Share

Seducing The Cold-Hearted CEO
Seducing The Cold-Hearted CEO
Author: eZymSeXy_05

Chapter One

Disclaimer:

This is just a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are just a product of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living, dead or actual event are purely co-incidental. This story has also a few mature content so read at your own risk. Thank you for understanding and enjoy reading!

***

       ALIW na aliw ako habang pinagmamasdan ko ang aking  kaibigan'g si Angela. Kahit tapos na kasi ang one hour zumba work out namin ay ayaw pa rin itong paawat sa pagsasayaw. Tuwing umaga kasi ay nandito talaga kami sa isang building na kung saan ay for Health and Fitness lamang. Mayroon din'g gym equipments  dito at may ilang  kalalakihan rin na busy sa pagwo-work out.

Nakaupo lamang kami sa lapag ng isa ko pang kaibigan'g si Beatrice at patuloy pa rin namin'g pinapanood ang ilang co-member na walang tigil pa rin  sa zumba work out nila. Iisa ang steps ng mga ito at ang tanging naiiba lamang ay ang pasaway namin'g kaibigan na si Angela. May sarili itong moves at music.

Maya-maya pa'y hindi na nga nakatiis si Beatrice. Siniko ako nito at inginuso si Angela. "Look at Angela, mukhang ang saya-saya niya today ah."

"Hmm...pansin ko nga. Samantalang no'ng isang araw lang eh pati tayo ay ayaw niyang makita at makausap dahil sa pagkakahuli niya sa boyfriend niyang suma-sideline sa iba."

"Naku, feeling ko may nauto na naman 'yan na bagong guy." Natatawang wika ni Beatrice.

Tila napansin naman kaagad ni Angela na pinag-uusapan namin siya. Humarap ito sa amin. Kapakuwa'y tinapunan kami ng isang ngiti'ng nakakaloko.  Ikenending pa nga nito ang kanyang balakang palapit saamin habang nakaangat ang magkabilang kilay.

"Hoy, mga lukaret, pinag-uusapan niyo 'ko no'h? What is it huh?" ani Angela nang tuluyan ng makalapit saamin.

Humagalpak ako ng tawa at itinuro ko si Beatrice. "Siya ang may sinasabi. Hindi ako friendship, huh."

"Ay, ako talaga?" namimilog ang mga mata'ng bulalas ni Beatrice. "Hmm...sabi ko lang naman ang ganda-ganda mo ngayon Angela."

"Sus, maliit na bagay. At saka matagal ko na rin naman'g alam na maganda ako." aniya na tiningnan pa talaga ang sarili sa harap ng malaking salamin na nakadikit sa pader. Hinawi pa nito ang kulot at mahaba nitong buhok na natural lamang ang pagka color brown. Kaya naman hindi ko talaga maiwasan'g mainggit rito. May pagkamestisa rin ito na talaga naman'g kung hindi mo siya kilala ay aakalain mong isa siyang artista. Kaya't hindi nakapagattaka na marami rito'ng magkandarapa na mga lalaki.

Mas lalo lamang akong nakaramdam ng panliliit sa aking sarili kahit pa nga mataba ako. Naisip ko kasi na hindi niya na kailangan pang magpapansin sa mga lalaki dahil ang mga ito na mismo ang unang pumapansin at nagmamahal sa kanya. Unlike me, na kahit pa yata maglupasay ako sa harap ni Morgan ay hindi niya pa rin ako papansinin. Minsan nga, ipinagdarasal ko pa na sana ay ako na lang talaga si Angela.

Hindi ako kasing ganda ni Angela o kahit pa ni Beatrice. Bukod sa mataba ako ay wala rin akong confidence sa sarili ko. Sabi naman ng mga kaklase ko, kaibigan at kamag-anak ay maganda naman daw ako. May hawig nga daw ako kay Dimples Romana. Pluz size woman nga lang pero hindi pa rin ako naniniwala sa mga compliments nila. Dahil kung talaga'ng maganda ako, eh 'di sana ay napansin na ako ni Morgan.

"Hoy Claudia! Ba't bigla kang natahimik diyan?" sita sa'kin ni Angela nang mapansin na bigla akong natigilan.

"Wala. May bigla lang akong naisip. Eh, bakit nga ba parang good mood ka yata ngayon?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Well, may ka-date lang naman akong guwapo at hunk na papa kagabi." Maarteng wika ni Angela.

Nagkatinginan naman kami ni Beatrice at pareho pa ang naging reaksiyon namin. "OMG! Seriously, friendship?"

"Yup." kinikilig niya pang tugon.

"At sino naman 'yan?" usisa sa kanya ni Beatrice ngunit nagkibit balikat lamang si Angela.

"Sus, sabihin mo na sa'min. Sino ba kasi 'yan?" pangungulit ko.

"Hmm...ayoko muna'ng ikuwento baka maudlot na naman eh. Pero sure ako na kilala niyo siya."

"Paintriga ka pang babae ka!" ani Beatrice na sinundan pa ng pag-irap.

Napaisip naman ako bigla. "Hmm...guwapo at hunk? Don't tell me na si Morgan 'yan?. Friendship over na talaga tayo kapag siya nga 'yan." Bulalas ko. Pero imposible naman yata na si Morgan nga ang tinutukoy niya dahil may girlfriend ito ngayon. Isang modelo at madalas kong makita ang mukha niya sa mga magazine.

Pinakatitigan ko si Angela. Naisip kong hindi naman yata imposible na mag-cheat si Morgan with Angela lalo pa't hamak naman na mas maganda itong kaibigan ko, kumpara sa girlfriend niya ngayon.

Nagulat ako nang biglang natutop ni Angela ang kanyang bibig. "OMG, Claudia! hanggang ngayon ay patay na patay ka pa rin pala kay Morgan Villamor!

Ngumuso ako. "Eh, ano naman ngayon? Morgan is my first love and will always be the one for me."

"My God friendship! College ka pa 'lang ay may gusto ka na sa lalaking 'yon. Hanggang ngayon na bente siyete anyos ka na ay siya pa rin pala ang pinagpapantasyahan mo!" Napapailing na sambit ni Angela.

"Naku, ewan ko ba sa friendship natin na 'yan. Maganda naman at matalino pero sinasayang lang ang oras at panahon sa lalaking alam niya naman'g ang gusto lang i-date ay 'yong mga sexy, long legged at pang cover sa magazine ang body." Sabad ni Beatrice dahilan upang bahagya akong nakaramdam ng kirot sa aking puso.

Tama naman si Beatrice. malayung-malayo ako sa mga natitipuhan'g babae ni Morgan. At siguro nga ay panahon na para tanggapin ko na ang katotohanan'g hindi talaga para sa'kin si Morgan.

Napabuntonghininga na lamang ako. Kapagkuwa'y inayos ko na ang aking mga gamit at malungkot akong nagpaalam sa kanila. "Mauna na ako sainyo."

"Ay hala, anong nagyari sa'yong lukaret ka?" ani Angela.

Hindi agad ako nakasagot. Sa totoo lang ay masama talaga ang loob ko sa kanya. Hindi ko kasi lubos akalain na makikipag-date siya kay Morgan.

"Hoy, Claudia Montecillo! Don't tell me na iniisip mong naka-date ko nga si Morgan?" natatawang wika ni Angela.

"Bakit? Hindi nga ba?" nakanguso ko pa rin'g tanong sa kanya.

" Syempre hindi! Baliwa ka ba? As if naman'g papatulan ko ang mga ganon'g klaseng guy. I don't like bad guys like Morgan Villamor!"

Bigla akong nahimasmasan matapos kong marinig ang sinabi ni Angela. Hindi ko rin maiwasan ang mapangiti at hindi nga 'yon nakaligtas sa paningin ni Angela.

"Sus, ganda ng ngiti ah. Hmm, mas lalo ka pang mapapangiti kapag narinig mo ang sasabihin ni Beatrice." Aniya dahilan upang mapatingin ako kay Beatrice na ngayon ay nakairap pa rin saakin.

"Hiwalay na si Morgan at 'yong jowabels niyang si Elise." Bulalas ni Beatrice. 

Mas lalo nga'ng lumapad ang ngiti sa aking labi. At nang mga sandaling iyon ay hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan.

"Tara na, umuwi na tayo. Kailangan ko pang umisip ng bagong paraan kung paano ko makukuha si Morgan." nakangisi ko pa rin'g wika.

"Ang landi!" natatawang bulalas ni Beatrice.

                KINABUKASAN ay pakanta-kanta pa ako habang nagsi-serve ng pagkain sa aking mga costumers. Ang aga kong nagbukas ng aking cafe, kaya't wala pa ang tatlo kong assistants.

 After I graduated kasi ng college ay nagpatayo agad ako ng maliit na cafe at pinangalanan ko itong "Claudia's Cafe" . Sa loob ng six years ay talaga'ng pumatok ito sa mga tao rito sa Makati. Nakapagpundar na rin ako ng sarili kong bahay at kotse. Kaya't ni-minsan ay hindi ko na nagawang abalahin pa ang mga magulang ko sa Canada. Doon na ksi ang mga ito nanirahan simula no'ng makapagtapos ako sa kolehiyo. Nakakausap ko na lang sila through video calls at nasanay na lang din ako. Mas gusto ko kasi'ng mag-stay sa sarili kong bansa kasama ang aking mga kaibigan. Kumpara sa Canada na tanging mga magulang ko lang ang kakilala ko.

Napahinto ako sa aking ginagawa nang biglang dumating si Beatrice.

"Hoy, ba't ang aga mo naman yata? May problema ba?" sunud-sunod kong tanong sa aking kaibigan.

""Wala! Masama bang dalawin ka?"

"Tsk...ang aga-aga eh mainit agad ang ulo mo."

"Magsara ka ng maaga mamaya. Mag boy hunting tayo sa club nina Angela." Seryosong wika niya.

"Hmm...i smell something fishy, huh! broken hearted ka ba Beatrice?"

"Gaga! Huwag muna natin'g pag-usapan 'yan ngayon. Basta sumama ka mamaya huh?" paniniyak pa nito.

"Oo na. Sige na, sasama ako."

Pilit itong ngumiti at nagpaalam naman kaagad saakin.

Kinagabihan nga ay ay maaga akong nagpaalam sa mga tauhan ko. Sila na rin ang pinasara ko ng aking cafe. Madalas kasi ay alas nuwebe ng gabi na kami nagsasarado dahil mas marami ang costumers sa gabi kumpara sa umaga.

Paalis pa 'lang ako ay sunud-sunod na ang pag ring ng aking cellphone. Kinukulit na ako ng mga kaibigan kong pumunta sa Angel's Haus. 'Yon kasi ang pangalan ng bar and club na negosyo ni Angela.

Nagmadali na ako sa pag-aayos ng sarili ko. Isinuot ko ang red halter dress na regalo sa'kin ni Beatrice no'ng birthday ko.  Pinagmasdan ko muna ang aking sarili sa salamin at talaga naman'g nabigyan'g hubog ng damit na iyon ang malaman kong katawan. Mas lalo rin'g lumitaw ang malulusog kong dibdib.

Naglagay rin ako ng makapal at pulang-pula na lipstick na bumabagay sa manipis kong labi.

Maya-maya pa'y lulan na ako ng aking kotse. Mabilis akong nagmaneho at ilang minuto lang ay naroon na ako sa bar nina Angela.

Nakangiting sinalubong ako ng aking mga kaibigan. As usual, puro papuri na naman ang nakamit ko mula sa kanila. Kahit madalas na pasmado ang bibig ng mga ito, laking pasasalamat ko na rin at totoo sila saakin. Sinasabi nila ng diretso ang mga kapintasan ko. Kaya naman no'ng sinabi nilang maganda ako in my own way, agad akong naniwala.

"You're so hot tonight, huh!" Pahabol na papuri sa'kin ni Beatrice nang tuluyan na kaming pumwesto sa isang bakanteng mesa na ini-reserved ni Angela.

Hindi pa man kami nagsisimulan'g uminom ay ngumuso na sa may dakong kanan si Angela.

"Ladies, nakikita niyo ba ang nakikita ko?" 

Kunot-noong napatingin kami ni Beatrice sa tinutukoy ni Angela.

Nanlaki ang aking mga mata nang matuon ang tingin ko sa tinutukoy niya. Pakiramdam ko ay pansamantalang huminto sa pag-ikot ang mundo. Humina ang malakas na musika sa loob ng bar at ang malilikot na nagkikislapang mga ilaw, pakiwari ko ay nakatutok lamang sa sa lalaking nakaupo sa isang sulok ng bar.

Nakapagtatakang mag-isa lamang ito. Pilit akong nagpalinga-linga sa paligid upang siguraduhin'g walang sexy at magandang babae na nakapaligid sa kanya. At hindi nga ako nagkamali.

Ilang beses pa akong napakurap dahil inisip kong imagination lamang ang lahat ng iyon. Subalit wala talaga'ng nagbago.

The handsome and hunk CEO, Morgan Villamor is really sitting there.

Nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon nang makita kong ilang beses itong napatiim bagang. At mas lalo pang lumala iyon nang sunud-sunod na siyang lumagok ng alak.

Nakgat ko na lamang ang pang-ibaba kong labi at kahit malakas ang aircon, pakiwari ko ay pinagpapawisan ako ng malamig.

"Angela, sira ba ang aircon niyo?" Pinaypayan ko pa ng dalawa kong kamay ang aking sarili.

"Gaga! Huwag mong isisi sa aircon ang libog na nararamdaman mo!" mataray na wika ni Angela.

"You know, if i were you, lalapitan ko na siya. This is your chance Clauds. Single na ang papabels mo! " Dagdag pa ni Beatrice.

Napalunok ako. Tama nga si Beatrice. Kailangan ko ng  samantalahin ang pagkakataong ito. Baka mamaya niyan ay maunahan pa ako ng ibang babae na naroon sa loob ng club.

Inayos ko muna ang laylayan ng dress ko na bahagyang nalukot kanina habang nakaupo ako. Hinawi ko rin patungo sa likuran ko ang aking buhok na may kahabaan rin at medyo kulot sa dulo para na rin hindi matakpan ang aking dibdib. Isa rin kasi iyon sa magandang asset ko para maakit si Morgan.

Muli kong pinatingkad ang aking lipstick. Pagkatapos ay marahan na akong naglakad papalapit kay Morgan Villamor.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status