Share

Chapter 3

Ziv's POV

Pagpasok pa lamang niya sa loob ng bar ay ramdam na niya ang maiinit na tingin ng mga kababaihan, na alam niyang naghihintay na matapunan niya man lamang kahit na isang sulyap.

Hindi naman sa pagyayabang, ngunit sanay na siya sa mga ganoong atensyong nakukuha sa mga kalahi ni Eba.

Naiiling na nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad patungo sa mismong bar counter, kung saan natatanaw na niya ang kaibigan.

"Hey, Atticus pare, kumusta?" nakangising bati sa kanya ng kaibigang si Clide paglapit niya pa lamang sa bar counter. "Hindi ka na bumalik sa mesa natin kagabi, ah."

Si Clide ang may-ari ng bar na iyon, kung saan siya nanggaling nang nakaraang gabi. At kung saan niya nakilala ang babaeng iyon.

That girl who did not bother to wake him up this morning, before leaving.

May gumapang na namang inis sa dibdib niya nang maalala ang dalaga.

Birthday ng isang kaibigan nila kaya't nagkayayaan ang mga ito'ng uminom nang nagdaang gabi.

Wala sana siyang planong magpunta sapagkat pagod siya at wala pang tulog. He's been in a 12-hour open heart surgery, yesterday. Mas gugustuhin niya pa sana'ng maka-uwi ng maaga at matulog na lamang. Kung hindi lamang talagang sinadya pa siya ng mga ito sa ospital. At sa tingin niya ay talagang walang mga balak magsi-alis nang hindi siya kasama. Kaya't wala siyang nagawa kundi pagbigyan na lamang ang mga ito.

Ang balak niya ay hindi siya magtatagal doon at tatakasan na lamang niya ang mga ito kapag medyo mga lasing na.

Kasalukuyan silang nagkaka-tuwaang magka-kaibigan nang pumasok si Lexie at dumeretso sa bar upang umorder ng maiinom.

Pagpasok pa lamang nito ay nakuha na nito agad ang atensyon niya. Simpleng blouse and skinny jeans lamang ang suot nito ngunit iba ang lakas ng dating nito kumpara sa ibang mga kababaihan sa bar na iyon, kung saan ay tila kinapos ng tela ang mga damit.

Napakunot ang noo niya nang mapansing dito rin nakatuon ang atensyon ng mga kaibigan niya. At sa hula niya, gaya ng lagi nilang ginagawa, ay ni-ra-rate na ng mga nito ang babae base sa hitsura at katawan nito. At kung medyo mamalasin pa ito, ay pinagpupustahan na ng mga loko ang cup size ng dalaga. Gayundin, ay kung sino ang lalapit upang makipag-kilala.

Nang makita niyang tila may napag-kasunduan na ang mga ito at akmang tatayo na si Harris upang lapitan ang dalaga ay agad siyang tumayo sa pagkagulat ng mga kaibigan niya.

"Mine." pormal niyang sabi sa mga kaibigan na nang makabawi sa pagkabigla ay nag-kanya-kanyang hiwayawan at tuksuhan.

"Whoa..!"

"By all means, Pare."

"Galingan mo, brad!"

Madalang lamang kasing mangyari iyon. Kung minsan ay pinipilit pa siya ng mga kaibigan.

Ewan niya, pero hindi niya talaga ugali'ng pumick-up ng babae sa bar. Hindi nga siya madalas mag-punta sa mga club, eh. Kapag napapasubo lang sa mga kaibigan niya.

Kung kailangan niya ng babae ay marami siya noon. Hindi niya kailangang maghanap ng mga babae sa kung saang lugar at makipag-kilala, na tila nasa palengke sila at nagtatawaran.

Sorry, but that was his interpretation with that.

Pero iba ang babaeng ito. Hindi niya alam pero may kakaiba talagang dating ito para sa kanya na hindi niya kayang i-resist.

Nang lapitan niya ito, ang balak lamang niya talaga ay makipag-kilala rito at kung papayag ito ay yayain itong sumama sa kanya pabalik ng table nilang magka-kaibigan.

Ngunit nang malanghap niya ang mabangong amoy nito, at madikit sa makinis at malambot nitong balat, nawala nang lahat ang mga nasa isip niya. Tila kahit pangalan lamang nito ay nais niyang ipagdamot sa mga kaibigan niya.

Hindi niya inaasahan na may mangyayari sa kanila. Sa tingin niya ay hindi naman ito basta-basta'ng babae. Naroon ang finesse at class sa paraan ng pagkilos at pagsasalita nito.

Laking gulat niya nang pumayag ito, at dobleng gulat nang malamang birhen ito at siya ang naka-una rito. He can not seem to get enough with her. Kaya't iniuwi niya pa ito sa condo niya upang doon ay tapusin nila ang magdamag ng magka-ulayaw.

She wanted her... all night. Or, if possible, more than that.

Kaya't laking pagka-dismaya niya nang magising siya at hindi na niya ito magisnan.

Ang tanging nagpapatunay na lamang na totoo ang nangyari ng nagdaang gabi ay ang panty nito na naiwan sa kanya. Sadya niya iyong itinago sa ilalim ng unan niya, upang sabi niya ay hindi ito maka-alis ng walang paalam. Na gigisingin siya nito upang hanapin ang nawawalang panloob.

But, damn! Nagkamali siya.

Sana pala ay ang skinny jeans nito ang itinago niya. Hindi naman siguro ito makaka-alis ng naka-panloob lang.

"Hey, okay ka lang?" untag ng kaibigan sabay abot sa kanya ng alak na palagi niyang iniinom kapag nagagawi siya sa bar nito.

"Yeah, sorry man. Nagka-emergency lang kaya hindi na ako nakapag-paalam." aniya ritong naupo na sa bar stool ngunit lilinga-linga.

Agad na umarko ang kilay nito at binigyan siya ng nanunuksong ngiti.

"Iyon ba'ng emergency na iyon ay naka-blouse at skinny jeans?" anitong pilyong nginisihan siya.

Sinamaan niya naman ito ng tingin. "Gago!" asik niya bago dinala sa bibig ang hawak na baso.

Isang halakhak ang kumawala dito na tila aliw na aliw sa kanya.

"Nakita ko'ng umalis kayo na pangko mo pa si Miss Butty Beautiful kagabi, ah."

Kunot-noo siyang tumingin sa kaibigan.

Nagkibit-balikat naman ito na nakangisi pa rin. "Harris' words..." naiiling na itinaas pa nito ang dalawang kamay na tila sinasabing wala itong kinalaman doon. "He called her, Miss Butty Beautiful because of her perfect butt-- according to Harris, of course." dugtong nito nang muli ay tingnan niya ito ng masama. "So, did you show her what heaven's looks like, last night?"

"Fuck you!" aniyang mahina pa itong sinuntok sa braso. "Hinatid ko siya, deretso sa bahay niya. Walang nangyari." he lied.

Hindi niya alam kung bakit iyon ang sinabi niya. Ngunit tila mayroong nagtulak sa kanya upang magsinungaling sa kaibigan. Tila may kung ano sa kanya na pakiramdam niya ay kailangan niya itong protektahan. Na ayaw niyang pumangit ang imahe nito sa paningin ng kaibigan niya.

"Whoa...! Walanghiya... eh, di sana hinayaan mo na lang si Harris na pumorma d'on sa chick kagabi. Lakas ng tama ni mokong, hindi lang makahirit at minsan ka nga lang kumursunada. E, siya, kotang-kota." ani'ng kaibigan niya at sinundan ng malakas na tawa.

"Fuck you, man, leave her alone." hindi napigilang mahinang sabi niya.

Maging si Clide ay nagulat sa sinabi niya.

Maya-maya ay gumuhit ang totoong ngiti sa labi nito.

"So, you like her? No problem man, she is all yours." anitong tinapik pa siya sa balikat.

He tsked. Hahayaan niya na lamang na iyon ang isipin nito kaysa pag-isipan nito ng masama ang babae.

Muli ay nagpalinga-linga siya. Umaasa na makikita ito sa paligid. Dinala niya ang baso ng alak sa bibig niya at akmang iinom nang maramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niyang nakasuksok sa likod na bulsa niya. Ibinaba niyang muli ang baso upang abutin ang aparato sa bulsa at sagutin ang tawag.

"Ma..."

"Atticus, where are you?" bungad na tanong agad ng ina niya.

"I miss you, too, Ma,"

"Shut up, son, kahapon lang tayo huling nagkita. Anyway, where are you?" ulit na tanong nito.

"Clide's bar, why?"

"Oh, I'm sorry, baby--"

"Ma, I told you to stop calling me that, I'm 38, and obviously, not a baby, anymore. I can even make my own baby, for Christ sake." paangil ngunit malumanay na putol niya sa sinasabi ng ina.

Saglit na natigilan siya sa konteksto ng sinabi niya. Fuck! "Do not go there, Atticus!" paalala ng isip niya.

Nakita niya namang kagat-kagat ni Clide ang pang-ibabang labi nito sa pagpipigil na matawa sa sinabi niya. Hindi lingid sa mga kaibigan niya na inis na inis siya kapag tinatawag siyang baby ng ina, lalo na at kung may ibang taong nakakarinig. Madalas tuloy ay napagkakamalan siyang mama's boy.

Oh, he loves his mother so much. No doubt about that. But the way his mother shows her love for him sometimes, can be a bit annoying. Madalas ay tila bata kung ituring siya nito.

"Whatever. Anyway, back to what I am saying. I'm sorry, but you have to go home early, I have a scheduled interview at the hospital tommorow, but unfortunately, something came up, and I have to be in Davao tommorow morning. So, you will have to do the interview." mahabang paliwanag nito.

"Ma, can't you just re-schedule that interview? Alam mo naman na isa iyan sa mga ayoko nang gawin." kunot-noo'ng protesta niya.

"Atticus, someday, when I and Daddy retires, you will be doing a lot of it. I suggest, better practice it, now. Don't worry, baby, I already prepared all of the questions. You just have to be there and ask her that. You're a good surgeon, yourself, so, I think you may do the judging if she's qualified or not. And besides, you did it once, 'di ba? You can do it again."

He shut his eyes upon remembering that interview.

"But, Ma--"

"No more buts, Atticus. That's an order. Nakakahiya sa tita Alexis mo kung ica-cancel ko ang interview. Remember, Leighana? Na-meet mo na siya when you were both young, she's the applicant. And, I'm warning you, Atticus. No monkey business. Huwag mo ako'ng ipahiya."

Hindi niya pinansin ang sinabi ng ina.

Nakapabuntong-hininga na lamang siya.

"I don't have a choice, do I?"

"Oh, you have. Puwede nama'ng ikaw ang magpunta ng Davao at ikaw ang makipag-usap kay Mr. Andrews tungkol sa pagpapatayo ng bagong ospital doon." his mother said. And he can almost felt her, smiling wickedly.

Alam nito na hindi siya pupunta ng Davao. After that incident, there's no way he would take a single foot in Davao.

Well, not in that particular place. Kung saan, tila biro ng tadhana, ay siyang pinagpapatayuan ng mga magulang niya ng bagong ospital.

"What time is the interview?" he asked, tasting his defeat.

Damn when your mother knew you well.

"Eight o'clock, sharp. So, go home now, baby. I love you." iyon lang at nawala na ang ina sa linya.

"Damn it!" aniya na dagling dinampot ang baso at deretsong ininom ang laman.

Bottom's up!

Gumuhit sa lalamunan niya ang init at pait ng alak na ininom, ngunit hindi man lamang niya ininda iyon.

"Naisahan ka na naman ni Tita Gigi, tama ba ako, baby?" nakakaloko ang ngiting sabi nito.

Sinamaan niya ito ng tingin at iniumang dito ang basong wala nang laman upang salinan nitong muli. Naka-ngiti namang naiiling na tumalima ito.

Muli ay straight niyang ininom ang alak at ibinaba ang baso sa bar counter at tumalikod na.

"Hoy, Atticus, bayad mo?!" pahabol na sigaw ng kaibigan niya.

"I thought, it's on the house?!" balik-sigaw niya rito na hindi lumilingon.

"Fuck you, man! Ang yaman-yaman mo, ang kunat mo! Malulugi ang negosyo ko sa'yo!"

"Hayaan mo, kapag kailangan mo'ng magpa-opera, ako mismo mag-oopera sa'yo, libre din."

"Ulol!"

Hindi na niya pinansin ang kaibigan at dumeretso na ng labas ng bar.

Tsk. His mother ruined his plan for tonight. Balak niyang tumambay magdamag sa bar ni Clide at baka sakaling maligaw muli roon ang babaeng kanina pang umaga gumugulo, hindi lamang sa isip niya, kundi sa buong sistema niya.

Ahh..! Maybe, tommorow night.

Nang mapatingin siya sa rearview mirror niya ay napangiti siya.

Naroon at isinabit niya ang tanging ala-alang naiwan nito sa kanya. Heavily tinted ang sasakyan niya kaya't sigurado siya'ng walang ibang makakakita noon.

He grinned naughtily.

He inhaled deeply, that he thought of smelling her sweet essence inside his car,  that caused his member to twitched, instantly.

Fuck!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status