Share

Chapter Twenty-eight

"Kaya siguro nagugustuhan kita."

Biglang sumagi sa isipan niya ang mga sinabi ni Rafael kanina at ang nangyari pagkatapos niyon.

Nang dahil sa gulat ay hindi siya agad nakaimik. Hindi rin siguro sinasadya ni Rafael ang sariling sinabi, dahil nang lingunin siya nito ay napansin niyang biglang nagbago ang ekspresiyon ng mukha ng lalaki.

Hindi niya matukoy kung nagulat din ba ito sa mga bagay na lumabas sa bibig. Basta bigla na lang itong nag-iwas ng mukha sa kaniya. O baka naman pinaglalaruan siya ng imahinasiyon niya? Baka kasi simpleng reaksiyon lamang iyon, pero dahil assumera siya, binigyan niya na naman ito ibang kahulugan.

"Here." Akmang maglalagay ito ng juice sa baso niya nang pigilan niya ito.

"R-Rafael, puno pa."

Mula sa mukha niya, bumaba ang paningin nito sa basong hawak niya. Nagbuga ito ng hangin at naiiling na nagsalin ng juice sa sariling baso nang masigurong puno pa nga ang baso niya.

Palihim siyang napangiti. Masaya siya dahil kahit papaano, unti-unti na silang nagkakasundo ni Rafael. Mabait din naman pala ito. Sadyang may dahilan lang kung bakit ito ganoon.

Hindi pa man din sila natatapos mag-agahan, nakatanggap na ng tawag si Rafael mula sa opisina ng mga ito. May emergency raw kaya kailangan na nitong bumalik.

———

"Hey, earth to Hannah? Are you still with me?"

Natigilan siya sa pagmumuni-muni nang marinig ang boses ni Rafael. Mula sa basong naglalaman ng malamig na tubig ay mabilis na lumipat sa mukha nito ang paningin niya.

"Kanina ka pa tahimik diyan." Sumilay ang ngiti sa mga labi nito matapos sumubo ng ulam. "What are you thinking? Sex?"

Pakiramdam niya, biglang nag-init ang mukha niya sa narinig. Bakit ba ang dali para sa lalaking ito na sabihin ang salitang iyon? Pervert talaga!

"Walang hiya ka." Inirapan niya ito bago ibinalik ang tingin sa sariling plato.

Tinawanan naman siya ni Rafael. Kasalukuyan silang nasa kitchen at kumakain bago umalis. Hindi kasi sila natapos sa pagkain kanina sa beach, at sa layo ng biyahe, muli silang nagutom.

Tanghali na nang makabalik sila. Gusto niya sanang dumiretso na sa coffee shop, pero ayaw naman siyang payagan ni Rafael. Kung ito raw na acting CEO ng kompanya, hindi papasok hangga't hindi nalalamanan ang tiyan, siya pa kaya na empleyado lang?

"Sinabi ko naman sa iyo, sa coffee shop na lang ako kakain," sabi niya muli rito.

Ewan ba niya pero kahit wala na si Samantha sa bahay ay mabigat pa rin ang pakiramdam niyang manatili roon. Para kasing anumang oras, bigla itong susugod at papasok sa front door ng bahay. Pakiramdam niya ay susugurin siya nito.

"You are such a hardheaded, Hannah. Hindi pa ba sapat na rasong asawa mo ako, kaya dapat lang na makinig ka sa akin." Nag-smirk ito at kinindatan pa siya.

Naningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang pilyong ngiti sa mga labi nito. Unggoy.

"Naku, Rafael, baka hindi lang gusto ng asawa mo ang nakahain. May iba ka bang gusto, iha? Sabihin mo lang at iluluto ko," nakangiting tanong sa kaniya ni Manang Myrna.

Muli niyang inirapan si Rafael. Baka isipin ng matandang babae na maarte siya.

"A-ay, wala na po. O-okay na ito sa akin," sabi na lang niya bago kumuha ng isang piraso ng piniritong manok at bread. Parang brunch kasi ang mga nakahain sa mesa dahil mix ng tanghalian na pagkain at agahan ang nakikita niya.

"What else do you like? Do you want some eggs?" nag-angat siya ng mukha nang marinig ang sinabi ni Rafael.

Bigla naman nagsalubong ang dalawang kilay sa kaniyang noo nang makitang nakangisi ito.

"Or do you want my hotdog?" dagdag pa nitong bulong saka parang nang-aakit na kinagatan ang hawak nitong hotdog at kumindat.

Napatda siya sa nasaksihan pero pagkuwa'y natawa rin.

"Pervert!" bulong niya pabalik.

Parehas silang napatigil sa pagtawa nang lingunin sila ni Manang Myrna habang may pagtataka ito sa mukha.

Tumahimik na lamang sila ng lalaki at ipinagpatuloy sa pagkain para makapasok na sa kani-kaniyang trabaho.

Dapat sinisigawan niya ito, e. She is a well-raised daughter, kaya bakit sa halip na mainis, natawa na lang siya sa ginawa ni Rafael? Mukhang nasasanay na rin siya sa kalandian nito.

Natatakot tuloy siya. Kapag naging mas komportable pa siya sa tabi ni Rafael, hanap-hanapin na niya ang presensiya nito. Makakaya kaya niyang mawala ang lalaki kapag oras na para bitiwan niya ito?

Makalipas ang halos kalahating oras ay nasa daan na sila patungo sa coffee shop. Kahit anong pilit niya kay Rafael ay hindi ito pumayag sa suhestiyon niya na maglakad na lamang siya. Ipinagpilitan talaga nito na ihatid siya. So, bakit pa ba siya tatanggi sa grasiya? Siya pa ba ang mag-iinarte? E, himala na ngang maituturing itong mga ginagawa ni Rafael ngayon para sa kaniya.

"Rafael! Sabing ipara kung saan malayo sa coffee shop, e!" Pinaningkitan niya ito ng mga mata nang iparada nito ang sariling kotse sa mismong tapat ng coffee shop.

"Bakit ba?" Tumawa pa ito nang bahagya. "Masama bang siguraduhing safe ang asawa ko?" dagdag pa nito habang may pilyong ngiti sa mga labi.

Mariin siyang pinagmamasdan nito, bagay naman na biglang ikinaasiwa niya. Wait, did he just call her asawa?

"E-ewan ko sa iyo, Rafael Alejandro Fernando! Hays!" Akmang lalabas na siya ng sasakyan nang bigla siya nitong kabigin sa baywang upang pigilan.

Magsasalita sana siya para awayin ito, pero mabilis na tumikom ang bibig niya sa ginawa ng lalaki. He just kiss her on the lips!

Makalipas ang ilang segundo, nakangiti itong humiwalay.

"Bye, Mrs. Fernando. See you later," bulong pa nito bago siya tuluyang pinakawalan.

Hindi niya na nagawang lingunin pa ang lalaki nang makalabas siya ng kotse, dahil naninigas na parang tuod ang katawan niya habang naglalakad patungo sa entrance ng coffee shop.

Sa pagpasok niya pa lang, binati na siya ng lahat. Tinatanong din ng mga ito kung ano ba raw ang emergency at ilang araw siyang wala. Pati ang boss nilang si Cristy ay nakukuryos din. Wala naman siyang maisagot sa kanila. Alangan naman sabihin niyang nag-honeymoon siya with her boss.

Laking pasasalamat niya na lang nang makita ang nakangiting mukha ni Bullet na naghihintay na pala sa kaniya sa dulo ng kapihan.

Saved!

"Bullet!" masiglang tawag niya sa pangalan nito. Hindi lang dahil nailigtas siya nito sa tanong ng mga kasama niya, kundi dahil na-miss niya talaga ito.

Natigilan siya dahil sa gulat nang bigla siyang yakapin nito nang mahigpit.

"I miss you, Han! I'm worried sick about you, you know that?" Lalong humigpit ang yakap nito nang maramdaman ang pag-angat ng kamay niya sa likod nito.

Namimilog ang mga mata niya nang tuluyan siyang bitiwan ng lalaki at hinawakan sa magkabilang-balikat.

Nabitin naman ang sasabihin dapat nito sa kaniya nang marinig nila ang kantiyaw ng mga kasamahan niya sa trabaho. Awkward na dumistansiya sila sa isa't isa bago naupo sa isa sa mga mesang naroon.

"Pasensiya ka na, Bullet. Hindi ako nakapagpaalam sa iyo," napakamot siya ng ulo habang sinasabi iyon.

Ngumiti naman ang binata. Tila sinasabi ng ngiti nito sa kaniya na ayos lang.

"Ano ba talagang nangyari?" pag-uumpisa ng lalaki at dumukwang pa habang mataman na nakatitig sa kaniya.

Huminga siya nang malalim. "G-ganito kasi iyon—"

"Kasama mo ba ang boss mo?"

Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito. Nakatitig ito nang diretso sa kaniya habang tinatanong iyon kaya nakaramdam siya ng guilt kahit hindi pa man siya nakakapagsinungaling.

Paano naman kuno siya gagawa ng alibi kung nang-uusig na agad ang mga tingin ni Bullet?

"O-oo," pag-amin niya.

Kaysa naman magsinungaling pa at madagdagan lalo ang kasalanan niya, mabuti na iyong magsabi na lang ng totoo. At least, hindi mabigat sa pakiramdam.

"Pero bakit? Saan ba talaga kayo nagpunta? At iyong narinig ko . . . iyong . . ."

Kahit hindi na nito ituloy ang sinasabi ay nahulaan niya na kung ano ang tinutukoy nito.

"Han, ayaw kong manghimasok. I'm sorry if I am asking you this kind of question. Nag-aalala lang ako. Alam mo namang bunso kita."

Tumango siya bilang tanda na naiintindihan niya ang sinasabi nito. Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago nagbigay ng pekeng ngiti.

"Gustong gawin miserable ni Rafael ang buhay ko kaya ginawa niya iyon. Business lang talaga ang dahilan kung bakit ako sumama sa kaniya. B-business meeting kasi iyon, and that time, magkasama kami at nagbibiruan," mahabang paliwanag niya.

Akala niya, hindi na siya makakapagsinungaling, pero mas hindi pala siya makakapagsabi ng totoo.

Pinagmasdan naman siya nito nang matagal. Para bang hindi naniniwala sa mga sinabi niya, pero kalaunan ay ngumiti na rin ito at tumango.

"Okay, I believed you, Han."

Napalunok siya nang wala sa oras. Ramdam niya ang guilt sa kaiibuturan ng kaluluwa niya. Hays. Wala siyang ibang nagawa kundi ang magbaba ng tingin.

"That's a relief to know. Pero Hannah, I want you to promise me one thing."

Muli siyang nag-angat ng mukha sa narinig. Hindi pa man alam kung ano iyon, nakataas na ang kanang kamay niya na para bang ipinababatid rito na nanunumpa siya.

"Never ever let him touch you."

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Kong alam mo lang Bullet nahalikan na ni Rafael si Hannah, may gusto ka ba sa kanya Bullet
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
dapat sinabi mo na Ang totoo Kay Bullet Hannah baka malaman pa Niya sa iba
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status