Share

Chapter 3

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa opisina nang makabawi man lang ako sa pagiging late ko kahapon. Kahit ba puyat ako kagabi ay pinilit kong magising ng maaga. Paano ba naman e tumawag si Francesca para sa update ng first day ko sa opisina at magdamag kaming nagkwentuhan hanggang sa mawala na sa topic namin ‘yung Bernard na ‘yun.

But I cannot deny the fact that my boss is freaking hot and a good kisser. Isa din yata iyon sa dahilan kung bakit hindi din ako kaagad dinapuan ng antok kagabi. Hindi ko kasi alam kung maaasar ba ako o matutuwa kasi mukhang hindi ko na siya kailangan pang landi-landiin para maka usad sa plano.

"Ms. Laxa? Are you still with me?" Nagbalik lang ako sa wisyo ko nang magsalita si Bernard.

"Y-yes, sir. I'm sorry." Hinging paumanhin ko then I shook my head. 

"Kanina ka pa nakatunganga. Ang sabi ko ay kunin mo ang iba ko pang papeles kay Yvonne." Saad niya.

May halong iritasyon ang kanyang boses. Bad mood na naman siya! Ano bang kinaba-bad mood niya? Is it because of his nonstop works or because of what happened yesterday? Eh dapat nga ako ang ma-bad mood sa ginawa niya kahapon sa akin.

Biruin mo first day ko pa lang bilang sekretarya nya biglang may pag sunggab na siyang ginagawa. Ano ‘yun? Ganun ba siya sa lahat ng mga naging sekretarya nya? Napaka weirdo talaga.

Inabot ko na ang mga papeles, ngunit bigla kong nasagi ang pen holder niya at nahulog ang mga laman nito.

Mabilis akong yumuko at kaagad kong pinulot ang mga panulat at humingi ng pasensya sa kanya. Saglit kaming nagkatinginan at ngayon ko lang napagtanto na nakalitaw pala ang cleavage ko kaya naman kaagad uminit ang aking pisngi. Dali-dali akong umayos ng tayo at inilapag ang pen holder ni Bernard sa kanyang working table.

Tatalikuran ko na sana siya nang hawakan niya ang aking kamay. His touches makes me shiver. Spare me, oh Lord.

"M-may kailangan pa ho kayo, sir?"

I can't help not to stammer! His eyes are tempting me. Kinakabahan ako dahil heto na naman siya sa aura niya na katulad ng kahapon.

"You." sabi niya kaya naman bahagya akong napa atras. 

Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin at irereact ko sa bawat sinasabi niya. Kung hindi lang talaga dahil sa utang ko e hindi ako naiipit sa ganitong sitwasyon.

"I don't know if you are seducing me or... it's just me who is fantasizing about you." he said.

Sheez! He's fantasizing about me?

"Ugh.. Haha!"

Wala akong ibang nasabi kaya naman pinilit kong bawiin ang aking kamay.

"Sir, please stop fooling around. Sabihin niyo lang po kung may iuutos pa ho kayo sa akin or kung g-gusto niyo po ng coffee." sabi ko at akma ko ng babawiin ang aking kamay ngunit lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya.

"Hindi ba ang sabi ko.. if you're going to fix me a coffee I want a blue one. But, if you can't find that kind of coffee, then you'll be my coffee."

Tumayo siya at hinapit ako sa bewang. Shocks! Hindi ba’t ako dapat ang mang se-seduce sa kanya? Bakit parang ang lumalabas ay siya ang nang se-seduce!

"Teka, sir..--"

Idinampi niya ang kaniyang makinis at mabangong daliri sa aking bibig.

"And I told you too, not to call me sir if nobody's around."

Lalong humigpit ang kapit niya sa aking bewang gamit lamang ng isa nyang kamay. Can I take this as a chance? Go signal ko na rin ba ito to seduce him? Kung ise-seduce ko man siya, hindi ko din alam kung anong susunod kong gagawin.

I’m confused! Paano kung madala ako sa tukso at pagkatapos ay ako ang mapaglaruan niya? Hindi pwede ‘yun! 

Napaka lapit na namin sa isa't isa at tila ang kasuotan lang namin ang siyang nagbibigay ng distansya sa amin.

Mabilis akong ginapang ng kaba nang papalapit na nang papalapit ang mukha niya sa akin. Kaya naman inilapat ko kaagad ang aking kamay sa kanyang dibdib hudyat upang magkaroon kami ng kahit one inch space man lang.

"Uhm, s-sir...--"

Muli pinatigil niya ako hindi gamit ng kanyang daliri kung hindi gamit ng kanyang halik. Sheez! Parang kaagad na akong na sakay papuntang langit. I hate to admit but it drives me crazy.

Gumanti ako sa kanyang maiinit niyang halik. He cling my hands on his shoulders. Hindi ko maiwasan na ilapit pa siya ng mas malapit sa akin. I’m drowning!

"Hmm." He moaned between our kisses.

Nakapikit siya habang dinadama ang bawat dampi ng aming mga labi sa isa't isa. Iniupo niya ako sa kanyang working table. He doesn't even care if his documents have fallen.

Naramdaman ko ang kanyang kamay na pahaplos haplos sa aking hita. Shit! Kinakabahan ako pero I don't want to miss this chance na maging close kami at maisakatuparan ang usapan namin ni Cesca.

*knock knock*

Mabilis ko siyang tinulak nang marinig ko ang katok sa pintuan.

"Darn it!" Mura niya.

Saglit kaming nagkatinginan nang magpasiya na ako na umalis na sa kanyang table. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang awkward ng posisyon namin.

Inayos namin ang aming sarili -- ako, I fixed my blouse at siya naman ay inayos niya ang kanyang necktie and then his hands run to his hair dahil nagulo ito sa pagkakasabunot ko.

Naglakad na siya patungo sa pinto samantalang ako ay pinulot ang mga nagkalat na papel. Mabilis ko lamang iyong ginawa then I rushed towards my table.

"Oh! It's a miracle, Bernard? Akala ko ay ang sekretarya mo na naman ang magbubukas ng pinto para sa akin, but look at you now. People change constantly. Real quick!" sabi ng babae.

"What do you want?" Malamig na tanong nito sa bisita.

"Nothing. I just wanna check you kung ok ka lang." malambing niyang sabi at umangkla pa sa braso ni Bernard.

Ilang sandali lamang ay mukhang naramdaman na niya ang presensya ko. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa akin.

"Who is she? New secretary?" Usisa nito.

"Yes, Jasmin." sagot naman ni Bernard.

So, Jasmin pala ang pangalan ng babaeng ‘to? Malabulaklak nga ang ganda niya ngunit para saakin ay isa siyang pitcher plant dahil sa sobrang luwang ng bibig. Geez! Sorry for the word, hindi ko lang siya vibe.

"Can you please stay outside for a while, Ms. Laxa?" Sabi ni Bernard.

Kaagad naman akong tumalima sa kanyang utos.

“Bago na naman? What happened dun sa isa? Hindi ba’t wala pang one week ‘yun?” dinig ko na tanong ni Jasmin bago ako tuluyang makalabas ng opisina.

Dumeretso ako sa cafe sa ibaba ng building, bumili ako ng mineral water nang ma-refresh naman ako sa napakainit naming tagpo kanina ni Bernard. Pero teka lang, so ‘yung sekretarya niya bago ako e one week palang resigned na agad?

Hindi kaya kasalanan ni Cesca kung bakit nawalan ng trabaho ‘yun para lang sa plano namin? Naku!

"Hi. Pwedeng maki upo?" tanong ng isang lalake na nasa harapan ko.

"Sige lang." sagot ko kahit na nakikita ko na maraming vacant table pa na pwede niyang upuan.

Kumain siya sa harapan ko samantalang ako ay nainom lamang ng tubig.

"Bago ka rito?" Tanong niya.

"Oo."

Tumango tango siya at sumubo. Halos lagpas na siya para sa pananghalian pero mukhang ngayon pa lang siya kumakain ng kanyang panaghalian. Kung kakain man ako ng ganitong oras e merienda na iyon para sa akin.

"Ano nga pa lang pangalan mo?" Tanong niya habang nanininga.

"Bianca.” 

"Anton nga pala. Anthoney." Sabi naman niya sabay ngiti.

He extended his arms to shake hands with me and I casually accepted it. 

"Hindi ba't office hours niyo ngayon? Anong ginagawa mo dito?" Usisa ko.

"Di naman talaga ako nagtatrabaho dito. I'm a freelance model, at may shoot kami sa taas." Sagot niya.

"Shoot? Para saan?" Napataas pa ako ng kilay.

"Shoot. Parang, beng beng!" Sabi niya. Umasta pa siyang bumabaril at pagkatapos ay humalakhak pa.

"--hahaha! Kidding. Shoot for the new release of brand new watches." Dagdag niya.

"Kung model ka lang pala, bakit mo natanong na bago ako dito? I mean.. kilala mo ba lahat ng empleyado rito?" Tanong ko.

"Not really, pero ever since kasi ay ako na ang nag mo-model ng mga watches nila. Kaya medyo familiar ako sa mga pagmumukha nila dito. My mom and Ms. Schneider I mean.. Mrs. Santos na pala. Well, they are best friends. Tutol pa nga iyong anak-anakan ni tita Amalia na ako ang maging model" sabi niya.

Amalia... I hate that name. Sounds like a negligent mother.

Tumango tango naman ako.

Si Bernard siguro ang tinutukoy ng lalaking ‘to, pero bakit naman kaya ayaw niya sa kanya? Gwapo naman itong si Anton. Hindi siya kalayuan kay Jamie Dornan, matikas ang katawan. Insecure lang siguro siya. Pero di din naman lumalayo ang level ni Bernard sa Anton na ‘to.

"Mauuna na ako at baka hinahanap na ako ng boss ko." Sabi ko at tumayo na.

"Saan ka ba? Sabay na tayo" sabi niya at humabol sa aking paglalakad.

"Sekretarya ako ni Mr. Santos."

Wala naman na siyang sinabi pa pagkatapos at sumabay na lamang siya sa akin hanggang sa elevator. Tinanong ko nga siya kung bakit napakalate niyang kumain. Ang sagot naman niya ay ayaw niyang makisabay sa mga pamintang make up artist at photographer. Napaka arte ‘di ba?

Ano naman kayang problema niya sa kanila? Being in a third-sex community is not contagious, and making them suffer in an inhumane way is not acceptable. They deserve to be respected and treated equally. Just like the rest of us, they are born with a heart which beats the same way.

Unless hinaharass siya. May karapatan siyang magalit kung ganoon.

Tumunog na ang elevator hudyat na nasa ika-labing anim na palapag na ako. Ikinagulat ko pa ang dalawang tao na nasa tapat namin. Si Bernard at 'yung Jasmin.

"Bye, Shane." Sabi nito at humalik pa sa pisngi ni Bernard.

"Oh! Kuya AJ!"

Pati ba naman si Anton ay kilala ng babaeng 'to?

“Hi, Jas! Kumusta?”

"Bye, Bianca." paalam naman ni Anton sa akin nang lumabas na ako sa elevator at si Jasmin naman ang sumakay.

Nakatingin lamang si Bernard sa akin hanggang sa makalabas na ako ng elevator, ni hindi ko nga nakuhang magpaalam kay Anton. 

Nang maramdaman kong nasa likuran ko siya ay huminto ako sa paglalakad. Baka sabihing inuunahan ko pa ang amo ko sa pagpasok ng kanyang sariling opisina.

"Why did you stop? May sasabihin ka ba?" Tanong niya.

"Wala po, sir. Gusto ko lamang po na mauna kayo sa pagpasok ng opisina ninyo." Sagot ko na hindi nakatingin sa kanya.

Buti ang Jasmin na iyon ay hinaayaan niyang tawagin siya ng Shane? Baka that Jasmin is really special to him kaya hinahayaan niya ito.

Bakit ba ako nag co-complain? Ano naman palang pakialam ko sa pangalan niya? Bianca focus sa goal!

"Go, lakad na. It doesn't matter kung sino ang mauna sa ating dalawa."

Hindi ko na siya nilingon pa at pumasok na sa opisina. Hindi kasi ako ang tipo na makikipag matigasan pa. Kaagad akong umupo sa aking table at nagsimulang kalikutin ang cellphone ko.

Wala nagtetext ni isa. Ano pa bang ine-expect ko?

"You know, Anton?" Tanong ni Bernard pag upo na pag upo niya.

"Yes, sir. Kanina lang po." Sagot ko naman.

"How come?"

Bakit ba tanong ng tanong? Baka naman pagbawalan akong lapitan iyon. Dahil ba isa siyang model at ako ay sekretarya lamang?

"Nagkasabay po kami sa cafe." Sagot ko ulit.

"He's a womanizer. Beware."

I know how to handle myself. Mukha ba akong easy to get?

Gustong gusto kong sabihin sa kanya iyan pero hindi ko magawa.

Tumango na lamang ako at nilaro ang aking ball pen.

"Si Jasmin nga pala, she's my childhood friend."

Gustong gusto ko ulit na sabihin sa Bernard na 'to na hindi ko tinatanong. Pero imbis na mawalan pa ako ng respeto e tumango na lamang ako.

"She's clingy. Hindi ko naman siya masisisi dahil na-spoiled ko siya."

Kairita ha! Hindi ko naman tinatanong kung childhood friend niya ‘yung babaeng na iyon, at mas lalong hindi ko rin tinatanong kung gaano siya ka-clingy at ka-spoiled brat. Ang totoo nga niyan e WALA AKONG PAKIALAM SA KANILANG DALAWA.

"Nga pala, may sasakyan ka ba mamaya? Do you want me to drive you home?" Tanong nito sa akin.

Napa angat naman ako ng tingin.

"Hindi na po, sir. Kayang kaya ko naman pong mag commute at hindi po kita driver, amo ho kita." Sabi ko.

"Don't be so hard to get, Bianca. Ako na nga itong nag o-offer sa'yo."

So, anong gusto niyang sabihin? Na magpasalamat ako sa kanya dahil ino-offeran niya ako ng libreng ride? Mukha niya!

"Thanks but no thanks, sir. Saka, may pupuntahan pa po ako mamaya."

"Do you have a date? Or something?"

Baki ba ang dami niyang tanong? Kung hindi ko lang ito amo e malamang sa malamang kanina ko pa siya inirapan ng inirapan at sinungitan ng sinungitan.

Teka nga, bakit nga kasi ako nagsusungit at nagpapakipot?! E trabaho ko nga pala ang i-seduce siya. Ang palay na ang lumalapit, Bianca! Wake up!

"Wala po, sir. M-may... may dadaanan lang po ako." Pagdadahilan ko.

"Saan ba?"

Oh my! Kanina lang ay napaka bad mood niya. Kulang na lang ay lamunin niya ang mga papel sa harapan nya na pinipirmahan. Ngayon naman ay napaka kulit at napaka matanong.

"Sir, sabi nga po pala ni Yvonne na may out of town meeting kayo this Friday. Doon daw po sa inyong resort sa Pampanga." Pag iiba ko.

"Ok.” sagot naman niya kaagad.

“May meeting lang ako saglit then I’ll head back home. Paano, isasabay na kita sa pag-uwi mamaya." Sabi niya at hinablot na ang suit niya at lumabas na ng opisina.

Wait! Hindi pa nga ako um-oo e! Argh! I don't know what's up to him. Bipolar ata itong lalaking ito. Pero sige lang, huwag kang mag pakipot Mr. Santos nang makuha ko kaagad ang loob mo.

Nag-ayos na ako ng gamit at nag pasiya ng umuwi tutal ay palubog na rin ang araw. Sa paglalakad ko ay nakasalubong ko si Yvonne na mag kasalubong din ang kilay.

"Sabi ni sir diretso ka daw sa parking lot 3. May iuutos daw siya sa'yo." Halatang iritable base sa pagbigkas niya ng mga salitang iyon.

"Ano daw?"

"Aba, malay ko? Bakit hindi ka nalang pumunta doon." sabi niya at inirapan pa ako.

Problema nun? Hindi naman ako manhid para hindi ko masense na mainit ang dugo niya sa akin. May mga tao talagang napaka attitude sa kapwa kahit wala ka namang ginagawa.

Pagdating ko sa parking lot ay nadatnan ko si Bernard na nakasandal sa kanyang kotse.

"What took you so long?" Tanong niya na nakakunot pa ang noo.

"Nag ayos pa kasi ako ng gamit. Ano po bang iuutos niyo?" Iritado na rin akong mag tanong.

"Get in."

Napakunot naman ako ng noo.

"I said, get in. Nasa loob." Sabi niya at sumakay na.

Umiling ako at sumakay na rin.

Nagulat naman ako sa biglaang pag-andar ng kotse. Shit! Naisahan niya ako!

"I told you I'll drive you home." Sabi niya ng may ngisi sa kanyang labi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status