Share

Seducing the Seducer
Seducing the Seducer
Author: ohanna

Chapter 1

At a very young age, I was neglected by my parents. Naghiwalay, iniwan ako, at ayun they already have their own family.

Years after, I was in high school when my father passed away. Just like some cliché stepmothers we always see, yep! My stepmother took everything. As in lahat ng meron ang aking ama, at pati na rin 'yung para sa akin.

I was with no one, I rebelled and slack off of my studies. Eventually, my life became smooth the moment I met a friend.

Francesca

She helped me financially and I helped her educationally.

She gets something from me and vice versa. 

But my life is still miserable, and I really don't know what to do. The financial assistance I get from my friend is still not enough for me to live.

I got thousands of debt, I became a working student just to pay back. Pero wala pa rin, lubog parin ako sa utang.

"Kailan ka ba talaga magbabayad?! Dalawang taon na ang utang mo sa akin." Reklamo ng pinag-utangan ko.

I don't have to mention her name. She's just nonsense.

"Kaka-graduate ko lang, okay? Bigyan mo pa ako ng kaunting panahon. Saka, mapera ka naman hindi ba? Sigurado akong hindi mo pa kailangan ang pera na iyon." Sabi ko at inirapan siya.

"Isang linggo pa, Laxa. Isang linggo. Kapag hindi mo nabayaran ang mahigit isang daang libong piso na utang mo, sinisigurado ko na sa kulungan ang bagsak mo." Banta niya at nilisan ako.

Hahabulin ko pa sana siya nang sumakay na siya sa kotse niya at ipinaharurot na niya ito.

What the hell!? Kulungan agad? Hindi ba pwedeng barangay muna?

At saka, ISANG DAANG LIBONG PISO?! Sa isang linggo? Where the hell can I get one hundred thousand pesos in just a week? Depende na lang kung ibenta ko na ang mga laman loob ko.

Kung gagawin ko man iyon, ano pa ang silbi ng pagbabayad ko sa kanya kung mamamatay din pala ako?

“Aaaaah!” I can’t help not to yell out of frustration.

Kailangan ko na ng tulong! I hate it, pero wala akong choice!

That's why I immediately grab my phone and dial Francesca’s number. 

"Hello?"

Thank God! She answered it.

"Hello, Francesca?" 

"O, Bianca, anong kailangan mo?" 

"Can we meet?" Tanong ko.

"Sureness! Tulad ng dati ha! Samte time, same place." Sabi nito at ibinaba na ang telepono.

I'm going to get crazy! Sana ay hindi nalang ako ipinanganak kung dito lang pala hahantong ang buhay ko. At sana hindi ko na lang tinurn down ‘yung offer sa akin ng pinag OJT-han ko kahit na mababa lang ang starting salary.

I am so fucked up!

Pagdating ko sa lugar kung saan kami magkikita, kaagad kong ikinuwento sa kanya ang nangyari at ang gusto kong mangyari.

"Baka naman nadadagdagan ang interest dahil sa tagal mong magbayad." Sabi niya na nakahalukipkip.

"Siguro? Ewa? Hindi ko na alam! Kung alam ko lang na lolobo ng ganito ang utang ko sana pala ay tumigil muna ako sa pag-aaral." Sagot ko sabay simangot.

"Ewan ko ba sa'yo! Ba’t hindi mo kasi sinasabi sa akin na kulang pala ang pang tuition fee mo na binibigay ko sa’yo at ang sweldo mo mula doon sa pinag ta-trabahuan mong fast food chain na iyon." sabi niya at pinagsiklop niya ang kanyang mga daliri. I bet she's thinking something.

"Okay..--" 

Bigla akong dinapuan ng kaba nang sumandal siya at tumitig sa akin ng mataman.

"..--bibigyan kita ng isang daang libong piso, and you don't have to pay me back. Pero, may kondisyon ako." Pagpapatuloy niya.

Umayos ako ng upo at mataman siyang tinitigan sabay sabing…

"Okay! Sige! Kahit ano, basta.. huwag mong ibubugaw ang katawan ko. Ang perlas ng silanganan na nga lang ang maipagmamalaki ko ano." I said jokingly.

"Oopsie! Maybe, you have to give it just in case. In case you run out of options." Sabi niya habang siya qy natatawa.

"Jusko! Francesca Mae, ‘yan na ba ang pinapasok mong trabaho ngayon?! Ang maging bugaw? Idadamay mo pa ako diyan." Bulalas ko.

"Of course not! All you have to do is seduce Bernard Shane Santos, then kapag patay na patay na siya sa’yo, iwan mo na siya." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. “Easy, right?”

What?

"Bakit? I mean.. Bakit siya? Bakit kailangan kong saktan feelings niya?" Tanong ko.

"Because…”

Ilang segundo bago niya tinuloy ang kanyang sasabihin.

“...I just want you to play with him. Hahaha! That’s all! Silly me." Halakhak ni Francesca.

"Arggh! Kaibigan ba talaga kita?!" Saad ko at sinabunutan ang aking sarili.

"Yes! Kaibigan mo ako. I mean... frienemy." Then she smirked.

"Ayoko! Ayoko nito! Hindi ako papayag! Hahanap nalang ako ng trabaho ko ‘no! Iyong mas disente." Sabi ko at dinampot na ang aking bag.

"Okay, if you say so." Sabi niya at tumayo na rin.

Lilisan na sana ako nang magsalita siya ulit.

"But if your mind says yes, at kung napagdisiyunan mo ng um-oo sa offer ko, you already know the drill. You are free to call me anytime." Then she left.

Dapat ako ang unang aalis, hindi ba? Inunahan pa ako ng bruha. She's crazy! Ako? Will seduce that Bernard?! Over my dead sexy body!

Ni hindi ko nga kilala iyon at baka mas lalo pa akong mapahamak kapag nalaman niya na pinaglalaruan namin siya.

Kaya naman sa mismong araw na iyon, naghanap na ako ng trabaho. And guess what? I failed. First attempt pa lang naman iyon kaya hindi ako susuko.

Sa ikalawang araw, nag-apply ako bilang isang sekretarya sa isang kumpanya ngunit nang makita ko ang magiging boss ko, I intentionally messed up my interview. Mukhang mas siyang hindi katiwa-tiwala ang itsura niya kesa sa binabalak ni Francesca.

Hanggang sa isang linggo na ang nakalipas, wala akong nahanap na matinong trabaho. Pati ns nga ang pagiging dishwasher ay pinapatos ko na ngunit ang sabi sa akin ay overqualified daw ako.

Naisip ko rin na hindi naman ako matutulungan mabuhay ng pagiging isang dishwasher sa sitwasyon kong ito, at hindi ko rin naman mababayaran ang isang daang libong piso sa pagiging dishwasher in just a snap.

Payapa akong nagpapahinga sa balkonahe ng aking bahay na tanging ibinigay ng stepmother ko bago niya sinimot ang lahat ng ari-arian ng aking ama.

Ilang sandali lamang ay pinaghahampas ng kung sino ang gate.

"Hoy! Bianca Laxa! Lumabas ka dyan! Huwag mo akong taguan! Isang linggo na ang lumipas kaya magbayad ka na ng utang mo!" 

Sa sobrang lakas ng boses niya parang mapuputulan na siya ng ugat sa leeg.

Pinagbuksan ko naman siya ng gate at dali-dali naman siyang pumasok ng bahay ko.

"Tapos na ang isang linggong palugit! Nasaan na ang bayad?! Balak mo pa akong taguan ha!" Bulyaw niya sa akin.

"Hoy manang! Hindi kita tinataguan at hindi din kita tataguan ano! Kung ayaw ko lang magpakita sa’yo edi sana hindi na kita pinagbuksan ng gate!" 

Hindi ko na rin napigilan ang sumigaw. Kainis kasi, napaka nagger!

"Pilosopo ka pa! Bayaran mo na ang utang mo nang matapos na ito!" Sigaw niya.

Mas lalo ko naman nilakasan ang boses ko. "Manang! Hindi mo ba pwedeng hinaan 'yang boses mo?! Hindi naman ako nasa kabilang bundok ha!!!" 

Kung labanan pala ito ng bunganga, eh aba! Hindi ako magpapatalo ano!

"Hay nako! Magbabayad ka ba o ipapakulong kita?!"

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Nako! Wala pa akong matinong trabaho. Instead na magtaray ako e nginitian ko siya.

"Hmm. Manang, alam mo magbabayad naman talaga ako," Sabi ko at inakbayan siya.

"Iyon nga lang wala pa ho akong trabaho. Alam mo namang kaka-graduate ko pa lang, 'di ba? Kaya kung pwede sana habaan mo muna ang palugit ng..--"

"ANO?!" 

Sigaw niya at lumayo sa akin. Ako naman itong napakamot ng ulo.

"Hihingi ka na naman ng karagdagang palugit?! Aba, hija! Dapat ka yatang parangalan ng Ms. Deadline nang magising ka sa katotohanan! Hindi! Kailangan mong magbayad ngayon! Sige, kahit magkano lang!"

Sana naman ay makuha siya sa pagmamakaawa.

"Please, sige na ho. Masyadong malaki ang one hundred thousand para bayaran ko ng isang bagsakan." Sabi ko at hinawakan ang kanyang kamay.

Binawi naman niya ito at tuluyang pumasok sa bahay ko.

"May dalawang choice ka naman e. Una ay ang magbayad ng cash, ikalawa kukunin ko lahat, lahat ng gamit mo dito. "

Napaawang ang aking bibig sa aking narinig.

"A-ano?! Hindi ho pwede! Huwag naman po ang mga naipundar ko nagmamakaawa po ako sa inyo."

Umirap siya at inilahad niya ang kanyang palad. Ano 'to? Hahalikan ko palad niya? Pagkatapos ay abswelto na?

"Kung ganon ilagay mo dito sa palad ko ang isang daang libong piso."

Tuluyang nanghina ang aking kaloob-looban. Ano ba 'yan! Lamunin nalang sana ako ng lupa. 

All you have to do is to seduce Bernard Shane Santos.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Francesca.

I shook my head. Pero kung hindi pa ako hihingi ng tulong kay Francesca e tuluyan na rin namang mawawala ang mga gamit ko. Maaari naman sigurong mag request nalang sa kaniya ng iba pang kondisyon 'di ba?

"May tatawagan lamang po ako sandali." Paalam ko.

Lumayo ako ng konti and I dialed Francesca's number.

"Please, pick up your phone." Aligaga kong sabi habang hinahawakan ang aking labi.

"Hello?" sabi ng nasa kabilang linya.

"Hello, cesca!? It's me, Bianca."

“Oo na ba 'yan?"

Huminga ako ng malalim bago ko siya sinagot.

"Yes?" nag aalinlangan kong sagot sa kanya, at halatang halata boses na mukhang hindi ako sigurado sa pinasok ko. "Kaya pumunta ka na dito sa bahay ko." Sabi ko at tumikhim.

"Okay, are you really sure? Kasi you sound annoying.”

Dalawa lang naman ang ibig sabihin ng “annoying” sa kanya. It’s either literal na bwisit lang siya sa’yo or dahil hindi ka sigurado sa mga sagot mo sa kanya.

Francesca hates those kinds of people who aren't clear with their mind and words. Kung ano ang sinabi mo, gusto niya ‘yun na ‘yun.

“Sigurado na ako, Francesca.” I assured her.

“Okay, but let's meet later nalang. I'm kinda dizzy, I still have a hangover."

"Kailangan ko na ngayon, binubulahaw na ako ng matandang manang na ito." Sabi ko at umirap.

"Fine, fine! Tell her that I'll be there within twenty minutes." Sabi niya at ibinaba na ang tawag.

Huminga ako ng malalim. O God! Ano itong pinapasok ko. Help me!

"Ano na?! Ipapahakot ko na ba ang mga gamit mo?! Naiinip na ako" reklamo niya.

"Darating na ho ‘yung magbabayad sa inyo, within twenty minutes daw." Sabi ko at maingat na umupo sa harapan niya. Kabado pa rin.

Nang dumating na si Francesca ay pusturang pustura ito at may sunglasses pa. Siguro ay may bakas itong babaeng ‘’to ng eyebags sa kanyang mga mata. May hangover nga ang loka.

Hindi naman mahaba ang naging transaksyon nila at kaagad ay natapos din. Binigay lang ni Francesca ang cheque pagkatapos niya itong pinirmahan. Tapos na.

Nagpapasalamat ako dahil kaagad din na umeskapo ‘yung matandang nagger na iyon.

"So, tayo naman. Pag usapan natin ‘yung deal."

Feeling ko ay end of the world na nang maglahad siya ng mga dokumento sa aking harapan.

"Pirmahan mo iyan." Utos niya.

"Teka, teka! Hindi ba pwede na ibang kondisyon na lang ‘yung ipagawa mo sa akin?” Tanong ko.

Inalis niya ang kanyang salamin at matalim na tumitig sa akin. Para bang 5% na lang ang pasensya niya sa akin.

“ Oo na nga, hindi naman ako mahirap kausap." Sabi ko at inirapan siya.

"Just sign it or else I'll get the cheque from that old hag."

"Oo na, oo na! Teka lang, okay?” sabi ko at dinampot na ang ballpen sa mesa.

Akmang pipirma na ako ngunit naisipan ko na pakiusapan siyang muli.

“One last time, baka pwede mong palitan ang kondisyon mo? Hindi na ba mag-iiba?" Tanong ko.

Inirapan niya ako at binunot ang kaniyang cellphone. She's talking to someone.

"Yah, it's me. I want you to invalidate a cheque. Yes, I'll send you the information later..--"

"No! Heto na, pipirma na ako." sabi ko at kaagad na pinirmahan ang dalawang papel na nakalahad sa aking harapan.

Pinatay niya ang tawag at biglang iniharap ang cellphone sa aming dalawa. She clicked the white button to capture me and herself holding the contract I signed.

"So, your job will be starting tomorrow." Sabi niya at sininop ang kontrata.

May kopya siya at may kopya rin ako.

“Good luck, frienemy!” sabi niya at hinalikan pa ang aking pisngi.

Lumisan na siya at naiwan ako na mag-isa. This is hard for me tho.

Pero, bukas na  talaga ang umpisa ko? Paano ko gagawin iyon? Ni hindi nga ako kilala ng lalakeng iyon, at saka paano? Mag a-apply pa ba ako ganun o si Cesca na ang bahala? Paano ko din ‘yun lalapitan? Eh sa buong buhay ko isang boy friend lang ang nagkaroon ako, ghosting pa ang nangyari.

Huminga ako ng malalim, as in sobrang lalim.

Tomorrow will be the end of my world.

I will be SEDUCING THE SEDUCER.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status