Ahva POVSafe na, pero kapwa kami nabitin ni Tito Eryx. Sinabi ko na lang kay Nyra na magsaing ng kanin at ako nang bahala sa pagluluto ng ulam. Mabuti na lang at umalis na siya at tumuloy na sa BD namin. Ang problema, hindi na namin nagawa ni Tito Eryx ang gusto niyang mangyari. Kailangan na kasi akong sumunod kay Nyra, kundi ay baka pumunta na naman siya rito sa old dorm namin.“Pasensya na, sa ibang araw na lang natin ituloy ito,” sabi ko sa kaniya.“Sige, baka kasi may makahuli pa sa atin,” sagot niya habang nagbibihis na rin.PAGPASOK ko sa BD namin, naabutan ko si Nyra na naghahanda na rin. Naka-ponytail siya, suot ang lumang apron ni Penumbra na may stain ng ketchup sa sulok. Nginitian niya ako habang hawak ang lalagyan ng itlog.“Nakapagsaing na ako,”sabi niya. “Tulungan na rin kitang maggayak ng ilulutong ulam natin.”Napangiti ako habang nilapitan siya. “Sige, salamat. First breakfast natin ‘to dito, kaya damihan natin ang luto ng ulam.”“Oo nga, dapat masarap ‘to,” sagot ni
Ahva POVMadaling-araw nang maalimpungatan ako. Kailangan kong magbanyo kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Madilim pa ang paligid, maliban sa bahagyang ilaw mula sa maliit naming night lamp na may lilang shade. Bumaling ako sa kanan, nandoon si Penumbra, balot sa kumot, ang isang kamay ay nakalabas at nakapatong sa gilid ng kama. Sa kabila naman, si Cael, mahimbing din, bahagyang nakanganga pa habang nakayakap sa kanyang unan. Si Amon ang nasa pinakadulo, nakatihaya at halos hindi gumagalaw. Si Nyra naman ay tila sanay sa lamig, hindi manlang nakakumot. Para silang mga batang payapang natutulog. Ngayon, kahit pa paano, hindi na makakagawa ng kasamaan sina Kara.Pagkatapos ko silang pagmasdan, dumiretso na ako sa banyo. Wala akong naririnig kundi ang banayad na tikatik ng ulan sa labas. Kaya pala malamig lalo ang aircon, umuulan pala. Pagkatapos kong umuhi, agad akong naghugas ng kamay at lumabas ng banyo.Paglingon ko sa wall clock na nasa ibabaw ng pintuan, napakunot ako
Ahva POVHalos hindi na ako nakatulog ng maayos matapos ang nangyari kanina. Naiisip ko pa rin si Nyra—kung paano siya tinangkang saktan ng mga hayup na ‘yon. Mabuti na lang at nagising ako, at higit sa lahat, hindi ako natakot na ipaglaban ang kaibigan ko.Bandang alas otso ng umaga, habang nakahiga pa ako at nag-iisip, biglang may nag-text mula sa delivery service. Nasa gate na raw sila. Napaangat ako ng upo at agad na sinigawan sina Penumbra ay Nyra na mga natutulog pa.“Penumbra, Nyra! Gising! Dumating na ‘yung mga gamit natin!”“Ha? Anong oras na ba?” unang bumangon si Nyra, sumunod lang si Penumbra na nagtataka kasi nandito sa loob ng dorm si Nyra.“Eight na. Let’s go, guys, ayusin na rin natin ang BD or Big dorm natin. Baka sila Cael and Amon gising na rin.”Hindi pa man kami nakakababa ay tumunog na ulit ang phone ko. Si Cael naman ang tumatawag.“Hey, Peachy. Nasa labas na kami ni Amon. Ina-assist na namin ‘yung mga magde-deliver.”Phone number ko kasi ang nakalagay at phone
Ahva POVMadaling-araw na nang maalimpungatan ako. Tahimik na tahimik ang buong dormitoryo bago ako nakatulog kanina at ang tanging maririnig lamang ay ang mahinang ugong ng aircon at ang tik-tak ng wall clock namin ni Penumbra.Napadilat talaga agad ako. Pinakiramdaman ko ang paligid, kasi may mga narinig akong boses ng kababaihan.At habang tumatagal, parang palapit nang palapit ang boses nila.Bumangon na ako mula sa kama ko kasi sure akong may mga tao sa labas at tila may nangyayaring hindi maganda.Bumaba ako ng kama, kinuha ko ang maliit na kutsilyo sa ilalim ng unan ko, ugali ko na ‘yon simula pa lang nung mag-aral ako dito. Nang hawak ko na ang patalim, dahan-dahan akong lumapit sa pintuan. Nung una, nakinig muna ako, kasi baka ibang ingay lang iyon o baka may student na maagang aalis ng school.Pag-silip ko sa labas, nakita ko sila. Nagulat ako nang makita kong nandoon si Kara. Walanghiya talaga. Kasama niya si Diana Liryo, rank 3. Si Aeries Dela Noche, rank 5, at si Selene N
Ahva POVNag-enjoy ako sa pagkain ng popcorn, iyon nga lang, nasasayang ang iba kapag napapasigaw ang mga katabi ko, pati kasi ang popcorn ko ay damay. “Kung si Peachy sana ang katabi ko, nakaka-enjoy lalo ang movie na ito,” dinig kong sabi ni Amon.“Kasi, siya ang yayakapin mo, gaya nang ginagawa mo sa akin ngayon,” sagot bigla ni Cael kaya nakita kong bumaklas bigla ng yakap si Amon kay Cael.Kahit tuloy takot na takot ang katabi kong sina Penumbra at Nyra, natawa sila sa usapan ng dalawang boys namin.“Mabuti ka pa, parang wala lang sa iyo ang pinapanuod natin,” sabi ni Nyra.“Oo nga, kahit sa mga ganitong palabas, matapang pa rin ‘yang si Peachy,” sabi naman ni Penumbra.Pagkatapos ng sine, nagutom kaming lahat kaya nagpunta kami sa isang samgyupsal restaurant. Hindi kami tumigil sa kakakain hanggang hindi umusok ‘yung mga grills.“Ay, jusmiyo, ginutom ako doon sa kakasigaw!” sabi ni Penumbra na hanggang ngayon ay maputla pa rin ang mukha dahil sa takot.“’Yung isa diyan, bakla at
Ahva POVKinabukasan, walang masyadong gagawin sa school, pero may training sa hapon. Kaso, tungkol lang naman ‘yon sa bagong mga pasok na estudyante kaya hindi rin kami required um-attend. Kaya naman napagkasunduan naming lima na mag-mall na lang para bumili na ng mga kakailanganin sa bago naming dorm. Kahapon kasi, halos inabot na kami ng gabi sa paglilinis at pagpipintura, maayos na maayos na ang buong dorm, gamit na lang talaga ang kulang.“Oh, tara na,” sabi ko habang inaayos ang strap ng bag ko. “Mas maaga tayong makalabas, mas matagal tayong makakapili ng mga gamit natin.”“Sana may cute na kama doon,” sabi ni Nyra habang pormadong-pormado siya. “’Yung may canopy, parang mukhang prinsesa ako sa dorm natin,” sabi pa niya pero biro lang niya iyon para magpatawa sa amin.“Basta ako minimalist lang,” sagot ni Penumbra habang naglalagay ng lipstick. “Ayokong matawag na maarte, pero classy dapat.”“Ito naman, pinapatawa ko lang kayo,” sagot tuloy ni Nyra kaya natawa kami nila Amon at