Share

Chapter 15: The Revelation

Amora's POV

Isang linggo na rin pala ang dumaan simula no'ng huling magpakita sa akin ang tita ni Aiden at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasabi sa kaniya ang buong katotohanan dahil sa takot. Natatakot ako na puwedeng mawala ang pagmamahal niya sa akin kapag nangyari iyon pero nauubos na ang oras ko. Isang linggo lang ang binigay sa akin ni Agatha at ngayon ay wala na dapat si Aiden pero hindi ko magawa.

Palakad-lakad lang ako sa sala, sa bagong bahay namin ni Aiden at kanina pa ako naghihintay sa kaniya na umuwi. May pagpupulong siyang pinuntahan at nakapag-desisyon na ako na sabihin sa kaniya ang totoo lalo na ang mga balak ng tita niya.

Pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kinakabahan ako na tila ba ay may hindi magandang mangyayari. Subalit nang tumunog ang doorbell ay napatingin ako sa pintuan at mas lalo lamang nadagdagan ang kaba sa puso ko. Alam ko at ramdam ko na si Aiden na ito kaya dali-dali akong naglakad sa pinto pero laking gulat ko na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status