LOGIN(Four years ago)
Naya Diaz Napalunok ako nang magtama ang paningin namin ni Mr. Iglesias ganoon din nang mapadpad ang tingin ko sa kanyang mga labi. Tama ang mga ka-trabaho ko. Ang ganda ng mga labi niya at mukhang ang sarap papakin ng mga iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa ideyang iyon. Kaya naman dali-dali akong umiling at hindi kalaunan ay tumayo na rin mula sa kanyang kandungan. Muli ay umupo ako sa couch sa tabi niya at inayos ang sarili ko. "Bakit ho ba gusto niyong malaman ang tungkol sa problema ko?" iritable kong sambit. "It's a personal matter. Hindi ba't kayo mismo ang nagsabi na walang pakialamanan ng problema ng may problema? What are you doing?" Umangat ang dalawang kilay niya. "Yes, sinabi ko 'yon at tandang-tanda ko pa 'yon. Pero sa tingin mo, makakapag-concentrate ako sa oras na makita ko 'yang pagmumukha mo na problemado? Do you think mahaharap mo ng maayos ang trabaho mo?" Lihim na lamang akong natawa. Kahit naman sabihin ko pa ang problema ko sa kahit na sino ay tiyak naman ako na mananatili pa rin iyon sa diwa ko. Hindi ko alam pero parang parte na yata ng buhay ko ang mag-isip ng mag-isip tungkol sa mga isyung mayroon ako sa pamilya ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga at muli ay binalingan ng tingin si Mr. Iglesias. "Hindi niyo gugustuhing malaman ang problema ko, sir." Tawa ko. "Isa pa, kaya ko naman 'to at sisiguraduhin kong hindi ko idadamay ang trabaho ko sa personal na bagay na 'to ng buhay ko. I promise you that." Umiling siya. "Tell me. I want to hear it." Sa sinabi niyang iyon ay napakamot na lamang ako sa ulo ko. Ayaw talaga niyang magpatinag. Well, kung tutuusin ay ganoon naman na talaga siya kahit noon pa man. Bakit pa ba ako magtataka? "Pero sir..." Naputol ang sasabihin ko nang unti-unting nagsalubong ang kanyang mga kilay. Kita ko ang sinseridad niya sa mga sandaling iyon habang tila ba hindi maalis-alis ang pagkakatitig niya sa akin. "Fine. I guess wala naman na akong magagawa," anas ko at hinarap siya. "Ang totoo niyan...ang pamilya ko ang nagdedesisyon ng mga bagay na dapat kong gawin sa buhay ko. Sila ang dahilan kung bakit nagawa kong talikuran ang sarili kong pangarap at kung bakit ako nandito ngayon bilang assistant mo." Nanatili siyang walang imik sa mga sandaling iyon habang tahimik lamang niya akong pinagmamasdan. "They're basically the ones controlling my life. Wala akong karapatang magreklamo at wala rin akong karapatang magsabi ng hindi. Kailangan kong gawin ang mga ipinag-uutos nila sa 'kin at kung hindi ko gagawin 'yon ay ipagtatabuyan nila 'ko." Naningkit ang mga mata niyang tinapunan ako ng tingin. Maya-maya ay umayos siya ng upo at nagsalita. "At wala ka man lang magawa?" kunot-noo niyang tanong. "Sarili mo at sarili mong buhay ay hindi mo magawang ipaglaban sa kanila? That's not right." Pagak akong natawa. "Of course, madali lang sabihin ang ganyang bagay. I tried it myself pero wala akong napala. Nasampal pa nga ako at napalayas." "Magulang mo sila at anak ka nila," sambit niya na ikinatitig ko sa kanya. "You're not their pet and they're not your master. Hindi ka hayop at hindi ka isang laruan para kontrolin ng kahit na sino. You should fight against them." Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko man aminin ngunit nasaktan ako sa sinabi niya. Para nga akong hayop sa paraan ng pagtrato nila sa akin. Kahit paano ay kaya pang lumaban ng aso sa amo niya, pero ako hindi ko kayang gawin iyon. Dahil kahit pagbali-baliktarin pa ang mundo ay magulang ko pa rin sila at sila lang ang natatanging pamilyang mayroon ako. Kailangan ko silang sundin dahil sila lang ang nakakaalam ng nararapat para sa akin. "Ikaw na rin ang nagsabi, magulang ko sila," anas ko at muli siyang binalingan ng tingin. "Anong klaseng anak ako kung babastusin ko ang mga magulang ko?" Isang nakakalokong-ngiti ang gumuhit sa dulo ng labi niya. "At anong klaseng magulang sila na kokontrolin nila ang buhay ng anak nila?" tiim-bagang niyang sambit. "Tingnan mo nga ang sarili mo? Nasa maayos ka pa bang kalagayan? Mugto 'yang mga mata mo. Sigurado ako na hindi lang simpleng hindi pagkakaintindihan ang nangyari sa pagitan niyo. It's something more, right?" Tama siya. Inaasahan ko na kakamustahin ako ni Mama dahil tumawag ako sa kanya at ipinaalam ko na masama ang pakiramdam ko. Ang buong akala ko ay bibistahin niya ako rito at dadalhan ng pagkain tulad ng ginagawa ng ibang mga magulang sa kanilang mga anak. Pero wala akong napala at natamo kundi kabi-kabilang sampal sa mukha ko. Muli ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko mula sa mga mata ko. Gustuhin ko mang pigilan ang sarili kong umiyak ay hindi ko na nagawa pa. Sinabi ko sa sarili ko na kahit anong mangyari ay hindi ako iiyak sa harap ng kahit na sino. Sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong maging matapang at maging palaban. Sa ngayon ay walang nagawa ang tapang kong iyon kundi ang humagulgol sa harap ng boss ko. "Just let it all out," aniya sabay yakap sa akin. Bagamat nagitla ako sa pagyakap niyang iyon sa akin ay hindi ko na nagawang ipagtulakan siya o lumayo sa kanya. Hindi ko akalain na ang boss ko ang taong masasandalan ko sa mga sandaling iyon.Naya DiazTen minutes after naming kumain sa restaurant kung saan ako dinala ni Xavier ay agad na rin kaming umalis.He insists on staying just for a little while and eat some dessert. Kung tutuusin ay gusto ko rin iyon lalo na at matagal-tagal na rin simula nang magkaroon kami ng bonding na mag-asawa.Sa kasamaang palad ay alas-diyes na nang gabi. I texted Xavier's mom a while ago and let her know that her son is going home tonight. Sinabi rin sa akin ni Mrs. Iglesias na hihintayin nila ng kanyang asawa si Xavier bago pa man sila matulog.Bukod pa roon ay ayos lang din daw na maghintay sila lalo na at nandoon ang kanilang pamangkin na siyang papalit sa pwesto ko bilang personal assistant ni Xavier.Maya-maya ay natigil ako sa paghihikab nang mapansin kong nilagpasan ni Xavier ang daan patungo sa apartment ko. Mabilis pa sa alas-kuatro ko siyang binalingan ng tingin."Did you forgot something?" basag ko ng katahimikan na saglit niyang ikinat
Xavier Iglesias"Sigurado ka ba talaga sa desisyon mong 'yan?" tanong ni Sebastian matapos naming sumakay sa elevator. "If she got that position, ano nalang ang sasabihin ni Irene lalo na ng mga iba pang empleyado?"Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko."I don't care what they say," blangko ang reaksiyon kong anas. "As for that, Ms. Irene, I put her in a position where she couldn't hurt Naya in any other way. Kung gawin niya ulit 'yong ginawa niya kanina, I'll fire her immediately."Pagak na natawa si Sebastian na ikinatigil ko sa paglalakad.He did the same thing. Matapos niyon ay nakapamulsa akong hinarap."Don't you think it's too personal?" nakangisi niyang tugon. "Hindi naman sa kinakampihan ko ang mga board members pero sigurado ako na may masasabi sila tungkol dito sa ginawa mo. Anong ibibigay mong dahilan sa kanila kung bakit mo ipinalit si Naya kay Irene?"I paused for a moment. Saglit akong napaisip at muli ay hinarap siya."Mas kilala nila ang Irene na 'yon kay
Third Person POVHindi lamang tuwa ngunit pagkasabik din ang nadarama ni Jasmine nang tuluyan niya nang matapos ang kanyang trabaho. Sa wakas ay natapos na rin niya ang poster design na noong nakaraang linggo pa niya inumpisahan ngunit inulit-ulit niya dahil hindi raw 'bet' ng kanilang supervisor.Now that it's finished, walang mapaglagyan ang nararamdaman niyang tuwa.Pero hindi rin nagtagal ay nabura ang ngiting iyon sa kanyang mga labi nang sumulpot sa kanyang harapan sina Jessy, Merezel at Rowena.Taas-kilay na nakatitig ang mga ito sa kanya at tila ba walang balak na kumurap sa mga sandaling iyon.Bagamat tahimik lamang ang mga ito at wala pa namang ginagawang kalokohan sa kanya ay hindi na siya nagdalawang-isip na maglagay ng copy ng kanyang design sa usb. Ayaw niya nang maulit pa ang ginawa ng mga ito noon kung saan ay kamuntikanan na siyang matanggal sa trabaho.Napalunok siya at hinarap sila."Anong ginagawa-"
Naya Diaz "Tatanggalin mo 'ko bilang personal assistant mo?" namilog ang mga mata kong tanong sa kanya. "Bakit? Is it about what happened? Is it, isn't it? Sinasabi ko na nga ba at magiging malaking issue 'to lalo na sa mga board members. Kilala ko 'yong mga 'yon eh! Masyado silang sensitive pagdating sa ganitong mga bagay." Sa puntong iyon ay nakahalukipkip kong hinarap si Xavier na nakatitig lang sa akin sa mga sandaling iyon. Ngunit hindi rin naman nagtagal ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin at nagpakawala ng isang malalim na buntung-hininga. He turned to me once more. "You're right," mahina niyang sambit. "Sebastian told me everything they've talked about from the meeting with the board members. Ang totoo niyan ay gusto ka nilang paalisin sa kompanyang 'to. They said if you stay here, baka mas lalong lumala ang tungkol sa issue." "See?" nakangisi kong anas. I shook my head in disbelief. Hindi ako nagkamali...hindi ako nagkamali na kainisan ng husto si Xavier dahil sa gina
Xavier IglesiasHanggang sa mga sandaling iyon ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang ginawang pagsampal ni Naya kay Irene. Kung nakita ko lang ang sarili ko kanina nang gawin niya iyon, malamang sa malamang ay baka matatawa ako sa itsura ko.Kung tutuusin ay pipigilan ko na sana ang babaeng iyon sa mga pinagsasasabi nito kanina kay Naya. I was planning to fire her and maybe, let her taste her own medicine.But I wasn't able to do that because Naya took that chance.I was shocked upon seeing her does that. Pero sa puntong iyon ay hindi lamang ako kundi pati na rin ang kaibigan niyang si Jasmine lalong-lalo na ang kaharap niyang si Irene.This is the first time I saw her get mad.Sa unang pagkakataon ay narinig kong sinabi niya ang totoong nararamdaman niya sa mga pinaggagagawa nila sa kanya. But it doesn't sound like she's asking them to stop instead it sounds like she's not going to back down."I hate her!"
Naya DiazIsang malalim na buntung-hininga ang pinawalan ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng kompanya. Sa puntong iyon ay ramdam ko ang hindi maipaliwanag na kaba ganoon din ang kagustuhan kong umatras at umuwi na. It's been three days.Tatlong araw na ang nagdaan simula nang kumalat ang balita na nililigawan ako ni Xavier. At sa tatlong araw na iyon ay hindi ko mapigilan ang hindi mag-isip at gumawa ng kung ano-anong senaryo sa utak ko tungkol sa bagay na iyon. Halos late na akong nakakatulog dahil sa pag-iisip. Bukod pa roon ay hindi ako halos nakakalabas ng bahay dahil baka mamaya ay kung sino ang makasalubong ko. Kilala ko ang mga babaeng nagkakandarapa kay Xavier at karamihan sa kanila ay mas palaban pa kina Ms. Irene at Rowena. "Thank goodness, you're here," bungad ko kay Jasmine na sinalubong ako sa may elevator. She smiled at me, and I did the same thing to her. Humingi kasi ako ng pabor sa kanya na kung pwede ay samahan niya akong umakyat patungo sa office para na r







