Share

Chapter 3

Author: Yojselah
last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-01 18:29:52

We were silent during our dinner. Tanging kubyertos lamang ang maririnig sa hapag.

Pinaunlakan ko ang alok niya sa akin. Lalo pa’t kumakalam na talaga ang sikmura ko. Pakiramdam ko rin ay parang sasama ang pakiramdam ko.

Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Sa kabila ng simpleng suot niya, hindi ko maiwasang palihim na mapahanga.

Kahit sa simpleng pambahay, mukha pa rin siyang modelo ng isang mamahaling magazine.

Para bang hindi patas.

Habang ako ay halos mamatay na sa stress at overtime, siya naman ay mukhang bagong gising mula sa isang mahimbing na tulog.

Kaagad kong ibinalik ang tingin ko sa plato nang mapansing matagal ko na pala siyang pinagmamasdan.

Ngunit huli na. Napaangat na rin ang tingin niya. Nagtagpo ang mga mata namin.

Halos magpasalamat ako nang bigla akong nabahing. Mukhang lalagnatin yata ako, ah.

“Are you okay?” biglang tanong niya. Nilagyan niya ang baso ko ng tubig at iniabot iyon sa akin.

Matagal ko munang tinitigan ang basong hawak niya. Tinatantya kung tatanggapin ko ba o hindi, ngunit sa huli ay tinanggap ko pa rin iyon at ininom.

“Okay lang ako,” sagot ko at bahagyang napasinghot.

Mataman niya akong tinitigan. “Are you sick?” natigilan ako sa tono ng pananalita niya. Tunog nag-aalala iyon.

Totoo ba itong narinig ko?

“Are you worried?” deritsahang tanong ko sa kaniya. Napaiwas siya ng tingin sa akin.

“Our parents will be there tomorrow. But I have work, I need to overtime. Kaya maiiwan ka rito, ako na ang bahala sa ‘yo sa trabaho mo. I’ll let you take a leave. Pakisabi sa kanila na kailangan kong magtrabaho para sa atin. Anyway, you already know what to tell them, right?” napaismid ako.

“Right,” irap ko pa. “Everything is business to your family.”

“And yours,” he countered back.

Natahimik ako. Dahil tama siya. Sa mata ng mga magulang namin, hindi kami mga anak.

Mga piyesa lamang kami sa isang malaking laro. Mga pirma sa isang kontrata. Mga taong maaaring ipagkasundo kung kinakailangan.

Hindi alam ni Garvin na anak ako sa labas. I am the daughter of my father’s mistress. I’ve been a shadow to our family since I was a child. Maagang namatay ang ina ko sa pagpanganak pa lamang sa akin.

My stepmother never laid her hands on me, yet I’ve heard many harsh words and works— na para bang isang alipin ako sa pamilya namin.

Pero nagbago ang pakikitungo nila sa akin nang kinakailangan nila ako. Nagkasakit si Sofia. Nalugi ang kompanya. Upang mabawi ito, kailangan kumapit sa mas makapangyarihan. Kaya naisip nilang ipakasal ako kay Garvin.

Wala namang makukuha sa amin si Garvin. Ngunit hindi ko alam kung bakit niya tinanggap ang pagpapakasal na ito.

Maybe because he wants me to suffer with his own hands. Naalala ko kasi noong unang trabaho ko sa kaniya, we got a heated argument. Masyado kasi siyang antipatiko at arogante, kaya panay naman ang pambabara ko sa kaniya. Kaya siguro ito ang paraan niya para bumawi sa pagiging bastos at walang galang kong empleyado.

Pagkatapos kumain. He didn’t let me help him. Siya ang nagligpit ng lahat. Bahagya pa akong nahiya dahil siya na nga ang nagluto, siya pa ang naglipit ng hapag-kainan namin. Ngunit dahil mabigat ang katawan ko, hindi na ako nagpumilit pang tumulong.

Babawi na lang ako bukas, paglulutuan ko siya.

Kinaumagahan, nagising ako na may mataas na lagnat. At mensahe agad ni Garvin ang natanggap ko sa selpon.

Garvin: I cooked you a breakfast. Kumain ka.

Hindi ko na ni-reply-an iyon. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan pa niyang mag-text sa akin.

Kahit masama ang pakiramdam ko. Pinilit kong bumangon upang kumain. Nang makarating sa dining area. My breakfast is already prepared. He cooked bacon and eggs for me. Napatingin din ako sa sandwich na ginawa niya.

Napangiti ako at kinagatan iyon. Nag-effort pa siyang gawan ako nito. Eh, inaaway niya lang naman ako kapag nasa opisina kami.

Napasimangot ako nang maalala iyon bigla. Nakakainis siya! Nanggagalaiti kong kinagat ang sandwich.

Ini-imagine ko na siya iyon. Ang sarap naman! Hindi ko namalayang naubos ko na pala iyon.

Pagkatapos kumain, napagdesisyunan kong maglinis. Kahit nahihilo man at masakit ang katawan dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko.

Winalis ko na ang labas at loob ng bahay. Nilinis ang loob ng kabahayan, pati ang pwet ng kaldero ay hindi nakatakas sa akin sa kusina. Sanay na ako sa gawaing bahay kaya hindi na mahirap sa akin iyon.

Biglang tumunog ang selpon ko. Agad kong binuksan ang mensahe ni Garvin.

Garvin: I forgot to tell you that our parents canceled their visit. Magpahinga ka na lang muna. I still need to overtime.

Halos malukot ang mukha ko noong mabasa iyon. Nakalinis na ako’t lahat-lahat. Kahit masama ang pakiramdam ay kumilos ako tapos ganitong mensahe ang matatanggap ko?

Sa inis ko, hindi ko siya ni-reply-an.

Garvin: Kumain ka na?

Garvin: You’re still sleeping?

Garvin: Why are you not replying to my text? Are you busy?

Garvin: I left a medicine on the kitchen counter.

Hindi ko pinansin ang sunod-sunod na text niya. Pinuntahan ko ang kusina. Nakita ko ang paper bag sa ibabaw ng counter. Hindi ko iyon napansin kanina.

Kaagad kong binuksan iyon, bumungad sa akin ang gamot para sa lagnat, sipon, at sakit ng ulo. May kasama pang thermometer.

Napatingin ako sa selpon ko nang makitang tumawag siya. Ano na naman ang problema nito?

Hindi ko iyon sinagot. Manigas siya!

Garvin: Adriana.

Garvin: Answer.

Pagbasa ko sa mensahe niya. Why would I obey him? Napairap ako at nagdesisyong iwan ang selpon ko sa kusina. Ganoon din ang mga gamot.

Itutulog ko lang ‘to. Hindi ko kailangan ng awa niya!

I was in the deep sleep on the sofa. I thought I was just dreaming when I felt the hands on my forehead. Unti-unti kong dinalat ang mga mata ko. Our eyes met, I saw the worried in his eyes.

“Shit, sobrang init mo?” bakas ang taranta at pag-aalala sa boses niya.

Dahan-dahan akong napaupo. I thought it was midnight because he’s already here. Ngunit nang makita ko ang sinag ng araw mula sa bintana, nagtaka ako.

When he saw the confusion in my eyes. I gasped when he suddenly cupped my face.

“I can’t work when you’re like this. You didn’t reply to my texts and calls. You have a fever,” he said that made my heartbeat race.

“O-okay lang ako…” sabi ko at pilit na naupo.

“Baby, you’re burning up…” he whispered that makes my heart trembled.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Secretly Marriage with my Rival Boss   Chapter 5

    Sa sobrang inis at sama ng loob ko. Nagtrabaho ako. Umalis ako nang hindi nagpapaalam kay Garvin. Nag-uusap sila sa kusina. Mabilis akong bumalik sa kwarto ko, naligo, at parang hangin na lang na lumipad patungo rito sa trabaho. Napansin kong ilang beses siyang tumawag sa selpon ko pero hindi ko iyon sinagot. Ni hindi ko rin binasa ang mga mensahe niya sa akin. “Dumating na raw iyong ex-girlfriend ni Sir Garvin kahapon. Kaya pala panay tutok niya sa selpon at hindi maka-focus sa meeting natin kahapon. Atsaka, sabi ni Marlon mukhang may tinatawagan daw. Grabe, Adriana, baka hindi ka na sungitan no’n kasi inspire na siya sa trabaho,” kwento sa akin ng kasamahan ko sa trabaho na bakla. Nanikip ang dibdib ko. Mas lalong dumiin ang bawat pindot ko sa keyboard. Nakakainis! Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ngayon. Dapat hindi ako apektado kasi wala naman akong pakialam sa kaniya!Ikaw naman, Adriana. Huwag kang tanga! Pinakitaan ka lang ng kabaitan ay tatanga-tanga ka na riyan!

  • Secretly Marriage with my Rival Boss   Chapter 4

    "Thirty-nine point four," wika niya nang tingnan ang temperature ko. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung dahil ba lagnat ako o dahil sa tawag niya kanina. Baby? Tinawag niya akong baby? Mukha ba akong sanggol? Pinapanood ko siyang pigain ang bimpo mula sa maliit na labador. Umumbok ang mga ugat sa mga braso niya habang pinipiga iyon. Nakakunot ang noo niya— na para bang napakalaking problema ng lagnat ko.Nakakagulat. Dahil ito rin ang lalaking halos gusto kong sakalin palagi sa opisina. At wala naman siyang pakialam sa akin. Nang matapos siya, maingat niyang inilapag ang malamig na bimpo sa noo ko. "Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko may overtime ka sa trabaho?" hindi ko napigilang magtanong. "You didn't reply to my texts and calls," wika niya na para bang sapat na sagot na iyon. "You've never cared about me," I suddenly said. He clenched his jaw. Pinagpatuloy niya ang pagpupunas sa noo ko. Kinuha niya ang kamay ko at sunod na ipinunas iyon. Parang bilyon-bilyong kurye

  • Secretly Marriage with my Rival Boss   Chapter 3

    We were silent during our dinner. Tanging kubyertos lamang ang maririnig sa hapag.Pinaunlakan ko ang alok niya sa akin. Lalo pa’t kumakalam na talaga ang sikmura ko. Pakiramdam ko rin ay parang sasama ang pakiramdam ko. Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Sa kabila ng simpleng suot niya, hindi ko maiwasang palihim na mapahanga.Kahit sa simpleng pambahay, mukha pa rin siyang modelo ng isang mamahaling magazine.Para bang hindi patas.Habang ako ay halos mamatay na sa stress at overtime, siya naman ay mukhang bagong gising mula sa isang mahimbing na tulog.Kaagad kong ibinalik ang tingin ko sa plato nang mapansing matagal ko na pala siyang pinagmamasdan.Ngunit huli na. Napaangat na rin ang tingin niya. Nagtagpo ang mga mata namin.Halos magpasalamat ako nang bigla akong nabahing. Mukhang lalagnatin yata ako, ah. “Are you okay?” biglang tanong niya. Nilagyan niya ang baso ko ng tubig at iniabot iyon sa akin. Matagal ko munang tinitigan ang basong hawak niya. Tinatantya kung tatangga

  • Secretly Marriage with my Rival Boss   Chapter 2

    He looked so chilled while sitting on the sofa. Bahagyang nakakrus ang mga kamay, tila may hinihintay. Napadilat siya. Napaangat ang tingin niya nang maramdaman ang pagdating ko. We stares at each other. “You’re late,” malamig na puna niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. “Pagkatapos mo ‘kong pinahirapan ay ganiyan ibubungad mo sa akin? Kung tinanggap mo na lang sana ng ipinasa ko. Edi maaga pa akong umuwi rito!” At nakapagluto pa sana ako sa kaniya! “Kasi may mali ka roon,” mariing sagot niya. “Ano’ng mali? Wala akong nakikitang mali roon. Ikaw lang ang naghahanap ng mali sa akin para pahirapan ako. At kahit anong gawin mong pagpapakahirap sa akin. I won’t divorce you!” matigas na wiko ko. He clenched his jaw. Yes, Garvin and I are married. Secretly.Hindi ko maiwasang titigan siya nang may paghihinala.Simula nang ikasal kami anim na buwan na ang nakalipas, para bang naging mission niya na gawing miserable ang buhay ko.Mula sa walang katapusang overtime,

  • Secretly Marriage with my Rival Boss   Chapter 1

    Tagaktak na ang pawis ko. Halos nakalimutan ko na kung paano huminga dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng oxygen sa katawan.Ngunit higit pa sa pagod, mas nangingibabaw ang nag-aapoy kong galit.Pumasok ako sa loob ng opisina habang mahigpit na nakahawak sa makapal na folder na muli niyang pinarebisa.Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis at inggit.Habang ako ay mistulang bruha sa kakabalik-balik sa iba’t ibang departamento para ayusin ang kontratang pinapaulit-ulit niya, heto siya ngayon—preskong-presko at ayos na ayos.Nakaupo siya sa mamahalin niyang swivel chair na para bang wala siyang pinahirapang tao ngayong araw.Nakaluwag nang bahagya ang itim niyang necktie habang nakabukas ang unang dalawang butones ng puti niyang polo. Nakasuklay paatras ang makapal niyang itim na buhok na tila bagong ayos lamang.Matangos ang ilong niya at matalim ang panga na para bang inukit nang perpekto. Ang manipis niyang labi ay bahagyang nakakurba sa isang nakakairitang ngisi habang nakatutok ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status