Share

Ikalimang Kabanata

Task

Weeks had passed. Naging maayos naman ang mga nagdaang araw ko sa school. It's just that sometimes Leticia tugged me with her. Niyayaya niya ako palagi sa practice ng mga soccer players sa field kapag free time. Minsan nauumay na lamang ako dahil nararamdam ko ang mapanuksong tingin ni Yves kapag nahahagip ko siya sa mga ensayo at laro nila.

Napadukmo ako sa upuan habang nag-iisip ng konsepto para sa Buwan ng Wika. This past few days I'm really distracted. Wala ni isang pumapasok sa isip ko. Naiinis ako dahil hindi man lang ako sinabihan na ako ang kinuhang representative para sa poster making contest na gaganapin bukas.

"Ready ka na ba bukas?" napabangon ako sa tanong ni Filomena, presidenti ng room. Siya rin ang pumili sa'kin bilang kalahok para bukas.

"Medyo." nahihiyang sabi ko. Tinaasan niya lamang ako ng kilay.

"What? Ikaw pa naman ang sinuggest ni Winona. Baka ikaw pa ang dahilan ng pagkatalo ng curriculum natin." malditang singhal niya. Kita ko pang narinig ng ibang kaklase namin ang sinabi niya. Napatitig na lamang ako sa ilalim.

Nakakatakot na baka ako ang maging dahilan na matalo ang curriculum namin. Kilala kasi ang curriculum namin na competitive at nag-eexcell sa lahat mapa academic at extra-curricular.

"Gagawin ko naman ang makakaya ko." sabi ko.

"Dapat lang. Kung ganiyan ka lousy sa talento mo edi sana inalis kita sa lista ng mga kalahok."

Napatango na lamang ako. Ramdam ko ang malaking pressure na naghihintay sa akin.

"Do your best. Dapat manalo ka, Pastel. Baka ako pa masisi ng Curriculum." napalunok ako ng malalim.

Nakahinga ako ng maluwang nang tuluyang umalis na si Filomena. Kaagad na dumating naman si Leticia.

"Ano? Sama ka mamaya sa Soccer Department?"

I shook my head. Ulit na pinilit ko ang sarili kung mag-isip ng mga posibleng konsepto.

"Ay, bakit?" ani niya. Napabaling ako sa ginagawa niya na ngayo'y may kung anong pinapahid sa itsura niya. Kumunot noo naman ako kung iyan ba ang liptint. Minsan na ako nilagyan noong nagdebut ako pero hindi ko naman gusto.

"Mag-eensayo kasi ako para bukas."

She shifted her gaze at me. Grabe yung pagpula ng pisngi niya dahil sa ginamit niyang iyon.

"Ano bang meron?"

Nairap ako ng kaunti sa kaniya.

"Buwan ng Wika bukas."

Napahalakhak siya. "Bakit ka sasali sa kompetisyon na iyan? Rinig ko sasali rin si Piettro." nanlaki ang mata ko.

"T-talaga?" bahagyang naexcite ako. Kung ganoon hindi na ako mag-isa at may kilala ako habang gumagawa.

"Gusto mo pinsan ko no?" sabat niya nang nakangisi.

"Hindi." simpleng sagot ko.

"Asus! Alam ko naman na ganoon ang mga type mo. Iyong marunong magpinta katulad mo." natatawa niyang sabi.

"Kung magkakagusto man ako hindi iyong tinutulak ako sa taong hindi ko gusto."

Natigilan siya. Nakita ko ang pagkahiya sa itsura niya pero humalakhak ulit.

"Binibiro lang kita. Tsaka ako rin ayaw ko ng mga mang-aagaw ng taong gusto ko. Yun ang pinakaayaw ko sa lahat." seryosong sabi niya pero nakangisi.

I don't know but I suddenly felt hurt with her words. Hindi bilang may gusto rin kay Yves kundi sa ibang tao. Kung ganoon ang pananaw niya sa lahat ng may gusto kay si Yves ay masama. Hindi naman niya pag-aari si Yves. Tsaka hindi niya naman kontrolado ang emosiyon ng ibang tao.

Nilubayan niya naman ako. This past few days her adoration with Yves ascends up to her boiling point of limitation. Minsan naiinis na ako dahil parang inaari niya ng tuluyan si Yves. Siguro ganoon talaga kapag humahanga ka ng todo sa isang tao. May pinapakawalan kang mga salita na nagbibigay kasiyahan sa sarili mo. We became reckless with our words and sometimes selfishness devour our mind.

Ilang minuto pa ay dumating din naman si Professor Arkanghel . Naapayos ako ng upo at tuluyang nakinig na lamang sa leksiyon. Naging mainit ang leksiyon dahil nasentro ito sa maagang responsibilidad ng mga batang ina at ama ngayon.

"Ma'am, kung hindi naman nanunukso ang mga lalaki ay walang mabubuntis na babae." humalakhak ang mga kababaehan na parang wala lang ito sa kanila.

Sasabat na sana ang guro namin pero sumulpot sa pagsasalita ang isang lalaking kaklase namin.

"Ang sabihin niyo pabebe pa kayo. Kayo naman itong may tinatagong ano sa katawan." umingay ulit ang buong room. Napangiwi ang mga kababaehan. Kahit papaano'y may punto ang mga pinagsasabi nila. Pero parang bulgar ito.

"Tama na---" natigil ulit sa pagsasalita ang guro namin at alam kung hindi niya rin nagugustuhan ang patutunguhan nito.

"Ano ang tinatago namin? Hah!" naiinis na sabi ng babae.

"Edi kulo at libog." napatayo ang babae at balak na sugurin iyong lalaki kaya lang may pumigil sa kanila.

Nanlaki ang mata ko sa nangyayari.

"Tingnan mo nga naman si Yves? Nakabuntis pero parang wala siyang pakielam at ikinahihiya ang babae. Ganoon ba talaga kayo? Mga iresponsable at mahilig sa tikim at pababayaan na lang ang mga ginawang kalat niyo." sabat ng isa pang babae.

Napabaling ako sa propesor namin na hindi makasalita dahil sa ingay at kantiyawan ng lahat.

Biglaang napatayo si Leticia kung kaya napabaling kaming lahat. Kaagad na tumayo ako at pinigilan siya na ngayo'y nakapinta ang matinding galit sa mukha.

"Ikaw ba iyong babaeng nabuntis at parang alam na alam mo lahat pati ang istorya nila. Gaga ka puro ka tsismis." naiinis na sabi ni Leticia sa babae. Napasapo ako ng ulo. Gulat na gulat ako ng hinila ng babae ang buhok ni Leticia at marahasang sinabunutan ito. Nahawi ang lahat pero nakita kung may nagsabunutan din sa gilid namin.

Sumigaw si Professor Arkanghel pero natabunan ito ulit ng ingay.

"Leticia tama na." bumawi si Leticia ng sabunot sa babae. Hinawi ko ang hawak ng babae kung kaya sinamaan niya ako ng tingin pero pinagpatuloy niya parin ang ginagawa.

"Bwisit ka." sigaw ni Leticia. At ulit na hinablot ang buhok nito kung kaya natumba silang dalawa sa sahig. Kaagad na nanlaki ang mata ko nang makitang gusot gusot na ang uniform ni Leticia. Humingi ako ng tulong sa mga ilang mga kaklase ko pero ni isa walang rumesponde. Nakita ko sa gilid na napatigil na ang kaninang mga nakisabay sa sabunutang nangyayari.

Dinaluhan ko silang dalawa para awatin na. Naririnig ko pa ang murahan nilang dalawa na nagparami ng mga tao sa labas ng room namin.

"Stop it, girls." malakas na sigaw ng mga lalaking kaklase namin.

"Eh, kung inawat niyo. Mga letseng bakla kayo." singhal ni Filomena sa kanila. Napatikom ang bibig nila at napahalukipkip. Binalingan niya ako at tinaasan ng kilay.

"Tulungan mo iyang warfreak mong kaibigan Pastel." sambit niya habang pinapatigil ang ingay ng mga nanonood.

"Oh my god. Leticia stop it." ani ni Winona.

Hinila ko si Leticia. Nakahiga na kasi silang dalawa sa sahig.

"Bitawan mo ako Pastel." malakas na puwersa ko siyang hinatak kahit nagpupumiglas na siya. May isa rin sa wakas na tumulong sa'kin.

"Puta ka." ani ng kalaban niyang si Ulga na ngayo'y pinipigilan narin ng mga kaklase namin.

"What's happening here?" sa isang baritonong boses napatigil ang ingay ng buong room. Naroon si Yves at ang guro namin.

Parang nakakita ng multo si Leticia at napalunok.

"Ikaw ba ang pinadala nila? Guide them to the University Supreme Student Government Office (USSG), Yves." frustrated na sabi ni Professor Arkanghel. Nahagip ng ako tingin ni Yves na kasalukuyang nakahawak sa braso ni Leticia. Kung kaya bahagya akong nahiya at naconscious.

"Yes ma'am." ani ni Yves.

May isang lumapit na lalaki kay Yves at may kung anong binulong.

"Let's go." galit na sabi ni Yves. Malamya kung inalalayan si Leticia. Nauna ng kaunti si Yves habang naglalakad. Napatitig ako sa likod niya. Kaagad na ibinalik ko ang atensiyon ko kay Leticia.

"Bakit ba kasi pinatulan mo iyon, Leticia. Ayan tuloy."

"Ikaw ba naman ang sabunutan? Magiging masaya ka ba!" sarkastic niyang sabi. Napabaling siya sa likod namin at nakitang naroon ang nakalaban niyang si Ulga. Nginisian niya lamang ito at masamang tiningnan.

"Sana hinayaan mo na lang. Hindi ka kasi nagpaawat." sabi ko. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako.

"What the hell Pastel? Kung ikaw kaya mong magtimpi sa mga ganoong sitwasiyon puwes ibahin mo ako. She deserve that wild pulling of hair." napabuntong hininga na lamang ako.

"Ewan ko sa iyo. Sigurado akong ipapatawag ang parents niyo." bahagyang nagulat siya at may natanto. Umawang ang labi niya na parang nahimasmasan.

"H-hindi puwedi." ngayon ay problemado na siya.

"Oh ano? Ang sarap makipagsabunutan diba?"

Masamang tingin ang isinukli niya sa akin.

"Ano ang sasabihin ko kina Mommy?" kinagat niya ang kuko niya. Hindi ko rin ang alam ang sasabihin sa kaniya.

"Call Piettro. Baka matulungan ka niya." tumango na lamang siya at tinawagan si Piettro.

Nang makarating kami sa office ay nadatnan namin ang presidente ng club. Nandoon si Professor Arkanghel at ilang lalaking sangkot kanina.

"Ano'ng nangyari?" ani ng dean.

"Mauna na po ako dean." paalam ni Yves at umalis.

Nagpatuloy ang pag-aareglo sa kanila. Mataman lang akong nakinig sa mga binigay na sanctions sa kanila. Sinabi ring ipapatawag ang mga magulang nila within this week kaya namombrolema sila.

"Please. Kahit ano pa ipagawa niyo sa akin. Huwag nalang pong ipatawag sina Mommy. They are both busy persons." pagmamakaawa ni Leticia.

"I'm sorry. Pero utos iyon ng dean." ani ng President ng club. Tuluyang nawalan si Leticia ng pag-asa na mababago pa desisyon na huwag na ipatawag ang mga magulang nila.

Habang nakikinig ako sa sentimyento nila ay biglaang may tumawag sa akin sa likuran. Umatras ako at tiningnan kung sino iyon. It was Professor Arkanghel.

"Pastel, puwedi bang pakibigay itong forms sa Soccer Department?" ani niya.

Tumango ako.

"Don't worry. Ako na ang magsasabi kay Leticia kung sakaling hanapin ka niya. Urgent kasi itong mga forms."

"Yes ma'am. Saan banda po ilalagay?"

"Sa second floor ng soccer department building. Basta hanapin mo iyong Forms Department." napatango ako sa sinabi niya. Sumulyap muna ako kay Leticia bago kinuha ang mga forms na hawak ni Prof at tuluyang umalis.

Medyo malayo ang nilakad ko. Halos labing limang minuto rin ang tinagala bago ako nakarating. Nakaramdam ako ng pagsama ng tiyan ko. Kaagad na napahawak ako doon at iniisip na wala lang ito.

Kasalukuyang mayroong ensayo ang mga soccer players kung kaya nakahinga ako ng maluwag.

Kalmado akong pumasok dala dala ang mga forms. It's just a handy forms. Hindi ito masyadong mabigat kaya convenient dalhin.

"Saan po rito ang Forms Department?" tanong ko sa isang soccer player. Sinuri niya muna ako nginisian. I find it awkward.

"Second floor. Last office in the left side." sabi niya.

"Thank you."

Habang tinatahak ang hagdan papuntang ikalawang palapag ay may nakasalubong akong mga professor ng ibang departamento. Sigurado akong kailangan talaga itong ipasa kung kaya binilisan ko pa ang lakad.

Sinunod ko ang sinabi ng lalaki kanina. Pero duda ako. Mabuti na lamang at nakita ko ang iilang professor papunta sa right side ng building. Sinunod ko ang lakad nila at nadatnan ang Forms Department. Kung sakaling sinunod ko iyon baka naligaw ako.

Kaagad na maayos kung nilagay iyon sa table at umalis. Pero inatake ako ng sakit ng tiyan. Naging masama ang timpla ng tiyan ko. Pinakiramdaman ko muna. I groaned when I felt my stomach grumbling with so much pressure.

Dali dali akong pumunta sa Comfort Room. Nang masuri kung wala namang tao ay kaagad na pumuwesto ako sa pinakahuling cubicle at nagbawas. Hindi naman ako maarte sa mga ganitong pagkakataon at tsaka hindi talaga maiiwasan na mangyari ito.

"Oh shut up!" narinig ko sa labas ng cubicle. Napatabon ako ng bibig baka makagawa ako ng ingay. Alam ko kasing parang may kausap itong isa pa basi sa kilos nila.

"I'm not the father of that child. For fuck sake! I've used a protection." a familiar voice thundered inside. Nanlaki ang mata ko. Is that Yves?

"I-ikaw ang ama paniwalaan mo ako." rinig ko ang iyak.

"No!" matigas na sabi ni Yves.

"Ikakalat ko parin." desperadong sabi ng babae.

"Try it. So I could sue you." I eavesdrop more on their conversation. He's so cruel!

"Fine you're not. Pero please akuin mo muna. Baka bubugbugin ako ng magulang ko."

Kayang gawin iyon ng babae? Na idawit ang pangalan ni Yves para lang may matawag na ama ang anak niya. Hula ko'y maganda rin ang babaeng ito. Pipili ba naman ng pangit si Yves?

Sa gitna ng pag-uusap nila ay ang pagpipigil ko na gumawa ng tunog habang nagbabawas. Tagaktak na talaga ang pawis ko. Panay lamang ang pahid ko sa pawis ko habang nakikinig sa kanila. Nang naramdaman ko ang panibagong bugso sa tiyan ko ay parang nawalan ako ng kulay. Napalunok ako ng bahagyang umere ako sa pagbawas at gumawa ng kakaibang tunog ito sa kabuuan ng CR. Fuck! Nakakahiya!

Nawala ng parang bula ang usapan nila. Ang naririnig ko na lamang ay ang mga yapak ng sapatos na hula ko'y soccer shoes. Biglaang may kumatok sa cubicle na kinaroroonan ko.

"Sino ang nariyan?" sa nagtatanong na boses na sabi ni Yves. Napatabon ako ng bunganga. Malakas ang pintig ng dibdib ko sa kahihiyang nagawa ko.

Hindi ako minsan man nagsalita. Kaagad na hinablot ko ang rolyo ng tissue sa gilid habang tahasang nagdadasal na umalis na sila.

"Kadiri. Sino ba iyan?" ani ng babae.

"Tss. Let's take somewhere. Not here." nang naramdaman kung umalis na sila ay doon palang ako inatake ng sobrang hiya. Bago ako lumabas ay maigi kung nilinisan ang sarili ko. Panay ang pagsasalida ng nakakahiyang pangyayari na nagawa ko.

Mabilis na dumaan ang oras at nakauwi na ako. Nagpaalam na lamang ako kay Leticia sa pamamagitan ng text message.

"How's your day?" tanong ni Daddy habang nasa hapag kami.

"Okay lang naman po." sabi ko. Naalala ko naman ang tagpu sa comfort room. Iwinaksi ko kaagad ito dahil kumakain kami.

"Narinig ko napaaway daw si Leticia. Ano ba ang nangyari?" si Mommy.

I cleared my throat. "Misunderstanding lang po." pagtatanggol ko.

"Before I forgot, Achim is undergoing an assessment and series of test for his improvement. Sana naman ay huwag mong pagdalawang isipan ang mga nangyayari sa kaniya."

I smiled concealing my rage against Kuya Achim. Gusto ko mang sabihin sa kanila ang mga pinagsesend ni Kuya sa akin ay natatakot parin ako at baka hindi ako paniwalaan. Nakikita kasi nila na mukhang nasa tamang pag-iisip na si Kuya Achim. May pagkakataong naglilinis na siya ng bahay at mayroon ding nagluluto ng breakfast.

"Yes mom." nagpatuloy kami sa pagkain. Binabagabag parin ako kapag lumabas na lumabas na maayos na talaga siya. Mabuti na lamang ay nailihis ang topiko patungkol sa business namin sa Sara. Hindi na ako nakinig at baka mabaliw ako sa terminolohiya nila.

Pagkatapos kumain ay nagpasiya na akong magtungo sa silid. Napansin ko ang bulto ng katawan ni Kuya Achim na nakaabang sa labas ng kwarto niya.

"May ballpen ka ba Pastel? Hihiramin ko sana." sambit ni Kuya.

I nodded at him.

"Pakidala nalang mamaya sa kwarto. Naglilinis kasi ako." sabay talikod patungo sa kwarto niya. It sent shivers to my spine. I find it as a creepy approach. Hindi ko namalayang napigil ko ang paghinga ko.

Napalinga-linga ako habang pumapasok sa kwarto. Napatunghay ako at agad na hinanap ang ballpen. Nagdadalawang isip pa ako kung ako ang mismong magbibigay nito o ipapautos ko na lamang kay Yaya Marina.

Sa huli bumaba ako papuntang kusina at nadatnan si Yaya Marina na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan.

"Yaya, pakibigay nito kay Kuya Achim. May gagawin lang po ako." sabay lahad ng sandamakmak na ballpen para hindi na siya magreklamo o maghanap ng ibang kulay.

"Okay hija."

Buong magdamag nag ensayo ako ng magagandang konsepto. I even research some poster works like those of nationalism paintings, symbolical arts and outstanding canvass. Naagaw ng pansin ko sa isang gawa nakapost sa Guhit Pinas, isang grupo ng mga artists sa buong Pilipinas.

Isa itong artwork ng watawat ng Pilipinas na may mga simbolo ng pagkapilipino. Naroon ang mga bayani at iilang mga yaman ng bansa. It has a variation from the chosen colors, use of imagery, shapes and most especially it has a message.

Iyon ang naging daan para makaisip ako ng sariling konsepto. Napangiti ako habang nagsi-sketch. Para mapansin ang gawa ko ay plano kung gamitin ang matitingkad na kulay na makikita sa watawat ng bansa.

Umihip ang malamig na hangin at sumagi ang kahihiyang nagawa ko kanina sa cubicle.

"Kainis!" I stomped at the floor. Naririndi ako kung bakit sa ganoong pagkakataon pa sumakit ang tiyan ko. At natiyempuhan pa talagang naroon si Yves.

I shook my head.

Nang may nakita akong improvement sa gawa ko ay nagdulot ng saya sa'kin. Inayos ko na ang mga art materials at paint brushes.

Kumatok bigla si Yaya Marina sa pinto. Kung kaya binuksan ko ito.

"Nako, galit na galit si Kuya Achim mo bakit daw hindi ikaw ang nagbigay ng inuutos niya." natatakot na sabi ni Yaya Marina. Napakagat labi na lamang ako.

"Hayaan niyo na po iyon."

"Sige, nakakatakot magalit ang kuya mo." sabi niya at umalis na.

Mabilis na dumating ang umaga. Dala-dala ang mga art materials at illustration board ay tinahak ko ang stage na pagdaraosan ng poster making. Marami ng tao at nakikita ko narin ang iilang kalahok na naprenteng nakaupo.

Bago umalis ay napabuga ako ng hangin. Nakatanggap ako ng mensahe kay Leticia.

Leticia:

Goodluck, Pastel! Sorry baka malate ako kasi nalaman nina Mommy iyong nagawa ko kahapon. Pa-good shot muna ako."

Napaangat ang tingin ko.

"Pastel." bahagyang nagulat ako nang sumulpot si Piettro. Nakaukit talaga palagi ang ngiti sa mukha niya.

"Goodluck sa'tin." ngumiti na lamang ako.

"Nga pala ang mga kasama ko sa soccer ay magsusuporta sa akin. For sure sa iyo marami din. Kasi naman most competitive batch kayo." nilibot ko ang paningin ko at nakita ko nga ang mga soccer players pero wala si Yves. Nailihis ko ang atensiyon ko kung mayroon nga ba akong tagasuporta pero ni isa wala.

"Wala eh." sa maliit na boses na sabi ko. Lumamlam ang mata niya.

"Don't worry. Alam kung may talento ka at ikaw ang mananalo rito."

Nagpapasalamat ako na kahit papaano'y nandidito si Piettro na kilala ko. Alam ko naman na ang pananaw ng ibang tao sa pagpipinta ay isang simpleng talento lamang. Pero kung sila ang nasa katayuan ko ay siguradong mararamdaman nila ang pagkati ng kamay mo at hindi mo na minsan namamalayang nakakagawa kana pala ng istorya sa pamamagitan ng isang simpleng obra. Kung kaya nagpapasalamat ako minsan sa mga taong sumusuporta sa pagiging artist ko.

It's not just a low-key talent. It's an artistic and creative work of hand strokes that weaves an imagination made by visual and tactile imagery.

Tuluyang naupo na kami at nag-aanounce na ng mga guidelines at criteria. Ang topiko ay sumesentro sa "Pagmamahal sa Wika: Ang Mahiwagang Dila ng Lengguwahe".

Maraming nagulat na kalahok. Kahit ako'y nagulat din pero hindi ako nagpadala sa emosiyon.

We were given one hour to finish the output. Kaagad na nag-umpisa ako sa paggawa. Mabuti at nakaensayo ako ng kaunti. I didn't cram and just let my focus stay at my momentum.

I sketch my chosen figures. To add more spice to it, I added the touch of Baybayin writings, Philippine flag and a lot of symbolical figures. Naroon din ang pagbibigay buhay sa mga katutubong itsura ng tao pati ang kanilang damit at anyo. Over all, it was colored with black, brown and white shades that perpetuates the mystery amidst the beauty of colors.

Napalinga ako para hanapin si Leticia.

Dahil malapit ang puwesto ko sa upuan ng audiences ay nakikita nila ang iilang detalye ng gawa ko. Nagulat ako nang nahagip ng tingin ko si Yves na mataman na nakatutok sa gawa ko.

Bahagya akong nawala sa pokus ka. Binalik ko ang atensiyon ko sa gawa ko at pinagtuunan ng pansin ang final touches nito.

"Focus Pastel!" pagkukumbinse ko sa sarili.

"Go Pastel! You got it!" hinanap ko ang boses ni Leticia at nakitang magkatabi sila ni Yves.

Ngumisi siya at nagthumbs up sa'kin. Biglaang nahulog sa sahig ang designer bag niya pero wala siyang pakialam. I think she did intentional.

I can't radiate a smile when finally Yves shifted his gaze at her. Nakaramdam ako ng pagsama ng timpla ko nang pinulot ito at marahang inilahad ni Yves ang designer bag kay Leticia.

Para akong naestatwa nang makitang kinausap niya si Yves at nakipagkamayan pa.

I saw how Leticia's face turned red and suppressing a hidden smile.

Nanghina bigla ang kamay ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Bagay silang dalawa. Why do I felt this way? Gusto kung kamuhian si Leticia pero wala naman ako sa posisyon para gawin ito.

Natapos ang patimpalak. Sakto ako sa oras at kontento sa gawa ko. Mapait akong napangiti sa puri ng iilang propesor sa'kin habang pinapasa ang gawa ko.

"Congratulations!" I was off guarded with Yves. He just popped out of the blue. Seryoso ang mukha niya na walang bakas ng emosiyon. Siguro pupunta siya kay Piettro para batiin ito.

"Thank you." sabi ko. I bowed to him and just find a way to get out away from his sight. Kani-kanina lang masama ang timpla ko pero ngayon naman ay parang nag-iiba. Nahihibang na ata ako.

"It was a beautiful artwork." narinig ko dugtong niya na nagpatigil sa akin sa paglalakad. Naghuhuramentado bigla ang dibdib ko.

"Salamat." mabuti at may nasambit ako sa gitna ng malalakas na pintig ng dibdib ko.

I graced my way towards Leticia. Kaagad na pinaulanan niya ako ng papuri at kung ano ano pa. Pero hindi mawala-wala ang sinabi ni Yves at naging okupado ako sa salita niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status