Share

Chapter 2: The Mayor

last update Last Updated: 2025-08-28 20:51:53

“Pormal nang inanunsiyo ng mayor ng San Catalia na si Mayor Ludwick Dargan ang kaniyang pagtakbo bilang mayor sa ikatlong pagkakataon sa nasabing lugar. Kung papalarin, ito ang kaniyang magiging huling termino bilang alkalde.” Habang nagsasalita ang reporter, nagfla-flash sa likod nito ang larawan ni Ludwick na may hawak na tropeyo. “Matatandaang gumawa ng ingay ang pangalan ng mayor nang tanging ang lugar lamang nito ang nakatanggap ng Seal of Good Local Governance sa rehiyon nila. Maliban dito, simula nang umupo ito, hindi na nawala listahan ng mga mayayamang siyudad ang San Catalia sa bansa."

Pagkatapos magsasalita ng reporter, sinundan iyon ng isang clip kung saan si Ludwick naman ang nagsasalita.

"Yes, I will finish what I started. Isa pa, gusto ko rin talagang mas makilala pa ang San Catalia and the only way I know to make it happen is by running again as a mayor." Ngumiti ito at inayos ang kwelyo ng kaniyang gray short-sleeved polo. "If the stars align for me, my mission to serve my people will continue. No, whether I win or I lose, patuloy pa rin ang serbisyo."

The screen suddenly turned black and three figures became prominent. Three men whose bodies exude a dark aura became visible. Kaagad din naman iyong sinundan ng malakas ng sigaw at palakpakan.

"Show some manner, Fifth! You don't have to shout!" a man with an authoritative voice said. He was wearing a fitting dark blue polo paired with white pants and white shoes. May suot din itong gloves at sombrero. Sa likod naman nito ay nakasabit ang golf bag kung saan naroon ang makintab na golf club at golf ball.

Bagamat namumuti na ang buhok ng lalaki, bakas pa rin sa mukha nito kung gaano ito kaguwapo noon. Naroon pa rin ang magkapantay nitong panga, ang matangos nitong ilong, at kahit may pagkakulubot na ang noo nito, hindi naman iyon ganoon kahalata dahil sa kaputian nito. Wala pa ring kupas ang matapang nitong mga mata na kasing kulay ng kabundukan, kulay berde.

Hindi naman maiwasang matawa ni Ludwick sa reaks'yon ng nakababatang kapatid. Ngunit ang tuwa sa kaniyang mga labi ay kaagad ding naglaho nang magsalitang muli ang ama.

"Uno, you lacked confidence when you said 'whether you win or lose'. You should have not said that. Parang sinasabi mong may chance kang matalo."

Mahinang napabuga ng hininga si Ludwick at napapikit dahilan para magtago ang kulay berde nitong mga mata. "That's not what I meant, Dad."

"That's how I understood it!" sigaw ng ama nito at nagmukhang bata itong si Ludwick na pinipagalitan. His body become stiffed. Hindi rin nito kayang makagawa ng ingay kahit sa paghinga nito. Ang kapatid naman nitong si Leopoldo o mas kilala sa tawag na Fifth sa kanilang bahay ay napailing na lang.

"I'm sorry, Dad. I'll be extra careful with my words. Hindi na iyon mauulit," walang ganang pangako ni Ludwick.

"Hindi na talaga mauulit!" sigaw ng ama nila. "When I was at your age, hindi ako nagkakamali sa pagsasalita!"

Kumunot naman ang noo ni Leopoldo. "There's actually nothing wrong with what you said, Kuya."

"Shut up, Fifth! This isn't about you! Magtungo ka na lang sa kuwarto mo and read cases nang may matutunan ka naman!"

Napasulyap si Ludwick sa kapatid at para ba itong sinasabihan na sundin na lang ang ama at baka mapagbuntungan din ito ng galit. Ngunit tila walang plano itong si Leopoldo na makinig. Ano pa ba ang mapapala ni Ludwick sa may kakulitan nitong kapatid?

"My point here is, it's already commendable na na-feature si kuya sa national television. Ako nga gusto ko rin ma-feature kaso ayaw ko at baka maraming makakilala sa akin at pagkaguluhan ako ng mga kababaihan," Leopoldo said and grinned.

"I'm talking nonsense here. There's nothing commendable sa ginawa ng kuya mo. Na-feature lang siya sa television, and that's it,” katuwiran ng kanilang ama.

"He was featured on television with his achievements," pagmamatigas ni Leopoldo.

Napasulyap sa kaniya ang ama nila at pinanliitan siya ng mata. Walang katinag-tinag naman na nakipagtitigan itong si Leopoldo. Parang hindi ugaling diktador ang kaharap niya.

"Pareho talaga kayo ng kambal mo!" iyon na lang ang nasabi ng ama nila at nagsimula na ring maglakad palayo.

Hindi pa man tuluyang nakakalabas ang ama, muling nagsalita itong si Leopoldo. "Hindi ako katulad niyang babaero!"

"Lamang ka sa akin, doon!" saad ni Ludwick nang makalabas ang ama nila. Tinuro-turo rin nito ang kapatid.

"Ulol! Lamang din ako kung pahabaan ng sawa rito!" pagmamayabang naman ni Leopoldo.

Napailing na lang si Ludwick at napatingin sa sariling repleksiyon sa telebisyon. Pareho silang nagtitigan ng sariling repleksyon. Ganoon pa man, habang patagal nang patagal ang pagtitig niya rito, napapalitan ang mukha niya ng mukha ng sariling ama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Secretly Owned By The Hot Mayor   Chapter 14: Checkmate

    "Ang pangit mo, gago" mahinang sabi ni Leopoldo kay Ludwick, saka pinasunod ito sa kaniya. Nasa tapat sila ng isang internet cafe, Indulge Hub ang pangalan. "Alam mo naman na pasikot-sikot dito pero sana, umakto kang baguhan."Ludwick was wearing a suit. His white polo was covered with an unbuttoned black coat. He was also wearing a black slacks and shoes. Pero hindi ang suot niya ang agaw pansin. Iyon ay ang maskarang suot niya. He wanted some part of his face covered. Para iwas na rin sa issue at baka may makakita sa kaniya rito makilala siya. Then again, mayor siya ng San Catalia.Ang aakalain mong isang simpleng internet cafe ay selda pala ng mga lulong sa pagsusugal. Lahat ng uri ng pagsusugal ay narito. Kahit ano, basta puwedeng pagpustahan makikita rito."Kung gusto mong makaisa, punta ka sa taas. Maraming babae roon," biro pa ni Leopoldo na tulad ni Ludwick ay maayos din ang suot. Kaunti na lang ay pareho na sila, wala nga lang coat, at maskara si Leopoldo. "Arrête de me harc

  • Secretly Owned By The Hot Mayor   Chapter 13: Game

    Kanina pa katok nang katok si Ludwick sa kuwarto ni Leopoldo. Nagtanong na rin siya sa mga katulong kung lumabas ba itong kapatid niya ngunit walang alam ang mga ito."Fifth! Open the door, now!" sigaw ni Ludwick nang mapagod na siya kakakatok. Sinubukan niya ring pihitin ang busol ng kuwarto ngunit naka-lock. "Ano ba? I have an important thing to ask. Buksan mo!" Nakapamaywang na lang sa inis si Ludwick. Hindi nagtagal, muli niyang naisipang idikit ang kaniyang tainga sa pinto para pakinggan kung sakaling may ginagawa ang kapatid. Mayamaya pa, bigla na lang siyang napalundag sa gulat nang may magsalita mula sa likod niya. "Mayor ka ba talaga o tsismoso? Umalis ka nga riyan." Si Leopoldo iyon at may hawak iyong isang makapal na libro. Maayos din ang suot nito at mukhang may nilakad ito. Seryosong-seryoso ang datingan nito."Hell! Saan ka ba nagpupunta?" tanong ni Ludwick at hindi na maiguhit ang kaniyang mukha dahil sa inis."Ulol! Puwede bang tigilan mo ang katatanong?” Inis nitong

  • Secretly Owned By The Hot Mayor   Chapter 12: Money

    "Mayor, nagkakagulo po sa labas!" Kaagad na itinabi ni Ludwick ang papel na kanina niya pa binabasa para sana pirmahan at aprubahan ang isang proyekto. "Bakit? Ano'ng mayro'n?" tanong nito sa isa LGU worker na siyang nagsabi sa kung ano ang nangyayari sa labas. Kaagad niyang binutones ang kuwelyo ng kaniyang polo at tinupi hanggang siko ang sleeves nito, habang naglalakad palabas.Kinuha niya ang kaniyang salamin na nakasabit sa pagitan ng kuwelyo niya nang tumama sa kaniyang mga mata ang sinag ng araw. Alas diyes na kasi ng umaga at walang patawad kung magbigay ng init ang haring araw. "Mayor, tulungan niyo po kami.""Ikaw na lang ang maasahan namin.""Wala na kaming ibang malalapitan pa.""Maawa po kayo sa amin. Tulungan niyo po kami."Ilan lang iyon sa bumungad na hinaing kay Ludwick. Hindi bababa sa sampu ang naroon sa may gate at umiiyak ang mga ito. May mga papel din silang hawak at ang iba ay nakalukot na. "Bakit? Ano'ng problema natin? Anong tulong ang maaari kong maibiga

  • Secretly Owned By The Hot Mayor   Chapter 11: Armored Vehicle

    The water dripped down to every sculpted part of Ludwick's body. His perfectly chiseled chest was overly exposed as sunlight struck over it, so as his rock-hard abs. Katatapos niya lang maligo sa swimming pool at kasalukuyan niya ngayong pinupunasan ang katawan ng kulay puting tiwala na may golden "LD" embroidery. He was just wearing shorts and because he was wet, his asset that strains through his shorts has nowhere to hide. Bakat na bakat!"Kuya!" naalerto si Ludwick sa sigaw ng kapatid lalo na nang may ihagis ito sa kaniya. Kaagad naman niyang nasalo ang hinagis nito at isa iyong susi.Tinitigan ni Ludwick ang susi at napatingin siya sa kapatid nang mapagtantong susi iyon ng sasakyan."Para saan ito, Fifth?" Napasinghal si Leopoldo saka natawa. "Of course, para sa 'yo. Ihahagis ko ba 'yan sa 'yo kung para kay dad' yan?""I never asked for one,” buwelta naman ni Ludwick."Can't you just accept it?" iritadong tanong ni Leopoldo.Napailing si Ludwick saka ipinulupot ang tuwalya sa k

  • Secretly Owned By The Hot Mayor   Chapter 10: How Are You?

    Nakauwi na sa kanilang bahay si Ludwick matapos ang naging insidente kagabi. Wala naman siyang malalim na sugat maliban sa sugat sa kaniyang pisngi kung kaya hindi na niya kinailangan pang magtagal sa loob ng hospital. Hindi naman ganoon kalalim ang ginawa niyang sugat kung kaya'y mapapadali lang ang paghilom nito. May medical band-aid na rin sa sugat niya. Isa pa, kung mangailangan man siya ng tulong medikal, madali lang iyong masusolusyunan lalo na at doktor ang kapatid nitong sumunod sa kaniya, si Lewis. Her mom was so worried about him. Halos maglumpasay ito sa hospital dahil sa pangamba na baka natamaan talaga ang anak. Except for Lewis, none of his siblings knew about what happened. His brothers were probably busy feeding their sinful desires. Hindi pa nga umuuwi ang mga ito simula kagabi. Lewis, on the other hand, made sure that his brother had the best treatment especially the cleaning of wounds. He was also worried and tried to talk to Ludwick but Ludwick just said he want

  • Secretly Owned By The Hot Mayor   Chapter 9: It's Raining Bullets

    Hindi lubos akalain ni Ludwick na magsasama sila ng chief of pulis sa iisang sasakyan. Hindi niya ginamit ang sasakyan niya at lulan siya ng sasakyan ng chief of police ng San Catalia. Para rin naman daw iyon sa seguridad niya kaya pumayag na lang siya. Naisip din ni Ludwick na gamitin ang pagkakataong iyon upang makausap ang pulis. Mayamaya pa, kinuha niya ang kaniyang cellphone at may tinipa. Kalaunan, s-in-end niya iyon sa hindi nakapangalang number. Pareho silang tahimik ngunit nagpapalitan ng mga tingin sa salamin. Nasisigurado na ni Ludwick na sinususpetsahan siya ng chief of police na ito. Ilang minuto na ang lumipas at kasalukuyan na silang nasa bahagi ng Dalaganan kung saan mailap ang kabahayan. May mga balitang nagsasabing dito naglalabas-masok ang mga rebelde dahil masukal ang bahagi na ito. May mga tao namang natatakot dumaan dito dahil madalas daw magpakita rito ang mga kung ano-anong klase ng kababalaghan. "Natatakot ka ba, Mayor?" may bahid ng pang-iinsulto ang tono

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status