Share

Chapter Thirty

Author: Cinnamon
last update Last Updated: 2022-12-08 19:37:41

"Open this door."

Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto.

"Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig.

"Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!"

Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!

"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!

Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay.

"No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas na umiling. Gusto na niyang lamunin ng lupa.

"Are you a stalker, Hannah?" Maya-maya'y narinig niya ulit ang malambing nitong boses. Para itong nang-iinis at parang... nang-aakit?

"Shut up, Rafael Alejandro Fernando! Just leave!"

"Let me guess, Sweetheart. I was still in college when you took that pictures, right? Matagal mo na pala akong pinagnanasahan."

Namilog bigla ang mga mata niya sa narinig. Pero mas nanlaki pa ito nang sinundan ni Rafael ng nanlalanding mga ungol ang sinabi.

Pakiramdam niya ay para siyang bulkan na biglang sumabog dahil sa hiya at galit. Mabilis siyang tumayo at padabog na binuksan ang pinto ng banyo.

"In your dreams, you pervert!" sigaw niya saka nagmartsa pabalik sa sariling kama.

Pero bago pa man malagpasan si Rafael, bigla siya nitong pinigilan sa braso at niyakap nang mahigpit mula sa likuran. Halos sumabog ang puso niya sa ginawa nito, lalo pa nang bulungan siya nito sa tainga, "Do you like taking pictures of me?"

Pakiramdam niya, nanindig ang lahat ng mga balahibo sa katawan niya pati ang mga bulbol niya nang dumampi ang mainit nitong hininga sa balat niya.

"R-Rafael! A-ano ba!" Pilit siyang kumawala mula sa pagkakayakap nito, pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang yakap.

Hindi siya makapaniwala sa lakas ni Rafael. Sa taba niyang iyon, ni hindi niyang magawang makawala sa mga bisig nito?

"Sagutin mo muna ang tanong ko."

Ipinikit niya na lang ang mga mata nang maramdaman ang kiliti na dulot ng hininga ni Rafael. Napaka-masculine at sexy ng boses nito. Kinikilig siya nang major-major!

Lumunok siya nang mariin. Parang may kakaiba yata? Parang hindi na lang kiliti o kilig ang nararamdaman niya ngayon? Ito na ba ang tinatawag nilang L? Pakiramdam niya kasi, nati-turn on na siya sa ginagawa ni Rafael.

Biglang gumapang ang mga kamay ni Rafael sa baywang niya kaya nanlaki na parang sa mata ng kuwago ang mga mata niya. Lalo pa nang bumaba ang mga palad nito sa... sa baba niya sa harapan. As in, iyong harapan ng pagkababae niya!

Mistulan siyang binuhusan ng malamig na tubig at nagising bigla sa realidad. "Rafael! B-bitiwan mo nga ako! Ang manyak-manyak mo talaga! Saan ka ba pinaglihi? Sa porn?"

Narinig niya ang muling pagtawa ni Rafael bago siya tuluyang pinakawalan. Itinaas pa nito ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Why do you have stolen pictures of me, anyway?" Kinuha ni Rafael ang isa niyang kamay habang titig na titig pa rin sa mukha niya. Pinakawalan nga siya, ayaw naman bitiwan ang kamay niya!

"S-sino naman ang nagsabi sa iyong sa akin ito?" sabi niya sabay taas ng photo album sa harap ng mukha ni Rafael. "Excuse me, hindi, ano!" dagdag pa niya at katakot-takot na irap ang ibinigay rito.

"Not yours, ey? Hm, okay. Kanino ba iyan at nang makausap ko?" Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ni Rafael.

Alam naman niyang hindi ito naniniwala, at hindi rin naman kapani-paniwala ang alibi niya. Pero nandoon na siya! Kailangan niya iyon panindigan, kung hindi, mas lalo siyang walang mukhang ihaharap dito!

Nag-iwas siya ng paningin kay Rafael at tuluyang lumapit sa kama. Sobrang napahiya siya sa nangyari. Asar!

"Sa kaibigan ko! Nalaman niya kasi na boss kita, pero nang sabihin kong may girlfriend ka na, aba! na-turn off! Kaya ibinigay na lang niya ito sa akin!"

Napangiti ako nang palihim. Nice lie, Hannah! Kahit grade one, hindi maniniwala sa iyo!

"Ah, kaibigan mo? Siya siguro iyong batang makulit na sunod nang sunod sa akin noon? She won't stop taking pictures of me, so I just let her."

Natigilan siya sa mga narinig. Mabilis niyang nilingon si Rafael. Kung ganoon, nakita siya nito noon?

"And I can still remember how she climbed a tree just to take pictures of me. Kawawa nga, e, nahulog." Tumawa pa ito nang bahagya.

Siya rin, naalala niya iyon! Tandang-tanda niya ang katangahang ginawa niya noon! Iyak pa nga siya nang iyak nang makauwing may sugat sa siko at sa mga binti.

Nang muli niyang salubungin ang mga mata ni Rafael, pakiramdam niya ay para siyang matutunaw sa mga titig nito. Mariin. Malapot. Nakakatuyo ng lalamunan. Nakakainit ng... sh*t!

"Pero hindi naman sa iyo ang photo album na iyan, hindi ba?" Muling sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Mga ngiting nagpapabilis ng tibok ng kaniyang puso. "Hindi ikaw ang batang iyon, Hannah?"

Pinilit niyang ibaling sa malayo ang mukha at saka umiling. At least, kahit papaano pala ay napapansin siya noon ni Rafael. Kahit na pinagtatawanan lang siya nito ngayon, okay na rin iyon. Pangarap niya ang mapansin nito, e. Her younger self would be so happy!

"Sayang naman kung ganoon." Nag-angat siya ng tingin matapos marinig ang sinabi nito.

"B-bakit naman sayang?"

Lumapit din ito sa kama at naupo sa mismong tabi niya. Napalunok siya nang muling magtama ang mga mata nila.

"Ang guwapo mo talaga, Rafael. Sayang nga, hindi ka akin." Hindi niya mapigilan ang hindi makaramdam ng lungkot sa mga naisip bago nag-iwas ng mukha.

Aanhin ang kasal kung hanggang doon lang ang relasiyon nila? Kahit kailan, hindi siya magagawang mahalin nito dahil hindi siya ang type ni Rafael. Hindi siya maganda, hindi sexy, hindi isang modelo, at walang kumpiyansa sa sarili. Malayong-malayo siya kay Samantha.

"It would have been better if it was yours." Natigilan siya sa pag-iisip at napatingin kay Rafael.

Sa muling pagtatama ng mga mata nila, nakita niyang nakatitig pa rin ito sa kaniya. Gusto niyang bawiin ang tingin, pero nang mapansin na unti-unting lumalapit ang mukha nito sa kaniya, nanigas na lang siya sa kinauupuan.

"Umiwas ka, Hannah! Umiwas ka!"

"Hindi! Pumikit ka! Pikit! Hintayin mo ang masasarap niyang labi!"

Dalawang panig ng utak niya ang nagsasalita at hindi niya alam kung ano ang susundin.

Ilang beses siyang lumunok nang bigla siyang hawakan ni Rafael sa baywang. Para itong kuryente na pumasok sa lahat ng sistema niya. Gumapang pa ang mainit nitong palad hanggang sa kaniyang likod, at para bang pinipigilan siya nitong umalis.

"R-Rafael... "

"Its yours, right?"

Umawang ang mga labi niya sa narinig. "Y-yours? Huh? Mine?"

"The photo album."

Namilog ang mga mata niya. "N-no! Kasasabi ko lang—"

Natigilan siya sa pagsasalita nang tuluyang angkinin ni Rafael ang mga labi niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
kinilig Ka Hannah?
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
kinilig Ka Hannah?
goodnovel comment avatar
Josephine
sa wakas may update na ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-two

    LAMAN pa rin ng isip ni Hannah ang nakita kanina habang pauwi na siya ng bahay. Mabuti na lang dahil Sabado ngayong araw, kaya kahit magpakalunod siya pag-iisip, walang problema.Sigurado siyang nakita na niya ang lalaking kasama ni Samantha. Pero hindi niya maalala kung saan! At bakit ito nakikipaghalikan sa ibang lalaki? Wala na ba sila ni Rafael?Natigilan siyang bigla nang may maisip. Hindi kaya... niloloko nito si Rafael? She's cheating on him!Nakaramdam siya ng inis para sa babaeng haliparot na iyon. May pinagdadaanan na nga si Rafael, pinagtataksilan pa niya!Muli sana siyang maglalakad, pero naalala niya bigla ang malaking brown envelope na naglalaman ng mga larawan. Dahil sa nakita kanina, hindi na tuloy niya nabuksan ang mga larawan. Excited pa naman siyang makita ang pictures nila ni Rafael.Nagpatuloy si Hannah sa paglalakad habang binubuksan ang brown envelope. Bumungad sa kaniya ang ilang mga kuha nila ni Rafael sa araw ng kanilang kasal—and as expected, reality slaps h

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty-one

    "Hannah?"Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ni Hannah nang marinig ang boses ni Rafael. Isa pang tawag nito at tuluyan na siyang napamulat ng mga mata."Bakit nakapikit ka?" Bumungad sa kaniya ang nagtatakang mukha nito.Ilang ulit siyang napakurap bago tuluyang nagbalik sa reyalidad ang isip niya. Napapahiyang umiling siya kay Rafael."Ah, wala." Gusto niyang sapakin ang sarili niya dahil sa kahihiyan. Ano iyong ginawa niya? Nag-daydream? Nakatikim lang ng halik, gusto pang umulit sa panaginip!"So, ano nga? Sasabihin mo ba sa akin kung sino iyang kaibigan mo o hindi?"Sumimangot siya sa narinig. "E, bakit ba kasi gusto mong makilala iyong tao? Nagsisisi na nga sa katangahang ginawa niya, e!""Bakit mo naman nasabing katangahan iyon?""Because that's the truth! Iyong kaibigan ko, ang sarap niyang batukan! Napakatanga niya para magkagusto sa lalaking malabong maging kaniya.""Malabo ba talaga?" natigilan siya bigla sa sinabi nito, lalo na nang seryoso siyang tingnan ni Rafael.Ba

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Thirty

    "Open this door."Napapitlag si Hannah nang marinig ang pagtawag ni Rafael mula sa labas ng banyo, na sinamahan pa nito ng malalakas na kalampag sa pinto."Hannah, come on. Let's talk." Muling kinatok ni Rafael ang pinto, pero mariin niyang tinakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga. "Hannah, buksan mo na ito," sabi pa nito sa malambing na tinig."Tumahimik ka, Rafael! Huwag kang magsalita! Umalis ka!" Pakiramdam niya ay nayanig ang buong mundo niya nang makita si Rafael na nakatitig sa album kanina. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya? Feel na feel pa niya ang pagpapapasok dito sa kuwarto niya! Kasi naman, inuuna ang pagkain!"Hannah, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" Rinig na rinig niya ang mahinang pagtawa ni Rafael mula sa labas. Nakakainis talaga!Idiniin niya lalo ang pagpikit ng mga mata habang nakatakip pa rin sa magkabila niyang tainga ang dalawang kamay."No! Ayokong maalala ang nangyari. Ayokong isipin! Ayokong matandaan! Hindi ko matatanggap!" sigaw ng isip niya at marahas n

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-nine

    HINDI alam ni Hannah kung maniningkit ang mga mata niya, o panlalakihan ng mga mata si Bullet."Ano ba iyang pinagsasabi mo!" Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha.Oo nga't nasa halik-halik stage na sila ni Rafael, pero napakaimposible naman iyong may mangyayaring ganoon."Just promise me, Hannah. Kahit dulo ng daliri mo, never let him do it. Naiintindihan mo ba ako?"Nagpakawala siya ng hangin. Ano bang akala nito?"Bullet naman! Ano ka ba? Parang hindi mo naman ako kilala! At saka, nako! Di naman ako sexy at maganda katulad ng girlfriend niyon, ano! Hindi mo pa kasi nakikita ang nobya ng taong iyon! Modelo! Maganda."At ugaling demonyo.Hindi naman umimik si Bullet. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na para bang hinihintay na mangako siya.Okay, fine. Ilang ulit siyang tumango rito para matapos na lang.Matapos ng ilang minutong katahimikan ay muli itong nagsalita, "Promise me, Hannah. Gusto kong marinig mismo mula sa iyo."Matagal niyang tinitigan ang nag-aalalang mukha

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-eight

    "Kaya siguro nagugustuhan kita."Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan. "Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito."R-Rafael, puno pa."Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkak

  • Seducing My Overweight Wife   Chapter Twenty-seven

    NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila? Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael."Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito."Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status