HINDI siya magsisinungaling. Masarap sa pakiramdam ang lahat ng kabutihan na ginagawa at ipinapakita ni Rafael, pero alam niya na hindi totoo ang lahat ng iyon. Kaya kahit na masaya siya, mas mabuti pang itigil na.
Kompanya lang naman ang dahilan ng lahat ng ito at tanggap na niya iyon. Ayaw na ulit niyang masampal ng reyalidad, na kung kailan sanay na siya sa mga kabaitan nito, saka naman siya iwan ng lalaki sa ere. Buong akala niya, kaya niyang sakyan itong pagpapanggap ni Rafael, pero mahirap pala. Lalo na't puso niya ang nakataya.Mataman niyang tinitigan sa mga mata si Rafael upang malaman ang reaksiyon nito. But his face was emotionless. Walang ni katiting na emosiyon ang makikita sa mukha at mga mata nito.Ibig niyang tumawa. Mukhang kahit kabutihan na ang gusto niyang ipakita sa lalaki, wala man lang itong pakialam. Sabagay, ano ba kasing inaasahan niya? Ang magpasalamat ito? Ang magbago ang puso nito at kahit na papaano, lumambot para sa kaniya?Makalipas ang ilang sandali, ngumiti ito nang hindi abot sa mga mata. "Hindi ka pala naniniwala sa akin. Ano pa ang punto ng pagpayag mong sumama sa akin dito?"Kagat ang ibabang labing nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya matagalan ang mga titig nito. Malakas na kumakabog ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga.Bakit parang kasalanan pa niya? Masisisi ba siya nito kung mag-isip siya nang hindi maganda? Ito ang nagpamukha sa kaniya na kompanya lang ang mahalaga rito. Ano naman ang gusto nitong isipin niya ngayon? That all of a sudden, he's being sincere?Tinitigan nito nang mariin ang mukha niya, at pagkatapos ay muling ngumiti. "I know I fucked up, Hannah. But I want a second chance for us.""Bakit? Nag-usap na tayo, Rafael. Nagkasundo na rin tayo. Kaya bakit kailangan magbago na naman ang kilos mo?""Because you remind me so much of myself when I was your age. Nag-iisa na lang din ako noon. Walang magulang, walang pamilya, nang may dumating na tao sa buhay ko. Kahit na alam kong ginagamit lang niya ako, hinayaan ko siya. Hinayaan ko lang dahil natakot akong maiwang mag-isa. Kumapit ako sa taong iyon kahit na nahihirapan na ako."He paused and took a deeper look into her eyes. Malungkot itong ngumiti."Nitong mga nakaraan, I realized that I already caused you so much pain, at nagsisisi ako." May lungkot sa mga mata ni Rafael na nagsasabing hindi kasinungalingan ang mga naririnig niya.Matagal siyang hindi nakapagsalita. She had never seen this side of him. At dahil doon, muli na naman lumambot ang puso niya para kay Rafael. Pakiramdam niya, ang musmos na pag-ibig niya para dito noon na matagal nang nahihimlay, muli na naman nabuhay.Hindi ang Rafael na pinakasalan niya ang nakikita niya ngayon, kundi ang Rafael na minahal at pinangarap niya noong bata pa siya."Bakit ba ang dali niyang utuin?""Gusto ko lang magkaayos tayo. Hindi na ba talaga puwedeng mangyari iyon, Hannah?"Hindi siya nakasagot. Sa puntong iyon ay isip at puso na niya ang nagtatalo. Nang lumipas ang ilang minutong hindi siya nagsalita, laglag ang mga balikat itong nag-iwas ng tingin.Nakagat niya ang ibaba niyang labi nang maisip na babalik na naman ito sa dati. Na susungitan na naman siya nito—ayaw niya. Ayaw niyang mangyari iyon."Kung papayag ako, magiging honest ka ba sa akin?"Mabilis nitong ibinalik sa kaniya ang mga mata. Huminga siya nang malalim habang nakatitig dito. Alam niyang hindi siya magagawang mahalin ni Rafael, pero puwede pa rin naman silang maging magkaibigan, hindi ba?"Hindi ko kailangan ng pera mo, pero kung magagawa mong maging totoo sa akin, mas ma-a-appreciate ko iyon. Huwag mong pilitin ang sarili mong maging mabait sa akin. Okay lang kahit hindi mo ako kinakausap. Mas gugustuhin ko iyon kaysa ngitian mo ako pero napipilitan ka lang naman."Hindi ito nagsalita. Hindi siya sigurado kung ano ang iniisip nito. Tinatawanan ba siya ng lalaki sa isip nito o ano. Hiling lang niya, na sana hindi mauwi sa heartaches ang naging desisiyon niya.Nagbuga ito ng hangin at saka ngumiti nang banayad. "What's your favorite food?"Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. "Ha?""I just thought that it would be a good start."Muli niyang binalingan ang malinaw na tubig sa ibaba nila. Ewan niya pero parang pagod na pagod siya sa pakikipag-usap kay Rafael. Siguro dahil natatakot siya sa kahihinatnan ng pag-uusap nila."Fried chicken."Ilang ulit itong tumango. "Bili tayo ng fried chicken mamaya."Ngumiti siya nang hindi tumitingin dito. Kailangan lang niyang maka-survive sa loob ng ilang buwan. Ang kailangan lang naman niyang gawin ay pigilan ang sarili na mas mahulog sa lalaki. Kapag nagawa niya iyon, parang wala na lang ang pakikipaghiwalay niya rito.Ilang oras din silang hindi nag-usap ni Rafael. Tahimik silang pareho, but the silence between them only made her heart beat faster. Pasimple siyang umiling. Hindi naman siguro lahat ng nagpapabilis ng tibok ng puso ay may kinalaman sa pag-ibig, hindi ba? Kaya it's safe to say na kinakabahan lang siya, pero hindi niya mahal si Rafael.Ganoon na lang ang pagkabigla niya nang maramdaman ang pagpatong ng mainit na kamay ni Rafael sa isang kamay niya. Buong akala niya ay hihilahin na siya ni Rafael para umalis, pero nanatili lamang sila roon habang nakahawak pa rin ang kamay nito sa kaniya.Sa takot ay hindi siya nangahas na tingnan ito. Nanatili lang siya sa kinatatayuan. Naninigas ang katawan na tila estatwa. Nasa ganoon silang akto nang bigla niyang marinig ang malakas na pagbuhos ng ulan mula sa labas ng kuweba. Napatayo siya dahil tantiya niya ay hapon na."Ano'ng gagawin natin? Paano kung hindi tayo sunduin ni Mang Ben?" Bakas ang matinding pag-aalala sa tinig niya.Kung siya ay kabado, si Rafael naman ay kalmado lang na nakaupo. Muli pa nitong hinawakan ang kamay niya at hinila siya pabalik sa pagkakaupo."Don't worry about that, Hannah. Babalikan tayo ni Mang Ben. Hintayin na lang natin na tumila ang ulan."Napakurap-kurap siya nang mapansin na sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa. Lalo tuloy niyang natitigan ang dalawang pares ng magagandang kulay kastanyas na mga mata.Their faces were only inches apart. She can already smell his warmth and sweet breath. Nag-iwas agad siya ng mukha at marahas na binawi ang kamay na hawak nito.Sa gitna ng malamig na panahon, nakaramdam siya ng init mula sa katawan ni Rafael. Saka naman niya napagtanto kung gaano kalapit ang katawan nila sa isa't isa. Dama na niya ito.Sinubukan niyang umusog nang kaunti palayo kay Rafael, pero ibig niyang magmura nang umusog din ito papalapit sa kaniya. Kaunti na lang ang espasiyong mauupuan sa bato. Kung uusog pa siya ay baka sa lupa na ang bagsak niya."Hannah, relax." Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso ni Rafael sa baywang niya.Nawalan na siya sa tamang pag-iisip at bigla na lang tumayo para makalayo rito."Bakit kasi usog ka nang usog!"Bahagya pa itong nagulat dahil sa ginagawa niya. Bakas din ang pagtataka sa buong mukha nito."Nilalamig ako.""Oh, tapos? Pake ko naman kung nilalamig ka! Heater ba ako?"Natigilan siya at bahagyang napairap nang pilyo itong ngumiti kasabay ng pagkagat ng ibabang labi."Stop!" sigaw niya nang makulayan ng berde ang isip niya.Bahagya naman itong natawa. "Stop what?"Mariin siyang lumunok bago nag-iwas ng tingin. "Hindi bale na! Basta huwag mo akong lalapitan!"Muli itong tumawa. "It's raining cats and dogs outside, Hannah. Malamig kaya gusto kong mainitan ka."Matapos sabihin iyon ay muli na naman nitong inabot ang kamay niya at hinila siya pabalik sa tabi nito."H-h-hindi naman malamig, e! Imbento ka pa." Umirap siya rito.Ngayon ay nakayakap na siya sa kaniyang sarili nang maramdaman ang pagdantay ng malamig na hangin sa pisngi niya. Malamig naman talaga ang paligid, pero ewan ba niya kung bakit kahit nilalamig siya, pinagpapawisan pa rin siya nang malapot."Dapat masanay ka na."Matalim ang mga matang nilingon niya ito. "Masanay saan?""To me . . . being naked all the time."Halos lumuwa ang mga mata niya sa narinig. Ano raw? Naked?Nakangiti siya nitong tinitigan. "Hindi ako sanay magdamit sa loob ng bahay. Simula ngayon, sanayin mo na ang sarili mo sa h***d kong katawan.Mariin siyang napalunok sa imaheng bumungad sa isip niya. Kung anu-anong kahalayan pa ang pumapasok sa utak niya habang nakatingin sa mga ngiti nito.Marahas siyang umiling. "I was born a virgin, I'll die a virgin! "Hindi niya alam kung bakit iyon pa ang sinabi ng isang bahagi ng utak niya. Bakit? Iniisip niya ba na may mangyayari sa kanila ni Rafael? Na papatulan siya nito?"You know what?"Wala sa sariling sinulyapan niya ito. "What!""You're so hard to seduce.""You're so hard to seduce."Ilang ulit siyang napakurap-kurap habang nakatitig sa seryosong mukha ni Rafael."Ano?" bulalas niya. Sigurado siya sa narinig. Hindi naglalaro ang isip niya, talagang narinig niya ang salitang 'seduce'!Tumawa ito nang bahagya. "Wala." Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Wala? E, ni hindi nito magawang tumingin sa kaniya.Umiirap niyang binawi ang paningin at mariin na pumikit. Sa bawat paglipas ng oras, mas lalong nagiging weird itong si Rafael.Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang bigla siyang mapasinghap sa malakas at malakas pagkulog at pagkidlat. Sinabayan pa ito ng malakas na bugso ng hangin. Para bang bumabagyo na sa labas.Tumingala siya at pinakatitigan ang pagbuhos ng ulan sa loob ng kuweba mula sa malaking butas sa itaas. Kulang na lang ay manginig siya habang dumadampi ang malamig na hangin sa kaniyang balat.Bata pa lang ay takot na siya sa malakas na pag-ulan. Hangg
NAG-IWAS agad siya ng paningin at ilang ulit na napalunok. Ayaw niyang makita ni Rafael na apektado siya, pero hindi naman niya mapigilan ang sarili na masaktan.Matagal na tinitigan ni Rafael ang cell phone nito. Napansin pa niyang sumeryoso ang mukha ng lalaki. Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam ito sa kaniya na sasagutin lang ang tawag at mabilis na lumabas ng cottage.Naiwan siyang mag-isa. Tahimik na nakatitig sa pintuan kung saan lumabas si Rafael.Ito ang reyalidad. Ito ang totoo. Na kahit anong kabaitan pa ang ipakita sa kaniya ng lalaki, sa huli, si Samantha pa rin ang nagmamay-ari dito. At kahit kasama pa niya ito ngayon, sa paglubog ng araw, babalik at babalik pa rin ito sa babaeng iyon.Nanatili siyang nakaupo at walang imik. Binibilang ang bawat segundong dumadaan habang wala pa ito. Matapos ng mahabang minuto, muling bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Rafael. Mabilis naman siyang nag-iwas ng mukha."Bakit hindi ka pa
MATULIN silang naglalakad sa may tabing-dagat habang walang kibo sa isa't isa. Parehong nasa ibang bagay ang kanilang atensiyon, pero maya't maya niyang nililingon si Rafael upang makita ang reaksiyon sa mukha nito.Hindi ganoon karami ang mga tao sa beach, siguro dahil hindi pa naman bakasiyon talaga. Halos karamihan kasi sa mga nakikita niya ay mga magkapareha na nasa early 20's pataas ang edad. May iilan ding foreigners na may mga kasamang pinay na jowa.Muli niyang binaling ang tingin sa asul na dagat. Malinaw at malinis ang tubig-alat doon. Nakangiti niyang hinawi ang ilang buhok na tumatabing sa harap ng kaniyang mukha dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin."Kayo ba mismo ang nagdisenyo nitong resort, Rafael?" basag niya sa katahimikan. Hindi na niya matiis ang hindi ito kausapin.Huminto ito sa paglalakad bago siya nilingon. "Ah, yeah. Mabulaklak ba? Gusto ng isa sa amin na paramihin ang halaman at mga bulaklak sa paligid."Ngumit
NANG tuluyang matapos ang seremonya ng bagong kasal, sabay silang pumasok ni Rafael sa loob ng simbahan. Pinili nilang mas magtagal pa kaysa sa nauna nilang plinano dahil unang beses niya roon. Pinagsawa niya muna ang mga mata sa kagandahan ng paligid. "Hannah," bigla niyang narinig ang boses ni Rafael sa kalagitnaan ng pagdadasal niya.Sinulyapan niya muna ang ilang tao sa unahang bahagi ng simbahan. May ilang mga lalaki ang naiwang nag-aayos at naglilinis ng paligid. Tahimik niyang nilingon si Rafael at hinintay kung ano ang sasabihin nito. "Nakita mo ba? Nakakarwahe iyong ikinasal kanina." Ngumiti ito habang nakaupo lang nang tuwid, ni hindi nag-abalang magdasal, palibhasa, hindi ito relihiyosong tao.Napangiti na lang siya sa sanabi nito saka tumango. "Siguro pangarap iyon no'ng bride. Iyong mala-fairytale ang dating? Parang kay Cinderella."Tumango-tango ang lalaki. "Ikaw, gusto mo ba ng ganoong kasal?"Natahimik siya sa naging tanong nito. Matagal din siyang nakatitig dito bag
HUMINGA siya nang malalim matapos niyang huminto sa paglalakad at tahimik na tumayo sa dulo ng carpet.Noong ikinasal sila ni Rafael, wala siyang ibang inisip kundi ang bulong-bulungan ng mga tao sa simbahan. Kaya sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang mangyari ay matapos na agad ang kasal nila. Pero iba ngayon . . . gusto niyang maalala ang bawat sandaling iyon. Ayoko niyang matulad ito sa nangyari sa kasal nila noon.Umalingawngaw ang malamyos na kanta sa buong paligid. Pamilyar siya sa awiting iyon. Madalas niya itong marinig sa mga kasal, at minsan, ginusto niya ring marinig iyon habang naglalakad sa gitna ng aisle.Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi nang maramdaman ang tuloy-tuloy na sa pagbagsak ng mga luha niya, lalo pa nang matanaw niya si Rafael, nakatayo at naghihintay sa dulo . . . habang nakangiti sa kaniya.Marahan siyang naglalakad patungo rito. Unti-unti namang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael nang mapansin nito ang pag-agos ng mga luha sa pisngi niya.Nang
UMIHIP ang malakas na hangin. Sinundan niya ng paningin ang karagatan kung saan nakabaling ang paningin ni Rafael.Napangiti siya nang makita ang kagandahan ng tanawin sa harap nila. Kumikislap ang tubig dahil sa liwanag na nanggagaling sa bilog na buwan. May ilang mga tao ang nagna-night swimming. Namangha rin siya nang makita ang paligid sa gabi. Tunay nga na parang paraiso ang resort. Kaunting ilaw lang ang nakasindi.Ang liwanag ng buong resort ay ang ilaw ng buwan at liwanag mula sa mga nakasabit na golden christmas lights at lantern sa paligid. Patay ang ilaw mula sa mga poste at gusali. Maliban sa ilaw sa loob ng restaurants, bar at mga cottages."Hannah?" pagkuwa'y narinig niyang tawag ni Rafael sa pangalan niya."Bakit?" tugon niya habang pinaglalaruan ang isang piraso ng fried chicken sa plato niya. "Isang baso lang." Nakangiti nitong inabutan siya ng isang baso ng alak.Sumilay naman ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya at masiglang tinanggap iyon. Pinagbabawalan siy
HUMUGOT siya ng hangin nang maramdaman na tila kinakapos siya ng hininga. She look intently at Rafael. His eyes and face showed her his sadness and pain.Kitang-kita ang pait na nararamdaman sa mukha nito. He was brave enough to not even show her any weaknesses. Pinipigilan nito ang lumuha at idinadaan ang lahat sa pagngiti, pero kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito.Kung ang lalaki, kayang pigilan ang pagluha, puwes siya, hindi. Hindi niya mapigilan ang hindi masaktan para dito. Ganito pala ang pinagdaraanan ni Rafael, pero itinatago lang nito ang lahat at hinuhusgahan pa niya."I'm sorry." Mariin siyang pumikit kasabay ng paglakas ng pag-iyak niya. "Napakasama ko."Sa sobrang bigat ng kaniyang dibdib, hindi na niya napigilan ang sariling emosiyon. Hindi siya makapaniwala na may mga taong dumadaan sa ganoon kabigat at kasakit na sitwasiyon."Why are you crying?" Natawa ito at biglang inabot ang pisngi niya.Naramdaman niya ang mainit nitong mga palad sa magkabila niyang pisngi.
NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K