Share

Chapter Three

LABIS ang aking pagsisisi na sumama pa ako kagabi sa condo unit ni Morgan. Dahil isang malaking insulto lang pala sa pagkatao ko ang mangyayari.

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit sa pagitan ng aking mga hita. Subalit wala ng mas masakit pa sa rejection na natanggap ko mula sa kanya, matapos niyang mapag-alaman na i'm still virgin.

Napasulyap ako sa wall clock na nakasabit sa sa aking silid. Alas diyes na pala ng umaga. Ngunit hindi ko pa rin magawang bumangon sa kama. Pilit ko pa rin'g inaalala ang mga nangyari kagabi.

Bigla tuloy akong napaisip. Siguro kung hindi ako mataba, baka ipinagpatuloy pa rin ni Morgan ang paghalik at pag-angkin niya saakin. Siguro, kung hindi ako mataba, after knowing that i'm still virgin, baka nagpaka-gentleman pa siya. Or baka nga naging posessive pa siya sa'kin after that one night stand. Pero sa sitwasyon ko mukhang malabo talaga 'yon na mangyari.

Napabuntonghininga na lamang ako sa mga isipin'g 'yon.

Dumapa ako sa kama at pinilit ko ang aking sarili na makatulog ulit. Ngunit eksaktong pagpikit ko ng aking mga mata ay siya naman'g sunud-sunod na pag tunog ng doorbell.

Tinatamad akong bumangon. Naiinis ko pang tinungo ang pintuan. Wala naman kasi akong inaasahan'g bisita na darating kaya't nakasimangot na binuksan ko iyon.

"Hoy, gaga! Ano? Kakagising mo lang?" bunganga agad ni Angela ang bumungad saakin.

Naka zumba outfit pa ito. Nawala na rin sa isip ko na nagsu-zumba nga pala kami tuwing umaga.

"Tuloy ka." Tanging nasabi ko.

"Hay naku, nabadtrip sa'yo si Beatrice kaya hindi na sumama sa'kin. Nang-iwan ka na nga raw kagabi sa bar tapos pati kanina ay hindi ka pa rin sumama sa'min. Ano ba talaga'ng nangyari?" patuloy na usisa ng kaibigan ko.

Pasalampak akong umupo sa katapat niyang couch. Napabuga pa ako ng hangin bago ko sinimulan ang pagkukuwento sa kanya. "Friendship, i know this is a shocking news."

"Bilisan mo nga! Ano bang nangyari? Anong ginawa niyo kagabi ni Morgan? Ano, isinuko mo na ba-"

"I almost had s** with Morgan last night." Walang buhay kong tugon. Subalit ang lukaret kong kaibigan ay napatili pa.

"Tapos? Ano pa?" puno ng excitement na pangungulit pa nito saakin.

"Hindi maganda ang ending." Malungkot kong pahayag. Muli ay rumihestro sa isip ko ang hitsura ni Morgan habang sunud-sunod na umiiling at walang imik na bumaba ng kama.

"Huh? Bakit? Ano ba talaga ang nangyari friendship? Ano biglang nagbago ang isip mo no'ng ipapasok niya na 'yong sandata niya o sadyang-"

"Hindi!" maagap na pagpigil ko sa iba pa niyang sasabihin. "Sana nga ako na lang 'yong nag-back out." Malungkot ko pa rin'g wika. "Pero hindi eh. Hindi gano'n ang nangyari, Angela." Hindi ko namalayan na bigla na pala akong napaluha.

Nilapitan ako ni Angela at marahan na hinagod ang aking likod. "Then, what happen?"

"He found out that i'm a virgin."

"Oh, eh ano naman? Ayaw ba niya ng gano'n?" napatakip pa sa kanyang bibig ang kaibigan ko at humagalpak ito ng tawa. "Shala! kailangan pala na maging maluwang muna 'yang kepyas mo bago niya tanggapin."

"Gaga! Nakuha mo pa talaga'ng magbiro. Samantalang simula pa kagabi ay halos mabaliw na ako sa sama ng loob dahil sa rejection na 'yon."

"Hmm...masyado ka pa talaga'ng inosente pagdating sa ganyan'g bagay." Nakairap na sambit pa nito. "Naku Claudia,'yan na nga ba ang resulta ng pagiging patay na patay mo kay Morgan. Akala mo eh, siya lang ang lalaki sa mundo. Ni-hindi mo man lang kasi nakuhang tumingin at tumikin sa iba."

"Okay ng gan'to ako no'h. Kaysa naman sa iba diyan na laspag na at pinagsawaan."

"Yon talaga ang hanap ng mga lalaki na gusto lang aliwin ang sarili nila. And the reason kung bakit ayaw nila sa virgin is iniisip nila na trap iyon dahil takot sila sa commitment." Seryosong pahayag ni Angela dahilan upang bahagyang malinawan ang isip ko.

"Iniisip kasi nila na after nilang makuha ang virginity mo ay magiging clingy ka na sa kanya. Na sa kanya na lang iikot ang mundo mo at hindi na sila makakatikim ng ibang putahe. Naku, 'yan talaga ang main reason ng mga 'yan friendship." Dagdag pa ni Angela.

"Eh, ikaw ba? Di'ba nag-break na kayo ni Tristan?" puno ng kuryusidad sa aking tinig.

"Yeah. And that is one of the reason kung bakit kami naghiwalay. Gusto niya lang maibsan ang libog niya. At no'ng tinanggihan ko siya ay bigla siyang naghanap ng ibang putahe. But it's okay, atleast nalaman ko agad ng maaga pa bago ko pa man isinuko ang watawat ng Makati."

"Hmm...naiintindihan ko naman si Morgan." Bigla ay pag-iiba ko ng usapan. Hindi ko lang talaga maiwasan ang malungkot. Kasi iniisip ko na baka kung sexy ako eh, baak hindi rin big deal sa kanya na virgin pa ako. Baka nag- enjoy pa siya. But since, mataba ako, na-realize niya siguro na baka hindi ako worth it at-"

"Hoy, umayos ka nga! Huwag kang ganyan ah! Huwag mong hayaan na bumaba ang tingin mo sa sa iyong sarili, dahil lamang sa isang lalaki. You're beautiful and sexy in your own way, Claudia." Pinandilatan pa ako nito ng kanyang mga mata. "Hindi isang lalaki ang magsasabi sa'yo kung ano ang worth mo!" Dagdag pa niya.

Napangiti ako at niyakap ko na lamang siya ng mahigpit. "Thank you Angela."

"Sus, wala 'yon. Kaibigan kita kaya mahal kita. Huwag mo ng pag-aksayahan ng panahon ang lalaking 'yon. Hindi sa dina-down kita pero marami pa naman'g iba diyan, friendship."

"Susubukan ko friendship. Ayoko na rin na maulit pa ang rejection na 'yon. Mataba ako pero alam mo 'yong pakiramdam na parang nanliliit ka sa harapan niya."

"Hmm...tama ng drama 'yan. Move on na lang girl. Ay, teka nga pala, may isa pa akong kuwestiyon sa'yo." Aniya na kumalas pa ng pagkakayakap saakin.

"Huh? Ano 'yon?"

"Eh kasi friendship, kung si Morgan mismo ang nakadiskubre na virgin ka pa, eh 'di naipasok niya pala 'yong ano niya diyan sa ano mo?" Namimilog ang mga mata na tanong niya saakin.

Bigla tuloy akong nahiya kay Angela Nagdalawang isip pa nga ako kung sasagutin ko ba 'yon o hindi. Subalit alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasagot 'yon. Kaya naman napipilitan na tumango na lang ako.

"Hays, ang bobo ni Morgan." Napahawak pa mga ito sa kanyang sentido. "Dapat isinagad niya na lang iyon ng bongga! Diyos ko, pareho pala kayong nabitin." Napailing pa ito na tila ba nanghihinayang. "At saka, kulang ka rin talaga sa diskarte friendship,dapat dinaganan mo na para 'di na nakapag-inarte."

"Gaga! Ang gulo mo rin eh no'h? Kanina lang ang galing-galing mo mag-advice tapos ngayon naman bigla kang nagkaganyan." Nakairap na sambit ko.

Subalit pinagtawanan lamang ako ng aking kaibigan.

KINABUKASAN ay maaga akong pumunta sa aking cafe. Habang nasa daan ay hindi ko maiwasan'g mainis dahil kahit ang aga pa ay napaka-traffic na agad.

Nang bahagyang umusad ang mga sasakyan ay nahagip ng tingin ko ang isang pamilyar na kotse na nasa unahan ko. Sinipat kong maigi ang mukha ng nagmamaneho no'n ngunit hindi ko gaanong makita. Kaya naman hindi ko hiniwalayan 'yon ng tingin.

Nasisiguro kong kotse iyon ni Morgan. At sa hindi ko malaman'g kadahilanan ay patuloy ko itong sinundan hanggang sa huminto ito sa tapat ng isang coffee shop.

Dali-dali kong ipinarada ang aking kotse sa mismong tabi ng sasakyan niya. Ngunit mabilis itong nakababa. At hindi nga ako nagkamali, siya nga talaga iyon.

Mallkinang hakbang na tinungo nito ang loob ng coffee shop.

Naka-white polo shirt and pants ito. Sobrang simple lang ng outfit niya na iyon ngunit ang lakas pa rin no'n ng dating para saakin. Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit marami rin dito ang nagkandarapa sa kanya.

"Masyadong pinagpala ang hinyupak na lalaking ito. Bakit kaya gan'tong klase ang pinagpapala ng kaguwapuhan? Bakit sa katulad pa niya na walang chance na magkagusto sa'kin?" Bahagya akong napailing sa kalandiang naiisip ko.

Sinabi ko pa naman sa sarili ko na magmo-move on na ako. Na hindi ko na siya pagpapantasyahan tapos heto na naman ako at kung anu-anu na naman'g kagagahan ang ginagawa ko.

Gusto na ng isip ko na umatras at bumalik na lang sa loob ng aking kotse. Subalit ang h*******k kong paa ay ayaw paawat. Kusa na nga itong naglakad papasok sa loob ng coffee shop na iyon.

Nang tuluyan na akong makapasok ay hinanap ko agad kung saan'g sulok siya naroroon at mabilis ko naman nga itong nahagilap.

Wala itong kaalam-alam na nasa paligid niya ako. Nakatalikod ito sa sa puweston kinatatayuan ko at tila kay lalim ng iniisip nito.

Dahan-dahan ko itong nilapitan. Eksaktong hihigop na siya ng kanyang kape nang bigla naman akong umupo sa katapat niyang silya.

Halos mabitawan pa nga nito ang tasa at maging ang dila nito ay nasisiguro kong napaso na nga. Dulot ng pagkagulat niya sa presensiya ko.

Tila may bombilyang umilaw sa isip ko matapos kong pagmasdan ang hitsura niya.

Lumipad ang paningin ko nang bahagya niyang inilabas ang kanyang dila. Kaya naman makahulugan akong napangiti dahil sa naisip kong panibagong kalandian.

Kailangan kong makaganti sa kahihiyan'g natamo ko no'ng nagdaang gabi.

At sisiguraduhin ko na sa pagkakataon'g ito ay maipapalasap ko sa kanya ang ganti ng isang matabang babae na hinukay at tinaniman pero hindi naman diniligan.

"Hmm...napaso ka ba Mr. Handsome?" malambing na tanong ko sa kanya.

"What the hell are you doing here plus size woman? Ano ini-stalk mo na naman ba ako? Ganyan ka na ba talaga ka desperada?"

Nagpantig ang aking tainga sa paraan ng pagtawag niya saakin at sa mga salitang binitiwan niya. Kaya naman pagak akong natawa at sinimulan kong gawin ang naiisip kong plano.

Nagpalinga-linga muna ako sa paligid. At nang mapansin kong maraming tao sa loob, sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig ng lahat kung gaano kasama ang ugali niya.

"Well, here's the truth Mr. Morgan Villamor!" nag-angat siya bigla ng tingin matapos marinig ang buo niyang pangalan

"Kilala mo ako?"

"Oo naman! Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang katulad mong Class A asshole and certified jerk!" malakas na sigaw ko dahilan upang mapatingin saamin ang lahat ng naroon.

"Will you please lower your voice? Wala ka sa palengke!" pabulong ngunit halatang nagpipigil lang ito ng galit saakin.

"Bakit? Natatakot ka ba na malaman nilang lahat na ang guwapong CEO ng isang sikat na brand ng sardinas sa Pilipinas ay ubod ng sama ng ugali?" Malakas ko pang sambit. Napatiim bagang ito at dumilim ang anyo.

"Kaya hindi ko rin masisisi ang ex-girlfriend mong si Elise eh, kung bakit ka niya iniwan. Eh paano naman kasi mas malangsa pa 'yang pag-uugali mo kaysa sa mga sardinas na ginagawa mo!" Maarte at malakas ko pa rin'g wika.

"Enough!"

Nagulat rin ako sa malakas niyang pagsigaw. Ngunit imbes na tumigil ay nginisihan ko pa ito. Dahilan upang mas lalong maasar.

Patuloy pa rin sa pagtatagis ang bagang nito at parehong nakakuyom ang dalawa niyang kamao.

Tumayo na ako at isang ngiting nakakaasar ang muli kong isiniwalat sa kanya bago ko pa man lisanin ang coffee shop na iyon.

Pagdating ko sa aking kotse ay sumandal muna ako sa may pintuan nito. At ang kaninang pagtawa na pinipigilan ko ay agad ko ng pinakawalan.

Kapagkuwa'y kinuha ko ang aking cellphone at balak kong ipamalita sa mga kaibigan ko ang kagagahan'g ginawa ko today.

Akmang pipindutin ko na ang video call button sa group chat namin nang may bigla na lang humaklit sa braso ko.

"Anong-"

"M-Mo-Morgan?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko matapos kung mapagsino ang lalaki. At mas naging triple pa ang tibok no'n nang buhatin niya ako at pilit na isinakay sa kanyang kotse.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Edna Marcelino Mangadap
update pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status