Share

Chapter 2

Author: Kaswal
Paano kung ang naka-one night stand mo noong lasing ka ay ang bagong professor sa school mo?

Apat na salita lang ang pwedeng maglarawan sa pakiramdam ni Harmony ngayon, “wala na akong pag-asa.”

Habang sobrang tuwang-tuwa si Sammy, napatingin siya sa tabi at nakita si Harmony na nakadapa sa desk, parang wala nang gana sa buhay.

“Harmony, anong nangyari? Parang nakalunok ka ng tae,” sabi ni Sammy na diretsahan kung magsalita.

Kung pwede lang, mas pipiliin pa ni Harmony na literal na lumunok ng tae.

“Sammy…” Halos maiyak na si Harmony. “Tapos na ‘ko. Feeling ko barbeque akong iihawin sa ibabaw ng apoy.”

“Huh? Bakit?”

Biglang may boses na malamig pero malinaw na narinig sa stage. “Tahimik.”

At doon na nga. Ang boses na ‘yon, kaparehong-kapareho ng narinig niya noong gabing iyon. ‘Yung gabing hindi dapat nangyari. Ang konting pag-asa niyang baka hindi ito ‘yon, tuluyang nawala.

Walang duda. Itong lalaki talaga ‘yon.

Kahit medyo paos ang boses noong gabing iyon dahil sa pag-inom, siguradong-sigurado si Harmony, parehong-pareho.

Dahil lang sa isang salitang “Tahimik,” nagmistulang library ang buong classroom. Sobrang tahimik na kahit may nahulog na karayom, maririnig mo.

Ang boses ng lalaki, magaan pero may dating, gumapang sa buong classroom gamit ang microphone.

“Pakilala muna ako. Ako si Darien Atlas Legaspi. Simula ngayon ako na ang magtuturo ng Anatomy sa inyo.”

“Whoa!”

“Grabe!”

Nagsisigawang parang concert ang mga estudyante.

‘No please, no!’

Doon lang tuluyang naramdaman ni Harmony na ang saya ng mundo ay hindi pareho para sa lahat. Habang ang iba ay kilig na kilig, siya naman parang gustong manlumo.

Lalo pa siyang nanlumo nang halos masira ang tenga niya sa sigaw ni Sammy sa tabi niya.

Umangat si Professor Darien at tinaas ang kamay bilang hudyat na tumigil ang ingay. Agad namang natahimik ang mga tao.

“Hindi na ko magsasalita ng mahaba. Simulan na natin ang klase. Unang topic. simpleng pagpapakilala sa Anatomy.”

May PPT na nakaproject sa likod. Si Professor Darien, parang pine tree sa gitna ng pangkaraniwang mga puno, matikas, composed, at elegante.

“Ang Anatomy ay ang pag-aaral ng istruktura ng katawan ng tao. Ginagamitan ito ng visual observation, microscopy, at imaging techniques para masuri ang hugis, posisyon, at ugnayan ng mga organs, tissues, at development nito…”

Ang boses niya, banayad pero malinaw, ramdam mong may lalim. Halos lahat ng estudyante ay mas attentive pa sa class na ‘to kaysa noong college entrance exams.

Except si Harmony.

Buong session, para siyang nakaupo sa ibabaw ng pako. Hindi siya mapakali, hindi makafocus. Hindi niya maintindihan kahit isang sinabi.

Napansin siya ni Sammy, kaya binulungan siya. “May almoranas ka ba? Ang likot mo eh.”

Ang bastos talaga magsalita ng babaeng ‘to.

Si Harmony, nakayuko buong oras, halos ayaw ipakita ang mukha niya. Sa sobrang tagal ng yuko niya, nanigas na ang leeg niya kaya bahagya siyang umangat.

At doon, parang may magic na pwersa, nagkatinginan sila ni Professor Darien.

Boom. Para siyang tinamaan ng kuryente. Blanko ang utak.

Napahinto rin si Professor Darien sa gitna ng lecture, diretsong tumingin sa direksyon niya.

“Anong meron?”

“Bakit napatingin si Prof.?”

Nagbulungan ang mga estudyante.

Hinila ni Sammy ang manggas niya. “Harmony… parang ikaw ‘yung tinitingnan ni Prof. Darien?”

Nagkunwari si Harmony na wala siyang alam. Pilit siyang ngumiti at sinulyapan ang mga nasa likod niya. “Baka sila ‘yung tinutukoy niya. Siguro na-badtrip kasi hindi nakikinig.”

Pero sa totoo lang, nanginginig na ang kaluluwa niya. Hindi niya alam kung natandaan siya ni Professor Darien. Sana lang… hindi.

‘Please lang, Lord. Huwag naman.’

Tahimik siyang nagdasal. Pero sa kalagitnaan ng dasal, biglang narinig niya ang boses ni Professor Darien mula sa stage.

“Okay. Yung nasa pangatlong row mula sa likod, kanan, panglimang estudyanteng naka-gray na jacket. Sagutin mo ang tanong ko.”

What the—?! Iyon ang eksaktong posisyon niya!

Halos mamilog ang mata ni Harmony sa gulat. Lahat ng estudyante, sabay-sabay siyang tiningnan.

Pagtingala niya, nandoon si Professor Darien, nakatitig sa kanya ng diretso.

Pwede pa bang hubarin ‘yung gray jacket?!

Para siyang robot na tumayo, wala sa sarili.

Ngumiti ng banayad si Professor Darien. “Pakisagot ang tanong ko.”

Anong tanong?!

Wala siyang maalala. Buong klase, lutang siya. LITERAL.

“W-What question?” pautal niyang tanong.

May mga estudyanteng napatawa nang mahina.

Kalma si Professor Darien. “Ano ang pinaka-common na stain method sa paraffin sections? Sinabi ko ito ilang minuto lang ang nakaraan.”

Palihim na tinapik ni Harmony si Sammy. Sinubukan ni Sammy na i-mouth ang sagot… pero wala siyang naintindihan. Para lang itong goldfish.

Mukhang mamamatay na siya sa kahihiyan.

“I don’t know po,” mahinang sagot niya.

Tahimik na tumingin si Professor Darien sa kanya. “Anong pangalan mo?”

Patay. Patay talaga.

Nagpanic siya. Gusto niya sanang magsinungaling pero hindi niya kinaya.

“…Harmony Tasha Crisostomo.”

Nagliwanag ang mga mata ni Professor Darien. “Harmony Tasha Crisostomo. Tama ba?”

Hindi na siya makatingin pabalik. Nanginginig ang batok niya.

“First day pa lang, wala ka na agad sa focus. Pumunta ka sa office ko pagkatapos ng klase.”

At doon na siya tuluyang bumigay sa loob.

“Okay po, Prof…”

Muling naupo si Harmony, pero ang pakiramdam niya, kaluluwa niya ay wala na sa katawan.

“Harmony, huwag kang kabahan,” bulong ni Sammy. “Mukha naman siyang mabait. Hindi ka naman niya kakainin.”

Tahimik lang si Harmony.

Mabait daw? Mabait ba ‘yun kagabi sa kama? Hindi. HINDI.

“Tingin ko nga maswerte ka pa. Makakalapit ka sa kanya ng personal. Pwede kang magka-crush ulit,” dagdag pa ni Sammy.

‘Pwe! Kung gusto mo, sayo na lang siya.’

Sa wakas, natapos rin ang nakakamatay na class. Umalis na si Professor Darien.

Agad na nag-ingay ang classroom. Lahat pinag-uusapan kung gaano siya kagwapo, kung gaano kalalim ang boses, at kung gaano ka-perfect ang bagong professor.

Kung normal lang, siguro si Harmony ay kasama sa fangirls. Pero ngayon, wala siyang gana.

“Sammy…” Mahinang hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. “Kapag may nangyari sa 'kin… ipasunog mo sa libing ko ‘yung ending ng One Piece. Gusto ko malaman kung naging Pirate King si Luffy.”

Tapos, seryoso ang mukha niyang naglakad palayo.

Napatingin lang si Sammy sa kanya, gulat na gulat.

Grabe naman. Parang ipapapugot na ang ulo ni Harmony sa sinabi.

*

Office door.

Nakayuko si Harmony sa harap ng pinto. Itinaas niya ang kamay para kumatok, pero bumababa rin agad.

Paulit-ulit. Di niya magawang kumatok.

Pero napagpasyahan na rin niya sa dulo.

Mamatay kung mamatay. At least mabilis.

Kung hindi siya aamin, paano naman siya mapapatunayan? Baka hindi naman talaga siya naalala.

Huminga siya nang malalim, kumatok, at narinig ang pamilyar na boses mula sa loob.

“Pasok.”

Pagbukas niya ng pinto, ramdam na ramdam niya ang kaba sa dibdib niya, parang tumatakbo sa 200 beats per minute ang puso niya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 100

    Habang nagche-check si Darien ng mga order gamit ang ballpen, napatigil siya sa sinabi ni Harmony.“Akala ko hindi ka kumakain ng maanghang?”Mahinang sagot ni Harmony, “Si Sammy gusto niya.”Tumango si Darien at tinik ang spicy sliced pork sa menu.Si Sammy naman ay tahimik lang na pinapanood ang dalawa mula sa tapat nila.Magkalapit sila masyado, at ‘yung pagiging close nila ay parang natural lang, walang pilit. Nakapatong nang walang pakialam ang injured na kamay ni Darien sa likod ng upuan ni Harmony, habang hawak niya ang pen sa kabilang kamay. Dahil mas maliit ang katawan ni Harmony, parang napapalibutan siya ng presence ni Darien.Ngayon lang nakita ni Sammy ang private version ni Professor Darien.Sa school, oo, alam nilang mabait at magalang si Professor Darien, pero kapag nasa klase na, seryoso talaga siya. Disiplinado, classic na professor vibes. Kaya karamihan sa mga estudyante ay may konting takot sa kanya.Pero kahit ganun, hindi nito napipigilan ang dami ng mga b

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 99

    Harmony: “Bakit ang totoo mo magsalita… *shy expression emoji*Sammy: “Pero seryoso, bagay talaga kayo ni Professor Darien.”Bagay ba?Hirap paniwalaan ni Harmony na ang salitang ‘bagay’ ay pwedeng gamitin para sa kanila ni Darien.Sammy: “Nung nakatayo kayo na magkatabi, hawak mo ‘yung trophy, parang kayong parehong nasa tuktok. Peak meets peak.”Napatingin si Harmony sa picture, at hindi na napigilan ang dahan-dahang pagngiti."Peak meets peak," ha?Gusto niya ‘yung term na ‘yon.Harmony: “Okay, dahil diyan, libre kita sa dinner mamaya.”Sammy: “Waaaah!”Sammy: “Kung sinabi mo lang agad, sana hindi na ako masyadong kumain kanina.”Sammy: “Kailangan ko munang mag-clear ng system bago tayo kumain para mas maraming malamon.”Harmony: *speechless*Wala na siyang gana makipagdiskusyon.Matapos ang chat nila ni Sammy, naisip ni Harmony na ipasa ang picture na galing kay Sammy kay Darien.Habang papunta sa last class niya, binuksan ni Darien ang photo. Sa unang tingin pa lang

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 98

    Ganun lang kadali, binalik lang ni Harmony sa kanila ang mga sinabi nila noon, tapos ay maayos siyang tumalikod at umalis.Napatitig lang si Jessa sa likod ni Harmony bago siya tuluyang naka-react. Galit siyang humawak sa balikat ni Ivan. “Kasalanan mo ‘to! Gano’n kasimpleng tanong hindi mo pa rin nasagot. Ayan tuloy, nakuha na niya ang first place.”Si Ivan, na kanina pa naiinis sa sarili, lalo pang nadagdagan ang sama ng loob. Imbes na aliwin siya ni Jessa, pinatamaan pa siya.“Nakakainis ka na ha. Kung ang galing mo, sana ikaw na lang ang sumali!”Lalo lang nag-init si Jessa. “Anong ibig mong sabihin? Ni ikaw hindi naniniwala sa 'kin? Iniinsulto mo rin ako?”“Alam mo sa sarili mo ‘yon.”Hindi na siya pinansin ni Ivan at diretsong umalis. Pero ayaw pa rin siyang tantanan ni Jessa. Hinablot siya sa braso.“Hindi ka aalis hangga’t hindi mo sinasagot ‘to, tingin mo ba talaga mas magaling si Harmony sa 'kin? Mas mataas ba siya sa 'kin?”Nasa may pintuan pa sila ng conference hall

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 97

    “Pakisagot, Harmony Crisostomo.”Mahina pero malinaw ang sagot niya, “Posterior part ng superior temporal gyrus sa kaliwang bahagi ng utak.”Ngumiti ang host. “Tama ang sagot. Congratulations kay Harmony Tasha Crisostomo sa pagkapanalo ng first place!”Biglang nagpalakpakan ang buong hall. Halos mapatayo si Harmony sa tuwa at hindi makapaniwala. Agad siyang naghanap ng tingin ni Darien.Nakaupo ito sa audience, palakpak din, pero kalmado ang mukha. Tahimik ang ngiti niya, at ang mga mata niya, diretsong nakatingin sa kanya.Napuno ng kakaibang saya ang puso ni Harmony.“Would he be proud of me?” naisip niya. Kahit kaunti lang sana.Kasi kung oo, ibig sabihin mas napapalapit siya sa kanya.Sa isang tabi, nakasandal na lang si Ivan sa upuan, halatang nawalan ng gana. Si Jessa naman, na nasa audience, ay sumimangot at mahina pang nagbulong, “Swerte mo lang.”Ang premyo ng first prize ay isang tropeo at isang fitness wristband. Pagkatapos ng awarding, nagkaroon ng photo-op. Nakita

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 96

    “BEEP!”Mabilis na pinindot ni Harmony ang buzzer, pinakamabilis sa buong laban.“Okay, Harmony Crisostomo will answer the question.”“Lymphocytes.”“Correct. One point.”“Next question: Ano ang pinakamalaking organ sa katawan ng tao?”BEEP! “Please answer, Alex Valiente.”“Skin.”“Correct. One point.”…Habang tumatagal, lalong nagiging tense ang atmosphere. Habang humihirap ang mga tanong, lumalaki rin ang agwat sa scores. Yung ibang players, kahit alam nila ang sagot, hindi sila nakakabuzzer sa bilis ng iba, kaya napapanood na lang nila na nauunahan sila sa puntos.Mainit ang labanan sa stage, at ramdam mo rin ang tensyon sa audience.Kalma lang ang expression ni Darien, pero ang tingin niya ay hindi umaalis kay Harmony.Iba siya habang nasa competition. Nakatuon ang tingin sa screen, seryoso ang mukha, pursigidong-pursigido. Iba ang aura niya ngayon, attractive in a focused kind of way.Sanay si Darien na makakita ng matatalino at successful na tao, pero hindi ‘yun

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   Chapter 95

    Nakatingin nang seryoso si Harmony sa screen ng cellphone niya, mabilis ang paggalaw ng daliri habang sinasagot ang exam.Mabilis lumipas ang dalawampung minuto at kusa nang nag-submit ang exam system.“End of the first round. We will now compute the scores,” sabi ng host na galing sa student council habang kinakausap ang mga judge.Bumuntong-hininga si Harmony at pinakawalan ang tensyon sa mga kamay. Kampante naman siya sa score niya.At tama nga siya, maya-maya lang, inanunsyo ng host ang mga nakapasok sa second round.“Mula sa Clinical 5 ng batch 2021, Perry Santos. Clinical 7 ng batch 2022, Harmony. Clinical 3 ng batch 2022, Ivan Salicop. Clinical 9 ng batch 2023, Steve Manahan. Dental 2 ng batch 2020, Mike Panganiban. Nursing 2020, Alex Valiente…”“Congratulations to the top ten students who will enter the next round of the buzzer challenge. Please come up on stage.”Kasabay ng bawat pangalan na binabanggit, palakpakan ang sumunod. Tumayo si Harmony at umakyat sa entablado.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status