habang pinagmamasdan ko ang gilid nito, napansin ko ang isang maliit na price tag na nakatago sa loob ng tahi. Napakunot-noo ako dahil tila hindi pa ito natatanggal.Dahan-dahan kong inilabas ang tag at tiningnan ang nakasulat.₱50,000"Ano?!" Napasinghap ako nang makita ang presyo. "Napakamahal naman sa ganitong damit lang."Nanlaki ang mga mata ko habang
SERENA'S POVKinabukasan, nagising ako sa malambot at malawak na kama ng hotel suite. Ang mamahaling puting kumot ay nakabalot pa rin sa aming tatlo habang ang mahinang sikat ng araw ay dahan-dahang sumisilip mula sa malalawak na bintana. Ang ginintuang liwanag nito ay tila marahang humahaplos sa m
SERENA'S POVMatapos kong pirmahan ang kontrata, I noticed Sebastian's satisfied face. Hindi ko akalain na siya ang CEO ng L-Electronics. Kung tutuusin, medyo bata pa siya para pangunahan ang ganoon kalaking kompanya.Maraming clause na inilagay si Sebastian sa kontrata, kabilang ang: Clause 2, act
SERENA'S POVHis deep voice echoed throughout the hallway.Ma'am Hannah, Daniel, and the two guards behind him visibly stiffened. Kahit ako ay napatuwid ng tayo nang marinig iyon. Hindi ko akalaing may isang estranghero—at isa pang VIP ng hotel na ito—ang sasagip sa akin.Sanay na akong maliitin sa
SERENA'S POVNagising ako at nakita ang sarili kong nakahiga sa isang kama sa clinic. Nakaupo si Mama sa gilid, magkasalikop ang mga kamay sa kandungan habang nakatitig sa sahig."Ma, anong nangyari?" tanong ko habang hinahawakan ang ulo ko. Hindi na gaanong umiikot ang paningin ko. "Ma?"Nag-angat







