Share

Chapter 02:

•Marikit•

Nang matapos ang shift ko ay saglit lang akong pumasok sa Maid's Quarter. Tiningnan ko lang kung natutulog na ang lahat at lumabas. Alas dos na ng madaling araw kaya medyo pumipikit na ang aking mata, wala pa akong tulog simula nang dumating ako rito.

Gustuhin ko man na matulog pero di ko magawa lalo na at tatlong buwan lang ang ilalagi ko rito. Hindi ko nanaisin na pagtawanan ng mga kasama ko dahil di ko nagawa ang sarili kong misyon, mas ayaw kong ipamukha ng ex ko ang pagiging talunan ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang may nakita akong dalawang lalaki sa di kalayuan. Maliksi akong kumilos para magtago sa isang masikip na espasyo ng ikatlong palapag na iyon. Pinigil ko ang paghinga nang makalapit na sila sa pinagtataguan ko.

"May nagbabantay pa ba sa ikaapat na palapag? Baka pagalitan na naman tayo ni boss kapag may mga nakapasok doon."

Hindi niya nakikita ang mga ito dahil nakatagilid siya sa pinagtataguan at madilim ang kanilang kinatatayuan. Pero naririnig naman niya ang mga sinasabi nila.

"Sabi ni Cong na bumaba raw tayo dahil may iuuwi daw na babae si Boss at malapit na silang dumating."

Parang kanina lang may kasama rin itong ibang babae, tapos iba naman ngayon? hindi ba nagsasawa ang alaga nito kakapasok sa iba't-ibang lungga tsk.

"Hindi na tayo ang mananagot kapag may nakapasok doon. Tara na nga."

Ngumisi siya nang marinig iyon, kahit saglit lang basta makapunta siya sa kwarto ni Isla at may makuha man lang siya kahit kaunting impormasyon tungkol dito. Mabilis siyang tumakbo papunta sa may hagdan ng mawala na ang dalawang nagbabantay.

Nanlalaki ang mata niya nang makita ang mahabang pasilyo sa ikaapat na palapag. Kailangan niya bang isa-isahin ang kwartong iyon? limang kwarto ang naroon. Malalim siyang napabuntong-hininga at pumunta sa pinaka-gitna.

"Kapag hindi ko nabuksan ang kwarto at ako namatay sa misyon na'to mumultuhin ko talaga ang ex ko," sambit ko at pinihit ang seradora ng pinto, muntikan pa akong mapasigaw sa sobrang tuwa nang bumukas ito. Mabuti nalang at natakpan ko ang aking bibig.

"Pasalamat 'yung pangit kong ex at hindi ko siya mamumulto. Hindi pa rin naman iyon matatakot kapag minulto ko siya, sa ganda ko ba namang to? Swerte nga niya!"

Napahagikhik pa ako habang pumapasok sa loob ng kwarto. Namamangha ako sa ganda nito, kung maganda na sa unang palapag kung nasaan ang sala, mas lalo na dito, t*ngina nagtatae ata sila ng ginto eh.

Isinarado ko muna ang pinto bago naglibot sa malaking kwarto, sa tingin ko ito ang kwarto ni Isla. May mga larawan ito na nakapatong sa ibabaw ng mesa, malapit sa kama nito. Kinuha ko ang pinakaunang picture frame na naroroon. Napakunot ang noo ko nang makita si Isla na may kasamang magandang babae. Pareha silang may malapad na ngiti habang nakatingin sa isa't-isa.

"Ang saya nila pero bakit naghiwalay ang mga 'to?"

Lumabas tuloy ang pagka-tsismosa ko, napailing ako at naghanap ng ibang importanteng makukunan ng impormasyon. Dumapo ang mata ko sa isang pader na may guhit na kulay ginto, parang desinyo lang siya kapag hindi mo ito sinuri ng mabuti. Maglalakad na sana ako papunta doon nang marinig ko ang hagikhikan sa labas ng kwarto.

Napamura ako at naghanap ng matataguan, nanlalaki ang aking mata nang magbukas ang pinto. Sa halip na tumakbo sa malayo ay nagtago ako sa ilalim ng malaking kama. Napausal ako nang dasal na sana wala akong makitang live ngayon.

"Babe, wait! Maligo muna tayo," rinig kong sabi ni Isla

Nagpakawala ako ng buntong-hininga nang marinig iyon. I have a chance to escape.

"Mauna ka na pala sasagutin ko lang ang tawag."

Ay p*tangina naman! Pero nagdadala pala ito nang babae rito sa kwarto? Paano kapag may makaalam sa itinatago niya? Hindi pa naman siya naglalagay ng CCTV dito. Hinanap ko iyon kanina pero wala akong makita, kaya panatag akong nakakapaglakad sa kwarto niya.

"Sino? Nagpapatawa ka ba Lavirthi? Bakit naman malalaman nila ang illegal na gawain natin kung walang magsasabi?"

Tumigil ito saglit sa pagsasalita tila ba nakikinig sa sasabihin ng nasa kabilang linya. Pinahid ko ang pawis na tumutulo sa aking mukha. Hindi naman siya masikip, mainit lang talaga sa ilalim ng kama at walang masyadong hangin na pumapasok.

"Huwag kang mag-alala sa mga babae ko, kapag may nalaman sila syempre sa huling hantungan na sila dadalhin. Paano naman ang tinatago mong babae sa A City? Sige paalam kaibigan."

Tumahimik ang buong kwarto pagkatapos ng tawag na iyon. Umayos ako ng pwesto, mula sa pagkakadapa ay tumihaya ako para mawala ang paninikip ng dibdib dahil sa nauna kong posisyon.

"Babe, do you want me to suck you, hmm?"

Nanlalaki na naman ang mata niya sa narinig, kapag minamalas ka nga naman. Ang tainga ko na naman yata ang makakatanggap ng blessing! Napapikit siya nang gumalaw ang kama tila ba may pumatong doon.

Kung ang misyon ko lang sana ngayon ay ang patayin si Isla ay baka kanina ko pa ito nagawa dahil sa pagpapakaba nito sa dibdib ko sa mga pinanggagawa niya.

"I love that hmm... ughh... move your tongue, babe."

Halos mawalan siya ng malay nang gumalaw ang kama. Galaw na parang magkakaroon na yata ng earthquake.

"Suck me more hmm... ughh... more! Thats it ang sarap"

Ganyan ba talaga ang maririnig mo kapag nagsisiping? Masarap ba talaga? Napahawak siya sa mukha nang maramdaman ang pag-iinit no'n.

Hindi ko dapat naramdaman ito. Hindi ako pwedeng mawala sa pokus at baka kamatayan pa ang kahahantungan ko nito.

"Please touch me, Maveer, ahh! There... ahh"

Pilit niyang tinatakpan ang tainga para di marinig ang mga ungol, dahil nagsisimula na ring nag-init ang kanyang katawan. Ipipikit na sana niya ang mata nang may bra na tumilapon malapit sa mukha niya.

"Ang laki naman nito," mahina niyang bulong na tanging ang sarili lang ang pwedeng makarinig.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa bra at sa kanyang dibdib. Malaki naman ang sa kanya, pero kung ikukumpara naman dito parang kalahati lang yata ang sa kanya.

Napailing siya sa mga iniisip at tuluyan ng pinikit ang mata. Gusto na niyang lumabas at patigilin ang dalawa pero di naman niya magawa at baka malamig na bangkay ang kalalabasan niya at kung swe-swertehin ay magiging abo pa tsk.

"Hi!" Nanlalaki ang mga mata kong itinuro ang aking sarili at baka nagkakamali lang ako nang hinala.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, akala ko nanaginip lang ako nang makita ko si Isla sa aking harapan, ngunit nang maramdaman ko ang sakit sa aking ulo dulot nang malakas na pagkauntog nito sa kama ay agad din na nawala ang ideyang iyon.

"Anong ginagawa mo rito?"

Gusto kong umidlip kanina dahil ang tagal nilang matapos. Pero di ko naman inaasahan na makakatulog ako, gagang marikit, anong gagawin mo ngayon?

"Lumabas ka riyan."

His voice thundered inside his room kahit malaki naman iyon. Dahan-dahan akong lumabas sa ilalim ng kama. Mamumulto ko na yata si ex, madilim pa naman ang mukha na tumitingin sa akin ang kaharap ko ngayon.

"Do you want to be my woman in bed?"

Tumayo ito at hinila ako palapit sa kanya, para akong pinutulan ng dila dahil walang kahit anong salita na lumabas sa aking labi. Mahigpit nitong pinisil ang aking bewang, napapikit ako sa ginawa nito. Bago sa akin ang sensasyong hinahatid ng mga hawak nito.

Hinahawakan naman ako dati ng ex-boyfriend ko pero hindi ko naman aakalain na iba pala ang epekto kapag ang taong kinatatakutan mo ang kaharap mo ngayon.

"Ibibigay ko sa'yo ang lahat ng gusto mo deal?"

Napalunok ako na tiningnan ito kaya ko bang ibigay ang katawan ko sa kanya para sa impormasyon na makakalap ko? Pero kung hindi naman ako papayag dito tiyak na mamamatay ako ngayon. Mamamatay akong birhen at walang makakatikim sa masarap kong katawan! Biro lang!

"Lahat?" mahina kong tanong.

"Lahat," seryoso naman nitong balik.

Kahit hawak ako nito ay napaatras pa rin ako sa ginawa nitong paghaplos sa aking pisngi. Ngumisi pa ito habang nakatingin sa aking labi, parang mali ata ang desisyon na pinili ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status