Mag-log in"Thirty-nine point four," wika niya nang tingnan ang temperature ko.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung dahil ba lagnat ako o dahil sa tawag niya kanina. Baby? Tinawag niya akong baby? Mukha ba akong sanggol? Pinapanood ko siyang pigain ang bimpo mula sa maliit na labador. Umumbok ang mga ugat sa mga braso niya habang pinipiga iyon. Nakakunot ang noo niya— na para bang napakalaking problema ng lagnat ko. Nakakagulat. Dahil ito rin ang lalaking halos gusto kong sakalin palagi sa opisina. At wala naman siyang pakialam sa akin. Nang matapos siya, maingat niyang inilapag ang malamig na bimpo sa noo ko. "Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko may overtime ka sa trabaho?" hindi ko napigilang magtanong. "You didn't reply to my texts and calls," wika niya na para bang sapat na sagot na iyon. "You've never cared about me," I suddenly said. He clenched his jaw. Pinagpatuloy niya ang pagpupunas sa noo ko. Kinuha niya ang kamay ko at sunod na ipinunas iyon. Parang bilyon-bilyong kuryente ang lumandas sa buong katawan ko habang ginagawa niya iyon. He was so gentle. Na para bang hindi siya ang lalaking araw-araw na nagpapabalik-balik sa akin sa opisina. Na para bang hindi siya ang dahilan kung bakit gusto kong magsumite ng resignation letter kada linggo. Nagulat ako nang hawakan niya ang palad ko habang patuloy sa pagpupunas. My heart almost jumped when his thumb brushed against our wedding ring. "Who said I've never cared?" marahang tanong niya. Napalunok ako. His voice is almost a lullaby. Bumigat ang paghinga ko nang bahagyang niya pang pinaglaruan ang singsing na suot ko. "P-palagi mo 'kong pinapahirapan sa opisina. You're acting cold towards me. Para akong estranghera rito sa bahay mo," hindi ko namalayan na may halong pait na pala sa boses ko. I heard his sigh. "I've never let you skip a meal. Every morning, I make sure there's breakfast before I leave." Napasinghap ako. Hindi ko na napansin iyon dahil palagi akong naiinis sa kaniya. "Hinihintay kita palagi para sabay sana tayong pumunta sa opisina pero lagi mo akong nilalampasan dahil nagmamadali ka. Kapag uwian, I tried to call your name but you never responded. I want us to go home together. But every time I attempt. Nagmamadali ka na sumakay sa taxi." Nagulat ako sa sinabi niya. "P-pero lagi kang nauuna sa ating umuwi." "Because I've driven so fast. Kaya pag-uwi mo, ang tendency, pagdating mo ay kakarating ko lang at doon lang ako nakakapagluto." Natigilan ako. Para bang isa-isang binabasag ng mga salita niya ang lahat ng maling akala ko. Bigla kong naalala ang mga gabing pagod na pagod akong umuuwi. Pagbukas ko ng p***o, naaamoy ko na agad ang niluluto niya. Akala ko noon ay nagkataon lamang. Akala ko ay mas maaga siyang umuuwi kaya siya nakakapaghanda. Hindi ko naisip na baka hinihintay niya talaga ako. "You're always mad at me," tanging nasabi ko. I heard him laugh. I pouted. Ano'ng nakakatawa? "Look, who's talking?" panunuya niya. Ang totoo kasi niyan. Palapit pa lang ako sa kaniya. Sumasama na agad ang timpla ko at sumasalubong na ang kilay ko bigla. "Because you're annoying," tanging nasabi ko. "Wala akong ginagawa na masama. You once spent three days ignoring me because I corrected a typo," umiba ang boses niya noong sabihin iyon. Tila ba may halos na tampo iyon. "Hindi typo iyon!" rason ko pabalik. "It was." "No, it's not!" inis na wika ko at ayaw magpatalo. "It was." "Garvin!" Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin na naka-bridal style. "See?" aniya. "See what?" "You're already arguing even when you're sick," he whispered against my ears. Tumaas ang balahibo ko. Pakiramdam ko'y parang kiniliti ang sikmura ko. Libo-libong kuryente ang dumaloy sa buong kaugatan ko. Sa unang pagkakataon, I lost words. I lost my reason for arguments. Tila ba na blanko ang ang utak ko dahil sa kakaibang bagay na ipinaparamdam niya sa akin. Dinala niya ako sa kwarto. Ngunit nagulat ako na imbes sa kwarto ko, diniretso niya ako sa kwarto niya. "Magpahinga ka muna. Hindi ako makakapagtrabaho ng maayos kapag ganito ka," bulong niya sa akin. Bumigat ang talukap ng mata ko. Naramdaman ko ang marahang halik niya sa noo ko bago pinatay ang ilaw at lumabas. Nakatulog ako dahil na rin sa sobrang sama ng pakiramdam. Ngunit gumigising-gising ako minsan kapag maramdaman ko ang bahagyang paghaplos ni Garvin sa noo ko. Mga pagpunas niya ng basang bimpo sa akin. May pagkakataon pa na gigisingin niya ako para pakainin at painumin ng gamot. Buong araw ganoon ang ginawa niya. Kinagabihan, nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa singsing ko. Napangiti ako nang lingunin si Garvin. Nakahilig ang ulo niya sa gilid ng kama habang pinaglaruan ang wedding ring namin. Bahagyang magulo na ang buhok niya at bakas ang pagod sa mukha. Mukhang hindi rin siya natulog nang maayos. "Hindi ka pa rin natutulog?" paos kong tanong. Napaangat ang tingin niya. Kaagad na lumambot ang ekspresyon niya nang makitang gising ako. "Go back to sleep," wika niya. Napasimangot ako. "Matulog ka na rin. Lilipat ako sa kwarto ko para makapagpahinga ka na rin," marahang wika ko sa kaniya. "Dito ka na para matingnan-tingnan kita. You still have a fever," nag-aalalang ani pa niya. "P-pero paano ka?" "May I sleep beside you?" puno ng pag-iingat na tanong niya. My heart starts beating abnormally. Unti-unti akong napatango. Halos makalimutan ko nang huminga ng bigla siyang tumayo. Naikagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko siya mula sa likuran ko. Tila nagwala ang paru-paro sa sikmura ko nang maramdaman ko ang kamay ni Garvin sa baywang ko. Napasinghap ako nang ipinulupot niya iyon. I closed my eyes when I felt his kissed on my hair. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa kabila nang kakaibang pakiramdam ko. But with his embrace, I felt safe. Hindi ko namalayang tuluyan na pala akong nakatulog. Nang muli akong magising kinabukasan, sinalubong ako ng mahinang sinag ng araw mula sa bintana. Bahagyang mabigat pa rin ang ulo ko ngunit mas maayos na ang pakiramdam ko kumpara kahapon. Wala na si Garvin sa tabi ko. Tiyak akong nasa trabaho na siya. Ngunit nang makababa ako. Nakarinig ako ng boses babae. Nang palapit na palapit, unti-unting nagiging pamilyar sa akin iyon. Halos matuod ako sa kinatatayuan ko nang makita si Garvin kausap ang ex-girlfriend niya.Sa sobrang inis at sama ng loob ko. Nagtrabaho ako. Umalis ako nang hindi nagpapaalam kay Garvin. Nag-uusap sila sa kusina. Mabilis akong bumalik sa kwarto ko, naligo, at parang hangin na lang na lumipad patungo rito sa trabaho. Napansin kong ilang beses siyang tumawag sa selpon ko pero hindi ko iyon sinagot. Ni hindi ko rin binasa ang mga mensahe niya sa akin. “Dumating na raw iyong ex-girlfriend ni Sir Garvin kahapon. Kaya pala panay tutok niya sa selpon at hindi maka-focus sa meeting natin kahapon. Atsaka, sabi ni Marlon mukhang may tinatawagan daw. Grabe, Adriana, baka hindi ka na sungitan no’n kasi inspire na siya sa trabaho,” kwento sa akin ng kasamahan ko sa trabaho na bakla. Nanikip ang dibdib ko. Mas lalong dumiin ang bawat pindot ko sa keyboard. Nakakainis! Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ngayon. Dapat hindi ako apektado kasi wala naman akong pakialam sa kaniya!Ikaw naman, Adriana. Huwag kang tanga! Pinakitaan ka lang ng kabaitan ay tatanga-tanga ka na riyan!
"Thirty-nine point four," wika niya nang tingnan ang temperature ko. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung dahil ba lagnat ako o dahil sa tawag niya kanina. Baby? Tinawag niya akong baby? Mukha ba akong sanggol? Pinapanood ko siyang pigain ang bimpo mula sa maliit na labador. Umumbok ang mga ugat sa mga braso niya habang pinipiga iyon. Nakakunot ang noo niya— na para bang napakalaking problema ng lagnat ko.Nakakagulat. Dahil ito rin ang lalaking halos gusto kong sakalin palagi sa opisina. At wala naman siyang pakialam sa akin. Nang matapos siya, maingat niyang inilapag ang malamig na bimpo sa noo ko. "Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko may overtime ka sa trabaho?" hindi ko napigilang magtanong. "You didn't reply to my texts and calls," wika niya na para bang sapat na sagot na iyon. "You've never cared about me," I suddenly said. He clenched his jaw. Pinagpatuloy niya ang pagpupunas sa noo ko. Kinuha niya ang kamay ko at sunod na ipinunas iyon. Parang bilyon-bilyong kurye
We were silent during our dinner. Tanging kubyertos lamang ang maririnig sa hapag.Pinaunlakan ko ang alok niya sa akin. Lalo pa’t kumakalam na talaga ang sikmura ko. Pakiramdam ko rin ay parang sasama ang pakiramdam ko. Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Sa kabila ng simpleng suot niya, hindi ko maiwasang palihim na mapahanga.Kahit sa simpleng pambahay, mukha pa rin siyang modelo ng isang mamahaling magazine.Para bang hindi patas.Habang ako ay halos mamatay na sa stress at overtime, siya naman ay mukhang bagong gising mula sa isang mahimbing na tulog.Kaagad kong ibinalik ang tingin ko sa plato nang mapansing matagal ko na pala siyang pinagmamasdan.Ngunit huli na. Napaangat na rin ang tingin niya. Nagtagpo ang mga mata namin.Halos magpasalamat ako nang bigla akong nabahing. Mukhang lalagnatin yata ako, ah. “Are you okay?” biglang tanong niya. Nilagyan niya ang baso ko ng tubig at iniabot iyon sa akin. Matagal ko munang tinitigan ang basong hawak niya. Tinatantya kung tatangga
He looked so chilled while sitting on the sofa. Bahagyang nakakrus ang mga kamay, tila may hinihintay. Napadilat siya. Napaangat ang tingin niya nang maramdaman ang pagdating ko. We stares at each other. “You’re late,” malamig na puna niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. “Pagkatapos mo ‘kong pinahirapan ay ganiyan ibubungad mo sa akin? Kung tinanggap mo na lang sana ng ipinasa ko. Edi maaga pa akong umuwi rito!” At nakapagluto pa sana ako sa kaniya! “Kasi may mali ka roon,” mariing sagot niya. “Ano’ng mali? Wala akong nakikitang mali roon. Ikaw lang ang naghahanap ng mali sa akin para pahirapan ako. At kahit anong gawin mong pagpapakahirap sa akin. I won’t divorce you!” matigas na wiko ko. He clenched his jaw. Yes, Garvin and I are married. Secretly.Hindi ko maiwasang titigan siya nang may paghihinala.Simula nang ikasal kami anim na buwan na ang nakalipas, para bang naging mission niya na gawing miserable ang buhay ko.Mula sa walang katapusang overtime,
Tagaktak na ang pawis ko. Halos nakalimutan ko na kung paano huminga dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng oxygen sa katawan.Ngunit higit pa sa pagod, mas nangingibabaw ang nag-aapoy kong galit.Pumasok ako sa loob ng opisina habang mahigpit na nakahawak sa makapal na folder na muli niyang pinarebisa.Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis at inggit.Habang ako ay mistulang bruha sa kakabalik-balik sa iba’t ibang departamento para ayusin ang kontratang pinapaulit-ulit niya, heto siya ngayon—preskong-presko at ayos na ayos.Nakaupo siya sa mamahalin niyang swivel chair na para bang wala siyang pinahirapang tao ngayong araw.Nakaluwag nang bahagya ang itim niyang necktie habang nakabukas ang unang dalawang butones ng puti niyang polo. Nakasuklay paatras ang makapal niyang itim na buhok na tila bagong ayos lamang.Matangos ang ilong niya at matalim ang panga na para bang inukit nang perpekto. Ang manipis niyang labi ay bahagyang nakakurba sa isang nakakairitang ngisi habang nakatutok ang







