Share

Seducing The Mafia Boss
Seducing The Mafia Boss
Author: MissBangs001

Chapter 01:

•Marikit•

May meeting ang lahat ng agent ngayon, tinatamad man ay sumipot pa rin siya sa pagtitipon. Pag-uusapan nila ngayon ang isa sa mga big boss ng mafia organization na si Isla.

Nagsasalita si Apollo sa harap ngunit nililipad pa rin ang utak niya sa dating kasintahan. Nasa tabi lang kasi niya ito at nakikipagharutan kay Lana, tatlong taon sila ng lalaki at kahapon lang siya nito hiniwalayan pero nakikipaglandian na ito ngayon sa iba.

"Agent M, ikaw ang napili ko para ipadala sa mansyon ng mga Singh."

Mula sa pagkatulala ay nanlalaki ang mata niya na ibinaling ang tingin kay Apollo. Kinakabahan siya lalo na at ito ang kauna-unahang misyon na sangkot sa mga big boss ng mafia.

"Boss A, sa tingin ko po nagkakamali kayo ng kinuha. Bago pa lang po sa grupo natin si Agent M, baka po mabulilyaso ang ating—"

"Kailangan mong pagkatiwalaan ang kakayahan ng kapwa mo Agent, Agent S," putol ni Apollo sa sasabihin ni Sapphire. Tumahimik naman ito, kaya muling napokus ang tingin sa akin ng lahat. Napalunok ako para kahit papaano ay nawala ang kaba sa aking dibdib.

"Magpapanggap kang katulong ng mga Singh, tatlong buwan ka lang doon. Pagkatapos mong makalikom ng mga impormasyon ay bumalik ka agad sa HQ, Copy?" mariin at seryosong wika ni Apollo, habang nakatingin sa aking mga mata.

Kinakabahan man sa mga susunod na mangyayari sa buhay ko. Tumayo ako para tanggapin ang misyon na ibinigay sa akin.

"Yes Boss A, Copy. Reporting code 7325, Agent M on mission. Book A, page 234, rule number 111."

Nauna akong sumaludo sumunod naman si Apollo sa akin. Rule number 111, masaktan ka man, pilitin ka man nilang magsalita, still you can't give information about your comrade.

--

Namamangha ako habang nakatingin sa napakagandang mansyon. Halatang mamahalin ang mga nakasabit na magagandang chandelier. Nakakatakot gumalaw sa lugar na ito parang halos lahat gawa sa ginto, lalo na at kumikinang pa ang mga gamit.

"Hanggang third floor lang ang pwede niyong puntahan para maglinis. Buong forth floor ay pagmamay-ari ni Mr. Singh, kapag may lumagpas sa inyo kahit hindi sinasadya ay siguradong kamatayan ang kapalit. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Tumango kaming lahat sa sinabi ng mayordoma, kahit balak ko naman talagang puntahan iyon. Hindi naman siguro nila mahahalata, kailangan kong makakuha ng impormasyon.

Habang nag-iikot kami sa napakalaking mansyon na ito, ay biglang huminto ang mayordoma. Rinig ko pa ang mahihinang tili ng mga katabi kong katulong na bagong hire lang din. Tinaas ko ang aking tingin para makita kung sino ang may kagagawan ng tiling iyon. Halos lumuwa ang mata ko ng makita ang big boss ng mafia, ipinakita sa akin ni Apollo ang larawan nito bago ako umalis ng HQ at di ako makapaniwala na mas gwapo pala ito sa personal.

"Selya, sila na ba ang mga bagong kasambahay? Sinabi mo na ba sa kanila ang mga bawal at dapat gawin sa pamamahay ko?"

Baritono ang boses nito. Lalaking-lalaki ika nga nila. Hindi ko rin mapigilan ang sarili na pagpantasyahan ito. Narinig na lamang niya ang pag-uusap ng mayordoma at ng kanilang amo. Hindi na niya ulit ito sinulyapan, natatakot siyang baka mabulilyaso siya sa unang araw lalo na at di niya pa kilala ang binata. Kailangan niya pang maghanap ng impormasyon sa ibang katulong para makapagplano siya ng dapat gawin.

"I want to make love with you tonight sweetheart"

Maingat niyang itiningala ang ulo nang marinig ang malanding boses na iyon. May kasama palang babae ang amo at halos wala na itong suot na damit, at idinidikit pa nito ang dalawang matambok na dibdib sa lalaki. Napaismid siya sa nakita, ilalayo na sana niya ang tingin nang bigla namang lumingon sa kanyang pwesto ang amo. Ilang segundo rin silang nagkatitigan bago niya nailayo ang tingin.

Akala niya ay malalagot siya rito ngunit nagsimula na naman silang maglakad. Malalim siyang napabuntong-hininga at sumabay na sa paglalakad ng mga kasama.

"Muntikan ka na doon gagang Marikit"

Kastigo niya sa sarili na ikinalingon ng kanyang katabi. Mukhang mabait naman ito kaya nginitian niya lang ito at nagpokus na sa paglalakad. Ayaw niyang makipagkaibigan dito, baka maging hadlang lang iyon sa mga gagawin niya.

"Ang ganda mo para maging katulong, ang kinis pa ng iyong balat. Sigurado ka bang gusto mong maging katulong? pwede ka naman maging model o artista."

Muli niyang ibinalik ang tingin sa babae, anong ibig nitong sabihin may ibang kahulugan ba ito sa mga binitawang salita?

"Gusto ko kasing makita sa personal si Sir Isla, ang gwapo niya pala no?"

Bigkas niya na tila ba kinikilig sa gwapong amo. Agad naman itong tumango sa sinabi niya at mahina ring tumili. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong tungkol sa ibang bagay.

"Ang gwapo nga kaso parang may girlfriend na. Tapos ang ganda pa ng babaeng kasama--"

Tumigil ito sa pagsasalita at tinuro siya, hindi niya ito maintindihan kaya  kumunot ang noo niya. Tumawa ito at hinaplos ang sariling mukha.

"Sabi ko mas maganda ka pala sa kanya, oh my gosh! akala ko sa mga movie ko lang makikita yung mas magaganda ang katulong kaysa sa mga girlfriend ng amo nila. Tapos mahuhulog ang loob sayo ni sir at--"

Tinakpan niya ang bibig nito dahil medyo lumalakas na ang boses nito. Ang tahimik pa naman ng buong lugar at baka may makarinig dito. Nag-peace sign naman ito sa kanya, pero malapad pa rin ang ngiti sa labi.

"Ikaw talaga ang layo na ng napupuntahan ng isipan mo. Oo nga pala anong pangalan mo? Marikit nga pala."

Inilahad ko sa kanya ang kaliwa kong kamay, inabot naman niya iyon ng nakangiti.

"Langit Saia Montverde, nice to meet you Marikit bagay sayo ang pangalan mo."

Ang ganda ng pangalan niya, maganda naman si Saia yun nga lang kailangan mo pa siyang tingnan nang matagal para makita iyon, lalo na at morena ito. Nawala ang atensyon ko dito nang bigla kaming tawagin ng mayordoma.

"Babaeng nakaputi at nakapink sa likuran, kayong dalawa ang ia-assign ko sa kusina ngayong buwan."

Alam kong kaming dalawa iyon ni Saia, kaya agad akong tumango. Kung sa kusina ako maa-assign, siguradong mahihirapan ako na pumunta sa ikaapat na palapag. Ang hirap naman pala ng misyon na ito, ugh!

"Ang maids quarter ay nasa pinakadulo nito. Isang kwarto lang ang lahat at kapag may mga naririnig akong mag-aaway sisiguraduhin ko na mawawalan kayo ng trabaho kinabukasan."

Napalunok ako oo nga pala marami kaming mga kasambahay dito. Pipilitin ko nalang sigurong makisama, kailangan ko iyon para tumagal dito.

--

"Tubig please ugh, Maveer, hmm..."

Kanina pa naghaharutan si Isla at ang babae nito, at dahil ako ang nakatalaga sa kusina ay di ako makareklamo sa nakakairitang ungol ng babae. Umalis kanina si Saia dahil maaga ang duty niya bukas kaya mag-isa ako rito. Wala rin ang mga matatagal ng kasambahay dahil sinasanay kami ngayon. Mukhang masasanay nga ako sa kabastusan dito p*ta.

"I said water!"

Mabilis ang aking pagkilos at ibinigay iyon sa babae, kung hindi ba naman ito gumagawa ng milagro edi sana kanina ko pa iyon naibigay sa kanya. Paano ko naman kung hindi lang ba dahil sa libog nito kaya siya humihingi ng tubig, baka tubig pa ni Sir Isla ang kailangan nito. Kung meron man, tsk.

Napakamot ako sa aking noo at umatras na matapos kong ibigay iyon sa kanya.

Sumimangot pa ito sa akin. Suntukin ko nguso mo eh akala niya kagandahan tsk. Nanlalaki ang mata ko nang bigla itong pumasok sa ilalim ng mesa pagkatapos inumin ang tubig.

Live show? Ilang mura ba ang mabibitawan ko ngayong araw? anak ka ng titing, hindi nga ako nanunuod ng p*rn tapos makikita ko to. Oh gosh! my virgin eyes. Pinikit ko ang aking mata at tanging ungol nalang nila ang naririnig ko, gusto kong tawagin ang pangalan ni mommy at umiyak rito.

"Hmm ugh I like it, Glycel, move your tongue faster hmm"

Ang sarap sa tenga ng boses ni Isla, parang naiihi ako habang pinapakinggan ang ungol nito. Kaya agad kong iminulat ang mata at baka ano pa ang pumasok sa isipan ko. Pagkadilat ko palang ay nakita ko na ang nakangising mukha nito, nakaharap ito sa akin kaya pakiramdam ko ay ako ang pinagpapantasyahan nito ngayon kung hindi lang nito tinatawag ang pangalan ng nobya nito.

"Hey, lady, give me some juice."

Kinakabahan akong tumingin sa kanya at sa babaeng nasa gitna ng mga hita nito. Ayaw ko nga silang makita tapos papalapitin pa ako nito, ang bastos. Nasa harap sila ng mga pagkain pero ang mga katawan nila ang kinakain jeez people! They need to go to church I swear.

"S-sir, ito na po ang juice niyo."

Hindi lang kamay ko ang nanginginig pati na rin ang boses ko. Kapag nagtagal ako rito siguradong makakabasag ako ng mga gamit nang wala sa oras.

"Where are you going? Stop it Gly, I need to talk to her," seryosong utos nito.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng hinugot nito ang ari sa bibig ng babae. P*tangina hindi ko alam kung paano iyon pumasok sa bunganga niya ang ganoong kalaki. Hindi ba ito nabilaukan? Hindi ba nito iyon nakagat? Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko. Dahil sa dalawang taong 'to, tinakasan na yata ako ng kainosentihan.

"Sir, may kailangan po kayo? Naiihi na po kasi ako."

Iyon na lang ang lumabas sa labi ko dahil sa kaba. Tumawa naman ito at pinaalis ako, mabilis akong tumakbo patungo sa CR na itinuro kanina sa amin ng mayordoma.

"Parusa siguro ito sa akin dahil sobrang bait ko. Si mommy kasi di ako hinahayaan manuod ng mga movie na may mga gano'n. Nakita ko tuloy ng live anak ka talaga ng mama mo, Marikit!"

Tinapik ko ang dalawang pisngi bago lumabas ng banyo. Pagkabalik ko sa dining room wala na doon ang dalawa. Nakahinga ako ng maluwag at matiwasay na tinapos ang aking gawain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status