Share

Chapter 10[Naudlot]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-11-20 23:47:24

Bago pa man tuluyang magpakasasa sina Francis at Gabriella sa isa't isa sa loob ng opisina. Naudlot ang lahat ng kanilang pagnanasa sa bawat isa nang may marinig silang sunud-sunod na katok mula sa pintuan. Mabilis pa sa alas-kuwatro na nakaalis si Gabriella sa kandungan ni Francis. Maging ang lalaki ay napatayo na rin sa gulat at tiim-bagang na napakuyom ng kamao.

Si Gabriella ay mabilis na naupo sa kaniyang swivel chair, habang si Francis naman ay dismayadong nakatayo sa kaniyang tabi. Umiigting ang panga nito habang hinihintay nitong makapasok ang kung sino mang lapastangang nanggulo sa kanila. Iniisip ng lalaki na baka bumalik ang pinsang si Axel kaya't aburido itong huminga nang malalim.

"Hija, hijo.."

Nanlaking pareho ang mga mata nila at nagkatinginan nang makilala ang babaeng nakangiting pumasok. Tumayo kaagad si Gabriella upang salubungin ng halik ang kaniyang mommy. Gayundin si Francis. Ilang saglit pa'y sumunod na pumasok si Jordan.

"I've missed you so much.. hindi na kayo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 14 [Pag-iwan]

    Hinawakan siya ni Jordan. “Ano ba talaga ang nagyayari, Mamá? Bakit ganyan na lang ang galit ninyo kay Gab?”“Huwag mo siyang hawakan dahil marumi siyang babae, Jordan. She's not worthy! Malandi iyan, nagpakain tayo ng ahas sa bahay natin. Baka ikaw naman ang sunod na biktimahin ng babaeng iyan!” Mas lalo lamang napakunot ang noo nito. “Diretsuhin n'yo na nga ako. Kanina pa akong naguguluhan sa mga nangyayari!” Napalunok siya at nanlulumong lumapit sa ina. Subalit, itinulak lang siya nito na parang hindi nakikilala.“Iyang Gabriella’ng iyan, nagpapatira pala sa Kuya Francis mo! Hindi na nahiya, napakasalot! Demonyo!” Natigilan ito sa narinig mula sa ina.. Unti-unti itong tumingin sa kaniya. “Gab..”Sunud-sunod ang naging pag-iling niya upang itanggi ang lahat pero wala na siyang kakayahan pa na magpaliwanag dahil matigas ang kaniyang ina. Ayaw siya nitong pakinggan. Naluluha siyang lumapit kay Jordan upang dito humingi ng tulong at humugot ng lakas, ngunit napaatras ito. At hindi m

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 13 [Galit ng Ina]

    Matapos ang naganap na wrestling sa kama…“Don't forget what I say..” bulong ni Francis at agad na tumayo na. Isinuot nito ang shorts at t-shirt saka siya tinapunan ng tingin at lumakad na palabas ng kaniyang silid. Naiwan siyang mahigpit ang pagkakahawak sa kumot na nagtatakip sa kaniyang kahubaran. Gigil na niyakap ang unan kasabay nang pagguhit ng matagumpay na ngiti sa kaniyang mga labi. Marahan siyang napapikit sa palihim na kilig na gumapang sa buo niyang pagkatao. Napasulyap siya sa orasan, mag-aalas dose na pala nang hating gabi. Kaagad niyang isinuot ang night dress at nagtungo sa pinto para bumaba ng kusina. Ngunit bago pa man makababa, natigilan siya nang makita ang anino ng dalawang taong malapit sa may hagdanan at tila pabulong na nagpapasaringan ng mga salita. Bahagya siyang lumakad upang malinaw na marinig ang usapan ng mga ito. Tumambad sa kaniya sina Francis at ang mommy niya na seryosong nag-uusap. Napalingon ang mag-ina sa gawi niya nang mapansin siya ng mga ito

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 12 [Hate]

    Maya-maya'y muli siyang napalunok nang muling maglakbay sa hita niya ang paa ni Francis. Maiksi lang ang suot niyang palda kaya't malaya nitong nagagawa ang gusto nito. Ramdam niya ang bahagyang pagtulak ni Francis sa dalawa niyang hita gamit ang mga paa nito.Nanlaki pa ang mata ng kapatid. “No, I'm not kidding, Mamá. I'm just telling the truth, kaya siguro na-inlove sa inyo si daddy dahil sa mga luto ninyo..”“Aba, parang sinasabi mo na rin na hindi siya na-in love sa beauty ko..” pairap na wika ng kanilang ina. Ngumiti si Jordan. “What I'm saying is pareho siyang na-in love sa kagandahan mo at sa sarap mong magluto, Mamá. Sure ako na kasing sarap neto ang pagmamahal n'yo sa isa't isa, tama ba ‘ko?”“Sus, hirit ka lang, e..” komento naman ni Francis habang hindi pa rin tinatanggal ang dulo ng paa sa kaniya. “Sabihin mo na kasi kay Mamá kung anong kailangan mo, hindi ‘yung dinadaan mo pa sa–”Napahalakhak na lamang si Jordan. “Wala ah, Mamá huwag kang maniwala diyan kay kuya.. kung

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 11 [Family Dinner]

    Pagkauwi ng bahay ni Gabriella, nang gabing iyon galing sa trabaho. Hindi niya inaasahan na makita rin doon ang Kuya Francis niya. Ang pagkakaalam kasi niya ay ang mommy niya lang ang nag-iisang naroroon. Matapos nitong magsabi na mag-i-stay ito ng isang gabi sa bahay niya bago umuwi ng mansion. Gayunpaman, may kumudlit na saya sa dibdib niya nang makitang muli ang lalaki. Ang pagkabigla’y napalitan ng tuwa. Minsan lang kasi silang magkita ni Francis sa building simula nang maging magkatrabaho sila at magkani-kaniya na ng tirahan.“We prepared some dinner,” masiglang wika ng kaniyang ina nang lumapit at humalik sa kaniyang pisngi. “You said you’ll be off by five, but seemed like you were late.” Sinulyapan niya muna si Francis saka muling tumingin sa ina at tumugon, “I suppose to be here by five, but masyadong ma-traffic sa daan.”Iginiya siya ng ginang papasok ng dining. Namangha siya nang makitang puno ng mga pagkain ang mesa.“Did you cook all of this?” nanlalaki ang matang tanon

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 10[Naudlot]

    Bago pa man tuluyang magpakasasa sina Francis at Gabriella sa isa't isa sa loob ng opisina. Naudlot ang lahat ng kanilang pagnanasa sa bawat isa nang may marinig silang sunud-sunod na katok mula sa pintuan. Mabilis pa sa alas-kuwatro na nakaalis si Gabriella sa kandungan ni Francis. Maging ang lalaki ay napatayo na rin sa gulat at tiim-bagang na napakuyom ng kamao.Si Gabriella ay mabilis na naupo sa kaniyang swivel chair, habang si Francis naman ay dismayadong nakatayo sa kaniyang tabi. Umiigting ang panga nito habang hinihintay nitong makapasok ang kung sino mang lapastangang nanggulo sa kanila. Iniisip ng lalaki na baka bumalik ang pinsang si Axel kaya't aburido itong huminga nang malalim."Hija, hijo.."Nanlaking pareho ang mga mata nila at nagkatinginan nang makilala ang babaeng nakangiting pumasok. Tumayo kaagad si Gabriella upang salubungin ng halik ang kaniyang mommy. Gayundin si Francis. Ilang saglit pa'y sumunod na pumasok si Jordan."I've missed you so much.. hindi na kayo

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 9 [Seduce]

    Ilang araw na niyang napapansin na hindi siya kinakausap ni Francis sa building. Mukha itong umiiwas sa kaniya. Simula nang pumasok siya roon ay hindi ito ni kailanman nagtungo sa opisina niya. Ngunit, kakaiba ngayon, sapagkat ito na ang kusang lumapit sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang pakay nito. Marahang napapikit si Gabriella at napaatras nang i-trap siya ni Francis sa mga bisig nito sa sarili niyang desk. Na-hook siya sa mga mata ng lalaki. "Nagsimula ka na bang magsawa sa 'kin, ha, Gab? At nang pinsan ko naman ang pinagtitripan mo?" bulong nito. Naramdaman na lamang niya ang init ng hininga nito na tumatama sa kaniyang balat. Ang kiliting dulot ng mainit na hininga ni Francis ay unti-unting gumapang patungo sa kaibuturan niya. Nagsimula siyang mapalunok sa ginagawa nito na paghaplos ng daliri sa kaniyang mukha. "Madamot akong tao, Gab. Ang pinakaayaw ko ay ang inaangkin ng iba ang pag-aari ko na.." pagpapatuloy nito na nagsimulang magpasira ng kaniyang katinuan. "A

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status