Home / Romance / Seductress Unforgotten / Seductress Unforgotten Chapter 252

Share

Seductress Unforgotten Chapter 252

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-05-30 21:48:05

Makalipas ang ilang linggo mula nang umalis si Nathan papuntang Paris, unti-unting nagbago ang ihip ng hangin sa buhay ni Apple. Sa halip na tuluyang malugmok, pinili niyang ituon ang sarili sa mga bagay na kayang kontrolin—ang negosyo, ang kinabukasan ni Amara, at ang muling pagtayo ng sariling pangalan.

Sa Wedding Imperial, ramdam ang pagbabago. Mas naging masigla ang opisina. Pinuno ni Apple ng mga bagong kliyente ang buwan ng Mayo, at naglunsad pa siya ng wedding promo na agad naging viral sa social media. Isang artikulo pa sa isang lifestyle magazine ang lumabas, pinupuri ang kanyang resilience bilang single mom at empowered businesswoman.

Nang mabasa ni Lance ang artikulong iyon habang naka-break sa opisina, napangiti siya. Isa ‘yong litrato ni Apple, naka corporate attire, naka-cross arm, at nakangiting may tiwala sa sarili.

"She's back…" mahinang sambit ni Lance habang pinagmamasdan ang screen ng kanyang laptop.

Napabuntong-hininga siya. Ilang linggo rin niyang iniisip si Appl
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 253

    Umabot na ng isang buwan. Isang buwan na walang tawag. Walang text. Walang kahit anong paramdam mula kay Nathan.Minsan, isang gabi habang nasa harap ng laptop si Apple at pinapares ang inventory list para sa bagong shipment ng wedding gowns, napatingin siya sa cellphone niya. Wala pa rin. Tahimik. Walang "good night," walang "kumain ka na ba?"—mga bagay na dati ay araw-araw niyang inaabangan mula kay Nathan.Hindi niya maintindihan. Sa simula, pinilit pa niyang maging kalmado. Inisip niya, baka abala lang si Nathan sa bagong negosyo. Baka may pinagdadaanan. Pero habang lumilipas ang mga araw, lumalaki ang tahimik na puwang sa pagitan nila. Ang dati nilang matamis na relasyon, unti-unti nang nababalutan ng tanong.Bakit bigla siyang nawala?“Ano ba ‘tong nangyayari, Nathan?” mahinang bulong ni Apple habang pinipigilan ang luha.Sa kabila ng sakit, pinilit pa rin niyang maging matatag. Ipinagpatuloy niya ang pagpapalago ng business, katuwang si Amara na ngayon ay mas nakikita ang sigla

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 252

    Makalipas ang ilang linggo mula nang umalis si Nathan papuntang Paris, unti-unting nagbago ang ihip ng hangin sa buhay ni Apple. Sa halip na tuluyang malugmok, pinili niyang ituon ang sarili sa mga bagay na kayang kontrolin—ang negosyo, ang kinabukasan ni Amara, at ang muling pagtayo ng sariling pangalan.Sa Wedding Imperial, ramdam ang pagbabago. Mas naging masigla ang opisina. Pinuno ni Apple ng mga bagong kliyente ang buwan ng Mayo, at naglunsad pa siya ng wedding promo na agad naging viral sa social media. Isang artikulo pa sa isang lifestyle magazine ang lumabas, pinupuri ang kanyang resilience bilang single mom at empowered businesswoman.Nang mabasa ni Lance ang artikulong iyon habang naka-break sa opisina, napangiti siya. Isa ‘yong litrato ni Apple, naka corporate attire, naka-cross arm, at nakangiting may tiwala sa sarili."She's back…" mahinang sambit ni Lance habang pinagmamasdan ang screen ng kanyang laptop.Napabuntong-hininga siya. Ilang linggo rin niyang iniisip si Appl

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 251

    Mainit-init pa ang hapon sa Wedding Imperial nang dumating si Lance kasama ang sanggol na si Lucien. Hawak-hawak niya ang diaper bag sa isang balikat, habang ang kabilang braso’y buhat ang carrier ng mahimbing na natutulog na si Lucien. Galing sila sa klinika matapos ang routine immunization.Pagdaan sa gilid ng pamilyar na building, biglang nagdesisyon si Lance."Daan tayo kay Amara. Matagal-tagal na rin siyang hindi nabibisita ng kapatid niya," mahinang sambit niya sa anak habang ngumiti sa natutulog nitong mukha.Pagpasok sa glass doors ng Wedding Imperial, agad silang sinalubong ng receptionist, na nakilala si Lance."Sir Lance, si Ma’am Apple po ay nasa events room. Doon po siya madalas ngayon.""Salamat," sagot niya, at dumiretso na sa loob.Sa loob, si Apple ay abala sa pag-aasikaso ng mga table setup kasama si Mia. Suot ang light beige na blouse at maayos na ponytail, kitang-kita pa rin ang pagod sa kanyang mga mata kahit nakangiti siya sa kliyente.Paglingon niya, hindi niya

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 250

    Pagkababa ng tawag, napaisip si Nathan sa mga nangyari sa kanila ni Apple. Tahimik siyang nakaupo sa terrace ng kanyang unit sa isang high-rise condo sa Makati, habang pinagmamasdan ang mabagal na paggalaw ng mga ulap sa kalangitan. Tila sumasalamin ito sa bigat ng damdaming pilit niyang ikinukubli.Napahawak siya sa kanyang sintido, mariing pinikit ang mga mata. Bumalik sa alaala niya ang unang beses na nakita niya si Apple — masigla, masayahin, puno ng pangarap. Siya ang babae na bumuo ng panibagong mundo sa kanya pagkatapos ng isang masakit na kabiguan noon sa Paris.“Nathan, I’m not the same Apple anymore…”Umiikot-ikot sa isip niya ang mga salitang iyon. Hindi niya akalain na darating ang araw na siya ang hahawak ng telepono, naghihintay ng sagot, habang si Apple naman ang kailangang magdesisyon kung lalaban pa o hindi."Dati, ako ‘yung nagligtas sa kanya mula sa sakit. Ngayon, ako na ang naging dahilan ng luhang ‘di ko kayang punasan," bulong niya sa sarili habang mariing tiniti

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 249

    Napalunok si Apple. Tumigil siya sa pagtitig sa mga mata ni Nathan at ibinaling ang tingin sa maliit na larawang hawak niya — sila ni Amara sa beach, tawa ng tawang hawak ang kamay ng bata.“Ang ibig kong sabihin…” humugot siya ng malalim na buntong-hininga, “…kailangan ko ng oras. Kailangan kong ayusin ang sarili ko bago ko ayusin ang kahit anong relasyon. Lalo na ‘yung sa atin.”“So… break muna tayo?” tanong ni Nathan, unti-unting lumalamig ang tinig.Hindi siya makatingin kay Apple ngayon. Para bang alam na niya ang isusunod na sasabihin nito, pero pilit pa ring umaasa na iba ang maririnig.“Hindi ko gusto ang salitang ‘break,’ Nathan. Gusto ko lang ng espasyo — hindi para iwan ka, kundi para mahanap ko ang tamang direksyon.”Tahimik si Nathan. Ilang sandali siyang nakatingin kay Apple na parang iniisip kung aatras o lalaban. Hanggang sa…“Espasyo…” ulit niya, mapait ang ngiti.“Sa tuwing may lalaking hindi mo matanggihan, lagi mo akong pinapapili sa pagitan ng ‘pang-unawa’ at ‘pag

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 248

    Nakauwi na si Lance sa kanyang presidential suite mula sa bahay nina Apple. Tahimik siyang pumasok, hawak pa rin sa alaala ang huling ngiti ni Amara bago siya umalis. Malapit na itong mag-dalawang taon—at habang pinagmamasdan niya ang larawan ng anak nilang iyon ni Apple sa kanyang cellphone, biglang bumalik ang bigat sa kanyang dibdib. Mahal niya si Amara. Hindi iyon matatawaran.Sa kabilang silid, tahimik ang paligid maliban sa marahang tunog ng hangin mula sa air purifier. Naroon si baby Lucien, ang kanyang dalawang linggong gulang na anak sa namayapang asawa niyang si Monica. Payapa ang mukha ng sanggol habang natutulog sa crib, tila walang kamalay-malay sa gulo sa paligid ng mga taong dapat sana’y unang mag-aalaga sa kanya.Lumapit si Lance sa crib. Marahan niyang hinaplos ang maliit na kamay ni Lucien. Napasinghap siya, pilit na nilulunok ang gumuguhong emosyon.“Hindi mo na makikilala ang mommy mo, anak…” bulong niya. “Pero pangako ko, ako ang magiging dahilan para hindi mo mar

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status