Share

Chapter Eighteen

NAKARATING sila sa isang maliit na isla hindi kalayuan mula sa beach resort. Pero dahil bangka ang sinakyan nila, halos kalahating oras ang itinagal bago nila narating ang isla.

Ayon kay Rafael, maraming turista ang dumating sa resort, kaya lahat daw ng de makinang bangka, gamit. Iyong bangka lang na pasagwan-sagwan ang natira at puwede nilang sakyan.

Pagkababa pa lamang nila mula sa puting bangka, agad na siyang namangha sa islang bumungad sa kaniya. Sulit naman pala ang pagtatawag niya sa lahat ng santo, kamangha-mangha ang isla at masarap sa mga mata ang tanawin!

Lumingon siya sa buong paligid hanggang sa maabot ng kaniyang paningin ang sinakyan nilang bangka kanina. Ang bangkero, nagsasagwan na palayo!

"Oh! Ba't umalis si Mang Ben!" nanlalaki ang mga matang tanong niya.

"Babalikan niya tayo mamaya. Why are you so afraid, Hannah? It's not like I'm going to bite you," tumawa ito matapos sabihin iyon. "Unless, you want me to."

Mula sa papalayong bangka ay nabaling sa lalaki ang paningin niya dahil sa sinabi nito. Nagbagting ang mga ngipin niya nang kindatan siya nito. Hindi niya alam kung kikiligin siya o maiinis. Sa huli ay inirapan niya na lamang ito at itinuon ang atensiyon sa magandang tanawin sa paligid.

Muli niyang iginala ang mga mata at naghanap ng masisilungan, dahil obviously, walang bahay roon. Puro mga bato at mga malalaking puno lang ang makikita. Mabuti na lang dahil maraming mga puno, kaya kahit tirik na tirik ang araw, hindi masiyadong mainit. Isa pa, masarap ang malakas na simoy ng hangin. Kaya sa halip na mainitan, napi-preskohan siya.

Nang muling madako kay Rafael ang paningin niya ay biglang nanlaki ang mga mata niya nang makita itong naghuhubad na ng suot na itim na t-shirt.

"What are you doing, Rafael Fernando?" sigaw niya rito na ikinatigil nito sa ginagawa.

"Naghuhubad," tugon ng lalaki at muli pang kumindat.

"Alam ko! Ang ibig kong sabihin, bakit ka naghuhubad!"

"Because it's hot and I want to swim."

Tuluyan nitong nahubad ang suot na damit at tanging ang boxer shorts na lamang ang natitirang saplot sa katawan nito. Humakbang ito patungo sa dagat at saka lumusong.

Hinayaan na lamang niya ang lalaki at pilit na nag-iwas ng tingin. Mahirap nang tumitig kay Rafael, baka malunod pa siya sa sariling pantasiya at masaktan na naman sa huli.

Hindi pa nga siya makapaniwala na nasa isang isla siya kasama si Rafael. Ang lalaking noong isang buwan lang ay halos isuka na siya, pero ngayon kasama niya.

Itinuon niya ang paningin sa mga kabibe na nagkalat sa pinong buhangin. Sa beach resort na pagmamay-ari nina Rafael, halos walang makitang kabibe o mga bato sa tabi, pero dito sa isla na ito, nagkalat sila sa paligid.

"Hey, Hannah! Come here and join me!" Nag-angat siya ng mukha at nakita itong kumakaway habang nakangiti.

Mula sa simpatiko nitong mukha, bumaba sa mabato-bato nitong mga abs ang paningin niya. Sigurado siyang subsob ito sa gym. Tila hinulma ng magaling na pintor ang bawat abs at biceps nito sa katawan.

Basang-basa ito at nasa tubig, pero pakiwari niya ay nag-aapoy ito sa dagat. Mariin siyang lumunok bago nag-iwas ng tingin para lang hindi maakit sa magandang tanawin na nakapaharap sa kaniya.

"Kahit gaano ka pa kaguwapo at kamacho, hindi na ako magpapauto sa iyo. Tama na iyong minsan," bulong niya sa sarili.

Hindi kalayuan mula sa lilim ng punong sinisilungan niya, napansin niya ang kuweba sa may kanang bahagi ng dulo ng isla. Binaling niya na lamang doon ang atensiyon upang hindi matuon kay Rafael ang isip niya.

Halos mabali na rin ang leeg niya sa kaiiwas ng mukha. Ang init na nga, e, hahandaan pa siya ng Diyos ng ganitong klaseng putahe? Baka maakit siya at matakam dito. Hindi niya mapapatawad.

"Ganiyan ka ba talaga?"

Kamuntikan na siyang mapaigtad nang marinig ang boses ni Rafael. Sa lalim ng iniisip niya kanina, ni hindi niya napansing umahon na pala ito mula sa tubig. And now he's standing right in front of her, half-naked.

"A-anong ibig mong sabihin?" Muli siya nag-iwas ng paningin. Sa pagkakataong iyon, itinuon niya ang pansin sa asul na dagat.

"You're missing out all the fun. Other people are willing to pay, just to get here. This is a private property, Hannah. Ikaw na nandito na, parang wala namang pakialam," mahaba nitong salaysay saka naupo sa tabi niya.

Binalingan siya nito at mataman na tinitigan. Muli niyang nasilayan ang kulay kastanyas nitong mga mata. Lalo pa iyon tumingkad nang tamaan ito ng sinag ng araw mula sa manaka-nakang pagsilip ng liwanag mula sa mga dahong isinasayaw ng ihip ng hangin.

Hindi niya alam kung bakit, pero nitong nagdaang mga araw, tila nasasanay na siyang laging nakatitig sa mga mata nito. Para sa kaniya, ito pa rin ang may pinakamagandang pares ng mga mata na nakita niya.

Ilang segundo rin siyang hindi nagsalita at nakatingin lang sa mukha ni Rafael. Nagdadalawang-isip kung iimik ba o hahayaan na lang itong isipin ang gusto nitong isipin. Pero sa huli, pinili niya ang magsalita. Kahit na anong usapan naman, sa totoo lang basta kasama si Rafael, nagiging masaya siya.

"Hindi naman kasi ako mahilig lumabas, e. Hindi ako nag-e-enjoy sa labas. Ayaw kong gawin ang mga katulad nito. Simula pagkabata ko ay palagi na akong nagkukulong sa kuwarto. Books and movies are what makes me happy."

And stalking you, Rafael.

"You mean, you live most of your life inside your room? Hindi ka lumalabas?" she can hear the amusement in his voice.

"Maliban na lang kapag pumapasok ako ng school." Nakangiti siyang tumango.

"Parties? Night clubs? wala rin?" Sa pagkakataong iyon ay nakataas na ang isang kilay nito. Para bang hindi ito naniniwala na may isang tao pang kagaya niya ang nabubuhay sa mundo.

Muli akong tumango sa lalaki bilang tugon. Unti-unti namang nangunot ang noo ni Rafael.

"But why?"

"Because I'm an introvert. At dahil na rin siguro sa takot ko sa mga tao. I know how judgemental people can be. Wala silang pakialam sa nararamdaman ng iba kaya lait lang sila nang lait. Para bang sa pamamagitan niyon, gumaganda ang tingin nila sa sarili nila at nagiging masaya sila."

Sinalubong niya ang mga titig ni Rafael. Hindi niya mabasa ang facial expression nito, pero mataman itong nakatingin sa kaniya. Halos walang kakurap-kurap ang mga mata.

Alam niya naman na kahit itong si Rafael, walang pinagkaiba sa mga taong iyon. Deep inside, she knows that at some point, he is judging her. It's not everyday you're going to get married to an overweight woman. Sigurado siyang nagalit din ito nang malaman na kailangan nitong magpakasal sa kaniya—sa isang katulad niyang mataba.

"Mabuti na lang pala at sa akin ka ikinasal."

Natigilan siya nang marinig ang sinabi nito. Ngumiti ito nang malapad bago kinuha ang kamay niya at hinila siya patayo.

"Let's go, may pupuntahan tayo."

Nagtataka man, hindi na lang siya umimik at pinili na lang na sumunod rito. Hahayaan niya ito sa mga plano nito.

Buong oras ng paglalakad nila ng lalaki ay hawak nito ang kamay niya. Gustuhin man niyang bawiin iyon, sa tuwing sinusubukan niya ay lalong humihigpit ang hawak nito.

Napansin niya na papunta sila sa maliit na kuweba sa dulo ng isla. Nawala na kay Rafael ang atensiyon niya nang makita ang loob ng kuweba. Namangha siya agad sa pagpasok pa lang nila. Parang tourist spot ito. May malaking butas sa taas ng kuweba kung saan malayang mapagmamasdan ang asul na kalangitan, at sa ibaba nito ay makikita ang malinaw na tubig.

"Hindi ka pa rin maliligo?" nakangiting tanong ni Rafael nang bitiwan nito ang kamay niya.

Gustuhin man niya, inuunahan pa rin siya ng takot. Umiling siya rito habang nakatingin pa rin sa tubig. Kung marunong lang sana siyang lumangoy, kanina pa siya nagtampisaw sa dagat.

Akma siya uupo sa isa sa mga batong roon pero pigilan siya ni Rafael.

"Here." Inilagay nito ang sariling t-shirt sa ibabaw ng batong uupuan niya sana. Mabilis naman kumunot ang kaniyang noo. Mataman niya itong tinitigan na para bang may nagawa itong kasalanan sa kaniya.

Natawa si Rafael. "A simple thank you will do."

Mas lalo niya itong pinaningkitan ng mga mata. Okay, now that is what too good to be true is! Masiyado na itong mabait na hindi kapani-paniwala.

"Don't look at me like that," nakangiti nitong turan bago binaling ang sa tubig. Sinuklay pa nito ang buhok gamit ang isang kamay bago muling tumitig sa kaniya saka siya nginitian.

Nagtataka man ay pinili niya na lang ang maupo. Bakit pa ba siya mag-iinarte na ganito si Rafael sa kaniya? Hindi ba dapat magpasalamat na lang siya? Kaysa naman sungitan siya nito at sabihan ng kung ano-anong masasakit na salita. Mas okay na iyong ganoon.

Lumipas ang oras, nakaupo lamang silang magkatabi sa ibabaw nang hindi kalakihang bato habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Wala rin naman siyang sasabihin at siguro, ganoon din si Rafael.

"Mukhang naubusan ito ng kasinungalingan," hindi niya mapigilang hindi sabihin sa sarili niya.

Dumaan pa ang ilang minuto, tuluyan binasag ni Rafael ang katahimikan. "Magkuwento ka."

Nilingon niya ito at tinaasan ng isang kilay. Hindi ito nakatingin sa kaniya kundi sa dagat na nasa harap nila.

"Tungkol saan?" mahina niyang tanong.

Habang nakatutok sa ibang bagay ang atensiyon nito, nagkaroon siya ng pagkakataon na mapagmasdan ito nang palihim. Tipid siyang ngumiti nang matitigan kung gaano kaguwapo si Rafael sa ganoong anggulo. Ang medyo magulo nitong buhok, ang matangos nitong ilong, ang makakapal na kilay, at ang papatubong balbas sa baba na lalong bumagay sa mukha nito.

"Stop staring at me."

Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na nag-iwas ng tingin nang sabihin iyon ng lalaki. Narinig niya itong mahinang tumawa. Pakiramdam niya, pulang-pula na naman ang buong mukha niya dahil sa init na nararamdaman niya.

"Tell me something about you, Hannah. I want to know you more."

Natigilan siya sa mga narinig. Hindi niya magawang mag-angat ng paningin dahil napuno ng katanungan ang isip niya.

"Bakit?" wala sa sariling naitanong niya.

"Kailangan bang may rason? You're my wife. Gusto kong mas makilala ka pa."

Hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at napailing na lang siya. Hindi makapaniwalang tumawa nang bahagya.

"Rafael, hindi mo naman kailangan gawin ito." Nag-angat siya ng mukha at buong tapang itong tinitigan.

Ilang minutong hindi umimik ang lalaki. Ni walang makikitang emosiyon sa mukha nito.

Nag-iisip na naman ba ito? Nagpaplano kung ano ang dapat gawin o sabihin para tuluyan siyang mabilog nito?

Pagkuwa'y nag-isangguhit ang mga kilay ni Rafael. "Don't have to do what?"

Humugot siya ng hangin at saka tumango. Nakapagdesisiyon na siya. Ngayon niya paprangkahin si Rafael.

Mataman niya itong tinitigan. Nakita niya ang seryoso nitong mukha habang naghihintay sa sasabihin niya. Bigla siyang kinabahan. Mabilis na tumibok ang puso niya at nahirapan siyang huminga.

"I-ito . . . lahat ng ito. Itong honeymoon kuno, iyong pagluluto mo ng pagkain para sa atin, itong pagdala mo sa akin sa isla na ito. At iyong mga sinabi mo sa akin kanina . . . you don't have to do that."

Blanko pa rin ang ekspresiyon nito habang nakatitig sa kaniya. Kaya mas lalo siyang kinabahan. Paano kung magalit na naman ito sa kaniya? Pero ano bang pakialam niya kung magalit ito? Pareho lang naman ang mangyayari. Magalit man ito o hindi, sa huli, maghihiwalay pa rin sila.

"Go straight to the point, Hannah."

Napalunok siya. Sa simpleng titig lang nito, kung anu-anong senaryo na ang nabuo sa isipan niya. Si Rafael ba talaga ang tipo ng nananakit? She don't want to be in his bad side, pero kung magpapatuloy sila nang ganoon, hindi malayong tuluyan siyang mahulog dito. At iyon ang ayaw niyang mangyari. Dahil paniguradong magiging mahirap itong bitiwan pagdating ng panahon.

"Itigil mo na ito, Rafael. I'll sign the annulment papers and the contract once we get back."

Mariin niyang kinagat ang dila upang mapigilan ang sarili na maluha.

"Hindi ko tatanggapin ang pera mo, pero tutulungan kitang makuha ang kompanya n'yo. So, please, stop acting like you care because I know, you really don't."

Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
oo nga Rafael sa ginawa mong kabutihan Kay Hannah Lalo mo lang siyang nasasaktan dahil alam Niya Ang totoo mong dahilan puro pagpapanggap lang
goodnovel comment avatar
Jonna Jee Veñegas Nalaunan
kay kasunod pa po ito ang ganda kc
goodnovel comment avatar
JEn Malabonga
good job Hannah! wag basta papauto jan ke Rafael, sakit nya mgsalita tapos bglang bait baitan..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status