LOGIN"Ms. Barcelona right? Sige na, maupo ka na muna. Doon ang magiging desk mo sa tabi ni Janet. Go na." Bulong sa akin ni Sir Carlo, halos hindi na niya mabigkas ng maayos ang mga sinasabi dahil sa presensiya ng CEO sa harapan namin.
Agad akong sumunod sa iniutos sa akin, at habang ginagawa iyon ay hindi ko maialis ang tingin kay Jensen. Ayon lang busy siya sa mga sinasabi niya't ni isang sulyap ay hindi ako nagbigayan. So, it is possible na galit siya sa akin, iniiwasan ako, or baka nga talagang ibang tao siya? Alin ba doon? "Miss, hi, Kyle nga pala." Bulong ng nasa katabi kong desk na pasimpleng nakipagkamay sa akin. "LJ, Nice meeting you," naging sagot ko sa kaniya. "Gusto mo bang ako ang mag-train sa 'yo, huh?" Sunod pa nitong tanong sa akin. Ako pa ba ang tatanggi? Syempre masaya akong tumango-tango na sumagot sa kaniya. Subalit hindi pala iyon gano'n magiging magandang impression para sa first day ko. Paano ba naman ay na-call out kami ni Jensen. Pinalampas niya ako ngunit si Kyle ay hindi nakalusot. Inutusan siyang magpunta sa Office niya after ng pag-ikot niya. Dahil doon ay naging tahimik na ang department na ang mga mata ay nakatingin lang kay Jensen. Nang matapos ang hindi gano'n kahabang pagbisita ni Jensen sa department ay bumalik na ang trabaho. Panay ang salita ni Sir Carlo na hindi ko rin gano'ong ma-gets agad-agad. Ang dami niya agad na pinapagawa sa akin na para bang mayroon akong experience sa ganitong trabaho. Lumipas ang isang oras ay nakabalik na nga si Kyle, nag-hi akong muli sa kaniya ngunit hindi na niya ako tinapunan man lang ng kahit na sulyap. Imbes ay nagsimula siyang magligpit ng mga gamit niya sa desk, inilalagay sa isang maliit na karton ang lahat ng madampot. "Kyle, ano'ng ginagawa mo?" Tanong ng babaeng nakapuyod ng paitaas, nasa 5'2 ang taas at mukhang close siya kay Kyle. "Lilipat na ako sa Sales department, sorry guys. Magkita-kita na lang tayo sa labas," iyon ang naging turan nito na ikinapagtaka ko. "Huh? At bakit naman biglaang?' Nang sipatin ko ang i.d ng babae ay Neri ang pangalan nito. Sunod ay ang pag-usyoso naman ng ibang empleyadong naroon. Nagbubulungan kung bakit naman biglang ipinadala siya sa ibang department. Hanggang sa lumapit si Sir Carlo at kinumpirma ang sitwasyon. Tinapik niya sa balikat si Kyle na para bang sinasabi na ayos lang ang lahat at 'wala siyang dapat na ipag-alala. "Naku, may intern nga na dumating pero may aalis naman. Mukhang may dalang malas ang bagong salta ha." Bilang reaksyon ay agad akong napatingin sa pinanggaling ng mga katagang iyon. Isang lalaking naka skyblue long sleeve, neat ang ayos ng buhok at mukhang nasa mid 30's na ang nagsalita. Nakasandig siya sa kaniyang cubicle habang nasa amin ang mga mata. "Shut up, Will. Hindi ka nakakatulong." Ngayon ay isang babae na naman ang sumingit. Nakasalamin naman ito, mababa lang siya at may malinis na aura. "Tama na, magsitigil na kayo. Walang may gusto nito, talagang kailangan ng tao sa Sales at nagkataon na si kYle ang napili ng CEO. Big opportunity na ang mapilit ng direkta ng boss kaya tanggapin na lang natin. At isa pa, hindi naman raw permanent iyon. Sooner or later ay babalik rin si Kyle." Medyo may something ang paliwanag na iyon ni sir Carlo, pero dahil sa wala naman din akong alam sa nangyayari ay panay na lang ang pagtango-tango ko. Subalit nang lumipas ang mga oras ay akala ko na talagang magiging magaan sa akin ang lahat. Hanggang sa nautusan akong magpa-xerox ng ilang papeles na kakailanganin ni Neri sa kaniyang presentation. At hindi lang 'yon, lumabas din ako para lang bumili ng iced coffee para sa lahat. At ang pinakamalala sa araw ko na ito ay pinasalo ako ng Overtime ng isang regular. What the? Ako na kaka-first day palang sa trabaho pinag-OT na agad? This is an abuse of power. "Bye, LJ bukas ulit ha. Good job ka today." Masasakit na ang katawan ko pero pinilit ko pa ring bigyan ng ngiti si Allie, siya lang kasi ang bukod-tanging nakipag-usap sa akin, nag-entertain at sumabay hanggang sa huling oras ng trabaho. "Salamat ha, feeling ko drained ako ngayong araw pero kinaya naman," sagot ko sa kaniya. Nag-aabang na kami ng elevator nito. At bukod pala sa aming dalawa ay may isa pa kaming kasama ngunit mas nauna na itong lumabas sa amin dahil may emergency daw siya. "Naku! Ganyan talaga 'yan, kapag nasanay ka ay SIsiw na lang ang lahat sa 'yo." Mabait si Allie kaya naman mabilis ko siyang nakapalagayan ng loob. At sana ay magtagal iyon. "Nga pala, ano'ng social media account mo? I-add kita sa GC ng marketing," bigla niyang tapat ng cellphone niya sa akin. Ako na ang nag-search ng name ko sa phone niya para naman mas madali. "Ayan, nah-aadd na kita. Kung may tanong ka o problema ay mag-chat ka na lang ha. And for now, magbo-book na ako ng rider para pagbaba natin ay sasakay na lang ako." Tinignan ko si si Allie na seryosong-seryoso sa pagpindot niya sa cellphone, "Anong rider?" "Ano ka ba, rider edi masasakayan ko pauwi. Paniguradong traffic na naman sa EDSA kung magco-commute ako sa jeep or bus. Kaya kahit na medyo pricey ay go na ako sa green riders, no." Hindi ko gano'n makuha ang tinutukoy niya, ngunit mas naisip kong alukin siyang sumabay na lang sa kotse namin dahil susunduin naman ako ng driver. Mas maigi sana kung hinayaang akong magdala ng sasakyan eh, ang kaso dahil sa pagmamatigas ko tungkol sa arrange marrige ay kinuha nila sa akin iyon kasama ng mga credit cards ko. Mabuti na nga lang dahil may isang card pang iniwan sa akin, ang kaso nasa one million lang ang maximum spending limit. "Sumabay ka na lang sa akin, gusto mo ba?" Tanong ko sa kaniya. "Huh? Bakit saan ka ba?" Tanong niya na nakapulot ang mga braso niya sa braso ko na para bang ang tagal na naming magkakilala. "Sa QC ako," nakangiti kong sagot sa kaniya. "Ay, ang layo mo 'te, magkaibangg direksyon tayo. Huwag na lang." Ayaw niya pa? Libre na nga lang 'yon eh, at saka puwede namang siya ang maunang ihatid. Ngunit hindi na lang ako umimik, at nag-abang ng pagbukas ng elevator. TING! May pagpalakpak pa si Allie nang magbukas na nga ang hinihintay namin, pero lahat ng tuwa sa mukha namming dalawa ay nawala rin nang mapagtanto kung sino ang kasalukuyang nasa loob ng elevator. Maliban sa medyo crowded na naroon din ang pinaka-boss namin, nasa gitna, matatalim ang mga mata na nakatitig sa akin. "Pasok na," sabi ng isa na mas marami pa ang ginawang pagpaypay ng kaniyang kamay para papasukin kami. May kasama iyong pagnguso sa likuran niya na nahulaan ko rin naman kung para saan. Gusto nitong sabihin na nasa same elevator lang ang amo nila kaya kailangan naming kumilos agad. "Give space na lang guys,' sabi pa ng isa. Pero bakit gano'n? Nagsiksikan na silang mga empleyado sa magkabilang gilid ng elevator samantalang may space pa naman sa gitna. Kaya naman doon na kami pumuwesto ni Allie, I don't mind kung naroon man si Jensen at ang Assistant niya, hindi rin namann niya ako papansinin. Akala ko naman ay dederetso na sa ground floor ang pagbaba namin, aba'y sa third floor ay may papasok pa. Panay nga ang sensyas ng lalaki kanina na nagpapasok din sa amin na wala nang space eh, kaya nag-alanagan na rin ang tatlong empleyado pang balak sanang pumasok na. "Get in, don't waste my time waiting." Iyon ang naging adrenaline ng tatlo upang dumiretso na sa loob. Ang pagpasok nila ang nagtulak sa amin ni Allie na mapa-atras, subalit b-in-alance ko ang katawan upang hindi tuluyang makatungo sa kinapupuwestuhan ni Jensen. Pero sadyang hindi rin talaga mapagkaktiwalaan ang pagkakataon, dahil pagpasara na sana ang pintuan ng dalawa pang lalaki ang sumingit dahilan upang maging crowded na ng tuluyan sa loob. At wala na ngang kontrol pa ang katawan ko, nakapuwesto na ako sa mismong unahan nit Jensen. Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng aking shoulder bag, pigil ang paghinga na sana'y hindi ako tuluyang makalapit kay Jensen. SCRETCH. . . "Ooh my gosh! Ano 'yon?" Tara tang tanong nang kung sinong kasamahan namin nang biglang tumigil ang elevator. Crrrckkk... "Sh@t!" Iyon na ang huling salitang nabitiwan ko bago ko maramdaman ang matigas at maumbok na kung ano sa may bandang likuran ko. Lunok-laway akong dahan-dahan na lumingon sa likuran, Jensen was there. And the shocking part is, he's also looking at me.Nadala ko pa kinabukasan ang pagkadismaya ko sa naging pag-uusap namin ni Damian. He was very sure nang sabihin niyang pakakasalan niya ako.Na kahit na sinabi ko na sa kaniya na ayaw ko, wala siyang pakialam. Tinakot pa ako na wala naman daw akong magagawa tungkol doon.And I can say na mukhang nagsisimula na ang sinasabi niyang 'wala akong magagawa'.He was very early to wait outside our house, insisted to drive me on my way to work. At dahil sa pilit na pagpapasunod ni Grandma ay talagang wala akong nagawa, at heto ako ngayon pababa na sa kaniyang sasakyan.Kasunod ay ang pagtaray ko sa kaniya sabay pabalang na isinara ang pinto ng passenger's seat. Ay! Wala akong pakialam sa sasakyan niya.Hanggang sa ibaba niya ang windshield at sumilip mula roon upang kausapin pa ako. He was a smiling man right now, iba sa napakaseryosong aurang pinakita niya sa bahay kagabi.At ang hulmang panga ni Damian ay bumagay sa lakas ng dating ng kaniyang mga mata't makakapal na kilay. Para siyang isa s
Panay ang tingin ko kay Damian habang papasok kami sa Mansiyon. Wala na siyang imik ngayon habang naglalakad kami, nakapamulsa ang loko at seryoso ang mukha. Kainis lang isipin na umiwas ako para lang sa wala? Tumakas pa ako para hindi makilala ang taong ito ngayon araw, ang ending ako pa pala ang naglapit ng sarili ko sa kaniya. Hay naku!Tumahimik na nga lang din ako, idiniretso kami ni grandma sa dining. Nang mag-alok kasi siya nang ipaghanda kami ng dinner ay hindi na um-oo si Damian. He insisted na kahit maiinom na lang ang i-serve sa kaniya."Naku, Damian...natutuwa ako na sa wakas ay nandito ka na. Pasensiya ka na sa ilang beses man delay ha? Masyadong busy kasi itong apo ko. Anyway, hindi ko na siya ipakikilala sa 'yo kasi nagkakilala naman na kayo, hindi ba?" NNapakalawak ng ngiti ni grandma sa kaniya, samantala nang dumako sa akin ay pandidilat lang ng mga mata ang nakuha ko."Yes, ma'am. Actually, ako na nga talaga ang nagpunta para lang matuloy ito. Good thing my plan w
Hindi ako mapakali habang nasa loob ng sasakyan ni Damian. Hangang ngayon ay sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi ko talaga mapigilan ang emosyon ko sa tuwing magkakaharap kami ni Jensen, though, I told myself na wala na akong dapat na maging koneksiyon pa sa kaniya dahil kinuha na rin naman niya ang isang bagay na iniingatan ko galing sa kaniya, eh, mahirap pala...hindi gano'n kadali ang umiwas.Ang arte kasi, na para bang virgin siya. Hmp. nagpaliwang naman na ako tungkol sa nangyari sa amin noon pero hindi niya matanggap ang sorry ko. Nakakainis lang, gusto ko pa naman sana siyang mayakap. "Are you okay?"Nilingon ko si Damian, diretso lang ang kaniyang tingin sa daan habang nagmamaneho. Napansin niya ba ang pagkatulala ko? Paano nakatuon lang ang pansin ko mula sa labas ng sasakyan."Hmm. Yes, I'm okay." I smiled. Saka ko naalala na hindi pa nga pala ako magpapasalamat sa kaniya. Unang pagkikita at pagkakakilala namin kaniyang umaga pero may kabaliwan na agad akong nag
Nang makaalis sina Louise Jane at ang Doktor ay nagpaalam din muna ako kay Jared. I told him na may kailangan akong asikasuhin outside. Ang hindi niya alam ay balak ko lang na habulin si Louise Jane, magtanong at mag-imbestiga.Agad ko silang hinanap pagkalabas ng elevator, tingin sa kanan, sa kaliwa, ngunit walang kahit na anong bakas ni Louise Jane."D@mn it, nasaan ka?" Bulong ko sa sarili. I hesitated to call or text her. Mas maigi kung magkakaharap kami mismo. At ang Doktor, ano ang meron sa kanila? I walked my way out of the Hospital, I've checked every hallway, sinubukan ko ring magbukas ng ilang pintuan ng pasyente ng wala kahit na katok man lang."Hey, have you seen someone, woman. 5'6, maganda, mahaba ang buhok at medyo mestisa?" Tanong ko sa nurse station.Tila naman nag-isip ang nurse on duty kung may nakita nga siyang tulad sa description ko. Ngunit umiling-iling lang ito sabay sabing sa dami nang taong nakakasalamuha niya araw-araw ay hindi niya na maalala ang mukha ng b
I told her not to come, but here she is disguising herself as a nurse? Does she think I wouldn't recognize her? Mata pa lang niya, ay kabisado ko na.Sinundan ko ang bawat kilos ni Louise Jane habnag loob siya ang private room ni mom. Salamnin naman ang structure walling ng silid kaya malaya naming nakikita ang ginagawa ng Doctor.Nnagunot pa rin ang noo ko nang sumagi ang ideya na kung papaano siyang basta nakapasok rito. This Hospital is script and being operated by a billionaire family. Nang dumapo ang tingin ko sa lalaking Doctor ay nagkaroon ako ng doubt about him, naka-face mask na rin ito katulad ni LOuise Jane but there is something on him too, na hindi ko maipaliwanag."I f@cking hate this family. Ano ba kasing ginagawa nila rito." Naalimpungatan ang busy kong utak sa pagkilati sa Doktor nang lumapit sa tabi ko si Jared, hawak ang kaniyang panga."Who leaked the news about mom, that's the problem. Hindi pa nagtatagal ang nangyari pero paanong nakarating agad sila rito? Are
"Sigurado ka ba sa plano na 'to Damian?" tanong ko sa kaniya habang tinatahak namin ang papuntang VVIP suite."Hindi."Na-froze na lang ang bibig ko sa pagkakanganga SSA sinabi niyang iyon. Ano? Hindi siya sigurado? Eh, bakit pa kaming nandito ngayon?"Huh? Eh, Tara na bumalik na lang tayo." Paghila ko sa kaniya. Baliw pala 'to siya eh."I mean it. Hindi talaga ako sigurado sa idea na 'to, dahil kapag nalaman ng family ko na lumabag ako sa Privacy ng patient ay baka i-suspend pa ako sa trabaho. Pero dahil desidido ka na puntahan ang nasa VVIP, heto ako tutulong sa 'yo."Napalunok na lang ako sa sinabi niyang iyon, talaga ba? Gagawin niya 'yon kahit na hindi naman kami lubos na magkakilala?"Pero, hindi naman tayo close, kanina palang tayo nagkakilala. Wiling kang mapagalitan para lang tulungan ako?" Tinitigan ko sya habang naghihintay ng sagot niya. Kapapasok lang namin sa elevator, sakto walang ibang naroon kaya naman malaya kaming nakapag-usap ng ganitong topic.Nasa bulsa ng white







