로그인Naya DiazIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ni Xavier bago pa man kami lumabas ng kotse. Katulad kasi ng napag-usapan namin noong nakaraang linggo ay magpapa-schedule siya ng checkup sa kanyang doktor. Not that we're finally here, hindi lamang siya kundi maging ako ay kabado sa mga sandaling iyon. Paniguradong magiging masaya ako sa oras na malaman namin na wala na ang kanyang phobia. Bukod sa akin, sigurado ako na ganoon din ang pamilya niya. But at the same time, what would happen next?For sure, magiging masaya ako dahil magiging normal na ang pakikitungo niya sa ibang tao. Pero kapag nangyari iyon ay tiyak na kung sino-sino na ang makakalapit sa kanya. Umiling ako at hindi kalaunan ay binalingan siya ng tingin. Ngunit agad na namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ko na wala na pala siya sa driver's seat. Lumabas na siya ng kotse. Nakabukas ang pinto ng passenger seat at tila ba kanina pa ako hinihintay na lumabas."Are you okay?" tanong niya paglabas ko at bah
Xavier Iglesias"Nabanggit na ba sa 'yo ni Ate Jasmine?" sambit ni Yven na ikinalingon ko sa kanya."Ang alin?"Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at nagtungo sa kusina. "Her foster parents are dead. Nagkaroon daw ng gulo sa mall na huling pinuntahan nila at nasangkot sila sa barilan. Didn't you know?""No," mabilis kong tugon. "Malimit kaming magkaharap at magkausap nitong mga nakaraang araw. Kailangan din naming umiwas sa isa't-isa dahil walang kasiguraduhan kung sino ang mapagkakatiwalaan sa kumpanya. Look at Victor — such a traitor!"Tumango si Yven, sabay dampot ng mansanas sa basket na nasa gitna ng counter. Nginasngas niya iyon at muli ay nagsalita."Anyway, ano nga palang gagawin mo sa kaibigan mong 'yon?" anito habang patuloy pa rin ako sa ginagawa ko. "Itutulad mo rin ba siya kay Ellisa? Are you going to kill him, too?"I paused for a moment.Saglit ko siyang tinapunan ng tingin, ngunit hindi rin naman nagta
Third Person's POVIsang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Yven habang binabasa niya ang komento ng kanyang mga audience sa kanyang website. It's been quite some time since he last posted about Xavier as his main topic.Kung tutuusin, wala naman siyang intensyon na pasukin ang mundo at industriya ng pagiging isang online journalist.Wala siyang intensyon na maging Valesko Stepanov.Nagawa lang niya iyon dahil sa galit at pagkainis niya tungo kay Xavier. Bagama't pumayag siya sa gusto nitong mag-aral siya sa Russia, lingid sa kaalaman ng kanyang pinsan, tutol siya sa utos nito.Kaya naman nagawa niyang pagtripan si Xavier at ilathala ang lahat ng nalalaman niya sa kanyang blog website.Of course, with Sebastian's help.Sebastian knew who he was. Sila ang partners in crime sa pagbubulgar ng impormasyon tungkol kay Xavier — personal man nitong buhay o bilang isang businessman.Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit tila ba hinahayaan lamang nito si Valesko. Base sa pagkakakil
Xavier Iglesias"Where's Naya?" tanong ni Lola Erlita nang makarating ako sa living room. "Did you tell her everything she needs to know?"Umiling ako. "Not yet. Saka ko na gagawin 'yon kapag maayos na ang pakiramdam niya. I actually plan to educate her about us, pero sa ngayon ay uunahin ko muna ang mga bagay na noon ko pa dapat inasikaso. Besides, hindi kailangang magmadali, Naya and I have a lot of time to talk about that matter."Tumango lamang siya bilang pagsang-ayon sa sinabi kong iyon.Hindi kalaunan ay isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Mataman niya akong tinitigan sa mga sandaling iyon, sabay tapik sa balikat ko."Bakit itinago mo sa 'min?" aniya na ikinatigil ko.Bumitaw siya sa pagkakahawak sa balikat ko at hindi kalaunan ay naglakad patungo sa balcony.I followed her."Naiintindihan ko kung ayaw niyong ipaalam sa kahit na sino ang tungkol sa relasyon niyo bilang mag-asawa," sambit niya habang nakatuon ang tingin niya mula sa di kalayuan. "Hindi ko ala
Naya DiazPareho kaming napatayo ni Yven sa couch na kinauupuan namin nang ibinagsak ni Ares si Theodore sa sahig. May malay ito, ngunit nanghihina ito dahil sa pagpapahirap na ginawa sa kanya. He was tortured.But who did it?Hindi kalaunan ay nabaling ang tingin ko sa isa sa kanilang mga tauhan. Agad na namilog ang mga mata ko nang mapagtanto kong may dugo iyon. Bagama't walang kasiguraduhan at hindi ko alam kung ano ang nangyari, sigurado ako na iyon ang ginamit na pamukpok kay Theodore. What did he do?Anong ginawa niya?But whatever he did, bakit kailangang umabot sa ganito? Maya-maya ay naudlot ang mga sandaling iyon nang marinig kong magsalita si Lola Erlita na hindi ko namamalayang nasa tabi ko na pala. Maging si Yven ay tila ba nagitla nang lumitaw sa harapan niya ang kanyang lola. "Yven, dalhin mo muna si Naya sa kwarto-""I'll do it," anas ni Xavier. Iniwan nito si Ares at nilapitan ako. Nagkasalubong ang dalawang kilay ni Lola Erlita. "Don't you have some important th
(A few minutes ago)Xavier IglesiasKasabay ng paghaplos ko sa nasapak kong pisngi ay napangiwi ako nang maramdaman ko ang agad na pagkirot niyon. Hindi kalaunan ay tinapunan ko ng tingin si Theodore na hindi maipinta ang reaksiyon sa mga sandaling iyon.Sa pangalawang pagkakataon ay sinapak niya ako, hindi sa mukha ko, kundi sa sikmura ko.Nakailang beses siya.Isa.Dalawa.Tatlo.Ngunit imbes na patulan ko siya, hinayaan ko lamang siya sa kung ano ang ikaliligaya niya. Ilang saglit pa lamang ay tumigil siya. Hinarap niya ang pader at pinagsusuntok iyon. Panay ang mura niya habang patuloy siya sa kanyang ginagawa hanggang sa hindi nagtagal ay napuno na ng dugo ang kanyang kamao.Bago pa man siya pigilan ng ilang mga tauhan ko ay agad ko silang pinahinto.I shook my head in disbelief.Bagama't hindi man niya sabihin, ramdam ko kung gaano kasakit sa kanya ang pagkawala ni Ellisa. Ibang-iba ang reaksiyon niya ngayon kumpara sa reaksiyon niya noong namatay ang kanyang asawa.It's quite u







