공유

Chapter 5

작가: Mrsdane06
last update 최신 업데이트: 2023-01-30 00:54:15

Kyoko POV

Abala akong ginagawa ang Feasibility Studies nang makatanggap ng tawag mula kay Kuya Lito. Dinala sa hospital si Ninong Augustus. Nawalan diumano ito ng malay matapos dalawin si Rafael sa opisina nito.

Sabay kaming tatlo ni Papa Leon at Mama Margarita na pumunta sa hospital. Halos paliparin na nga ni Papa Leon ang kanyang sasakyan sa sobrang kaba.

Nang dumating kami sa hospital, naroon na si Rafael sa E.R at nag-aabang. Hinayaan ko na si Papa Leon ang kumausap sa kanya. Kay Kuya Lito ako lumapit at nagtanong pero wala din siyang alam kung anong nangyari kay Ninong.

“Sino po ang mga kamag-anak ng pasyente?” tanong ng doktor.

Lumapit kami sa doktor at si Papa Leon ang nagsalita. “Kumusta po ang Papa ko?”

“The patient suffered mild stroke. Mabuti na lang at hindi siya bumagsak sa lapag at kaagad na nadala siya sa hospital. Hindi pa naman masasabi sa ngayon ang severity ng stroke. We will run more tests on the patient and from there we can prescribe the best medication.” 

Tumalikod na ang doktor at iniwan kami. Si Rafael ay kanina pa tahimik at bakas sa kanyang mukha ang guilt. May duda na ako sa posibleng dahilan bakit nagalit ng todo si Ninong Augustus. Tikom ang aking bibig at hinayaan ko silang mag-ama ang mag-usap.

“What is it this time, Rafael? Bakit nagkaganito ang Lolo mo pagkatapos na bumisita sa opisina mo?” tanong nito kay Rafael.

“Nakita po kami ni Lolo Augustus sa opisina na naghahalikan kami ni Fiona,” mahinang saad ni Rafael.

Napapikit ako. Parang may kung anong tumusok sa aking puso sa narinig na impormasyon na iyon. Kahit alam ko na ay masakit marinig ang kompirmasyon na pinagtataksilan nga ako ng asawa ko, sa ikalawang pagkakataon.

“Are you stup*d? You are a married man at dinala mo pa sa opisina mo ang kab*t mo? Malas sa negosyo ang mga kalaguyo!” Namumula na si Papa Leon sa pag sermon kay Rafael na nakayuko lang na pinapagalitan ng ama.

Lumingon ako at nakita ko si Ate Fiona. Tatalikod na sana siya pero tinawag siya ni Papa Leon.

“At ano ang ginagawa mo dito, babae?” galit na sumbat ni Papa Leon.

“Papa, huwag naman kayong ganyan kay Fiona--”

Napaawang ang labi ko nang lumagapak ang malutong na sampal sa pisngi ni Rafael.

“You are a disappointment! Si Faustina nga na mas bata sa iyo ng sampung taon ay hindi nagreklamo sa gusto ni Papa, ikaw pa ? At ano ipagpapalit mo ang matino mong asawa sa babaeng pakawala na iyan? Gawin mo ang gusto mo! Pero kapag may nangyari kay Papa, itatakwil kita! Wala akong anak na suwail!”

“Leon, ano ba? Nakakahiya na pagtitinginan na tayo ng mga tao!” sita ni Mama Margarita. Apologetic siyang tumingin sa akin at hindi man lang matingnan ang anak na nagbigay ng konsumisyon sa kabiyak.

Nang makalayo na sila, nilapitan ko si Rafael. Nasa isang steel bench siya at nakatingin lang sa kisame.

“Ano, susumbatan mo rin ako? Mali na nga ako!” Angil niya.

“Tanga ka pala eh! Hindi mo na ba afford mag-hotel? Bakit doon pa sa opisina mo kahit alam mo na mainit ang mata ni Ninong sa iyo. Nag-iisip ka ba?” sumbat ko.

“Pwede ba, huwag mo na ako sermonan! I’ve had enough today!”

“Ikaw pa galit na hindi mo naman ginagamit ang utak mo! Pinalagpas ko na lahat kahit sa Palawan pa tayo, wala kang narinig sa akin. Sumosobra ka na talaga!” galit kong sumbat.

“Wow. Are you saying that I don’t care about my grandfather?” Tumayo na si Rafael at lumapit sa akin. “Ang galing mo rin kasi pumapel kay Lolo Augustus eh. Kung hindi ko pa alam na ikaw din ang nagbigay ng mga pictures namin ni Fiona kaya mainit siya sa amin!”

“Ga*o ka pala eh! Ikaw na nga gumawa ng milagro tapos kasalanan ko pa kung bakit ka nahuli? Saan mo ba nilagay ang utak mo sa talampakan?” pilosopo kong sagot.

Nang mailipat na si Ninong Augustus sa kanyang recovery room, doon na ako tumambay. Nag-volunteer na akong maging watcher niya matapos pakiusapan si Bebang na hatdan ako ng mga pamalit pati na rin ang laptop na ginagamit ko sa paggawa ng Feasibility Studies.

Kinabukasan pa nagising si Ninong Augustus at naroon ang tatlong apo niya. Malamig ang pakikitungo niya kay Rafael pero okay naman kay Sebastian at Faustina.

Nasa gilid lang ako at abalang ginagawa ang bilin ni Ninong Augustus sa akin. Binigyan niya lang ako ng two weeks para matapos iyon at wala akong dapat aksayahin na oras. Tamang tama lalo at narito si Sebastian. Kaya, pagkatapos niyang kausapin si Ninong Augustus ay nagpaturo na ako sa paggawa ng mga Financial Statements lalo at tapos siya ng Accountancy.

Abala kaming nag-uusap ni Sebastian at hindi namin napansin ang pagpasok ng kung sino. Engrossed ako sa mga tinuro na application ni Sebastian na siyang ginagamit sa paggawa ng mga Financial Statement. Nagtaka ako nang mag-angat ang aking tingin na si Rafael ay nasa tabi ko na pala at halos ipagduldulan ang mukha sa akin.

 Tumaas ang kilay ko nang makita ang kanyang mga kamay na nakaakbay sa akin. Mahina ko siyang tinulak at umusog palapit kay Sebastian. Tinanggal ko ang kamay ni Rafael na nakaakbay sa akin at binalik ang atensyon sa mga tinuturo ni Sebastian. 

Nang tumunog ang cellphone ni Sebastian, saglit siyang nagpaalam. Doon ko na kinausap si Rafael.

“Anong problema mo at dikit ka ng dikit sa akin? Naaalibadbaran ako sa presensya mo! Lumayo ka nga!” mahina kong sabi. Kung hindi lang mabubulahaw si Ninong ay aawayin ko talaga ang asawa kong asungot. Tinulak ko si Rafael papalayo pero ang hudyo kong asawa ay lapit pa rin nang lapit sa akin. “Alis!” pagtaboy ko sa kanya.

“Ano ang nakita ko kanina na aliw na aliw na nakikipag landian sa kapatid ko?” Akusa ni Rafael sa akin.

Gusto ko siyang bulyawan para matauhan siya sa mga bintang niya sa akin. Tumirik ang mata ko sa inis at tumingala sa kanya para pagsabihan siya. “Hoy! Nagpaturo ako kay Sebastian sa paggawa ng Financial Statements!” rason ko.

“Bakit ka sa kanya nagpaturo? Bakit hindi sa iba! May asawa ka ng tao at sa may gusto pa sayo ka pa talaga nagpaturo? Malandi ka rin eh!” giit niya.

Hindi na ako nakatiis at nilapirot ko ang kanyang mukha. Sisigaw pa sana siya nang isinalaksak ko ang aking hand towel sa kanyang bibig at bumulong ako sa kanya. “Huwag kang sisigaw at baka magising si Ninong!” banta ko. “Alam mo ikaw Paeng? Hindi rin kita maintindihan eh! Bakit mo naman pinagseselosan ang kapatid mo?” tanong ko.

Kinuha niya ang hand towel sa bibig niya. “Ako nagseselos? Are you kidding me? Kahit tamaan man ako ng kidlat, hindi ako magkakagusto sa iyo, bubwit!” Gigil na gigil siya dahil di niya ako mabulyawan. Namumula pa siya habang nagsasalita ng halos pabulong pero ramdam ko ang intensidad ng bawat salita niya.

“Asus! Nagde-deny ka pa! Halata naman ang pagiging KSP mo kanina habang nagpapaturo ako kay Sebastian eh! Umamin ka na kasi na nagseselos ka!” kantiyaw ko kay Rafael. Gusto ko ng bumunghalit ng tawa sa pamumula ng kanyang buong mukha.

“Hindi ako nagseselos!” tanggi pa rin niya.

“Nagseselos ka!” giit ko.

Nasukol ako ni Rafael at walang babala niya akong hinalikan. Namilog ang aking mga mata sa kabuuan ng kanyang halik. Halos mapugto ang mga hininga namin nang maghiwalay ang aming mga labi.Hindi ako nakaimik lalo at gahibla lang ang layo ng aming mga mukha. Dama ko ang init ng kanyang hininga at ang bango pa!

“Hindi ako nagseselos, bubwit! Selos na selos ako!”

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Seducing My Aloof Husband    chapter 50

    Kyoko POV Ilang araw na rin mula nang umalis si Rafael. Pang apat na araw ko na dito sa mga Fontanilla at kahit paano ay naaaliw ako sa mag-asawang Terence at Faustina. Kaibigan ko na sila dati pa lalo at madalas naman sila dumadalaw sa Hacienda Esmeralda kahit noon pa. Nasa veranda ako at nagpapahangin lalo at siesta ngayon. Wala naman masyadong ganap sa bahay nila lalo at busy din sa niyugan at sagingan si Terence. Shipment ng cavendish banana ang negosyo ng mga ito. Kabilang ang Hong Kong, Japan, at Russia sa mga bansa kung saan nagsu-supply sila ng mga nasabing uri ng saging at pawang chain of supermarket ang kanilang kliyente. “Nandito ka lang pala. Halika nga at bumaba ka na. Isasama kaya kita sa koprahan, Tamang tama at nagbibiyak ng mga niyog ang mga tauhan. Baka gusto mo umusyoso.” Ayoko naman lumabas na bastos kaya sumama na ako kay Faustina. Binabaybay namin ang daan patungo sa koprahan nang masilayan ang isang pigura. Natatandaan ko ang babaeng iy

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 49

    Rafael "You didn't listen to your wife's request?" Kumunot ang noo ni Lolo Augustus habang tumatayo mula sa kanyang swivel chair. Nasa library kami kasama ang kanyang personal therapist na si Romer. "Lolo, I have to make sure na hindi apektado si Kyoko sa nasagap niyang tsismis," maikli kong sagot. "Was it just a rumor, Rafael? Siguraduhin mo lang na hindi mo ginalaw ang babaeng 'yon. Kung hindi ay malilintikan ka talaga sa akin." May papel na binagsak si Lolo Augustus sa kanyang table. "Sign this and the lawyers will submit these to the court. It will be my assurance na hindi ka na lalapitan ng babaeng 'yon." Pinulot ko ang papel na iyon at nakita na plano magsampa ng reklamo ni Lolo Augustus under my name para pigilan si Fiona na lumapit at manggulo sa aming mag-asawa. "Nag-offer na ako ng pera sa kanya pero hindi niya kinagat. And now all I have to do is coax you to finally file a complaint. If you are serious about fixing your marriage, heed my ad

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 48

    Kyoko POV "Anong ginagawa mo dito, Rafael? Bakit ang hirap mong intindihin ang sinabi ng asawa mo?" Asik ni nanay habang binababa ang hawak na tray. Naamoy ko na ang dala niyang pagkain ay pihadong tinolang manok lalo at nakausli pa ang dahon ng sili sa gilid ng mangkok. "At saka ibaba mo nga asawa mo. Hindi naman siya pilay o lumpo bakit kinakarga mo 'yan?" Napakapit ako sa balikat ni Rafael. Though alam ko naman na magaan lang ako kahit pa malaki na ang tiyan ko dahil kambal nga ang pinagbubuntis ko. Hindi na nakatiis si nanay at inagaw na niya ako kay Rafael. "Nay, relax ka lang. Magaan lang naman ang misis ko. Okay naman na si Kyoko na mag-stay ako dito. Please hayaan mo na ako ang magpakain sa kanya sa dala niyo na pagkain," may halong pagtaboy na saad pa ng asawa ko. Mahigpit ang hawak niya sa akin lalo at desidido si nanay na bawiin ako sa mga bisig niya. Kaya napatingin si Nanay Celina sa akin. Tumango ako lalo at ayaw ko na humaba pa ang diskusyon. Padabo

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 47

    Rafael "Ayaw mo ba talagang tumigil, Fiona?" Nagtagis ang mga ngipin ko at ilang beses na pinindot ang busina. I want her to feel that I am not pleased with her presence. Kung hindi lang kasalanan na sumagasa ng tao at babae pa talaga ay ginawa ko na! "Susuyuin mo na naman ang maarte kong half sister? Kung ako ang pinili mo, Rafael hindi ka sana namamalimos ng atensyon sa pangit na 'yon!" sigaw pa ni Fiona habang ginugulo ang kanyang buhok. Sa inis ko, bumababa ako ng sasakyan. Nilapitan ko siya at hinaklit ang kanyang braso. "Don't you ever insult the mother of my kids, Fiona. You will not like it when you anger me this much." Pinisil ko pa lalo ang kanyang braso kaya mapaigik siya. Hindi ko akalain na darating ang araw na kinamumuhian ko ang babae na minsan ay halos mabaliw ako sa kanyang alindog. I repulse the idea that once I was so madly and obsessed by her bed prowess. Gone are the days when she had me at her command. "Hindi ka ba napapagod intindi

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 46

    Rafael Wala akong nagawa sa kagustuhan ni Misis. Pinilit ko na lang ang sarili ko na bumalik sa Hacienda Esmeralda. Nasa bukana na ako ng malaking gate papasok ng hacienda nang makita ko si Fiona na nasa gitna ng daan. Kaagad kong binusinahan ito. Hindi man lang siya natinag. Matay mang isipin, gusto ko siyang sagasaan sa pagdudulot niya ng problema naming mag-asawa. "Rafael, wait!" sigaw ni Fiona habang nag-wave siya ng kamay. "Rafael, ano ba? Please, stop!" Hinarang na talaga niya ang sarili at dinantay ang kanyang matambok na pwet sa hood ng aking sasakyan. "Not right now, Fiona. Please, pabayaan mo na kaming mag-asawa. Give us peace," pagsamo ko sa kanya. Ni hindi ko siya makuhang tingnan lalo at bumabalik sa isip ko ang mga ginawa niya at ng kanyang tiyuhin na si Delfin. "What happened to us, Rafael. Hayaan mo na lang si Kyoko kung ayaw niya sa iyo. Nandito naman ako na willing maging side chick mo. Please, I am begging you to take me back

  • Seducing My Aloof Husband   Chapter 45

    Kyoko POV Natawa na lang si Faustina sa sinabi ko. Nakayakap si Terence sa kanya. Nakikita ko sa kanilang mag-asawa ang naging journey namin ni Rafael bilang mag-asawa. Like them, arranged marriage ang nagbuklod sa kanila. Mas maganda pa nga ang naging history nila dahil family friend ng mga Cervantes ang mga Fontanilla. Samantanlang kami ni Rafael ay parang aso at pusa na munting kibot lang nagbabangayan na kami. Simula pa nga noong bata pa ako, gigil na gigil na siya sa akin. Only to find out na kalahi ko pa ang babaeng nanakit sa kanya noong college siya. “Oy, naiinggit na si bilas oh,” tukso ni Terence sa akin habang may panakaw na halik sa pisngi ng asawa. Napangiti ako lalo at lumilipad ang utak ko kung saan habang naghaharutan ang dalawa sa harapan ko. Natawa na lang ako sa biro niya. The usual Terence na inaalaska ako every time may pagkakataon siya. “Terence, isa!” Halata sa boses ni Faustina ang inis. “Alam mo naman na bawal ma-stress si Kyoko.” “Sor

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status