Share

Chapter 201

Author: Kaswal
Sa loob lang ng ilang sandali, ang mga taong kanina’y naglalaro pa sa paligid ay sunod-sunod na nakatanggap ng message. Biglang nagbago ang focus nila, mula sa games, naging paghahanap ng isang tao.

Walang kaalam-alam si Harmony sa nangyayari. Natapos muna niya ang isang laro, saka niya napansin na kakaiba ang tingin sa kanya ng nagbabantay sa game booth.

Unti-unting dumami ang mga taong nakatingin sa kanya nang may halong paghusga. Pakiramdam niya, para siyang napapalibutan ng mga mababangis na hayop.

“Siya ‘yon, ‘di ba?”

“Oo, siya mismo. Kamukhang-kamukha sa picture.”

“May lakas pa ng loob na gumala. Bakit hindi na lang niya asikasuhin ‘yung matandang lalaki niya.”

Nanlamig ang dibdib ni Harmony. Hindi niya napigilang magtanong, “Ano bang pinagsasabi ninyo?”

May isang estudyanteng lumapit at iniabot ang cellphone sa harap niya. “Ikaw ‘to, ‘di ba?”

Nang makita ni Harmony ang laman ng screen, bumilis ang tibok ng puso niya. Larawan iyon nila ni Allen. Sa anggulo ng kuha, mukhan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Mariella Mae Cariño Mendoza
sana tuloy tuloy na
goodnovel comment avatar
Lissa Yanto
thanks Author update n po kayo....️ tuloy tuloy na po sana. ...️...️...️ y
goodnovel comment avatar
Pam Ela
slamt Po otor sa update Sana tuloy tuloy n update mo . 🫰🏻
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 216

    May sampung minuto pa bago magsimula ang pelikula. Sa waiting area, iisa na lang ang bakanteng upuan. Pinaupo ni Darien si Harmony at siya naman ang tumayo sa tabi nito, may hawak na popcorn at basta na lang ipinapasok sa bibig niya.Kumalat ang matamis na lasa sa bibig ni Harmony, at pakiramdam niya pati puso niya, naging matamis din.Maraming magkasintahan sa paligid. May mga yakap, may kulitan, minsan nag-aasaran pa.Kung dati, naiinggit pa si Harmony sa ganitong eksena, pero ngayon, isa na rin siya sa mga kinaiinggitan ng iba.Naalala niya noong unang araw matapos nilang aminin ang nararamdaman sa isa’t isa ni Darien. Kahit hawakan lang ang kamay nito, hindi pa niya magawa. Pero ngayon, natural na siyang sumasandal dito, at tuwing isusubo ni Darien ang popcorn, automatic na niyang binubuksan ang bibig niya.Sobrang saya pala ng ganito.Sa oras na iyon, may narinig silang mahihinang bulungan sa tabi.“Si Professor Darien ba ’yon?”“Grabe, oo nga, siya nga.”“’Yung kasama ni

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 215

    Sino ba namang gagawa ng ganitong “pang-gugulang” sa sarili niyang pamilya.Marahang tinapik ni Harmony si Darien.Hindi umiwas si Darien, sa halip ay ngumiti pa, may bahagyang saya sa dulo ng mga mata niya.Kinabukasan, tumawag agad si Darien sa bahay para sabihin ang tungkol doon. Nang malaman ng pamilya Legaspi na uuwi sila sa bisperas ng bagong taon, sobrang tuwa ng lahat.Mula sa kabilang linya, narinig ang boses ni Lola Nena. “Harmony, umuwi kayo nang maaga ha. Anong oras kayo darating? Sabihin niyo agad kay lola para makapaghanda ako.”Isinalin ni Darien ang pinupunto ng matanda habang nakatabi kay Harmony. “Ibig sabihin niyan, gusto niyang may exact time tayo. Maghahanda si lola para hindi na naman siya mahuli tulad last time na nagmi-milk tea siya.”Nagreklamo ng bahagya si Lola Nena. “Talaga bang apo kita?”“Tanungin niyo po dapat yung anak at manugang niyo,” sagot ni Darien na walang ka-stress.Doon na sumali sina Gerry at Rosalie na nakikinig din sa usapan. “Pagkata

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 214

    Pagmulat ni Harmony, ang maitim niyang mga mata ay may malabong kislap ng luha, bahagyang namumula ang gilid. Kahit sa maputing leeg niya, kitang-kita ang mga pulang marka.Mga bakas na iniwan ng halik niya.Nabagabag si Darien sa sarili niya, naisip na hindi siya nakapagpigil. Sa huli, paos ang boses niya nang magsalita. “Sorry, I….”Biglang may kamay na humawak sa mga daliri niya. Malambot ang haplos, dahilan para maputol ang sasabihin niya.Ang munting babae sa bisig niya ay bahagyang kumagat sa ibabang labi. Ang mapupulang mata niya ay may halong basa, nakakaakit kahit hindi niya sinasadya.“Pwede daw,” mahina niyang sabi, halos pabulong.Hindi narinig ni Darien. “What?”Parang kayang tumulo ang pula sa mukha ni Harmony. Para bang naglakas-loob na siya, nilakasan niya ang boses. “Nung last check-up ko, tinanong ko yung doctor. Sabi niya stable na yung baby, pwede naman daw paminsan-minsan… you know, intimate.”Diyos ko. Kung dati, hinding-hindi niya kayang sabihin ang ganit

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 213

    Parang biglang natauhan si Harmony. Agad niyang itinaas ang kamay. “A-ah, wala akong sinasabi.”Totoo naman, wala siyang sinabi. Pero kahit tahimik lang siya, sapat na ang presensya niya para makaapekto kay Darien.Isinara ni Darien ang laptop.Napatingin si Harmony. “Tapos ka na? Diba sabi mo ten minutes pa?”“Bored na ang asawa ko, syempre bibilisan ko,” pabirong sagot ni Darien habang sinasara ang laptop at inilalagay sa tabi. “So sabihin mo, how do you want me to accompany you? Paano kita sasamahan?”Parang binuhusan ng pulot ang puso ni Harmony. Kumikislap ang mga mata niya at masigla ang boses. “Gusto kong manood tayo ng movie.”Hindi inakala ni Darien na ang ibig niyang sabihin ay manood lang sa bahay. Ang mas nakakatawa pa, hindi rin alam ni Harmony kung anong movie ang gusto niyang panoorin. Binuksan niya ang TV, nag-scroll sandali, saka tumingin kay Darien. “Ikaw, anong gusto mong movie?”Kinuha ni Darien ang remote mula sa kamay niya at siya na ang pumili. “Hindi maha

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 212

    Hindi na nagpaawat si Harmony, agad niyang sinungkit at isinubo ang laman ng isda.“Kumusta naman pakiramdam mo sa mga exams nitong mga araw?” tanong ni Darien.Biglang bumagsak ang mukha ni Harmony. “Pwede bang huwag mo na itanong ‘yan?”Nagtaka si Darien. “Hmm?”May halong sama ng loob ang boses ni Harmony nang sagutin siya. “Araw-araw na nga kitang kaharap, medyo stressful na eh. Tapos tatanungin mo pa ako ng ganyan, parang nasa school pa rin ako at walang bakasyon.”Bahagyang tinaas ni Darien ang kilay. “Stress ka kasi araw-araw mo akong kasama?”“Oo naman,” diretsong sagot ni Harmony. “Sino ba ang gustong makasama ang teacher buong araw?”Pagkasabi niya nun, saka lang niya na-realize ang sinabi niya. Bigla niyang tinakpan ang bibig niya.Sa kabilang banda, parang ngiti pero parang hindi ang expression ni Darien. “Ayaw mo bang kasama ako araw-araw?”Yung tingin ni Darien, medyo nakakatakot.Agad na nagwagayway ng kamay si Harmony. “Hindi, hindi. Ang ibig kong sabihin, yun

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 211

    Mukhang tulog na tulog si Harmony, hindi man lang gumagalaw.Habang unti-unting lumulubog ang gabi, isa-isang nagliwanag ang mga streetlight sa labas. Madilim ang sala, tahimik na nakahiga ang isang katawan sa sofa. Sa kusina naman may ilaw, rinig ang mahinang ugong ng range hood, at may masarap na amoy na lumalabas mula sa siwang ng pinto.Nagising si Harmony dahil sa gutom.Pero sobrang antok pa rin siya, ayaw pa niyang bumangon. Mabigat ang talukap ng mata niya, halos hindi niya maimulat.Mayamaya, bumukas ang pinto ng kusina. May mga yapak na lumapit sa sofa.“Harmony.”Si Darien iyon, marahang tinatawag siya habang dahan-dahang tinutulak ang balikat niya.Si Harmony ay nasa pagitan ng tulog at gising, mahina lang ang sagot. “Hmm.”“Kain na tayo. Kumain ka muna tapos matulog ulit, okay?” sobrang lambing ng boses ni Darien.Siguro dahil sobrang lambing niya, o dahil lutang pa ang isip ni Harmony, nakapikit siyang nag-unat ng kamay sa ere, parang naglalambing na bata. “Hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status