LOGIN"Kung matagalan ka pa sa pag-park ng sasakyan ay bababa na ako rito. Itabi mo na." Utos ko kay Henry. Paano ba naman ay kanina ko pa namataan ang pagdating ni Louise Jane sa kumpaniya. Ilang minuto na rin ang lumipas ng pumasok siya sa main entrance.
"Sigurado po ba kayo sir?" "Yes. Yes. Sige na, ako nang bahala." Hindi ako nagpahalata na sabik akong makita ang babaeng halos dalawang buwan kong hinanap. Nang malaman ko mula kay Jarred na papasok si Louise Jane sa Kumpaniya ay ipinaayos ko na ang lahat. Sa Marketing ko siya ipinalagay kahit na ang abiso ng kapatid ko ay sa Design team siya papasok. Hands on ko ang designs ng mga jewelries, at ayaw kong maapektuhan ang bussiness. Sigurado kasi ako na kapag maramdaman ko ang presensiya niya'y matutuliro lang ako. "Good Morning," pabalik kong bati sa mga bumabati rin sa akin. "Sir, naayos ko na po ang lahat ng papeles na kailangan niyong pirmahan sa araw na ito. Dederetso na po ba tayo sa scheduled inspection niyo ngayon sa mga Departments?" Sinalubong ako ni John sa lobby. "Nandito na siya," sabi ko. "Sino po sir?" "Louise Jane, elevator." Parang command lang sa computer ang naging mga sagot ko. Hindi ko kasi derektang maituro sa kaniya na nakita kong nag-aabang sa elevator ang babaeng misnan kong pinahanap sa kaniya. "Ano pong gusto niyong gawin, sir? ipatawag ko ba siya sa Opisina mo?" "No," sagot ko. Syempre hindi puwede 'yon, hindi ko puwedeng ipakita sa kaniya na patay-na-patay akong makita siya. "Papasok tayo, pero mag-alibi ka na sa ibang floor ka papunta. Tumango-tango naman si John, pinagkakatiwala ko ito simula pa nung una kaya naman kahit na ano'ng maisipan ko'y hindi rin niya pinapalagan. Ilang pulgada na lang ay magsasara na ang elevator, ngunit nakahabol pa kami. Kitang-kita ko kung paanong umisod nang bahagya sa likuran si Louise Jane. She checked her face on the elevator wall. Napakuyom ako ng kamay, she's beautiful. She also checked her wrist, there I saw the bracelet I gave her. Iyong nabili ko lang sa resort, nilalako ng matanda sa tabing-dagat. "Excuse me, miss." Pagtawag ni John sa pansin nito, dahilan upang mag-give way siya sa buttons sa pagpili ng mga floors. "Sir, dadaan po muna ako sa accounting department. Susunod na lang ako sa office niyo," ani pa ni John. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ni Louise Jane, nakalabas na si John nito kaya naman kaming dalawa na lang talaga ang naroroon. Hindi ako nagsalita kahit na deep inside ay gusto ko na siyang sunggaban, halikan, at yakapin. Gusto kong magtanong kung ano ang nangyari sa kaniya. Bakit hindi siya bumalik at bakit bigla na lang din siyang umalis nang walang paalam. Subalit pinigilan ko ang sarili, hindi puwedeng basta na lang akong bibigay sa kaniya. At isa pa, mayroon siyang malaking kasalanan sa akin. Ngunit ang mga kuro-kuro ko na iyon ay biglang naglaho nang maramdaman ko ang paglapit niya sa akin at maingat na paghila sa dulo ng aking suit. Naninigas ang kalamnan ko na napalunok na lang ng laway. Relax Jensen, relax. Avoid her, and don't make any unecessay move na magbibigay ng ideya sa kaniya na maayos ka lang at kinalimutan mo na lang bast ang pag-iwan niya sa 'yo. Ilang beses kong pinaalalahan ang sarili. Kaya naman ang ginawa ko'y iwinaksi ko ang kamay niya na para bang sinasabi kong tanggalin niya iyon doon dahil hindi ko naman siya kilala. "What do you think you're doing?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. Ngunit ang totoo no'n ay ilang beses kong pinagalitan ang sarili. Alam kong possibleng masaktan siya, pero kasi, nasaktan din ako. "Ahm," kunot-noong nitong simula, "It's me Louisee Jane, remember?" Napakalawak ng ngiti niya sa akin, na para bang naghihintay siya nang magiging sagot ko. "Sorry, but do I know you?" tanong ko sabay I was ng tingin sa kaniya habang inaayos ang dulo ng aking sleeves. At dahil sa pag-iwas ko ng titig sa kaniya't hindi ko na nahulaan pa kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Ngunit kailangan kong mag-isip ng puwedeng sabihin para hindi maputol ang conversation sa parteng iyon. "You're an intern?" Tanong ko. Ano ba naman Jensen, wala nang ibang maisip na tanong? "Which department?" Diretso pa rin ang tingin ko sa unahan nang magtanong. "M-marketing po," sagot niya sa akin. "Marami ng empleyado sa Marketing, nagdagdag pa sila," pabulong kong sabi kahit na ang totoo ay ako ang naglagay sa kaniya doon. "Ask your superior for the manual copy of company policies. Ayokong may tatanga-tangang empleyado ang pagala-gala sa Kumpaniya ko." I'm sorry Louise Jane, but you hurt me. "P-pero-" Napatingala ako, narito na siya sa 6th floor. Medyo dismayado ako dahil marami pa sana akong naisip na puwedeng maging alibi na mapag-usapan namin. "It's your floor, and you're delaying my working time, Miss." Kailangan ko nang ituloy ang pagpapanggap na hindi siya kilala, this is her punishment for breaking my heart so badly. Hindi na siya mapakali kung ano ang gagawin, nagpabalik-balik ang kaniyang mga habang paroon at parito. "Sorry po ulit sir, hindi na po mauulit." Yumuko pa siya sa harapan ko samantalang ako ay nanatiling nakatitig sa kaniya, alam kong titingin pa rin siya kaya naman naghintay ko hanggang sa tuluyang pagsara ng elevator. TING! Napasandal na lang ako, itiningala ang ulo't nakapikit na naghabol sa aking paghinga. "F@ck Louise Jane, just f@ck! I trained myself for two months to simply avoid your presence if I saw you one day. But here I am, so d@mn invested on you. Hindi ko alam kung hanggang saan tatagal ang pasensiya ko na hindi ka lapitan o i-acknowlege." Kinuha ko ang cellphone ko't tinawagan na si John. Inutusan ko siyang samahan na ako para sa scheduled inspection sa lahat ng department. "See me in my office after fifteen minutes, then we start the inspection in the Marketing Department." "Yes sir, copy that." "And one more thing, call our private michelin chefs. Let them prepare foods for the employees today, and include pochero on the menu."Nadala ko pa kinabukasan ang pagkadismaya ko sa naging pag-uusap namin ni Damian. He was very sure nang sabihin niyang pakakasalan niya ako.Na kahit na sinabi ko na sa kaniya na ayaw ko, wala siyang pakialam. Tinakot pa ako na wala naman daw akong magagawa tungkol doon.And I can say na mukhang nagsisimula na ang sinasabi niyang 'wala akong magagawa'.He was very early to wait outside our house, insisted to drive me on my way to work. At dahil sa pilit na pagpapasunod ni Grandma ay talagang wala akong nagawa, at heto ako ngayon pababa na sa kaniyang sasakyan.Kasunod ay ang pagtaray ko sa kaniya sabay pabalang na isinara ang pinto ng passenger's seat. Ay! Wala akong pakialam sa sasakyan niya.Hanggang sa ibaba niya ang windshield at sumilip mula roon upang kausapin pa ako. He was a smiling man right now, iba sa napakaseryosong aurang pinakita niya sa bahay kagabi.At ang hulmang panga ni Damian ay bumagay sa lakas ng dating ng kaniyang mga mata't makakapal na kilay. Para siyang isa s
Panay ang tingin ko kay Damian habang papasok kami sa Mansiyon. Wala na siyang imik ngayon habang naglalakad kami, nakapamulsa ang loko at seryoso ang mukha. Kainis lang isipin na umiwas ako para lang sa wala? Tumakas pa ako para hindi makilala ang taong ito ngayon araw, ang ending ako pa pala ang naglapit ng sarili ko sa kaniya. Hay naku!Tumahimik na nga lang din ako, idiniretso kami ni grandma sa dining. Nang mag-alok kasi siya nang ipaghanda kami ng dinner ay hindi na um-oo si Damian. He insisted na kahit maiinom na lang ang i-serve sa kaniya."Naku, Damian...natutuwa ako na sa wakas ay nandito ka na. Pasensiya ka na sa ilang beses man delay ha? Masyadong busy kasi itong apo ko. Anyway, hindi ko na siya ipakikilala sa 'yo kasi nagkakilala naman na kayo, hindi ba?" NNapakalawak ng ngiti ni grandma sa kaniya, samantala nang dumako sa akin ay pandidilat lang ng mga mata ang nakuha ko."Yes, ma'am. Actually, ako na nga talaga ang nagpunta para lang matuloy ito. Good thing my plan w
Hindi ako mapakali habang nasa loob ng sasakyan ni Damian. Hangang ngayon ay sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi ko talaga mapigilan ang emosyon ko sa tuwing magkakaharap kami ni Jensen, though, I told myself na wala na akong dapat na maging koneksiyon pa sa kaniya dahil kinuha na rin naman niya ang isang bagay na iniingatan ko galing sa kaniya, eh, mahirap pala...hindi gano'n kadali ang umiwas.Ang arte kasi, na para bang virgin siya. Hmp. nagpaliwang naman na ako tungkol sa nangyari sa amin noon pero hindi niya matanggap ang sorry ko. Nakakainis lang, gusto ko pa naman sana siyang mayakap. "Are you okay?"Nilingon ko si Damian, diretso lang ang kaniyang tingin sa daan habang nagmamaneho. Napansin niya ba ang pagkatulala ko? Paano nakatuon lang ang pansin ko mula sa labas ng sasakyan."Hmm. Yes, I'm okay." I smiled. Saka ko naalala na hindi pa nga pala ako magpapasalamat sa kaniya. Unang pagkikita at pagkakakilala namin kaniyang umaga pero may kabaliwan na agad akong nag
Nang makaalis sina Louise Jane at ang Doktor ay nagpaalam din muna ako kay Jared. I told him na may kailangan akong asikasuhin outside. Ang hindi niya alam ay balak ko lang na habulin si Louise Jane, magtanong at mag-imbestiga.Agad ko silang hinanap pagkalabas ng elevator, tingin sa kanan, sa kaliwa, ngunit walang kahit na anong bakas ni Louise Jane."D@mn it, nasaan ka?" Bulong ko sa sarili. I hesitated to call or text her. Mas maigi kung magkakaharap kami mismo. At ang Doktor, ano ang meron sa kanila? I walked my way out of the Hospital, I've checked every hallway, sinubukan ko ring magbukas ng ilang pintuan ng pasyente ng wala kahit na katok man lang."Hey, have you seen someone, woman. 5'6, maganda, mahaba ang buhok at medyo mestisa?" Tanong ko sa nurse station.Tila naman nag-isip ang nurse on duty kung may nakita nga siyang tulad sa description ko. Ngunit umiling-iling lang ito sabay sabing sa dami nang taong nakakasalamuha niya araw-araw ay hindi niya na maalala ang mukha ng b
I told her not to come, but here she is disguising herself as a nurse? Does she think I wouldn't recognize her? Mata pa lang niya, ay kabisado ko na.Sinundan ko ang bawat kilos ni Louise Jane habnag loob siya ang private room ni mom. Salamnin naman ang structure walling ng silid kaya malaya naming nakikita ang ginagawa ng Doctor.Nnagunot pa rin ang noo ko nang sumagi ang ideya na kung papaano siyang basta nakapasok rito. This Hospital is script and being operated by a billionaire family. Nang dumapo ang tingin ko sa lalaking Doctor ay nagkaroon ako ng doubt about him, naka-face mask na rin ito katulad ni LOuise Jane but there is something on him too, na hindi ko maipaliwanag."I f@cking hate this family. Ano ba kasing ginagawa nila rito." Naalimpungatan ang busy kong utak sa pagkilati sa Doktor nang lumapit sa tabi ko si Jared, hawak ang kaniyang panga."Who leaked the news about mom, that's the problem. Hindi pa nagtatagal ang nangyari pero paanong nakarating agad sila rito? Are
"Sigurado ka ba sa plano na 'to Damian?" tanong ko sa kaniya habang tinatahak namin ang papuntang VVIP suite."Hindi."Na-froze na lang ang bibig ko sa pagkakanganga SSA sinabi niyang iyon. Ano? Hindi siya sigurado? Eh, bakit pa kaming nandito ngayon?"Huh? Eh, Tara na bumalik na lang tayo." Paghila ko sa kaniya. Baliw pala 'to siya eh."I mean it. Hindi talaga ako sigurado sa idea na 'to, dahil kapag nalaman ng family ko na lumabag ako sa Privacy ng patient ay baka i-suspend pa ako sa trabaho. Pero dahil desidido ka na puntahan ang nasa VVIP, heto ako tutulong sa 'yo."Napalunok na lang ako sa sinabi niyang iyon, talaga ba? Gagawin niya 'yon kahit na hindi naman kami lubos na magkakilala?"Pero, hindi naman tayo close, kanina palang tayo nagkakilala. Wiling kang mapagalitan para lang tulungan ako?" Tinitigan ko sya habang naghihintay ng sagot niya. Kapapasok lang namin sa elevator, sakto walang ibang naroon kaya naman malaya kaming nakapag-usap ng ganitong topic.Nasa bulsa ng white







