Share

Chapter 2

IYONG pakiramdam na  hindi siya makahinga ang nagpa-gising kay Leighana.

Shit! Sabi na nga ba at hindi siya dapat umiinom. She has an allergy with alcohol. Tuwing umiinom siya ay may lumalabas na mga rashes sa katawan niya. Or worse, katulad ngayon, nahihirapan siyang huminga. Kaya't bilang na bilang ang mga pagkakataong umiinom siya. Minsan kapag nayayaya ng mga kaibigan niya, or, katulad kagabi, depressed siya.

Humugot siya ng buntong-hininga at pinilit na idilat ang mga mata. Kailangan niyang maka-inom ng gamot.

Kahit nanghahapdi pa ang mga mata at tila minamartilyo ang ulo niya sa sakit, dulot ng hang-over ay pinilit niyang dumilat.

Nangunot ang noo niya nang hindi pamilyar na silid ang mamulatan niya.

Hindi ito ang silid niya!

Unti-unting namilog ang mga mata niya at babalikwas sana ng bangon nang matigilan siya. Tila may pumipigil para magawa niya iyon.

Napalunok siya nang pumasok ang realisasyon sa utak niya.

May kamay na nakadantay sa dibdib niya, exactly, right above her breast. At hindi kailangang maging matalino para malamang wala siyang kahit na anong saplot sa katawan, gayundin ang kung sino mang katabi niya, sapagkat ramdam na ramdam niya ang mismong balat nito sa balat niya. Nararamdaman  niya rin ang hininga nito sa leeg niya kung saan ay tila kontentong nakasiksik ang mukha nito. Ang binti nito na nakadantay sa parteng tiyan niya ang siyang dahilan kung bakit hindi siya makahinga. At, hrmp.. nararamdaman niya sa bandang pigi niya ang pag-aari nitong buong gabi niyang kaulayaw. Mukhang nauna pa iyong magising kaysa sa mismong may-ari.

Morning erection is, well... normal. But, God! As erected as this?!

She needs water! A very cold one. Nanunuyo na naman ang lalamunan niya.

Katulad ng sa mga horror movies, nanlalaki ang mga matang unti-unti niyang nilingon ang katabi, na tila multo ang makikita niya.

Mariin niyang itinakip ang kamay sa bibig, nang isang singhap ang hindi niya napigilang kumawala.

Tila agos ng tubig na dumaloy ang mga ala-ala ng nagdaang gabi.

Dahil sa pagtatalo nila ng ina ay naisipan niyang lumabas muna at mag-isip-isip. Napadpad siya sa isang bar at nakilala niya ang lalaking katabi niya ngayon.

Dala ng nainom, ay ipinagkaloob niya sa lalaking ito ang katawan niya.

"Oh, my God! What have I done?"

Nanigas ang kalamnan niya nang maramdamang bahagyang kumilos ang katabi niya. Marahang gumalaw ang kamay nito na nakapatong sa dibdib niya, gently kneading her breast.

And good God!

Lalo pa nitong inilapit ang katawan sa kanya at ipinagdiinan sa pigi niya ang pag-aari nito, almost pumping her side. Pakiramdam niya ay nanindig ang lahat ng balahibo niya sa katawan sa ginawa nito. Abot-abot ang pagpipigil niya na magpakawala ng kahit na mahinang ungol.

"Hmm... so soft, my Lexie..." ungol nito at lalo pang isiniksik ang mukha sa leeg niya.

Napalunok siya at mariing ipinikit ang mga mata sa pag-aakalang gising na ito. Hindi niya alam kung paano ito haharapin.

Ilang minuto siya sa ganoong posisyon at pinakikiramdaman lamang ito. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata nang hindi na ito gumalaw matapos iyon.

Pinigil niya, maging ang paghinga upang hindi makagawa ng kahit na anong magiging dahilan upang magising ito.

Hindi siya maaaring magisnan nito.

Ano na lang ang mukhang ihaharap niya rito? Tila siya isang mababang uri ng babae na basta na lamang sumama rito kagabi, at ipinagkaloob dito ang sarili niya kahit hindi naman niya ito lubos na kilala.

Nakapikit ang mga mata at pigil ang hiningang iniangat niya ang kamay nitong nakapatong sa dibdib niya at ubod ng 'rahan din iyong ipinatong sa tagiliran  ito. Ilang sandali pa muna siyang hindi kumilos at muli itong pinakiramdaman. Nang hindi pa rin ito kumilos ay ang binti naman nito ang dahan-dahan niyang iniangat at inalis sa pagkakadagan sa kanya. Muli ay napapikit siya nang kumilos ito, ilang sandaling muli siyang nakiramdam at nang hindi na muli itong kumilos ay nagmulat siya ng mga mata.

Nang lingunin niya ito ay nakadapa na ito sa kama. Exposing his bare back. Dahil sa pagkilos nito ay nahawi ang kumot na tumatakip sa mga katawan nila. Hantad na hantad ngayon sa mga mata niya ang ma-muscle na likod nito. Hindi niya mapigilan ang paglunok nang bumaba pa ang tingin niya sa matambok nitong pang-upo.

Mariin siyang napalunok.

"Kanin..!!"

Tila biglang uminit ang pakiramdam niya.

May mangilan-ngilang ala-ala pang pumapasok sa isip niya sa kung papaano siya nito angkinin ng nagdaang gabi. At lalo lamang iyong nagpa-ringas sa nararamdaman niyang init na gumagapang ngayon sa katawan niya, pababa sa mismong sentro ng pagka-babae niya.

"Urgh! Leighana, move!" paalala ng isip niya sa sandaling pagkawindang niya sa magandang katawan ng katabi niya.

Sandali muna siyang pumikit upang kalmahin ang mga hormones niya bago marahang tumayo upang hindi magising ang katabi.

Kahit nananakit ang buong katawan, partikular na ang pinaka-sentrong bahagi niyon, pinilit pa rin niyang kumilos at isa-isang hinanap kung saan basta na lamang ipinagha-hagis ng binata ang mga damit niya.

She doesn't usually wear her clothes twice, especially, her undergarments. But she doesn't have a choice, now.

Isa-isa niyang nakita ang mga damit niya sa iba't-ibang parte ng silid na iyon, ngunit kahit na ano'ng ikot niya ng paningin ay talagang hindi niya mahanap kung saan napunta ang panty niya. Ilang sandali pa siyang naghanap bago naipasyang hayaan na lamang iyon kaysa masayang ang oras niya at magisnan pa siya ng natutulog na binata.

Nang matapos siyang magbihis ay patiyad na lumakad siya papuntang pintuan. Bakit ba pakiramdam niya ay napakatagal na sandali bago niya marating ang daan palabas? Napikit pa siya at nakagat ang pang-ibabang labi nang marinig ang isang mahinang "click", sanhi ng pag-unlock niya ng pintuan. Nang wala pa ring kahit na ano'ng movement galing sa binatang mahimbing na natutulog, ay marahan na niyang pinihit ang seradura at binuksan ang pintuan.

Isa pa muling huling sulyap ang ginawa niya sa binata, bago kagat ang labing tumalikod at tuluyan nang umalis.

MALALAKAS na katok sa pintuan ang nagpa-gising sa kanya.

Marahang idinilat niya ang mga mata at pupungas-pungas na bumangon. Tumingin siya sa orasang nakasabit sa pader upang malaman kung ano'ng oras na.

Alas kuwatro ng hapon!

She overslept!

Sa bigat ng katawan niya, dahil sa alak na sa pakiramdam niya ay dumadaloy pa rin dito, idagdag pa ang pagod  sa magdamag na pakikipag-niig, pagkatapos niyang maligo kaninang umaga pagkarating niya, ay ipinasya niyang ituloy na lamang ang kanyang tulog. Ni hindi na niya nakuhang lagyan man lamang ng laman ang sikmura niya. Pakiramdam niya ay ayaw nang kumilos ng mga muscles niya dulot ng exhaustion.

Pagkarating niya ay nagpasalamat siya at wala ang kanyang ina. Maaga raw itong umalis dahil makikipag-kita sa isang kaibigan noong college.

Mabuti iyon at hindi niya na kina-kailangang ipaliwanag dito kung saan siya nanggaling. Baka kung ano pa ang isipin nito sa makikitang pagod, na bakas na bakas sa mukha niya. And also, she thinks that she really stinks, when she got home this morning.

She smelled sex!

Nang maalala ang nagdaang gabi ay muli na namang nag-init ang pakiramdam niya.

Oh, my gosh! Totoo nga yata ang sabi nila, nakaka-adik nga ang sex?! She had sex all night, 'til dawn, and now, just by thinking of it, made her feel that she wanna do it again!

Naiiling na natampal niya ang noo.

Muling inagaw ng mga katok sa pintuan ang pansin niya.

"Leighana, open the door!" boses ng kanyang ina ang narinig niya.

Halos hatakin niya ang sarili upang tumayo at tunguhin ang pintuan. Bahagya pa siyang napangiwi nang maramdaman ang hapdi sa ibabang bahagi ng katawan niya. Sa mismong pagkababae niya!

"Gosh, he's really huge!" mahinang halos ay daing niya habang halos umika na sa paglalakad papunta sa pintuan.

Ang isang kamay niya ay naka-sapo sa ulo niya, habang ang isa naman ay naka-alalay sa balakang niya, na parang mabibiyak din sa sakit.

"Stop it, Leighana. Nandiyan na ang Nanay mo, kapag nakahalata 'yan, lagot ka talaga!" mahina pa ring saway niya sa sarili.

Pinilit niyang tumayo ng tuwid at huminga muna ng malalim bago binuksan ang pintuan.

"Kanina pa kita kinakatok! Kung hindi pa halos gibain ko na sa lakas ng katok itong pinto mo, hindi ka pa magigising. Ano ba ang pinaggagawa mo kagabi at parang puyat na puyat ka..?"

"Believe me, Mom... you wouldn't wanna know!" napapapikit na sagot ng isip niya.

"...noong umalis ako kanina kinakatok din kita para magpaalam, pero hindi ka magising-gising! Pag-uwi ko tulog ka pa rin? Kung saan-saan na ako nakarating, Leighana!"

"Shocks! Heto na po kami. Can't I just sleep, Lord God?" muli ay pilit niyang pinatatag ang lakad pabalik ng kama niya at naupo roon.

Mariin niyang nahagod ang sentido na nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay lalong sumakit.

"Sorry, Mom. Umaga na ako halos nakatulog kagabi, magdamag ako'ng nag-surf sa internet ng kung ano'ng hospital ang hiring sa mga panahon na ito." she lied.

Nakita niyang bumuntong-hininga lamang ito at umiling.

"No, need." sagot nito na nagpa-angat ng tingin niya rito. "Remember your Tita Gigi?"

Napakunot ang noo niya.

"Your bestfriend in college?" paniniyak niya.

Kilala niya ito sapagkat minsan na itong dumalaw sa kanila kasama ang anak nito. Ngunit matagal na iyon, masyado pa siyang bata.

"Yeah. I'm glad you did. Her husband, who was also a doctor, owns a hospital. And she said, na puwede ka'ng mapasa ng resume at  credentials mo sa hospital nila. And she will see, what she can do."

Lihim siyang napa-buntong- hininga. Does she have a choice?

"And I'm warning you, Leighana Alexandra, huwag mo ako'ng ipapahiya."

"Of course, Mom." walang buhay niyang mahinang sagot.

"Okay. Iyon lang ang gusto ko'ng marinig sa iyo. Sige na, ayusin mo na ang sarili mo. You looked knackered! Ano ba ang pinaggaga-gawa mo?" nakakunot ang noong sabi nito at medyo kinabahan siya. "I'll just freshen up, then, pupunta na ako ng kusina para mag-ayos ng dinner natin. Any particular dish you wanna eat?"

Sa kabila ng lahat ay lihim siya'ng napangiti sa pagiging maalalahanin ng ina. She's always like that. Caring and thoughtful.

"Nothing, Ma. Bahala na po kayo." may maliit na ngiti sa labi na sagot niya sa ina.

"Okay. Tatawagin na lang kita sa oras ng hapunan." akmang tatalikod na ito nang tila may maaala. "And oh, by the way, your interview schedule will be tomorrow morning, eight o'clock, SHARP." naka-angat ang kilay ng kanyang ina sa huling kataga.

Lately, ay madalas na tanghali na siyang nagigising sapagkat lagi siyang napupuyat kababasa sa wattpad.

She's been thinking to write her own story, too. Maybe, when she's not too, busy.

She also has a passion in writing. She used to write in their school paper, way back in college. Piece of cake!

PAGKALABAS ng ina ay muling halos ay pabagsak na ibinalik niya ang katawan sa higaan. Maghapon na siyang natulog, and yet, tila hindi man lang nakabawi ng lakas ang katawan niya. Nanlalata pa rin siya.

Matagal na sandaling nanatili lamang siyang pahalang na nakahiga sa kama niya at tulalang nakatitig sa kisame.

Nililimi ang mga pangyayari ng nagdaang gabi.

Pinakikiramdaman niyang mabuti ang kanyang sarili. Nakapagtataka, ngunit wala talaga siyang maramdaman kahit na kaunting pagsisisi sa mga nangyari. It was as if, there is nothing wrong with that, for, it was really destined to happened.

Alam niyang maling-mali ang ginawa niya. Bukod pa sa maaari niyang ikina-pahamak iyon.

Ngunit kasabay niyon ay naisip niyang wala na siyang magagawa sa mga nangyari. Hindi na niya iyon maibabalik at mababago pa.

Ang tanging magagawa niya na lamang ay huwag nang ulitin ang "pagkakamaling" iyon, at ang iwasang muling mag-krus ang landas nila ng lalaking iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status