Share

Chapter Twenty-two

MATULIN silang naglalakad sa may tabing-dagat habang walang kibo sa isa't isa. Parehong nasa ibang bagay ang kanilang atensiyon, pero maya't maya niyang nililingon si Rafael upang makita ang reaksiyon sa mukha nito.

Hindi ganoon karami ang mga tao sa beach, siguro dahil hindi pa naman bakasiyon talaga. Halos karamihan kasi sa mga nakikita niya ay mga magkapareha na nasa early 20's pataas ang edad. May iilan ding foreigners na may mga kasamang pinay na jowa.

Muli niyang binaling ang tingin sa asul na dagat. Malinaw at malinis ang tubig-alat doon. Nakangiti niyang hinawi ang ilang buhok na tumatabing sa harap ng kaniyang mukha dahil sa malakas na pag-ihip ng hangin.

"Kayo ba mismo ang nagdisenyo nitong resort, Rafael?" basag niya sa katahimikan. Hindi na niya matiis ang hindi ito kausapin.

Huminto ito sa paglalakad bago siya nilingon. "Ah, yeah. Mabulaklak ba? Gusto ng isa sa amin na paramihin ang halaman at mga bulaklak sa paligid."

Ngumiti pa ito matapos sabihin iyon. Isa sa kanila? Natahimik siya nang biglang maalala ang pinagsasabi ng mga kaibigan nito tungkol sa kaniya. Pilitin man niyang burahin sa isip ang mga masasakit na salita at nang-uuyam nilang mga tawa, katulad ng mga sinabi at ipinakita sa kaniya nina Rafael at Samantha, hindi na iyon mawawala dahil nakaukit na sa kaniyang puso.

Inalis ni Rafael ang suot na shade saka muling nagsalita, "Ang mama ni Matthew ang nagdisenyo ng buong beach resort. We want it to be eco-friendly, that's why we chose her to managed everything. May farm sila at nagkalat ang maraming branch nila ng flower shop sa buong bansa."

Napatango siya sa mga sinabi nito. Ang cool naman pala ng mama ng kaibigan nito. Naalala niya tuloy ang kaniyang ina, mahilig din kasi ito mag-alaga ng mga bulaklak.

Natigilan naman siya nang mapansin ang isang shop doon na buong akala niya ay restaurant o bilihan ng mga damit o souvenir.

"Siya rin ba ang nagpatayo niyan?" nangingiti niyang tanong. Mabilis niyan nilapitan ang entrance ng isang book shop. "May nagpapatayo rin pala ng book shop sa beach? This is so cool! Who's the owner?"

Nilapitan siya ni Rafael saka nito nilahad ang palad. "I am the owner, and uhm, this is actually a public library."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ng gulat ang pagtataka sa mukha. "S-sa iyo ito? Weh? Di nga?"

Natawa ito sa reaksiyon niya. "Bakit parang gulat na gulat ka?"

"Wala naman kasi sa hitsura mo na mahilig ka sa mga books. Saka . . . " Kusa siyang huminto sa pagsasalita. Kagat ang ibabang labing nagbaba ng tingin. ". . .saka parang iyong kompanya at si Samantha lang ang kinahihiligan mo."

Unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi nito. "Noong bata pa ako, walang sapat na pera si Itay para mapag-aral ako, kaya umaasa ako noon sa mga pampublikong silid-aklatan para matuto. Now that I have the money, I want the local kids here to read these books for free. Kaya pinatayo ko ito rito. Ang mga bata mula sa labas ay libreng makakapasok ano mang oras para magbasa."

Matagal niyang tinitigan ang mukha ni Rafael. Nakatuon ang tingin nito sa loob ng library. Makikitang proud ito sa sariling nagawa dahil sa maliit na ngiti sa mukha nito. Siya man ay natutuwa sa nalaman.

Totoo pala talaga ang sabi nila, "Don't judge a book by its cover." Wala sa hitsura ni Rafael, pero may malasakit pala ito sa mga bata. Pero isang bagay ang nagpagulo sa isip niya.

"Mayaman kayo, di ba? Bakit ganoon? Walang pampaaral sa iyo ang itay mo?"

Nilingon siya ni Rafael at nginitian. "Hindi kami mayaman ni Itay, Hannah. My mother and her family are the rich one, not us."

Napatango siya sa mga narinig. Ngayon niya lubusang napagtanto, na kahit tila stalker na siya ni Rafael noon, wala pa rin pala talaga siyang nalalaman dito.

Mahina itong natawa nang mapansin ang pagtataka sa mukha niya. "Let's go, I wanna show you something."

Lumabas sila ng beach resort at sumakay ng traysikel para mas lalong mapabilis ang pagtungo nila sa pupuntahan. Huminto ang traysikel hindi kalayuan mula sa isang lumang simbahan. Pagkababa pa lang ay namangha na agad siya sa ganda ng paligid. Napansin niya rin ang maraming tao sa labas ng simbahan.

"Ang ganda naman dito," aniya habang nakangiti.

"This is the oldest Augustine parish in Cebu; the St. Peter and Paul Church."

Nilingon niya si Rafael at nakita itong nakangiti habang nakatitig sa mga taong nagkakasiyahan sa harap ng simbahan. Kasalukuyan kasing may ikinakasal kaya kinailangan muna nilang hintayin matapos ang okasiyon bago pumasok sa loob.

"We're just on time to see the newlyweds," dagdag pa ni Rafael na ngayon ay sa kaniya naman nakatuon ang atensiyon.

Nag-iwas na lang siya ng paningin dahil hindi pa rin siyang komportableng salubungin ang mga titig nito. Matagal na niyang kilala si Rafael, minahal niya ito noon at ngayon ay kasal na sila, pero bakit parang natatakot ang puso niya rito?

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago itinuon ang pansin sa mga tao. Aliw na aliw siya sa panonood sa seremonya. Hindi niya mapigilan ang pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi nang makita kung gaano kasaya ang dalawang bagong kasal.

Kitang-kita sa mga ngiti at tawa ng dalawa ang saya at pagmamahal nila para sa isa't isa. Malayo sa kanila noon ni Rafael.

Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng inggit sa dalawang bagong kasal na pinagmamasdan nila ngayon. Sabi nga ng iba, minsan ka lang daw ikakasal sa buong buhay mo, kaya dapat maging masaya ka sa araw na iyon at gawin itong memorable.

Sunod-sunod siyang napalunok nang maramdaman ang bara sa kaniyang lalamunan. Hindi na siguro niya mararanasan ang pakiramdam na iyon. Lalo pa't parang isinusuka siya ng lalaking pinakasalan niya, at may ibang babae na naghihintay rito.

"Ganito pala kasaya ang kasal? Hindi pa kasi ako nakakadalo ng kasal kahit minsan," malungkot niyang wika habang nakatitig pa rin sa mga ito.

Kapag naghiwalay na sila ni Rafael, mag-isa na lang talaga siya sa buhay. Kung puwede nga lang bilhin ang pag-ibig ng isang tao, handa siyang magbayad buong buhay niya, mahalin lang siya ng lalaking pinakasalan niya.

"But you have your own wedding."

Wala sa sariling napatawa siya. "Parang hindi naman counted na kasal iyong akin."

Naramdaman niya ang pamamasa ng gilid ng mga mata niya kaya mabilis siyang nag-iwas. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Bakit ba kasi sila pumunta pa roon?

Naramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin, tinatangay niyon ang ilang hibla ng kaniyang buhok. Napangiti siya nang mapait. Nagpanggap siyang napupuling nang sa gayon ay hindi mahalata ni Rafael ang totoong dahilan ng pagluha niya.

Paniguradong matutuwa na naman ito kapag nakitang apektado na naman siya rito. Ito siguro ang rason kung bakit siya dinala roon ng lalaki, upang masiguro na nasasaktan pa rin siya dahil dito.

"Hannah," maya-maya ay narinig niyang tawagin nito ang pangalan niya.

Nilingon niya si Rafael. Guilt was written all over his face. May lungkot ito sa mga mata na hindi niya matukoy kung totoo o imahinasiyon niya lang.

"I'm sorry."

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
ykawawa Naman SI Hannah,sana totoo na yong mga sinabi ni Rafael
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
kawawa Naman SI Hannah
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
hindi pa Naman huli Ang lahat Rafael pwede ka pang bumawi Kay Hannah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status