Share

Chapter 04:

•Marikit•

Hindi ko aakalain na gagawin ko iyon sa harap ni Isla, kinakabahan ako nang gawin ko iyon kaya di ko na mapigilan ang sarili ko mautot. Ang baho rin dahil hindi ako nakapagbawas ngayon araw, mas lalo tuloy akong nahiya dahil pinagtatawanan ako nito. Wala tuloy akong nakuha dito, sayang lang pagsayaw at paghubad ko ng damit dito.

"Ikaw kasi eh, naghintay ka lang sana kahit five minutes. Natatae ka na ba talaga?" kausap ko sa pwetan ko, hindi naman ito umutot ulit.

Aish! sayang talaga iyon may makukuha na sana akong impormasyon sa kanya eh.

Bumalik kaya ako doon at akitin siya ulit? ay huwag na baka mautot na naman ako, manunuod sa youtube kong paano mang-akit ng lalaki. Mabilis akong bumalik sa maids quarter, mabuti na lang at walang pang kahit isang gising.

Pumipikit na ang mata ko habang nanunuod ng babaeng nakaluhod sa harap ng lalaki. Nakikita ko tuloy ang babaeng kasama ni Isla noong nasa kusina kaming tatlo. Hindi pa rin mawaglit ang mga alaalang iyon sa aking utak.

"Kapag pangit ang lalaking iyon kahit mayaman walang papatol doon," naiiling kong saad.

Humagikhik pa ako bago ipinikit ng tuluyan ang aking mga mata, para akong lasing dahil walang tulog. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko.

"Huy nanunuod ng R19 si Marikit."

"Ay ano ba yan ang bastos naman walang damit!"

"Painosente 'to! Ang sarap kaya niyang ginagawa nila."

Nagmulat ako ng mata nang marinig ang ingay sa aking tabi. Nanlalaki ang mata ko at hinablot ang cellphone ko na hawak-hawak ng isa sa kanila.

"Inosente po ako," mabilis kong sambit, baka kung ano ang isipin nila nakakahiya. Tumawa naman silang lahat at itinuro ang nasa cellphone ko. Nagkusot ako ng mata at nahihiyang ini-exit iyon, bakit ba nakalimutan ko iyong gawin kanina.

"Curious ka rin kung paano gawin iyan no? Ganyan talaga kapag virgin-"

"A-ako po? di na po ako virgin," nauutal kong sabi.

Ayaw kong pagtawanan ako nila dahil birhen pa ako at baka mabulilyaso pa ang plano ko kay Sir Isla. Mas gusto pa naman noon 'yung babaeng agresibo 'yung nangangain tsk.

"Aysus basta kung gusto mong magpaturo narito lang kami ni Jelay."

Napalunok ako sa sinabi ng aking kaharap na babae. Tumawa naman ang babaeng itinuro nito at tumango.

"Evening shift ka? Mgbihis ka na kaya malapit na 'yung duty mo."

Tumango ako sa sinabi niya at bumaba na sa aking kama. Kumuha lang ako ng tuwalya at pumunta na sa banyo na para sa amin.

--

Maghapon lang kaming nag-uusap sa kwarto at nang dumating na ang oras para sa duty ko ay agad na akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina. Nakasalubong ko pa si Saia na may magandang ngiti.

"Marikit ang swerte mo nandyan ang mga kaibigan ni Sir Maveer ang gwapo nila."

Iyon lang ang sinabi niya at mabilis nang naglakad patungo sa kwarto. Excited yata ito na magkwento sa mga kasamahan namin, napailing ako at dumeretso na sa kusina. Kung swe-swertehin ka nga naman makikilala ko pa ang ibang Capo Crimini.

"Kumusta naman ang transaksyon ng mga baril?"

Titigil sana ako sa paglalakad nang kinawayan ako ni Sir Isla na pumasok. Tumango naman ako kaagad at walang emosyon na dumaan sa kanila. Matiwasay sana akong makakaabot sa dulo kung hindi nito sinampal ang pisngi ng pwet ko.

"Baby!"

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi nito, nagtinginan naman sa akin ang mga kaibigan niya. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawa kong kamay, t*ngina sa harap pa talaga ng mga gwapo nitong kaibigan.

"Akala ko ba hindi ka pumapatol sa mga kasambahay mo, Singh?"

Naningkit ang mata ng isa niyang kaibigan habang tinatanong iyon. Tumayo naman ang isang may kulay berdeng mata at lumapit sa akin.

"Hindi kayo bagay, Samael, dahil kami 'yung bagay. Ibigay mo na sa akin to ano? Susunod na akong magpapakasal kay Luciano."

Nanlalaki ang mata ko sa sinabi nito binalingan ko ng tingin si Sir Isla. Akala ko nga ibibigay ako nito ngunit bigla na lang ako nitong hinila palayo sa lalaking nakahawak sa akin.

"Tsk, Vladimir, lahat nalang nilalandi mo, ilang babae na ba ang lumapit sayo dahil nabuntis mo?"

Dumagundong sa loob ng dining room na iyon ang malakas na tawa ng lalaking tinatawag nito na Vladimir. Kinindatan muna ako nito, bago ibinaling kay Sir Isla ang tingin.

"Pera ko lang ang habol ng mga 'yun, tapos kapag magpapa-test mawawala rin naman, tsk."

Napatulala ako rito nang bigla itong bumusangot, yung tipong ang gwapo na niya tapos ang cute pa.

"Ugh, ang sarap panggigilan."

"Miss Dela Torre!"

Napatingin ako kay Isla nang banggitin nito ang apelyido ko. Narinig ko naman ang tawanan ng mga kasama niya habang nakatingin sa aming dalawa. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko sila maintindihan.

"Sarap panggigilan, huh?"

Nanlalaki ang mata ko sa sinabi ni Isla, hinawakan ko pa ang aking bibig. Nasabi ko ba iyon? Hindi ko man lang maalala na nabigkas ko na pala ang mga salitang iyon.

"Hihihi sorry po, sir, nabigla lang po ang bibig ko. Kulang po siguro ako sa tulog akala ko nanaginip ako."

Natampal ko ang aking noo sa aking nasabi. Walang preno ang bibig ko t*ngina, paano ba ako naging agent sa katabilan ko na'to!

"You need to do your chores, Miss Dela Torre."

Napalunok at tumango kay Isla, bago ibinaling ang tingin sa mga kasama nito. Yumuko ako para paggalang sa kanila at tuluyan ng lumabas sa dining room.

Napabuntong-hininga ako nang makapasok sa kusina. Kinabahan ako roon, parang magkakasakit ako sa puso nito.

"Mag-iingat ka kasi sa ginagawa mo Marikit ano ka ba!"

"In my room now, Miss Dela Torre."

Napalingon ako sa nagsasalita, nasa pintuan ng kusina si Isla. Nakasandal ito roon at nakapamulsa, napalunok ako nang wala itong emosyon na nakatingin sa akin.

"Sir, anong gagawin natin doon?"

Kinakabahan kong tanong sa kanya, ngumisi naman ito at bumaba sa aking dibdib ang kanyang tingin.

"Tatapusin ang naudlot? Para ako naman yung panggigilan mo."

Nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya, hindi na ako nakapagsalita muli nang bigla na itong tumalikod at tuluyan ng umalis. Ay gaga, panggigilan ko yung alaga niya baka mapahiyaw siya tsk.

---

MissHana: Hello po, ROMCOM po ito aww hahaha

Komen (4)
goodnovel comment avatar
cessn
year na pla tung mga story mo ms.a
goodnovel comment avatar
Abigael Tolentino
new please
goodnovel comment avatar
Melinda Sarmiento
ang ganda po story,next pls
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status