Share

Chapter Twenty-seven

NAALIMPUNGATAN siya nang marinig ang ringtone ng kaniyang cell phone. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata dahil sa pagpupuyat sa nagdaang gabi. Kaya naman, pikit-mata niyang kinapa ang cell phone sa ibabaw ng side table ng hinihigaan.

Nang tuluyang mamulat ang mga mata upang makita ang screen ng cell phone, bumugad sa kaniya ang tatlong text messages. Ang isa ay galing kay Bullet, habang ang dalawa naman ay mula kay . . . Rafael?

Mabilis na nagsalubong ang dalawa niyang kilay nang masigurong mula sa lalaki ang dalawang mensahe. Bakit naman ito magte-text sa kaniya, e, nasa iisang bubong lang naman sila?

Nagtataka man ay pinili niyang buksan ang unang text ni Rafael.

"Morning, Hannah. I'm on the beach. Nagluto na ako ng breakfast. I'll wait for you here."

Mabilis na sumilay ang malapad na ngiti mula sa mga labi niya. Pakiramdam niya, may mga paruparong lumilipad sa loob ng tiyan niya. Sunod niyang binuksan ang pangalawang text nito.

"Hindi ka pa ba lalabas? The foods are getting cold. Kapag hindi ka pa lumabas diyan, ako ang papasok sa iyo."

Nangunot ang noo niya sa huling parte ng text nito. Baka naman nagkamali lang ito ng text at papasok sa kuwarto niya ang ibig talaga nitong sabihin?

Ilang minuto rin siguro siyang nakatanga roon habang nakatitig sa screen ng kaniyang cell phone bago niya na-gets ang ibig nitong sabihin.

Nagmamadali siyang bumangon habang umiiling. "Bastos talaga itong pervert na ito!"

Bago tuluyang lumabas ay binasa niya muna ang text ni Bullet. Nag-good morning lang ito sa kaniya at sinabing magkita sila pagbalik niya. Walang masiyadong importanteng sinabi.

Malungkot niyang ibinaba ang phone sa nabasa. Sa tuwing naiisip niya na aalis na sila ni Rafael sa susunod na araw, hindi niya maiwasang hindi malungkot. Pero okay na rin siguro iyon, lahat naman may hangganan. Isa pa, kailangan niyang kumita ng pera bago sila maghiwalay ni Rafael. Kailangan niyang magtrabaho para sa future niya.

Tumayo na siya at matapos ayusin ang kamang hinigaan ay lumabas na ng kuwarto at naglakad patungo sa pinto.

Pagbukas niya niyon, natanaw niya agad si Rafael. Nasa tabing-dagat ito, nakaupo sa puting deckchair at nakaharap sa isang round table na babasagin. Puno ng pagkain ang ibabaw ng mesa. May malaking umbrella rin na nasisilungan nito.

Naglalakad na siya papalapit dito nang mapansin niya ang suot nito. He's wearing a white pajama and a white polo. Nakabukas pa ang lahat ng butones ng polo nito kaya hinanda na niya ang sarili na makakita ng mga pandesal.

"G-good morning, Rafael," uutal-utal niya bati nang makalapit sa lalaki.

Lumingon naman ito sa kaniya bago gumuhit sa ngiti ang mga labi. "Ayaw mo talagang pasukin kita?" pilyo nitong tanong.

Nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng inis ang pagnanasa—este—ang paghanga niya para dito kanina.

"Perv." Inirapan niya ito bago naupo sa bakanteng upuan sa tabi ng lalaki.

Pagkaupo niya pa lang, napansin na niya agad ang mga pagkaing hinanda nito. Omelette, bacon, hotdog, bread with strawberry jam and orange juice. Kumuha ito ng pagkain para sa kaniya, at nilagyan pa ng juice ang baso niya.

Wow! Ulirang asawa?

Bigla siyang nakaramdam ng inggit kay Samantha. Ang suwerte talaga ng babaeng iyon kay Rafael. Kung siya lang talaga ang minahal nito . . . baka araw-araw siyang magpapasalamat sa Diyos.

"Anong iniisip mo?" Nakuha ni Rafael ang atensiyon ko nang bigla nitong mas inilapit ang upuan sa kaniya.

Umiling lang siya bago inumpisahan ang pagkain. Ayaw niyang makausap pa si Rafael. Delikado, masiyado na siyang nahuhulog dito. Bakit ba kasi napakabait nito ngayon? At bakit marupok siya?

Maihahalintulad niya si Rafael sa isang malalim na balon, at siya naman ay isang tangang palaka. Matatauhan lang kung kailan huli na, kung kailan hulog na hulog na siya.

"Hannah."

Muli niya narinig ang boses nito. Umungol naman siya bilang tugon. Hangga't maaari kasi, ayaw niyang tingnan ito. Baka maulit na naman ang nangyari kagabi. Hindi niya napigilan ang sarili at bumigay sa tawag ng halik!

Mabilis siyang nahinto sa pagnguya ng hotdog at nanlalaki ang mga matang napahawak sa mga labi. Naalala niya na naman! Nakakahiya! Kung hindi pa tumawag si Bullet kagabi ay hindi siya magigising sa katotohanan.

Para sa kompanya lang iyon, Hannah! Huwag mong paasahin ang sarili mo! Tandaan mo, mas maganda, mas mahal, at mas worth it para sa kaniya ang kompanya niya!

"I want us to stay here a little more longer. Maybe a week or more? Basta huwag na muna tayo bumalik."

Mabilis niyang nalingon si Rafael sa narinig. Kagat-kagat pa niya ang hotdog sa bibig niya habang nakatingin dito. Naman kasi, ano raw? Mag-i-stay pa sila roon?

Narinig niya ang mahinang tawa na pinakawalan nito nang makita ang reaksiyon niya. Bigla nitong hinawakan ang ulo niya saka ginulo ang kaniyang buhok.

Nagsalubong ang dalawang kilay niya sa ginawa ni Rafael. Feeling niya tuloy, tinuturing siya nitong bata.

"O, kahit dalawang araw lang, let's stay here for two more days." Matagal niya itong tinitigan habang tinatantiya kung seryoso ba ito o hindi.

Bakit? May problema kaya ito at si Samantha?

"Rafael . . . I-I can't. Next week na ang finals namin. Hindi ba, nasabi ko na iyon sa iyo?"

Nakita niya ang pagdungaw ng pagkadismaya sa mga mata nito bago bumuntong-hininga. "Ah, yeah. I'm sorry. I forgot."

Sumandal ito sa inuupuan bago binaling ang paningin sa malawak na karagatan sa harap nila. Ilan sandali pa itong nanatiling walang imik bago muling nagbuga ng hininga.

"I'm sorry, Hannah. I don't know what got into me." Umiling ito at saka ngumiti nang pilit.

Parang gusto niya tuloy bawiin ang sinabi niya. Minsan, ang sarap lang batukan ng sarili niya. Makakasama niya na nga nang mas matagal si Rafael, pinalagpas niya pa.

"S-sorry, Rafael. Baka nag-aalala na rin kasi si Bullet at sina Cassandra and Althea sa akin. Tapos iyong trabaho ko--"

"Will you stop inserting Bullet into our conversation, Hannah?"

Bahagyang umawang ang bibig niya nang mahimigan ng inis ang tinig nito, lalo pa nang makita ang matatalim na titig ni Rafael. Makikita rin ang pagsalubong ng kilay ng lalaki habang nakatingin sa kaniya. Sa isang iglap, tila bumalik ito sa dati. Ang dating Rafael na kinatakutan at kinainisan niya.

"At isa pa, iyang trabaho mo, hindi mo naman kailangan gawin iyan. I'll give you your allowance every week. Bawal kang tumanggi!"

Namilog bigla ang mga mata niya sa narinig. "Pero Rafael, gusto ko iyong sarili kong pera. Saka si Samantha, baka magalit iyon."

Hindi sa kinakawawa niya ang sarili niya, but she accepted the reality that Samantha owns him. Bago pa sila ikasal, pag-aari na ito ng iba. Si Samantha ang mahal nito. Si Samantha ang may karapatan dito at sa mga pag-aari nito.

Kailangan lang siya ng lalaki sa loob ny ilang buwan para sa kompanya. Masakit at nakakadurog ng puso pero tanggap niya na.

Iyon na talaga siguro ang kapalaran niya. Pero iyong pride niya, hindi niya kayang ibaba nang ganoon na lang. Ang pride niya lang ang mayroon siya.

Bumuntong-hininga muli ang lalaki. Mariin nitong pinikit ang mga mata bago inabot ang cup of coffee nito. "Whether you like it or not, bibigyan kita ng allowance para sa pangangailangan mo. And you don't have to worry about Samantha. Hindi na siya titira sa bahay pagbalik natin."

Muling umawang ang bibig niya sa mga sinabi nito. Naibaba niya ang hawak na plato at tinidor. "Bakit?"

Nilingon naman siya ni Rafael saka nginitian. "Kasi mali na. We're married, pero nagawa kong magdala ng babae sa bahay natin. I'm sorry, Hannah."

Mas lalo siyang hindi makapaniwala sa mga narinig. Ano na bang nangyayari dito? Mukhang may away nga talaga ang dalawa! At baka madamay pa siya!

"Rafael! She's your girlfriend! Kasal lang naman tayo dahil sa mga magulang natin. Siya pa rin ang mahal mo at hindi maaatim ng konsensiya ko kung hindi na kayo makakapag-ano because of me."

"Ang ipokrita mo naman, Hannah. Baka nga natutuwa ka pa sa nalaman mo!" kastigo ng isang bahagi ng isip niya.

Natawa naman si Rafael sa sinabi niya. Muli nitong ginulo ang buhok niya saka siya dinampian ng halik sa labi.

Namimilog ang mga mata lumayo siya rito. Hindi makapaniwala sa ginawa nito. Hindi pa siya nakakapag-react, muli na naman itong nagsalita.

"Can I ask you something?"

Hindi agad siya nakasago, pero tinanguan niya pa rin ito makalipas ang ilang segundo.

"Just be honest with me, Hannah. Hindi ba nagbago ang tingin mo sa akin?"

Mariin siyang lumunok. "Tingin ko sa iyo?"

Tumango ito. "Aren't you . . . disgusted with me?"

Mariin siya nitong tinitigan sa mga mata. Nagulat pa siya dahil sa tinanong nito, o mas tamang sabihin na nagulat siya sa ginamit nitong salita. Disgust?

"At bakit naman!"

"Dahil sa nalaman mo kagabi. About my past," malungkot ang mga mata nito habang sinasabi iyon.

"Hindi, ano! Ano ka ba? Para sa akin, ikaw pa rin ang pervert kong husband! At isa pa, hindi basta-bastang magbabago ang nararamdaman ko para sa iyo, Rafael."

Mukhang nasobrahan yata siya sa mga sinabi niya! Halatang natigilan ito.

Huminto siya sa pagsasalita nang ma-realize kung ano na ang kamuntikan niyang sabihin. Nag-iwas na lang siya ng tingin at pinagtuunan ng atensiyon ang pagkain.

Nakakunot naman ang noo ni Rafael habang nakapukol pa rin ang mga mata sa kaniya. Hindi kalaunan, ngumiti na ito bago siya hinawakan sa baba at pilit pinahaharap dito.

Ayan na, Hannah! Pagkakataon mo nang umiwas! Patunayan mo sa sarili mo na hindi mo nagustuhan ang halik kagabi!

Subalit sa halip na umiwas, hinintay niyang maglapat muli ang mga labi nila, kaso bigla itong nagsalita.

"Napakainosente mo talaga kahit kailan, kaya siguro nagugustuhan kita."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
omg umaamin ka na na Rafael na may gusto ka Kay Hannah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status