Share

Secretly Marriage with my Rival Boss
Secretly Marriage with my Rival Boss
Author: Yojselah

Chapter 1

Author: Yojselah
last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-01 18:25:10

Tagaktak na ang pawis ko. Halos nakalimutan ko na kung paano huminga dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng oxygen sa katawan.

Ngunit higit pa sa pagod, mas nangingibabaw ang nag-aapoy kong galit.

Pumasok ako sa loob ng opisina habang mahigpit na nakahawak sa makapal na folder na muli niyang pinarebisa.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis at inggit.

Habang ako ay mistulang bruha sa kakabalik-balik sa iba’t ibang departamento para ayusin ang kontratang pinapaulit-ulit niya, heto siya ngayon—preskong-presko at ayos na ayos.

Nakaupo siya sa mamahalin niyang swivel chair na para bang wala siyang pinahirapang tao ngayong araw.

Nakaluwag nang bahagya ang itim niyang necktie habang nakabukas ang unang dalawang butones ng puti niyang polo. Nakasuklay paatras ang makapal niyang itim na buhok na tila bagong ayos lamang.

Matangos ang ilong niya at matalim ang panga na para bang inukit nang perpekto. Ang manipis niyang labi ay bahagyang nakakurba sa isang nakakairitang ngisi habang nakatutok ang tingin sa laptop sa harapan niya.

Kahit nakaupo lamang, hindi maitatangging taglay niya ang awtoridad ng isang lalaking sanay na utusan ang lahat sa paligid niya.

Nakakainis.

Sobrang nakakainis.

Lalo na dahil sa kabila ng pagiging perfectionist, mayabang, at ubod ng sungit niyang boss, hindi maikakailang isa siya sa mga pinakaguwapong lalaking nakita ko sa buong buhay ko.

At iyon marahil ang pinakamasakit na parte.

Ang magalit sa isang taong napakadaling kamuhian ngunit napakahirap hindi titigan.

Pabagsak kong nilapag ang dokumento sa harap niya. He looked at me while I was giving him my sharpest stare. He didn’t even bother the way I looked at him. Kinuha niya lang sa harapan niya ang folder at pinasadahan ng tingin. Wala pang minuto, nilapag niya ang folder sa mesa at tumingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

“No, I don’t like this,” mariing wika niya. Ibinalik niya ang tingin sa laptop.

Inis kong kinuha muli ang folder. Pabagsak kong isinara ang p***o paglabas.

Nang maupo ako sa workstation ko, agad akong napahawak sa noo.

Isang linggo na.

Isang buong linggo na niyang pinapaulit-ulit ang kontratang iyon.

Bilang Executive Secretary ng CEO ng Harrison Holdings, isa sa pinakamalalaking construction at real estate companies sa bansa, trabaho kong siguraduhing maayos ang iskedyul, dokumento, meeting, at mga kontrata ng boss kong si Gavin Harrison.

Sa madaling salita, ako ang kanang kamay niya. O mas tamang sabihin, ako ang kawawang empleyadong sumasalo sa lahat ng sumpong niya.

Mula alas-sais ng umaga hanggang minsan ay alas-diyes ng gabi, halos wala na akong ginawa kundi habulin ang mga utos niya.

“Adriana, revise this.”

“Adriana, reschedule that.”

“Adriana, where’s my report?”

“Adriana, fix it.”

Pakiramdam ko nga ay mas madalas ko pang marinig ang pangalan ko mula sa kaniya kaysa sa pamilya.

Napabuntong-hininga ako at binuksan muli ang folder.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon siya kaarte sa kontratang ito.

Isa itong merger agreement sa pagitan ng Harrison Holdings at Rivera Infrastructure—ang pinakamalaking business rival ng kompanya nila.

Ilang buwan nang pinag-uusapan ng dalawang kumpanya ang partnership na ito.

Kaya naman bawat salita, bawat numero, bawat tuldok at kuwit sa kontrata ay para bang buhay niya ang nakataya.

Ngunit kahit na ganoon, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para pabalik-balikin niya ako nang parang yoyo.

Nakakainis!

“Nakakairita talaga. Hindi porket gwapo siya at maganda ang pangangatawan ay may kakayahan na siyang kaawaan ang ganitong ganda ko,” nanggagalaiti kong bulong. Pakiramdam ko ay masisira na ang keyboard ko sa sobrang diin ng pagkakapindot sa keyboard ko.

Hindi pa man ako nakakatapos ng kalahating pahina, tumunog na naman ang intercom sa mesa ko.

Napapikit ako. “Huwag mong sabihing siya na naman,” inis na bulong ko.

Pinindot ko ang receiver. “Adriana…” Putangina, siya nga!

“Yes, sir?”

“My coffee.” Kumunot ang noo ko.

“Your coffee?”

“Now.”

Pagkatapos noon ay pinatay niya agad ang tawag. Napatingala ako sa kisame.

“Lord,” mariin kong bulong. “Kung kukunin Ninyo na po ako, ngayon na sana.”

Hindi ko siya sinunod. Pumuti man ang mata niya, bahala siya sa buhay niya!

Pagod na pagod na ako sa mga utos niya. Pati ba naman kape ay sa akin pa rin dapat iaasa? Manigas siya!

Nang matapos ako sa ginagawa ko, bumalik muli ako sa opisina niya. Hindi ko na kinatok ang p***o. Diretso ko iyong binuksan at pumasok.

Nakayuko pa rin siya sa mga dokumentong nasa mesa habang abala sa pagbabasa. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin.

“Nasaan ang kape ko?” Napapikit ako nang mariin.

Talaga ba? Talagang iyon ang una niyang itatanong?

“Namatay,” inis na sagot ko.

Doon lamang siya nag-angat ng tingin.

Nanatiling walang emosyon ang mukha niya.

“Who?” kunot-noong tanong niya.

“Ang kape mo.”

Naningkit ang mga mata niya. “Very funny.”

“I know.”

Tahimik siyang tumitig sa akin nang ilang segundo. Pagkatapos ay sumandal siya sa kaniyang upuan.

“My coffee, Adriana.”

“In case you forgot, sir, Executive Secretary po ako. Hindi barista.” Tumaas ang isang kilay niya sa sagot ko.

“Part of your responsibilities is assisting me.”

“Hindi kasama roon ang pagtimpla ng kape.”

“Hindi rin kasama roon ang pagsagot sa boss.” Napairap ako.

“Then fire me,” malakas ang loob na hamon ko sa kaniya.

Nagkatinginan kaming dalawa. Tila naglalaban ang titig namin sa isa’t isa.

“I can’t fire you,” mahinang bulong niya. Pareho naming alam kung bakit hindi niya madaling magagawa iyon.

Kinuha niya na lamang ang folder ko. Pinasadahan niya iyon ng tingin. Ito na naman, wala pang minuto ay ibinagsak niya na muli iyon sa mesa.

“No.” Napasinghap ako.

“Ano na naman?!” halos pasigaw kong tanong. Halos wala na akong kain at pahinga dahil sa punyetang mga rejection niya sa mga dokumento ko.

He’s the worst boss that I’ve ever met!

Tumaas ang isang kilay niya. “Your tone.”

“Forget my tone! Ano na naman ang mali?”

Tahimik niya akong tinitigan bago itinuro ang isang pahina.

“Clause 7.” Agad kong binuklat ang dokumento.

Kumunot ang noo ko.

“Clause 7?”

“Yes.”

Mabilis kong binasa ang nakasulat. Wala akong makitang mali.

“Sir, ito iyong mismong wording na ipinagawa ninyo kahapon.”

“And?” Napapikit ako. Huminga ako nang malalim.

Pilit na nilalabanan ang intrusive thoughts ko na huwag ko lang sana mapukpok sa ulo niya itong folder na hawak ko. May natitira pa naman akong kaunting respeto sa kaniya bilang empleyado niya rito.

“Kayo po mismo ang nag-approve nito kahapon,” pag-papaalala ko sa kaniya.

“I’ve changed my mind.” Nanlaki ang mga mata ko.

Ang simple lang sa kaniya sabihin no’n— na para bang hindi man lang niya ako pinahirapan!

“You’ve changed your mind?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Yes.”

“Basta-basta?”

“That’s how decisions work.”

“No! That’s how dictators work!” Napataas ang boses ko.

Kahit maging ang mga empleyadong nasa labas ay napaangat ng tingin sa mga cubicle nila.

Mabagal na sumandal si Garvin sa kaniyang upuan.

“Careful, Adriana.”

“No, you be careful!” wala sa sariling wika ko dahil sa labis na inis.

“Excuse me?”

“Alam n’yo bang tatlong departamento na ang pinagpabalik-balik ko para sa kontratang ito?”

“That’s your job.” Hindi ko siya pinakinggan.

“At alam n’yo bang limang beses ko nang ni-revise ito?” patuloy ko pa.

“Then make it six.”

Pakiramdam ko ay may pumutok na ugat sa ulo ko.

“Hindi ako robot!”

“Good. Because robots don’t complain this much.” Napahawak ako sa dibdib ko.

“Lord, bigyan Ninyo po ako ng lakas,” madramang bulong ko ngunit narinig niya pa rin iyon.

“You need patience, not strength,” pagtatama niya sa panalangin ko.

Talagang kailangan ko rin ng pasensya dahil gusto ko na siyang sampalin!

“At kayo po ang dahilan kung bakit ubos na ubos na ang pasensya ko!” inis na singhal ko sa kaniya.

Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.

Nakakairita.

Habang mas galit ako, parang mas lalo naman siyang naaaliw.

“Revise it.”

“No,” matigas na sagot ko.

“Adriana,” tawag pa niya sa pangalan ko.

“No.”

Manigas siya! Pagod na pagod na ako kaka-revise.

“Adriana.”

May diin na ang pagkakatawag niya sa pangalan ko pero napairap lamang ako sabay iling.

“No!”

“Adriana Harrison,” mariing tawag niya sa buong pangalan ko. Natigilan ako.

Nagkatinginan kami. Inis kong hinablot ang folder sa kamay niya at padabog na lumabas sa opisina niya.

Nang makarating sa station ko, ginawa ko ang trabaho ko.

“Adriana, uwian na! Hindi ka pa kumakain simula pa kanina, ah,” tawag sa akin ng kasamahan kong bakla.

“Mamaya na ako uuwi,” pagod na sagot. Ang mga mata ay nakatutok sa computer.

“Favorite ka talaga ni Sir pagdiskitahan. Ito nga si Maria ay hindi pa nababasa, approve na agad,” I clenched my jaw. Nakakainis ang lalaki na iyon!

Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Nag-commute lamang ako. Pagbukas ko ng p***o. Nakaupo ang walang hiya sa sala.

He looked compose while sitting on the couch. His eyes were close. He still didn’t change his cloth. Kung ano ang suot niya sa opisina, iyon pa rin ang suot niya ngayon. I suddenly get annoyed in myself because I can’t help but still admire him.

I looked at his ring, exactly the same as mine. Hindi ko akalaing maikasal sa kaniya. Hindi ko akalain matali sa isang lalaki na kinaiinisan ko.

No other than, Garvin Harrison… my worst husband.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Secretly Marriage with my Rival Boss   Chapter 5

    Sa sobrang inis at sama ng loob ko. Nagtrabaho ako. Umalis ako nang hindi nagpapaalam kay Garvin. Nag-uusap sila sa kusina. Mabilis akong bumalik sa kwarto ko, naligo, at parang hangin na lang na lumipad patungo rito sa trabaho. Napansin kong ilang beses siyang tumawag sa selpon ko pero hindi ko iyon sinagot. Ni hindi ko rin binasa ang mga mensahe niya sa akin. “Dumating na raw iyong ex-girlfriend ni Sir Garvin kahapon. Kaya pala panay tutok niya sa selpon at hindi maka-focus sa meeting natin kahapon. Atsaka, sabi ni Marlon mukhang may tinatawagan daw. Grabe, Adriana, baka hindi ka na sungitan no’n kasi inspire na siya sa trabaho,” kwento sa akin ng kasamahan ko sa trabaho na bakla. Nanikip ang dibdib ko. Mas lalong dumiin ang bawat pindot ko sa keyboard. Nakakainis! Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ngayon. Dapat hindi ako apektado kasi wala naman akong pakialam sa kaniya!Ikaw naman, Adriana. Huwag kang tanga! Pinakitaan ka lang ng kabaitan ay tatanga-tanga ka na riyan!

  • Secretly Marriage with my Rival Boss   Chapter 4

    "Thirty-nine point four," wika niya nang tingnan ang temperature ko. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung dahil ba lagnat ako o dahil sa tawag niya kanina. Baby? Tinawag niya akong baby? Mukha ba akong sanggol? Pinapanood ko siyang pigain ang bimpo mula sa maliit na labador. Umumbok ang mga ugat sa mga braso niya habang pinipiga iyon. Nakakunot ang noo niya— na para bang napakalaking problema ng lagnat ko.Nakakagulat. Dahil ito rin ang lalaking halos gusto kong sakalin palagi sa opisina. At wala naman siyang pakialam sa akin. Nang matapos siya, maingat niyang inilapag ang malamig na bimpo sa noo ko. "Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko may overtime ka sa trabaho?" hindi ko napigilang magtanong. "You didn't reply to my texts and calls," wika niya na para bang sapat na sagot na iyon. "You've never cared about me," I suddenly said. He clenched his jaw. Pinagpatuloy niya ang pagpupunas sa noo ko. Kinuha niya ang kamay ko at sunod na ipinunas iyon. Parang bilyon-bilyong kurye

  • Secretly Marriage with my Rival Boss   Chapter 3

    We were silent during our dinner. Tanging kubyertos lamang ang maririnig sa hapag.Pinaunlakan ko ang alok niya sa akin. Lalo pa’t kumakalam na talaga ang sikmura ko. Pakiramdam ko rin ay parang sasama ang pakiramdam ko. Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Sa kabila ng simpleng suot niya, hindi ko maiwasang palihim na mapahanga.Kahit sa simpleng pambahay, mukha pa rin siyang modelo ng isang mamahaling magazine.Para bang hindi patas.Habang ako ay halos mamatay na sa stress at overtime, siya naman ay mukhang bagong gising mula sa isang mahimbing na tulog.Kaagad kong ibinalik ang tingin ko sa plato nang mapansing matagal ko na pala siyang pinagmamasdan.Ngunit huli na. Napaangat na rin ang tingin niya. Nagtagpo ang mga mata namin.Halos magpasalamat ako nang bigla akong nabahing. Mukhang lalagnatin yata ako, ah. “Are you okay?” biglang tanong niya. Nilagyan niya ang baso ko ng tubig at iniabot iyon sa akin. Matagal ko munang tinitigan ang basong hawak niya. Tinatantya kung tatangga

  • Secretly Marriage with my Rival Boss   Chapter 2

    He looked so chilled while sitting on the sofa. Bahagyang nakakrus ang mga kamay, tila may hinihintay. Napadilat siya. Napaangat ang tingin niya nang maramdaman ang pagdating ko. We stares at each other. “You’re late,” malamig na puna niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. “Pagkatapos mo ‘kong pinahirapan ay ganiyan ibubungad mo sa akin? Kung tinanggap mo na lang sana ng ipinasa ko. Edi maaga pa akong umuwi rito!” At nakapagluto pa sana ako sa kaniya! “Kasi may mali ka roon,” mariing sagot niya. “Ano’ng mali? Wala akong nakikitang mali roon. Ikaw lang ang naghahanap ng mali sa akin para pahirapan ako. At kahit anong gawin mong pagpapakahirap sa akin. I won’t divorce you!” matigas na wiko ko. He clenched his jaw. Yes, Garvin and I are married. Secretly.Hindi ko maiwasang titigan siya nang may paghihinala.Simula nang ikasal kami anim na buwan na ang nakalipas, para bang naging mission niya na gawing miserable ang buhay ko.Mula sa walang katapusang overtime,

  • Secretly Marriage with my Rival Boss   Chapter 1

    Tagaktak na ang pawis ko. Halos nakalimutan ko na kung paano huminga dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng oxygen sa katawan.Ngunit higit pa sa pagod, mas nangingibabaw ang nag-aapoy kong galit.Pumasok ako sa loob ng opisina habang mahigpit na nakahawak sa makapal na folder na muli niyang pinarebisa.Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis at inggit.Habang ako ay mistulang bruha sa kakabalik-balik sa iba’t ibang departamento para ayusin ang kontratang pinapaulit-ulit niya, heto siya ngayon—preskong-presko at ayos na ayos.Nakaupo siya sa mamahalin niyang swivel chair na para bang wala siyang pinahirapang tao ngayong araw.Nakaluwag nang bahagya ang itim niyang necktie habang nakabukas ang unang dalawang butones ng puti niyang polo. Nakasuklay paatras ang makapal niyang itim na buhok na tila bagong ayos lamang.Matangos ang ilong niya at matalim ang panga na para bang inukit nang perpekto. Ang manipis niyang labi ay bahagyang nakakurba sa isang nakakairitang ngisi habang nakatutok ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status