Share

Chapter Two

        "HI, Mr. handsome!" nakangiting bati ko rito.

Nag-angat ng tingin si Morgan matapos niyang marinig ang pagbati ko. Subalit, kakaibang init ang muli kong narmdaman matapos niya akong titigan ng diretso sa aking mga mata. Biglang nangatal ang aking mga tuhod. Maging ang aking labi na kanina lang ay malapad ang pagkakangiti, ngayon ay napalitan na ng panginginig.

"Lord, salamat sa oportunidad na ito. Subalit hindi ko akalain na ganito pala ang feeling na matitigan ng isang Morgan Villamor." Taimtim kong pag-usal ng mahinang dalangin.

Pakiwari ko ay mas lalong uminit ang paligid.

"Uhm...do you mind if I sit here with you?" mapang-akit na nginitian ko siya.

Kumunot ang noo nito at muli akong pinasadahan ng tingin sa mukha. Wari'y kinikilatis niya ako. Marahil ay namumukhaan na nga ako ni Morgan. Pero, sigurado akong hindi niya alam ang pangalan ko.

Ang kaninang paningin niya na nasa mukha ko nlang ay bumaba na sa malulusog kong dibdib. Maging ako ay napatingin din doon. Halos lumuwa na kasi iyon sa suot kong distressed ribbed halter red dress.

Ilang beses kong nahuli na napalunok si Morgan. Kaya naman hindi ko na hinintay ang pahintulot niya. Imbes na umupo ako sa katapat niyang silya ay mas pinili ko ang maupo sa mismong tabi niya na siya naman'g labis na ikinagulat niya. Subalit hindi na ito nagsalita.

"Hmm...sorry huh, naupo na ako." Muli ko siyang nginitian. "Alam mo, parang familliar ka sa'kin. Nagkakilala na ba tayo, before?" halos masamid pa ako sa sarili kong laway dahil sa mga kagagaha'ng pinagsasabi ko sa kanya. Kailangan kong magpanggap para magkaroon ako ng dahilan na makasama siya ng matagal.

Tinitigan ko siya. Kitang-kita ko na bahagyang nag-angat ang kabilang sulok ng kanyang labi. "I-I don't know." Tipid niyang tugon. Kapagkuwa'y iniangat nito ang bote ng alak na naroon sa kanyang harapan at mabilis na tinungga. Halata nga'ng problemado ito.

Tinawag nito ang bartender at muling um-order ng alak. "Want a drink?" he offered at agad naman nga akong tumango.

Maya-maya pa'y bumalik na ang bartender.

Sinimulan na namin ni Morgan na tunggain ang mga alak na in-order niya. Kapagkuwa'y ipinagpatuloy ko ang aking pagpapanggap. "So, what's your name handsome?"

Ngumisi lang si Morgan at muli niyang iniabot saakin ang isa pang bote ng alak. "So, you're not telling me your name,huh?"

Muli ay ngumisi lamang ito dahilan upang makaramdam ako ng kaunting pagkainis sa kanya.

Inirapan ko siya. "Bakit ba panay pag ngisi lang ang ginagawa mo?"

"Well, i have this feeling na hindi ka naman talaga interesado sa pangalan ko."

Muli ko siyang inirapan. "Tsk, I don't know what you're talking about Mr. Handsome!"

"Wow, playing so innocent huh!" Inilapit niya sa'kin ang kanyang mukha. Tumama sa aking pisngi ang init ng kanyang hininga. Amoy alak ito pero hindi sa paraang nakaka-turn off.

"Gosh, was he flirting with me?" agad na naisaisip ko.

Pinigilan ko ang mapangiti, kaya't iniangat kong muli ang aking kilay. Ayokong mahalata niya na labis akong nag-eenjoy sa ginagawa niya.

"I'm really innocent Mr. Handsome." Bulong ko sa puno ng kanyang tainga.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga bago nagwika. "Okay."

"So, ano nga ba ang ginagawa mo rito?" pagmaang-maangan ko pa.  "Hmm, kanina pa kitang napapansin na mag-isa ka lang. Mabuti na lang talaga at naisipan kong lapitan ka. Atleast may nakausap ka na ngayon." Dagdag ko pa.

"Tsk, sinasabi mo bang kailangan ko pang magpasalamat sa'yo at sinamahan mo ako rito?" sarkastiko niyang sambit. 

"Well..." mas lalo ko pang iniliyad ang aking dibdib, dahilan upang mapadako roon ang tingin ni Morgan. "Hindi naman sa gano'n. Actually, i am very pleased to accompany you." Puno ng paglalambing sa aking tinig.

Bahagyang napailing si Morgan. Kapagkuwa'y muli niyang ibinalik sa aking dibdib ang nag-aalab niyang paningin.

"Hey, stop eye raping me." Kunwari ay reklamo ko.

Napangiwi naman ito. " Tsk, you know...hindi ko talaga type ang mga plus size woman." Diretsahan niyang tugon.

Bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahabag sa aking sarili. Ramdam kong iniinsulto niya ako. Subalit, hindi ko iyon ipinahalata sa kanya.

"Aray!" medyo tagos 'yon hanggang sa aking buto ah. Nakangisi kong pahayag.

" Sorry huh. I'm just being honest. Coz, i like my woman, tall, beautiful and sexy." Dagdag pa nito na siyang mas lalong nakapang insulto sa pagkatao ko. Ngunit patuloy pa rin ako s apang-aakit sa kanya. Ininda ko muna ang mga sinabi niya alang-alang sa chance na ibinigay sa'kin ni Lord ngayon.

"Oh, that's too bad." Pinalungkot ko pa ang aking tinig. Kapagkuwa'y nakaisip ako ng panibagong paraan ng pang-aakit sa kanya. Sinamantala ko ang bahagyang nakabukas na butones ng kanyang long sleeve. At maingat kong hinaplos ang kanyang dibdib. "Alam mo ba na kahit mataba ako at hindi gaanong kagandahan ay kaya kitang paligayahin?"

Disperada na talaga ako. Ayoko ng sayangin pa ang pagakkataon na iyon kaya't bahala na lang kung ano nga ba ang maging resulta no'n. Ang mahalaga ay ginalingan ko ang pang-aakit ko sa kanya.

"Paligayahin?" pagak pa nga itong natawa.

Mas lalo ko pang ipinagduldulan ang sarili ko sa kanya, sa pamamagitan ng malulusog kong dibdib. "And I can make you forget all your problems." Halos pabulong na sambit ko pa.

Hindi siya kumibo. Nanatili lamang siyang nakatitig saakin.

"Hmm... sabi mo, gusto mo sa babae 'yong mga sexy at maganda. Eh ang daming babae rito sa bar na pasok na pasok sa standard mo. Bakit-"

"Not interested." Maagap niyang tugon.

"Really?" bigla akong nakaramdam ng kakaibang saya matapos niyang sabihin iyon. " Oh, i think...you want something new for tonight?" puno ng excitement saaking tinig. "Sabagay, wala naman sigurong masama kung titikim ka ng ibang putahe di'ba?" dagdag ko pang habang patuloy ko pa ring hinihimas ang kanyang matipunong dibdib.

"Bakit mo ba sinsabi ang mga 'yan saakin? Are you offering yourself?" muli ay diretsahan niyang tanong saakin.

Bahagya akong natigilan.

Nakakatatlong score na 'to sa pang-iinis sa'kin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkapahiya.

Nagdalawang isip tuloy ako kung itutuloy ko pa ba ang aking nasimulan'g pang-aakit o hindi na. Subalit sadya nga'ng malandi ang kabilang parte ng utak ko. Dahil sa huli ay itinuloy ko pa rin ang aking plano.

Alam kong nakakarami ng nainom na alak si Morgan. Kaya't paniguradong kapag mas pinag-igihan ko pa ang pang-aakit rito ay baka kumagat na ito.

Nang akmang iinumin niya na ang isa pang bote ng alak ay agad kong hinablot iyon.

Puno ng pagtataka sa mukha niya. Subalit binalewala ko lang iyon. Nakaisip ako bigla ng panibagong plano at sa pagkakataon iyon ay nasisiguro kong hindi niya na ako tatanggihan pa.

Tinungga ko ang bote ng alak na inagaw ko mula sa kanya. And this time, I add a little tease. I wrapped my lips on the rim of the bottle at pagkatapos ay mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya upang mas lalo kong malabanan ang mga titig niya.

Then i lick the lip of the bottle with pure seduction. Ito na lang talaga ang naiisip kong paraan upang  maakit ko siya.

Sunud-sunod na paglunok ang ginawa ni Morgan. Malakas ang kutob ko na unti-unti ko na nga siyang naaakit. Mas lalo pa nga'ng umalab ang pagkakatitig niya sa akin. "Don't play dirty with me fat woman." Mahina subalit madiin niyang wika.

Isang nakakalokong tawa ang agad kong pinakawalan saaking labi. "You don't know me, mr. handsome. I like playing it dirty." Paos kong tugon.

"Really, huh?" ani Morgan na biglang napaismid. Kapagkuwa'y marahan nitong inalis ang aking kamay na nakahawak pa rin sa dibdib niya. "Then, I'll give you what you want." Mahinang usal ni Morgan, subalit kakaiba ang naging dating saakin ng mga katagang 'yon.

Nagulat ako ng ipatong niya sa mga hita ko ang kanyang palad. Marahan niya pa iyon na hinaplos, dahilan upang bahagya akong mapaigtad.

"Come with me baby." Masuyo niyang sambit.

Tumayo ito at inilahad saakin ang mainit niyang palad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status