Share

Chapter 2

Seducing Begins

Nagising ako ng alas siyete ng umaga at kaagad na bumangon. Kinapkap ko ang aking cellphone kung saan ito naroon at nakita ko naman ito kaagad.

May ilang text si Francesca ngunit hindi ko muna ito binuksan dahil abala ako sa pagluluto at paghahanda ng isusuot.

Pagkatapos ng aking what-so-called daily routine, kaagad na akong nagbihis at nag-ayos. Light make up lamang ang aking nilagay. Pagkatapos kong kumain saka ko pa lang kinalikot ang ang aking cellphone.

Pagkabukas ko sa mensahe ni Cesca, her message shocked me. 

From: Francesca

Bruha! Wake up! You have your job na! Yeeey! Ang galing ko 'no? Magtatrabaho ka na kay Bernard! Take note ha, siya ang CEO ng Schneider's Watch Company, May work ka na! As in ngayon na mismo! Sana naman ay kaagad mo itong nabasa dahil nine o'clock ang umpisa ng trabaho mo bilang isang sekretarya niya. Ayun lang naman, Good luck, frienemy! 

Ps. Wear the sexiest outfit you have para mas madali siyang akitin! Hahaha xoxo

At may emoji pa itong kiss! Talaga naman, Cesca! Samantala, ang ikalawang mensahe naman ay naglalahad kung saan ang address ng kumpanya na papasukan ko. Putcha! Alas otso y media na! Malalate na ako! Susmaryosep! Maling mali na hindi ko pinansin ang message niya.

Argh! So stupid!

Pagdating ko sa highway e kaagad kong pinara ang taxi na unang nakita ko. Hingal na hingal akong pumasok sa loob ng sasakyan.

"Manong, sa Schneider's Watch Company ho!"

Kaagad naman na pinaharurot ni manong ang taxi. Jusko, Lord! Unang araw ko pa lamang ay masesesante na yata ako. Huwag naman sana! Kung hindi yari ako kay Cesca, o baka patayin pa ako ng babaeng iyon!

Pagkababa ko ay kaagad kong itinanong kay manong guard kung saan ang opisina ng CEO ng kumpanyang ito. Nang maituro na niya ay kaagad ko itong tinahak.

Jusmiyo marimar! Kay taas naman pala ng building na ito!

Narinig ko na ang tunog ng elevator hudyat na nasa ika-labing anim na palapag na ako ng gusali..

Nang makita ko na ang nakapaskil sa labas ng pintuan ay kaagad akong napatikhim.

BERNARD S. SANTOS

CEO

Is this the door to hell? Nanlalamig ang mga paa ko na para bang isasalang ako sa Escape Room at ang tanging paraan para makalaya ako sa hirap na ito ay ang mamatay.

I shook my head and I started to calm myself.

Bianca, breathe in -- breathe out. Kaya mo ‘to! Para sa kinabukasan mo!

Kumatok ako ng isang beses at nang marinig ko na ang kanyang boses ay saka na ako nagpasya na pumasok.

Namataan ng aking mga mata ang lalaking nakaupo sa swivel chair, nakataas ang buhok, at nakatuon ang tingin sa mga papel na nakalatag sa kanyang lamesa.

Inangat niya ang kanyang tingin nang maramdaman niya ang aking presensya.

"Who are you and what do you want?" Tanong nito kaagad sa akin.

"I..I am your new secretary, Mr. Santos." 

Yes, I stammered. Sheez! I am fucking nervous! Baka mamaya alam pala niya ang plano namin ni Cesca at idemanda ako nito. Mas masahol pa sa pagkabaon ko ng utang iyon.

"Are you just gonna stare at me all day, Miss...?"

Napaayos ako ng tayo at ngumiti sa kanya. "Bianca, sir. Bianca Olivia Laxa." Ngiting ngiti kong pakilala sa aking sarili.

"Kay, Bianca. That table is your workplace," Sabi niya at tinuro ang mesa malapit sa pintuan.

“And please keep the door shut.” Dagdag niya at ipinokus na ang sarili sa mga papeles na nakaladlad sa harapan niya.

"Okay sir." Sabi ko at inilapag ang aking bag sa mesa, pagkatapos ay sinarado ko naman ang pintuan.

Teka, tama lang ba na dito sa loob ng opisina niya ako mag stay? Hindi ba at dapat sa labas ako?

It’s weird and I am feeling weird.   

Ilang minuto na akong nakaupo samantalang siya ay busy pa rin sa pagpirma ng kung anu-ano. Nakaramdam ako ng inip. Iseseduce ko na ba siya or what? Kasi, mukhang hindi niya ako papansinin kapag ngayon ko ginawa habang may ginagawa siya. Ahh! Shit! Cesca, ano ba itong pinapagawa mo sa akin! Ni wala nga akong karanasan sa ganitong bagay!

Kaya naman nagpasya na akong tumayo at lapitan siya.

"Sir, do you want me to fix you a coffee?" Tanong ko.

Imbis na sagutin ako ay deadma lang ako sa kanya. Ay putik! Hangin kausap ko ganun?! Am I not that attractive enough para hindi niya pansinin? Nakakawala ng confidence ha, in fairness!

"Ugh.. Sir, do you want black coffee or a coffee with cream?"

Medyo nilakasan ko na ang boses ko nang mapansin na niya ako. Kailangan kong magpapansin, kailangan ko siyang bigyan ng magandang impression para mas mabilis ang usad.

"Blue." Sagot niya nang hindi nakatingin sa akin.

Ano daw? Blue? Blue coffee? Meron ba nun ng ganun dito? Pinagtitripan ba niya ako? Ano ba? Nandito ba ako dito bilang sekretarya niya o display lamang?

"S-sir?" Tanong ko na hindi maiwasan ang pagkalito.

Nawindang naman ako sa pagtayo niya at pagharap sa akin ng seryoso ang mukha, kaya ako naman ay na paatras. Umupo siya sa harapan ng table niya at humalukipkip.

"I said blue -- blue coffee. If you can't find a blue one..."

Hinintay ko ang katuglong nito. Ewan ko ba kung bakit lumalakas ang sipa ng puso ko.

"--then, you'll be my coffee." Pagpapatuloy niya.

What the eff! Napaawang ang aking bibig sa sinabi niya! Hey wait! Is he seducing me?! I think this is it, seducing the seducer! I have to grab this opportunity!

"Speechless?" Nakangisi pa itong lumapit sa akin.

"N-no…" 

Actually, yes. Hindi ko kinaya ‘yung move na ‘yon. Jeez! He is a total expert! Samantalang ako wala, eto, tamang hula lang pano mang seduce. Aba’y malay ko ba! Oo, nagka boyfriend na ako pero never pa naman ako nang akit ng lalake!

"You're just wasting my time." Sabi niya at bumalik na sa kanyang swivel chair at nag simula na basahin muli ang mga dokumento na kanina pa nakalatlat sa kanyang table.

Stupid, Bianca! That was your chance! He almost did the first move! Stupid! Stupid! Stupid!

Pinilig ko ang ulo ko at umupo sa upuan ng harapan ng working table niya.

"Uhm, ano na lang po. May maiitutulong po ba ako sa inyo dyan, sir?" 

Inangatan niya ako ng tingin, matagal at mataman.

Bakit ba kasi nakakaspeechless ang pagmumukha nito? He is not ugly, okay? I admit! Actually, he is... handsome. Like, really really handsome that anyone could give up everything just to be with him.

No! Bianca! Focus ka lang sa goal, focus ka lang sa usapan niyo ni Cesca!

"I can do this without you. Just stay there and wait for my command." Sabi niya na nakatitig pa rin sa akin.

Hindi na ako nagsalita pa at tumango nalamang.

And for the very first time mula kanina, he smiled at me. Kakaiba, like he is already doing the work for me. It feels so weird. We, di nga? Weird nga ba or it's just me?

Nanatili naman akong nakaupo sa harapan niya. Not literally in front of him, okay? I mean, same place -- sa harapan ng working table niya.

"Kaibigan ka ba talaga ni Francesca?" Tanong niya bigla. Hindi tulad kanina e titig na titig siya sa akin, ngayon ay  nakatutok ng muli ang kanyang mga mata sa mga papel na hawak nya.

"Yes, sir. Kaibigan niyo rin po ba siya?" Tanong ko.

"Nope. Not really, I don’t know? Friend slash enem, I guess?" Sabi niya.

"Oh! If that is the case, pareho tayo ng trato sa kanya." masigla kong sabi.

“You mean?”

“Frienemy!” natatawa kong sagot.

He chuckled and then he nodded.

"Yes? Maybe that is the perfect term."

Sininop na ni Bernard ang mga papel na nasa kanyang harapan at nilagay sa isang box. Pagkatapos ay pinag siklop niya ang kanyang mga daliri at muli niyang itinuon ang mga mata niya sa akin.

I'm starting to get nervous. First day ko pa lang but my hands are trembling as hell. Ano pa kaya ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw? Makaka survive ba ako sa trabahong ito?

"So, where does my secretary live?" Usisa niya.

"House?" Medyo sarcastic ako sa pagsagot.

He chuckled

"Nice try,” sabi niya at umiling-iling pa.

“Seryoso nga, saan ka nakatira?"

"Sa may subdivision lang near the mall." Diretso kong sagot.

Yung totoo? Parang na hire lang ako dito para makipag chikahan sa kanya. Inip lang ba ‘to sa buhay o ano?

Patango tango lang naman siya nang sumagot ako. Pero out of the blue niya akong tinanong kung pwede ko daw ba siyang dalhin sa bahay ko.

"Can you take me there?"

Napa kunot naman ako ng noo sa kanyang sinabi. Dadalhin ko siya doon? Sa bahay ko? Bakit? Na we-weirduhan na talaga ako sa taong ito. Hindi kaya serial killer ‘to? Aaaah! Kailangan ko munang tanungin itong si Cesca tungkol sa lalaking ‘to. Baka mamaya e makita na lang ako sa balita na natagpuan sa bahay ang malamig kong bangkay.

"Uhm, hindi pa ho maayos sa bahay, sir. I’ll let you know po kaagad kapag ok na para maka pasyal kayo." sabi ko na may pag aalinlangan na ngumiti.

“If you think na may gagawin akong masama sa’yo, you’re wrong.” sabi niya at tumango tango pa.

“I just wanna know kung saan kita pwedeng puntahan kapag may emergency.” pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay saka siya tumayo at umupo sa kanyang table.

Yep, I am facing his back right at this moment.

“Hindi ba sinabi ni Francesca sa’yo na hindi lang kita sekretarya dito sa opisina kung hindi maging sa personal matters ko?” sabi niya na nakatalikod pa rin.

Wala nga niha-niho na sinabi ang babaeng ‘yun e! Basta pag gising ko may trabaho na ako at lahat.

“I guess wala nga syang nabanggit sa’yo.” sabi niya at muli na humarap sa akin.

“Nabanggit din ba niya sa’yo kung bakit out of the blue ako na nangailangan ng sekretarya? Kung bakit natanggap ka kaagad without prior interview or any kind of professional process?”

Naputulan naman ako ng dila sa mga sunud-sunod na tanong sa akin. Teka naman! Ni hindi ko nga alam kung bakit kailangan kong pa-in love-in sa akin ang Bernard na ito e! Wala din akong ideya kung bakit nangyayari ‘to sa buhay ko.

“Wala kang alam? Hindi ka ba nagtataka kung bakit first day mo na ngayon kahit na kahapon ka pa lang itinawag ni Francesca?”

Mahina ako sa mga ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung hinuhuli lang ba nya ako o normal na tanungan pa ito.

“B-basta ang sabi niya kailangan niyo ng sekretarya, at ako naman ay kailangan ko ng trabaho dahil may binabayaran ako kaya nagpatulong na din ako sa kanya na maghanap ng trabaho para sa akin.”

Matagal bago siya sumagot, at kung gaano siya katagal nanahimik ay ganoon din niya ako katagal tinitigan.

“I guess you don’t know everything about your friend Francesca.” sabi lamang niya at muli ng umupo sa kanyang swivel chair.

“Anyway, ano? Punta ako sa bahay mo, I just need to know the way. Kung gusto mo para sure e hindi na ako papasok.” sabi niya at saka sumandal sa kanyang swivel chair sabay inikot niya iyon.

“O-okay? Kailan naman po, sir?” tanong ko.

Ilang ikot din ang nagawa niya sa kanyang swivel chair. In fairness ha, ako ang nahihilo sa ginagawa nya.

Isang ikot pa ang kanyang ginawa at nang huminto ito ay saka na siya nagsalita.

"Later." Maikli niyang sagot.

Later? As in… mamaya?

"I just wanna see how poor my secretary is."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kaya naman ay hindi ko maiwasang pagsalubong ang aking dalawang kilay.

"Kidding, pinilosopo mo kasi ako kanina.” sabi niya na patawa-tawa pa.

“So, are we good for later?" Tanong niya at nagsalumbaba sa mesa.

"Sige po, sir." Sang ayon ko.

Umusad ang oras at ang tangi na ginawa lang namin ay ang magkwentuhan.

Okay naman pala itong trabaho ko e. Susweldo ako ng dahil lang sa pagkukwento sa talambuhay ko, bayad pa ako sa utang ko.

Sana ay araw araw ganito nalang. Tunog abusado pero anong magagawa ko e nangangailangan ako.

"Wala ka rin namang sasakyan, sumabay ka na sa akin sa pagpunta sa bahay mo. Saka, alangan namang sundan ko ‘yung taxi or jeep na sasakyan mo hindi ba?" Sabi niya.

Kung iyon ang gusto niya edi sige, hindi naman ako mahirap kausap. Malilibre pa ako sa pamasahe ko.

Nang makarating na kami sa aking bahay, kahol ng mga aso ng aking kapitbahay ang una namin na nadinig.

"Tss, dogs are so noisy. Why don't you just move out from here and get another house? Iyong wala kang kapitbahay na may asong maiingay." Reklamo niya.

"Huwag na 'no, sir. Sanay naman na ako, at saka huwag ka ng magreklamo dahil hindi naman ikaw ang titira rito." Sabi ko at binuksan na ang gate.

Akmang papasok siya nang buksan ko ang gate ngunit pinigilan ko ito.

“Akala ko ho ba hanggang dito lang sa labas?”

“Talaga ba, Bianca Olivia? Talagang tinandaan mo ‘yun?” sabi niya at humalukipkip sa aking harapan.

“Sabi nyo po kanina e.” natatawa ko namang sagot sa kanya.

“Okay, fine. Mauna na ako.” sabi nito at tinalikuran na ako.

Nanatili naman akong nakatayo sa labas ng gate. Papasok na siya sa kanyang sasakyan ngunit lumingon itong muli.

“Wala ka talagang balak na papasukin ako?”

Natawa naman ako sa kanyang inasal. Hindi lang pala weirdo itong boss ko, kung hindi ay makulit din.

Sinenyasan ko sya na sumunod na sa akin sa loob. Nauna ako na maglakad sa kanya hanggang sa sala.

Pagpasok namin ay kaagad din kaming natuloy sa loob ng bahay.

"Anyway, what I suggested to you a while ago is just for your own sake, Bianca Olivia. Paano na lang kung pagod ka at hindi ka makatulog ng maayos dahil sa kahol ng mga aso bawat may tao na dumaan rito?"

Nginisian ko naman siya. "Why is it so big deal to you, sir? Hindi na kailangan 'cause as what I've said ay sanay na ako. Hindi naman ikaw ang mapupuyat kung sakali." Sabi ko at itinaas ang kurtina na nakalaylay. Para presko lang.

Hindi naman kasi air conditioned itong bahay ko, at mukhang sanay pa naman itong boss ko na nasa mapreskong lugar.

"Just saying, sekretarya kita e. Inaalala ko lang ay baka mapuyat ka at hindi makapasok ng maaga tulad lang ng kanina." Paghahalungkat niya.

"About that po, I am really sorry for being late, sir. Hindi ko po kasi alam na alas nuebe ang umpisa ko. Ang akala ko ay mag-uusap pa kami ni Cesca." Sabi ko.

"..-nga pala, sir, gusto mo ba ng maiinom? Pasensya ka na kung juice lang ang makakaya ko." Alok ko na rin.

"No, thank you. About kanina, wala ‘yun. But next time, kailangan mong maging maaga, dapat ay mauuna ka pa sa akin. I do not tolerate tardiness, and please stop calling me sir outside the office. Let us treat each other as a close friend since hindi naman tayo nagtatrabaho ngayon." Sabi niya at nginitian ako.

"But sir, that is my way of showing respect to you as my boss. Sa loob man ng office or sa labas. Para maiwasan na rin na maisyu sa ibang mga empleyado at baka akalain ng iba ay feeling close ako sa inyo." Pagdadahilan ko.

Actually, I’m just acting cute. Sinusubukan ko lang kung gagana ba ang innocent charms ko sa kanya.

"Tss. Don't mind them, avoid calling me sir or else..."

Napatikwas naman ang aking kilay at nasagot ko siya ng... "Or else what, sir?"

Instead of responding to my question, Bernard immediately grabbed my nape and he freaking kissed me. O shit! Tila na paralyze ako sa kanyang ginawa. Nanatili na mulat ang aking mata habang nakadampi pa rin ang napaka lambot niyang labi against mine.

I was shocked when he pulled me closer. Unti-unting kinain ng iilan niyang hakbang ang katiting na distansya na namamagitan sa amin.

Now, his lips are asking my lips to go along with its flow. This is my chance to seduce him, that is why I let him in.

I gave in.

Pinuno niya ng mapusok at marubdob na halik ang aking labi. Oh my! Ilang years na nga ba ako na hindi nakatikim ng halik? For the record din, never pa akong nahalikan ng ganito kabigay. 

Naghiwalay lamang ang aming mga labi nang bumagsak kami sa ilalim ng sofa. E sa katangahan at kapusukan namin, imbis na sa sofa ang bagsak namin e nag tuloy-tuloy kami sa sahig.

Napa daing ako sa sakit na naramdaman ko sa aking bewang. Pagkatapos ay napagawi ang aking tingin sa lalaking nasa tabi ko-- nakangisi at nakatitig ng napaka lagkit sa akin.

"W-what are you staring at, s-si--- I mean, Bernard Shane?" 

Napatayo ako at siya din ay sumunod, ngunit hindi nawawala ang ngiti niya sa kanyang labi. What the hell? Is he insulting me or what? I admit, hindi ako marunong humalik, pero at least nakasabay ako sa kanya kanina.

"Admit it, you liked my kiss." Sabi niya ng nakangisi.

Ang kapal ng mukha! He told me that as a statement! He didn't even ask as a question to me! Pero tama nga naman siya, nagustuhan ko naman.

"In fairness naman sa'yo no, Bernard Shane? Ang kapal ng fes mo." Sabi ko at inirapan siya.

"Bernard will do, don't... don't include the Shane." sabi nito at nag iwas ng tingin.

"Bakit?" Agad kong tanong.

"It's none of your business, Bianca Olivia." Sagot niya at tinalikuran ako.

Wow! Napaka bilis mag shift ng mood? Pagkatapos niyang halikan at  kagatin ang bibig ko… argh! Ano ba ang pinagsasabi ko!

"Aalis na ako." Sabi niya at diretsong lumabas ng bahay.

Ganun ganun na lang ‘yun?! Walang bye?! Pumunta ba siya dito para halikan ako at sungitan tapos de-deadmahin at iiwan? Akala ko pa naman ay may progress na ako sa lalaking iyon. 

Curse you BERNARD SHANE SANTOS!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status