Share

Chapter Twenty-one

NAG-IWAS agad siya ng paningin at ilang ulit na napalunok. Ayaw niyang makita ni Rafael na apektado siya, pero hindi naman niya mapigilan ang sarili na masaktan.

Matagal na tinitigan ni Rafael ang cell phone nito. Napansin pa niyang sumeryoso ang mukha ng lalaki. Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam ito sa kaniya na sasagutin lang ang tawag at mabilis na lumabas ng cottage.

Naiwan siyang mag-isa. Tahimik na nakatitig sa pintuan kung saan lumabas si Rafael.

Ito ang reyalidad. Ito ang totoo. Na kahit anong kabaitan pa ang ipakita sa kaniya ng lalaki, sa huli, si Samantha pa rin ang nagmamay-ari dito. At kahit kasama pa niya ito ngayon, sa paglubog ng araw, babalik at babalik pa rin ito sa babaeng iyon.

Nanatili siyang nakaupo at walang imik. Binibilang ang bawat segundong dumadaan habang wala pa ito. Matapos ng mahabang minuto, muling bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Rafael. Mabilis naman siyang nag-iwas ng mukha.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" nakangiti nitong tanong nang makalapit sa mesa.

Sumilay ang maliit na ngiti sa mukha niya. "Hinihintay kita."

Bigla itong napahinto sa ginagawa. Siya man ay natigilan din. Hindi sinasadya at kusang lumabas ang mga katagang iyon sa kaniyang bibig.

Tinitigan siya ni Rafael. Walang makikitang reaksiyon sa mukha nito. Tumikhim na lamang siya bago tumayo at tinulungan ito sa ginagawa.

Habang kumakain, pasimple niyang pinagmasdan ang maamong mukha ni Rafael. Wala itong imik at patuloy lang sa pagnguya. Inabot niya ang tasang ibinigay nito kanina at humigop nang mainit na kape. Natigilan pa siya nang malasahan ang gatas sa iniinom niya.

"Masarap ba?"

Nag-angat siya ng paningin sa narinig. Sinalubong niya ang nakangiting mukha ni Rafael. Para bang nakapaskil na sa pagmumukha nito ang ngiting nasa mga labi nito.

"The coffee. Nagustuhan mo?" anito saka tinapunan ng tingin ang tasang hawak ko.

"Ah, oo. Matamis. Salamat."

Tumango naman si Rafael bago ibinalik ang atensiyon sa kinakain.

Humugot siya ng hangin para makakuha ng lakas ng loob. "R-Rafael, sino iyong . . . tumawag?"

Hindi niya rin alam kung bakit niya ito ginagawa. Kung dahil ba gusto niya lang masaktan, o nais niyang malaman kung magsisinungaling ba ito sa kaniya matapos ng naging pag-uusap nila sa kuweba.

"Sekretarya ko. She called about work."

Ngumiti pa ito bago ibinalik ang atensiyon sa pagkain. Kung magsinungaling ito, para bang napakadali lang dito ang magtraydor sa ibang tao.

"Ah, okay."

Tumango na lamang siya habang nakangiti. Ganoon talaga siguro kahalaga sa lalaki ang makuha ang kompanya ng pamilya nito, para magawang magsinungaling matapos itong pagkatiwalaan ng ibang tao.

Natapos sila sa pagkain nang hindi na muling nag-usap pa. Hindi niya na rin ito kinibo dahil iniiwasan na ang masaktan pa.

Sa paglipas ng oras, nanood na lamang siya ng palabas sa TV. Ang sabi ni Rafael sa kaniya, mamayang ala-una ay mamamasyal sila sa labas. Kinabahan siya bigla dahil baka kung saan na naman nito maisipang magpunta.

"Mr.Bean?"

Nag-angat siya ng mukha at nakita ang nakakunot na noo ni Rafael. Mariin itong nakatitig sa telebisyon na para bang hindi makapaniwala sa nakikitang palabas na pinapanood niya.

Nagpantay naman ang mga kilay niya dahil dito. "Bakit ba?"

"How old are you, Hannah?"

"Nineteen," mabilis niyang sagot.

"Nineteen and still watching Mr.Bean. Wow. You're so cute," natatawa nitong sabi bago naiiling na nagtungo sa kusina.

Lalong lumalim ang gitla sa noo niya sa narinig. "O, ano naman ngayon? Maganda naman, ah! Nakakatawa!" Umiirap na ibinalik niya atensiyon sa panonood.

Hindi pa humuhupa ang inis niya, bigla na lang nitong isinigaw ang pangalan niya mula sa kusina. Sa sobrang gulat ay mabilis siyang napatayo at tumakbo patungo sa kitchen.

"Ano iyon? Bakit?" Namimilog ang mga mata niya dahil sa pagkataranta.

Bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ni Rafael. "I need a little help here. Can you get the key in my pocket?"

Ilang ulit siyang napalunok nang makita ang ayos nito. Buhat nito sa dalawang kamay ang ilang babasaging plato. And he's wearing nothing but his pants while grinning at her like a pyscho maniac.

Kumuyom ang mga kamay niya. "Ayoko nga!"

Mabilis na naglaho ang ngiti sa mga labi ni Rafael. Tinitigan siya nito nang seryoso. "It's just a small favor, sweetheart. Look, my hands are full."

Napakurap siya nang marinig ang tinawag nito sa kaniya—sweetheart? Tuwang-tuwa na naman ang puso niya, pero siya, hindi natutuwa!

"E, bakit kasi hindi mo muna ilapag iyang mga hawak mo! And why are you shirtless again? Huwag ka na rin kaya magsuot ng pang-ibaba!" Sa halip na makinig sa pangaral niya, ngumiti pa ito nang malapad.

"Naughty. I like that." Mahina itong napatawa matapos kumindat. "Sige na, kunin mo na para makapamasiyal na tayo."

She rolled her eyes at him. Nilingon niya ang bilugang orasan na nakasabit sa may pader ng sala at nakitang malapit nang mag-ala-una ng hapon. Napaismid siya bago muling umirap saka lumapit sa lalaki.

Mariing nakapukol ang mga mata nito sa kaniya. Tila ba binibilang ang bawat hakbang na ginagawq niya papalapit dito. Nang tuluyan itong malapitan, muli niyang nalanghap ang mabangong amoy ng sabon na humalo na sa mamahaling pabangong gamit nito.

Buong oras ay nakatuon ang paningin niya sa bulsa ng pantalon ni Rafael. Nanlalamig ang mga kamay niya at nag-umpisa siyang pagpawisan nang lumapat ang dalawa niyang daliri doon.

Isa, dalawa, tatlo, hanggang sa umabot na siguro ng isang minuto ang itinatagal ng kamay niya sa loob ng bulsa ni Rafael, pero kahit anong kapa ang gawin niya ay wala naman siyang maramdaman na kahit ano sa loob.

"Ugh . . . "

Natigilan siya bigla sa ginagawa nang makuha ng lalaki ang atensiyon niya dahil sa biglang pag-ungol nito.

"Be gentle. Baka iba ang makapa mo," seryoso at pabulong nitong wika na ikinainit ng buong mukha niya.

Agad niyang binawi ang kamay sa loob ng bulsa nito at malakas itong sinigawan. "Wala naman susi sa loob, e!"

Pigil ang tawang tumango si Rafael habang naiiling. "Oops. I just realized something," anito saka lumapad ang ngiti sa mga labi. "These kitchen cabinets don't have locks."

Umawang ang bibig niya nang makita itong binubuksan ang isa sa mga maliit na kabinet. Hindi niya alam kung kanino magagalit, kay Rafael ba o sa kaniya dahil sa katangahan niya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
grabe Rafael landi mo
goodnovel comment avatar
Christina M Sajonia
landi mo Rafael,...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status