Share

Chapter 4

Sa buong oras ng biyahe namin ay nanatiling nakabusangot ang aking mukha. Wala akong pakialam kahit na malukot ito ng bongga! Maganda pa rin naman ako.

"Happy lang." sabi niya at kinurot ang aking pisngi ng napakatagal.

"Aray ko naman!" Reklamo ko sa kanya at saka pa siya inirapan.

Wala naman kami sa opisina kaya sasabihin ko ang gusto kong sabihin. Susungitan ko siya kahit kailan ko gusto.

Teka, teka nga, bakit pala ako nagpapakipot e chance ko naman pala ito para mag dire-diretso na ang progreso ng plano namin ni Francesca at nang maiakatuparan ko na ang intensyon ko kung bakit ako nandito.

"I'm sorry. Your face looks fluffy to kaya na tempt akong kurutin." Sabi niya at ngumisi pa ang loko.

Inirapan ko na lamang siya at tinanaw ang labas ng bintana. Bakit ba parang ang layo ng papunta sa amin? Hindi ko alam kung mabagal ba talaga siyang magpatakbo ng sasakyan o ano.

At dahil sa puyat ako kagabi ay hindi ko na napigilan ang mga mata kong bumagsak.

Nalingat na lamang ako nang maramdaman ko ang napakalambot na kama at napaka komportableng comforter. Nanatiling nakasara ang aking mga mata at naramdaman ko ang paghampas ng malamig na hangin sa aking pisngi.

Lumalamig  na ba ang panahon? Teka… magsusummer pa lang hindi ba? Bakit parang sobrang lamig na?

Iminulat ko ang aking mga mata at nilibot ko ang aking paningin sa kwarto. Hindi ito ang kwarto ko! Ibig sabihin, hindi ito ang bahay ko!

Dali-dali akong lumabas sa kwarto at bumungad ang malawak na lupain na may iilang swimming pool. Saang lupalop kaya ako ng Pilipinas ako dinala ng Bernard na iyon?!

"Yes, I know... Jasmin.. Ugh, we will just stay here for two days! Kailangan ako dito sa Pampanga. Babalik naman ako..."

Hindi ko sinasadyang mag eavesdrop sa aking amo. Oo, si Bernard iyon, nakatalikod, topless at at nakapamewang pa. Bago pa ako ma mahuli ni Bernard ay minabuti ko ng umalis doon. Ngunit huli na ang lahat, nakita na niya ako.

"Bianca." tawag niya.

Napatalon naman ako sa gulat nang hawakan niya ako. Napaka lamig pa naman ng kamay niya.

"Grabe ka naman, sir! Huwag mo naman akong gulatin." Asik ko rito.

"I'm sorry." Sabi niya na nakataas ang dalawang kamay.

Hinawakan ko ang dibdib ko na napaka lakas ng kabog. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagkagulat o dahil sa mala Park Jimin niya na katawan na nasa harapan ko.

Ahhh! Ano ba, Bianca! Quit your naughty thoughts!

"Look, I'm sorry. Hindi ko naman alam na magugulatin ka pala." sabi niya na natatawa pa.

Kinilabutan naman ako nang kunin niya ang kamay ko na nasa aking dibdib.

"Uunahan na kita bago mo pa ako talakan. We're here in Pampanga, Bianca.” sabi niya.

Napa awang ang aking bibig nang malaman ko kung gaano kalayo ang narating namin.

“Remember? Dapat sa Friday pa itong meeting ko pero urgent daw kasi, and you are here with me because you are my secretary. Dapat lang naman siguro na sumunod sa akin ang sekretarya ko hindi ba?" Sabi niya na hawak-hawak pa rin ang aking kamay.

Tumango naman ako.

“Okay.”

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Naku! Baka bigla niyang marinig ang pag alburoto ng tyan ko. Kumalma ka lang at huwag mo akong ipahiya!

Ilang saglit lang ay hinawakan naman niya ang aking noo.

Napaiwas naman ako ng tingin nang dumampi ang kanyang palad.

"May sakit ka ba? Bakit namumutla ka?"

Wala akong ibang nasagot kundi "Ha?" lamang.

"Ang sabi ko, may sakit ka ba? Bakit parang amputla mo and you are having cold sweats." Ulit niya at kasunod niyang hinawakan ang aking leeg. Tila ba tinitimpla na ang temperatura ko.

"H-hindi. Wala naman akong nararamdaman..--"

Pinatigil ako sa pagsasalita ng aking kumukulong tiyan. Shit! Napapikit ako ng mariin dahil sa kahihiyan. Bakit naman hindi ka nakisama!

"Ahh, gutom ka na,” sabi ni Bernard nang natatawa at napa iling pa.

“Sumunod ka na sa akin dahil hindi pa rin naman ako kumain kaya magsabay na tayo."

Pumasok kami sa isang maliit na kainan sa loob ng resort na ito.

Tatlong putahe ng pagkain na ang kaagad nang nakahain sa lamesa. Sisirain ata ng lalaking ito ang aking diet.

"Eat plenty, okay? Nang hindi na magreklamo ang tiyan mo." Sabi niya sa akin at halatang nagpipigil ito ng tawa.

Iniwas ko naman kaagad ang aking tingin dahil sa kahihiyan. Talaga bang kailangan e ulit-ulitin niya iyon? Gosh!

Pagkatapos naming kumain ay sabay din kaming nagpahinga sa isang kubo. Tinatanong ko siya kung anong purpose ng pagpunta namin dito, at ang sagot lamang ng mokong ay: "Ang purpose natin dito ay may purpose ako" 

Hindi ko napigilan ang pagka-irita sa mga sinasabi niya. Nakakainis kasi! Nagtatanong ako ng maayos tapos ganun pa siya sumagot.

May iilan na empleyado ang dumadaan sa kubo at bumabati kay Bernard. Oo nga pala, kanila itong resort. Sa tanan ng buhay ko ay hindi pa ako nakapunta sa ganitong lugar dahil unang-una sa lahat ay hindi naman ako parte ng pamilya ng daddy ko para sumama sa mga outing nila. Ikalawa, busy ako dahil pinagsasabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho. At panghuli, bakit naman ako pupunta sa ganitong klaseng lugar kung mag-isa lamang ako, hindi ba?

Hindi ko tuloy mapigilan na ma pabuga ng napaka lalim na buntong hininga. 

"Problem?" He asked.

Umiling naman ako at ngumiti lamang. Maya-maya din ay nag pasya na akong bumalik sa aking tulugan. Gusto kong bumawi ng tulog dahil alam kong maraming ganap si Bernard bukas at kailangan ko ng lakas.

“You have clothes to wear in the closet.” habilin niya sa akin bago ako tuluyang maglakad papalayo sa kubo.

Pagpasok ko sa kwarto ay siya ring pag tunog ng aking cellphone.

Si Francesca, tumatawag.

"Hello? Gabi na, ah" bungad ko sa kanya at umupo sa gilid ng kama.

"Just checking you, my dear. Balita ko kasi ay nasa Pampanga kayo." 

Totoo ngang may tenga ang lupa, may pakpak ang balita. Napairap naman ako sa kawalan. Hanggang ngayon kasi ay naguguluhan pa rin ako kung bakit kailangan ko itong gawin. Naiinis din ako dahil ramdam ko na parang siya na lang itong kaibigan ko, at mukhang siya pa ang nag lalapit sa akin sa kapahamakan.

"Omg! This is your chance. Seduce mo na siya habang nandyan kayo. Oh My God! I can't wait to see Bernard Shane being a dog to you." saka pa siya humalakhak.

And again, I rolled my eyes as if she can see. Pero, may isa akong kinatatakutan.

"Cesca, what if I fall in love with him?" 

Ilang segundo rin siyang nanahimik. Dinig ko rin ang paghinga niya ng malalim sa kabilang linya.

"Look, Bianca. Loving him will just cost you a broken heart." 

Kumakabog ang aking dibdib sa narinig ko. Bakit ko nga ba naman kasi tinanong ‘yun? Wala din naman akong balak na mag tagal sa ganitong sitwasyon. Lalo na’t hindi maganda ang pinapagawa sa akin ni Cesca.

"I know, I know. Silly me to ask that question.” sabi ko at napa iling.

"Expect ko namang itatanong mo na sa akin iyan, ano. Sa gwapo ba naman ng lalake na iyon e hindi malabong hindi ka mahulog sa kanya. Whatever, do what you want basta huwag mo lang kalimutan ‘yung deal." 

The deal. Ginusto ko ‘to para makabayad sa utang ko, kaya wala din akong choice.

"I guess, let’s call it a day." sabi ko at akmang ibababa na ang tawag nang mabilis niya akong pigilan.

"Don’t! Huwag muna. Magkwentuhan muna tayo.” sabi niya.

“Kailangan ko ng magpahinga, Cesca. Maaga pa kami bukas.” sabi ko at saka na humiga sa kama.

“Sige na nga. Basta! Tandaan mo, si Bernard ang dapat na ma-in love sa’yo at hindi ikaw ang mai-in love sa’yo, okay? Kapag nangyari iyon, sinasabi ko sa’yo, lalo lamang magugulo ang buhay mo.” banta niya.

Muli akong napa upo sa kanyang sinabi.

“Ginulo mo na nga, hindi ba? Ano pa bang ikagugulo ng buhay ko sa pinapagawa mo sa akin?” sabi ko at muli na namang umirap.

“Ikaw ang lumapit, ikaw ang nanghingi ng pabor. Sakto lang na gusto kong mag laro ngayon kaya naidamay na rin kita.” sabi niya at saka pa humalakhak.

“Baliw.” bulong ko naman.

“Marami ka pang hindi alam tungkol kay Bernard kaya mag-ingat ka. Huwag mong hayaan na maisahan ka niya. Dahil kapag nagkataon na na paikot ka nya, hindi lang puso mo ang mamatay.”

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Iritasyon ang bumabalot sa aking utak ngayon.

“Sinasabi mo bang may mangyayaring masama sa akin?”

"Kung susuway ka sa deal natin.” mapanloko nitong sabi.

“Ano ba, Cesca? Bakit mo nga ba kasi talaga ito pinapagawa sa akin?”

Humagikgik siya at sinabing… “Well, it’s for you to find out, bessy. Para magkaroon ng thrill ang buhay mo. Good night! Muwaa!"

Magsasalita pa sana ako nang marinig ko na ang end tone sa kabilang linya.

Argh! Francesca you are such a pain in the ass! At ang lakas pa ng loob niyang tawagin akong bessy e sa mga utos niya sa akin e parang inaalila niya ako.

Mas gusto ko pa na bumalik ang panahon noong nasa college kami. Noong mga panahon na kahit hindi kami magkaparehong course e sa akin pa rin niya pinapaasa ang mga school works niya, at ako naman itong uto-uto e susunod sa kanya kapalit ng pera.

Kung alam ko lang na hindi magiging sapat ‘yung pagkayod ko noon, edi sana hinuthutan ko na lang ng hinuthutan ng pera ang babaeng ‘to. Hindi pa sana ako nabaon sa utang at nalalagay sa bingit ng peligro! Argh! Take me back! 

Putcha! Lalo akong hindi makakatulog nito! Sa dami ba naman ng iniisip ko.

But one thing is sure, that is my goal to seduce Bernard Shane Santos. After that pwede na akong mawala sa landas niya, at sisiguraduhin ko rin na mawawala na din sa landas ko ‘yang Francesca na ‘yan.

----

Kinabukasan, ginising ako ng napaka lakas na kalabog ng pinto. Balak ba niyang wasakin ang pintuan?!

"Bianca Olivia! This is the last time I'll call you or else I'll wreck this fucking door!"

Napalundag ako sa kama nang marinig ko ang boses ni Bernard. Mabilis kong tiningnan ang orasan sa aking cellphone. Fuck! Alas nuebe pasado na!

Wala ng ayos ayos at kaagad ay pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Sir!"

Nakasalubong ko ang mga kilay niyang magkasalubong din. Aba Ginoong maria, hindi na maipinta ang itsura niya sa galit. Dire-diretso naman siyang pumasok sa aking villa.

"My meeting is at 9 A.M! Hindi ba’t sinabi ko na ayaw ko ng late?! I was waiting for my files for almost two fucking hours!” singhal nya sa akin.

Hindi naman ako nakakibo dahil aminado naman ako na mali ko ito, at alam kong hindi matatakpan ng “sorry, sir.” ito. I should have set my alarm.

Napapikit siya ng mariin at hinilot ang kanyang sentido.

“Get dressed and ready my files. I will give you 30 minutes to prepare. Sa resto lang ako.” sabi niya at lumabas na sa aking villa.

Mabilis akong kumilos, pagkatapos ko ding mag ayos sa aking sarili ay kasunod kong inayos ang mga papeles na gagamitin ni Bernard.

Palabas na ako ng villa ko nang may kumatok sa pintuan. Pagbukas ko ay ang bumungad sa aking harapan ay si Bernard.

Mabilis akong napatingin sa aking relo. Hindi pa naman ako late ah, ang sabi niya 30 minutes. Wala pa namang tatlumpung minuto ang nakalipas ah.

“I’ll sort my files here.” sabi niya at dire-diretso na pumasok hanggang sa aking higaan.

Maagap akong sumunod sa kanya dahil napakagulo ng aking hinigaan. Mukhang hindi babae ang gumamit, nakakahiya naman kung makita pa nya iyon.

“Pass me the papers.” sabi niya at sumandal sa headboard ng kama.

Hindi kaya bipolar itong lalaking ito? Ito kaya ang gustong sabihin ni Cesca kagabi? Ano ba, Bianca! Mamaya mo na isipin si Cesca, kailangan mong maging good shot kay Bernard para hindi ka mahirapan na kunin ang loob nito.

"Uhm, sir.” tawag ko.

“Yes?” sagot naman niya habang nakatingin sa dalawang papel na hawak ng kanyang dalawang mga kamay.

“Sorry.” sabi ko at umupo sa gilid ng kama.

Mataman naman niyang inobserbahan ang aking ikinilos at inilipat ang kanyang tingin sa aking mga mata.

“Sorry for what?” tanong niya at inilapag sa gilid ang mga papel na hawak nya.

“Dahil na cancel ‘yung meeting nyo because I am irresponsible?” sabi ko then I flashed an awkward smile.

“Do you really want to make amends for your behavior?” tanong niya na sinundan naman ng aking pag tango.

Hinawakan nya ang aking balikat pababa sa aking kamay. He guided me to crawl up onto the bed.

Sobrang lakas ng sipa ng aking puso nang hinila niya ako upang umupo sa kanyang kandungan.

It’s working! I seduced him! Pero ano na ang susunod? Hindi naman pu-pwede na ibibigay ko sa kanya ang perlas ng silanganan, ‘no!

“Bianca, say my name.” utos niya habang hinahaplos-haplos ang aking tagiliran.

“B-bernard.” sabi ko at muntik pa akong masamid dahil sa sunod-sunod kong paglunok.

He removed his shirt and then he grabbed my nape to kiss me. Kagaad din naman niyang pinaghiwalay ang aming mga labi, then he started to plant small kisses to my cheek, to my jawline and down to my neck.

I felt something on my thigh. It's damn alive!

"You are mine now, Bianca." sabi niya ng may ngisi at kaagad niya akong sinunggaban ng halik.

“Grind,” he said between our kisses.

Napakunot naman ang ako noo.

“What?” tanong ko kahit na magkadikit pa rin ang aming mga labi.

“I said, grind if you wanna make it up with me.”

Huminga ako ng malalim at pumikit. I began to do his order.

Naramdaman ko ang kanyang kamay na gumapang sa aking dibdib. He loosened my blazer and he removed it together with my beige tank top.

And now I’m exposed.

Tinitigan niya ako mula mukha hanggang sa aking katawan. Naramdaman ko naman ang pag init ng aking mukha.

He caressed my face and his hands rolled down to my body. Huminto ang kanyang kamay sa aking bewang. He is about to pull out my skirt pero natapik ko ang kanyang kamay.

“I… I can’t do this. I’m sorry.” sabi ko at akmang tatayo na ngunit pinigilan nya ako.

This isn’t what I signed up for. Hindi ko kaya.

"You will not regret this." sabi niya sa akin at hinabol ang aking labi ngunit inilayo ko ito.

Tumikhim ako at tumingin sa kawalan, iniiling ko ang aking ulo. Iyon ang hudyat na hindi ako pumapayag.

“I like you, Bianca.” sabi niya sa akin.

Three days, and he already likes me. Ibig bang sabihin nito ay maaari ko na syang iwanan? He already liked me.

Lahat ba ng nagiging sekretarya niya ay nagugustuhan niya kaagad? 

Ikinagulat ko naman ang paghalik niya sa aking pisngi. "I repeat, I like you Bianca Olivia. I really do."

Nanginginig ang mga kamay ko at labi. Hindi ako makasagot sa kanyang nararamdaman ko. Dahil unang-una sa lahat, wala akong intensyon na mag stay sa kanya dahil natakot din ako sa mga banta ni Cesca sa akin kagabi.

Pero para sa deal, kailangan kong magpanggap na gusto ko siya. Upang mas lumalim ang nararamdaman nya sa akin at nang matapos na itong kahibangan ni Cesca.

"I.. I like you too."

I’m done, I’m faking everything. Sigurado na ang bad karma sa akin.

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ko ng loob upang sabihin iyon sa kanya. Never in my life na nangyari sa akin ito, ang magsabi ng hindi tunay na nararamdaman.

Ngumiti siya at hinaplos ang aking pisngi.

“You are different.” sabi nya sa akin.

“This feeling,” he said while tracing my collar bone.

“I find it entertaining.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status