แชร์

Chapter 6

ผู้เขียน: Kaswal
Nakatayo lang sa gilid si Harmony at mahinang tinawag, “Pa.”

Saglit siyang tiningnan ni Jaime, sabay inikot ang paningin sa loob ng bahay. “Nasaan 'yung kapatid mo? Hindi pa umuuwi?”

Bago pa man siya makasagot ng “hindi ko alam,” narinig na niya ang sagot ni Ranna, “Tinawagan ko kanina. Sabi niya galing sila mag-basketball ng mga kaklase niya. Pauwi na raw.”

Napailing si Jaime, “Basketball na naman. Wala na bang ibang alam gawin ‘yang batang ‘yon? Hindi man lang mag-aral nang maayos.”

“High school pa lang siya, first year pa lang. Paano mo nasabing wala na siyang pag-asa? Wala namang matinong ama na ganyan kung magsalita sa anak.”

Naayos na ang mga pagkain sa mesa. Umupo silang tatlo, pero walang gustong gumalaw ng pagkain. Hangga’t hindi dumarating si Harold, walang puwedeng magsimulang kumain. Sanay na si Harmony sa ganito. Tahimik lang siyang nakatitig sa kanin sa harapan niya.

“Bakit ang tagal ni Harold? Baka may nangyaring masama?” nag-aalalang tanong ni Ranna.

“Malaki na ‘yun, anong pwedeng mangyari,” sagot ni Jaime, pero mayamaya ay sumunod na rin, “Sige na, tawagan mo.”

Biglang naalala ni Harmony ang isang insidente noong high school siya. Nawalan siya ng allowance kaya kinailangan niyang umuwi para humingi. Sa gitna ng malakas na ulan, tumigil siya sa ilalim ng bubong ng tindahan bago tumuloy sa bahay. Basang-basa siya nang dumating. Pagbukas niya ng pinto, nakita niyang masayang kumakain ang buong pamilya. Walang sinuman ang nagtanong kung okay lang siya. Ang sabi lang ng nanay niya ay, “Ang lakas ng ulan, akala namin bukas ka pa uuwi.”

Isang oras lang siyang na-late noon, at ang kinain niya ay puro tira. Pero si Harold? Sampung minuto lang ang delay, alalang-alala na silang lahat.

Habang tatawagan na sana ni Ranna si Harold, bumukas ang pinto.

Agad siyang napatayo. “Harold, andiyan ka na pala!”

Pumasok ang binatilyo, labing-anim na taong gulang. Ang itsura niya, nasa pagitan pa ng pagkabata at pagbibinata. Ang buhok niya ay nakalaylay sa noo, nakabukas ang zipper ng uniporme, at parang walang pakialam sa ayos.

“Gutóm ka na siguro. Niluto ni Mama ‘yung paborito mong pig ears!”

“Matagal na ‘yun, Ma. Hindi ko na gusto ‘yan,” malamig na sagot ni Harold.

“Ah ganun ba? Sabihin mo na lang ngayon kung anong gusto mong kainin, gagawan kita next time.”

“Bahala na,” sagot niya, halatang wala sa mood.

Pagkakita niya kay Harmony, kunot-noo siyang nagsalita, “Bakit siya nandito?”

Wala man lang “ate” o kahit anong tawag.

“Weekend na, kaya nandito ang ate mo para kumain,” sabay tulak sa kanya ng nanay nila. “Sige na, maghugas ka na ng kamay. Kakain na tayo.”

Sumimangot si Harold at pumasok sa kusina.

Tahimik lang si Harmony buong hapunan. Abala si Ranna sa pagsandok ng pagkain para kay Harold, parang takot itong magutom ang anak.

Pero si Harold, iniiwasan pa ang nanay niya, halatang iritado. “Kaya ko na ‘to, may kamay naman ako.”

Pati si Jaime napailing. “Pwede ba, kumain na lang tayo nang maayos.”

Habang abala sila sa paligid ni Harold, si Harmony naman ay parang hindi bahagi ng pamilya. Nang hindi sinasadyang makakain siya ng taba ng karne, naramdaman niya agad ang pag-ikot ng tiyan niya.

“Ugh!”

Hindi niya napigilan. Nasuka siya mismo sa sahig.

Sabay-sabay siyang tiningnan ng tatlo. Si Harold pa, napangiwing parang nandidiri, tinakpan ang ilong.

Wala nang nasabi si Harmony. Agad siyang tumakbo papuntang banyo at doon, isinuka ang lahat ng kinain niya ngayong gabi.

“Anong nangyari? Bakit ka nagsusuka?” Pumunta si Ranna sa kanya, hinagod ang likod niya habang nag-aalala.

Napaluha si Harmony habang tuloy ang pagsuka. Ramdam niya ang mainit na palad ng ina sa likod niya, at naisip niya. dati rin kaya, noong bata pa siya, ganito rin siya inaalagaan ng nanay niya?

Sa sandaling ‘yon, lumambot ang puso niya. Lahat ng kinimkim na takot at kaba nitong mga araw, biglang bumalot sa kanya. Gusto na niyang sabihin na ‘buntis ako’. Gusto niyang itanong, ‘Ma, anong gagawin ko?’

Pero hindi pa man siya nakakabuo ng pangungusap, tumayo na si Ranna at sabay piksi, “Kung okay ka na, linisin mo na ‘yang kalat mo. Ang baho. Kumakain pa kami, sana tiniis mo na lang bago tumakbo sa banyo.”

Parang binagsakan ng yelo ang buong katawan ni Harmony.

Sa labas ng banyo, narinig niya ang nanay niya na nagsalita ulit. “Harold, bakit hindi ka na kumakain? Lilinisin na ni Mama ‘yan, kain ka pa ha.”

Narinig din niya ang iritang sagot ni Harold, “Wala na ‘ko sa mood.”

“Bilisan niyo, gutom na ‘ko,” ani Jaime.

Walang nagtanong kung ayos lang siya. Walang nag-abot ng tissue. Walang nagtimpla ng tubig para makapagbanlaw man lang siya ng bibig.

Sa loob ng banyo, tahimik siyang umiyak.

Mali ang inasahan niya. Akala niya makakahanap siya ng kaunting pag-aaruga mula sa pamilya niya. Pero nakalimutan niyang lahat ng sugat niya, dito mismo sa pamilyang ‘to nagsimula. Kapag nagkamali siya, sermon agad ang matatanggap. Wala ni isa na nagtatanong kung anong nararamdaman niya.

Sa gitna ng luha, bigla niyang naalala ang isang tao, yung lalaki na parang malamig na buwan, tahimik pero maliwanag.

Bigla niyang naisip. Baka siya ang makapagsabi kung anong dapat niyang gawin.

---

Gabi na, tahimik na ang paligid. Si Darien ay nasa loob ng study room. Naka-on ang laptop sa harap niya, ang malamig na liwanag mula rito ay sumasalamin sa mukha niyang seryoso. Ang mga daliri niya ay mabilis na pumipindot sa keyboard.

Biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Inabot niya ito at nakita ang isang hindi pamilyar na numero.

“Hello?” Malalim at kalmadong tunog ang boses niya.

Walang sumagot.

“Hello,” ulit niya.

Tahimik pa rin. Inisip niyang spam lang ito at handa na sanang ibaba.

Pero bago niya mapindot ang "end call," may narinig siyang mahinang boses sa kabilang linya. “P-Prof. Darien...”

Agad niyang nakilala ang tinig. Si Harmony.

Binalik niya sa tainga ang cellphone.

“Ako po si Harmony Tasha Crisostomo.”

“Alam ko.”

“Pasensya na po kung gabi na ‘ko tumawag.” Halatang ninenerbyos ito. Pero kasunod nito, buong tapang nitong sinabi, “May oras po ba kayo bukas? Pwede po ba tayong magkita?”

Hindi na siya nagtanong pa ng detalye. Tinitigan lang ni Darien ang desk lamp at sumagot, “Sige.”

---

Si Darien ang pumili ng oras at lugar. Pagkapasok pa lang niya sa restaurant, agad niyang nakita si Harmony. Suot pa rin nito ang gray na jacket na suot niya noong una silang magkita. Nakayuko ang maliit na mukha niya, at kita sa mga daliri niyang naglalaro sa mesa ang tensyon niya.

Lumapit siya.

Pagkarinig ng mga yabag, napatingin si Harmony at agad tumayo. “P-Prof. Darien.”

Pinaupo siya ni Darien, saka umupo na rin sa harap nito. Sandaling natahimik ang dalawa.

Si Darien ang unang nagsalita, “Gusto mo bang kumain?”

Kumaway agad si Harmony. “No need po, okay lang ako.”

“Dito ko nga nilagay ang meeting natin para makakain tayo,” sabay tulak ng menu papunta sa kanya. “Pumili ka.”

Wala siyang nagawa kundi pumili. Itinuro niya ang isang ulam. “Ito na lang po.”

Sinilip ni Darien, steamed fish head with chili.

Wala siyang sinabi, at agad niyang tinawag ang waiter para um-order. Bukod sa napili ni Harmony, umorder din siya ng tatlong ibang putahe.

Habang hinihintay ang pagkain, umiinom lang ng tubig si Harmony. Hindi rin siya tinanong ni Darien kung bakit siya pinatawag.

Pagdating ng pagkain, halos mapaso ang utak ni Harmony nang makita ang ulam, puro pulang sili! Hindi niya kaya ang maaanghang. Kanina, hindi naman talaga niya tiningnan nang mabuti kung anong pinili niya. Sa sobrang kaba, kahit ano na lang.

Pero wala nang atrasan. Kumuha siya ng kaunti at pilit na kinain. Pawis na pawis ang noo niya at halos mamula na ang labi.

Biglang iniabot ni Darien ang baso at nilagyan ng lemon water.

“Lemon water can help. Kung hindi mo kaya, huwag mo nang pilitin.”

“Sorry po,” nahihiya niyang sabi.

“Walang dapat i-sorry,” sagot ni Darien habang inilipat sa tabi ang spicy dish. “At least ngayon alam ko na, hindi ka pala mahilig sa maanghang.”

Napatingin si Harmony sa kanya. Sa simpleng linyang ‘yon, may kakaibang init siyang naramdaman sa dibdib.

Kalma lang ang boses ni Darien, parang walang nangyari. Kahit pa nalaman niyang estudyante niya si Harmony, hindi ito nagpakita ng galit o gulat, panandaliang gulat lang siguro, pero agad na siyang bumalik sa normal.

Mas matanda ito sa kanya. Siguro ganito talaga ang mga taong hinubog ng panahon.

Maybe… tama lang na siya ang nilapitan niya.

Humugot siya ng malalim na hininga, at buong lakas ng loob na nagsalita. “Professor Darien, may kailangan po akong sabihin.”

Tumango lang ito. “Sige, sabihin mo.”

Binuksan ni Harmony ang bag niya, inilabas ang resulta ng follow-up check-up, at iniabot iyon.

Halos hindi niya makontrol ang panginginig ng mga kamay niya.
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   CHAPTER 200

    Nanuyo ang lalamunan ni Darien nang ibinaba niya ang bintana.Sa labas, nakatayo si Harmony, mahigpit ang kapit sa harap ng damit niya, namumula ang mukha at punong-puno ng kislap ang mga mata.Yumuko siya, dahan-dahang lumapit sa bintana.Kasabay ng malamig na simoy ay dumampi ang bango niya, at saka isang mabilis at magaan na halik sa labi ni Darien.Bago pa siya makareact, nakatayo na ulit si Harmony.“You said it, so I did it,” bulong niya, nanginginig ang boses.Pagkasabi nito, namumula siyang tumalikod at umalis.Sa loob ng kotse, ilang segundo pang tulala si Darien. Hindi niya namalayang napahawak siya sa labi niya, na parang naroon pa rin ang halimuyak ng halik niya.Unti-unti, ang dati niyang seryosong mukha ay napuno ng buhay, at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, ngiting hindi niya mapigilan.Sa kabilang banda, punong-puno ng tao sa field para sa stress-relief activity. May mahigit sampung booths ng games, at bawat laro may premyo kapag natapos.Nag-message s

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   CHAPTER 199

    Namula ang babae at tumango, hindi niya napansin ang saglit na pagliwanag ng kasamaan sa mga mata ni Ivan.“Harmony, ilang araw na lang, sa exam week activity na yun ang magiging katapusan mo. Ibubunyag ko sa harap ng buong school ang ginawa mong pagsira sa pamilya ng iba. Para makita ng lahat kung ano talaga ang totoo mong mukha.”Sa med school, may matagal nang tradisyon, tuwing finals week, laging may event na may tema, “Tanggalin ang pressure, wag magpa-stress.”Optional ang pagsali, pero si Harmony, sa totoo lang, ayaw niya talagang sumama. Ang kaso, pinaalalahanan siya ng adviser na kailangan niyang maglista kung sino ang willing umatend. At para makumpleto ang bilang, halos nagmakaawa na ang adviser kaya wala na siyang nagawa kundi pumayag.Isang hapon lang naman, kaya inisip niyang okay lang.Kinagabihan habang kumakain, tinanong niya si Darien.“A-attend ka ba sa school activity?”“What activity?” tumingin ito sa kanya.Doon lang naalala ni Harmony na first semester pa

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   CHAPTER 198

    Malapit na ang final exams, kaya mas naging seryoso at tense ang atmosphere ng mga estudyante sa pag-aaral.Sa classroom, nakayuko si Harmony habang nagbabasa ng libro, hindi niya alam na may isang tao na nakatayo sa labas ng bintana at nakatingin sa kanya.“Ivan.”Isang babae ang kinakabahang lumapit sa nakatayo sa bintana na si Ivan.Gwapo at matalino si Ivan, kaya hindi lang isa o dalawa ang may gusto sa kanya. Isa na dun ang babaeng nasa harap niya.Pero average lang ang grades ng babae, at hindi rin siya kapansin-pansin sa crowd. Kaya hanggang tingin lang siya kay Ivan, never niyang inisip na isang araw siya mismo ang lalapit dito.Tiningnan siya ni Ivan at nagsalita, “May gusto sana akong ipagawa sayo.”Agad namang sagot ng babae, “Sabihin mo lang, tutulungan kita.”Lumapit si Ivan ng kaunti, at namula bigla ang mukha ng babae.Pagkarinig niya ng sinabi nito, hindi niya mapigilang magulat.Hinawakan agad ni Ivan ang kamay niya, tapat ang tingin, “You’ll say yes, right?”

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   CHAPTER 197

    Sa paningin niya, ano nga bang klase ng tao si Darien?Sa totoo lang, may sagot na agad si Harmony sa puso niya.Binuka niya ang bibig at marahang nagsalita. “Parang dagat siya, tinatanggap lahat ng sa akin, kahit maganda o pangit. Kapag kasama ko siya, lagi niya akong tinutulungan na maging mas mabuting tao.”Simple lang ang sinabi niya, pero mas dama at mas totoo kaysa sa magagarbong salita.Isang healthy na relasyon ang magbibigay ng tapang at kumpiyansa, kaya natututo siyang maging mas mabuting sarili niya.Uminit ang dibdib ni Harmony, halos di maitago ang pamumula sa mukha. Mahina siyang nagsabi, “I love him.”Gusto sana niyang gamitin ang Filipino, pero sa sobrang hiya, English na lang ang lumabas.Pagkasabi niya nun, naging mas mainit ang tingin ni Darien sa kanya.Nagbiro naman agad si Alec. “Darien, after a love confession like that, you should kiss her.”Napaso ang mukha ni Harmony sa hiya. Biglang hinawakan ni Darien ang kanyang baba gamit ang mahahabang daliri.Di

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   CHAPTER 196

    Pagpasok sa private room, hindi pa nakaupo si Alec nang bigla siyang tumuro sa tiyan ni Harmony. “Since kanina gusto ko na talagang itanong, you’re having a baby?”Nagkatinginan sina Harmony at Darien, at tumango si Darien. “Yes.”Agad na tinaas ni Alec ang thumbs up at nagsabi sa medyo mali-maling Filipino, “Atig” (Astig).Sabay napatawa ang mag-asawa.Nang makaupo na sila, isa-isang dumating ang mga ulam. Habang kumakain, hindi pa rin tigil si Alec sa pagpuri. “Since my parents passed away, hindi na ako nakatikim ng ganito kasarap na Filipino food.”Ipinaliwanag ni Darien, “Mahusay magluto ng Filipino food ang parents ni Alec, pero maaga silang pumanaw.”Naging curious si Harmony. “Nag-migrate ba sila noon pa?”“Yeah,” sagot ni Alec. “Nag-migrate sila to the US noong 1960. Doon na sila tumira hanggang sa mamatay sila dahil sa sunog.”Napasinghap si Harmony sa narinig, hindi napigilang malungkot.Nagpakita rin ng bigat ng damdamin si Alec. “Kahit hanggang sa huling sandali, b

  • Secret Wife Ako ni Professor Darien   CHAPTER 195

    Bumalik sila at sa may pintuan nakita nila si Alec na kakapasok pa lang sa hagdan.“Finally, I get to meet you,” sabi ni Alec sa English, sabay lapit at mainit na niyakap si Harmony, tapos nagbigay pa ng cheek-to-cheek greeting.Natigilan si Harmony, nanigas ang buong katawan niya. Nang makita ni Alec ang reaksyon niya, agad itong natauhan at nag-sorry, sabay tawa. “Sorry, habit ko na kasi.”Nahihiya at namumula ang mukha ni Harmony, pero mabilis siyang umiling. “Wala yun, it’s okay.”Halatang mabilis siyang mahiyain, lalo na’t namula na ang pisngi niya.Ngumiti si Alec at tumingin kay Darien. “Your wife is so lovely.”Ngumiti rin si Darien. “I agree with you.”Lalong nahiya si Harmony sa biglaang papuri.Pagkatapos ay seryosong ipinakilala ni Darien, “She’s Harmony Tasha Crisostomo.”“Kumusta, Harmony, nice to meet you. I’m Alec.”Sa pagkakataong ito, Filipino ang ginamit ni Alec, sabay abot ng kamay ayon sa tradisyunal na courtesy.Nakipagkamay si Harmony at maayos na sagot

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status