Share

Chapter 5

"OH..." ungol niya nang maramdaman ang labi nito na tila bampirang sumisipsip sa leeg niya habang ang mga kamay nito ay mariing nakakapit sa magkabilang balakang niya, hinahatak siyang papalapit. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman pagsalubong ng ibabang katawan nito sa kanya bago marahan siyang muling inilayo at muling kinabig papalapit. Bawat paglayo at paglapit ng katawan niya ay sinababayan naman nito ng kasalungat na mosyon habang patuloy lamang ito sa paghalik sa parteng leeg niya.

They are actually making love with their clothes fully on!

Kahit unti-unti nang nadadarang ay inipon niya ang lahat ng natitirang katinuan sa isip niya at mabuway itong itinulak.  "Z-ziv..."

Naramdaman niya ang pagngiti nito sa leeg niya.

"Kailangan lang pala kitang halikan para tawagin mo ako sa pangalan ko, pinatagal ko pa." tukso nito sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pagngisi nito sa balat niya.

"D-dr. dela Vega... please," mas dinagdagan niya ang pwersa ng pagtulak niya rito.

"So, back to Dr. dela Vega again, my Lexie?" anitong tumigil ng paghalik at bahagyang iniangat ang mukha upang matitigan siya ngunit hindi ito pumayag na magkalayo ang mga katawan nila. "God, I missed you!" halos daing na lamang iyon ng lumabas sa lalamunan nito at muling isinubsob ang mukha sa leeg niya. Sa pagkakataong iyon ay nakayukyok lamang ito sa leeg niya.

"D-dr. dela V-vega... w-we are at the Director's office. Baka may mga CCTV's sa silid na ito." aniyang sinisikap pa ring lumayo rito.

She heard him chuckle. Then, gave her neck a smack.

"Don't worry baby, close kami ng security sa Surveillance Rooms. Nung nakita ko pa lang ang picture mo sa CV mo, alam ko nang hindi ko mapipigilan ang sarili ko. Pina-off ko ang CCTV bago ka pa man pumasok dito. See that?" ngising-ngisi itong tumingala sa bawat sulok ng kisame sa silid na nakakabitan ng mga camera.

Hinayon niya ng tingin ang mga iyon at naka-ngangang ibinalik ang nanlalaki pa ring mga mata rito. Inis na hinampas niya ito sa dibdib. "Ziv! Ano na lang ang iisipin ng mga security kung bakit mo pinapatay ang mga cameras?!" nakangiti pa ring nagkibit lang ito ng balikat.

"I really love it when you are calling me by that name. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag ikaw ang nagsasabi." namumungay ang mga matang sabi nito. "Alam mo ba'ng ikaw lang ang tumatawag sa akin sa pangalang 'yan? It was like an endearment, coming from you." nangrarahuyo pa rin ang mga mata nito.

Pinandilatan niya lamang ito ng mga mata. Iniisip niya pa rin ang sasabihin ng mga security sa Surveillance Room.

"What do we care kung ano ang iisipin nila?" angat ang kilay na sabi nito na tila nabasa ang bumabagabag sa kanya. "I just missed you so much, at alam ko'ng makaka-sagabal ang mga camera na 'yan sa mga gusto ko'ng gawin sa'yo." balewalang sabi nito at akmang muli siya yayakapin ngunit mabilis siyang lumayo rito.

Agad na nanalim ang mga mata niya sa sinabi nito. "Hindi ako pumunta rito para makipagsex sa iyo, Dr. dela Vega! Hindi ako pakawalang babae." itinaas niya ang noo sa huling sinabi.

He twitched his lips in a mocking smile. "Sa tingin ko, ako ang unang-unang nakaka-alam niyan, Lexie."

Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha niya hanggang punong-tainga sa laman ng sinabi nito. Nag-iwas siya ng tingin at akmang tutunguhin ang pintuan. "I don't think it was a good idea for me to work here, Dr. dela Vega. Binabawi ko na ang application ko, wala pa naman ako'ng napipirmahang kontrata, so, wala pa ako'ng obligasyon sa ospital n'yo. Thank you for your time, at pasensya na sa abala. Good d--"

Ngunit bago pa man niya matapos ang sinasabi at bago pa man siya makalapit sa pintuan ay mahigpit nang hawak ni Ziv ang braso niya at hinatak siyang palapit dito. Sa lakas ng pwersa ay napasubsob pa siya sa dibdib nito.

"Ano ba?!" singhal niya rito at inis na hinampas ito sa braso.

"If you think that you can get away from me that easy, think again, Lexie!" nakangisi ito, ngunit ramdam niya ang panganib sa likod ng boses nito.

"Hindi mo ako mapipigilan. Katulad ng sinabi ko, wala pa ako'ng pinipirmahang kontrata, kaya malaya pa ako'ng magbago ng isip." galit na sabi niya na pilit na binabawi ang braso rito.

"Yeah. Maybe, you were right. Hindi nga kita mapipigilan. Alright, you may go." nakangisi pa ring binitiwan nito ang braso niya.

Naniningkit at puno ng pagdududa ang mga matang tumingin siya rito. Hindi siya naniniwalang ganun-ganon na lamang itong susuko. Nakita niya ang determinasyon sa mga mata nito kanina.

Nag-angat ito ng isang kilay at tumingin sa kanya. "What?" tatawa-tawang tanong nito.

Lalo niyang pinaningkit ang mga mata sa pagkakatingin dito bago inirapan ito at nagmamartsang tinalikuran ito patungo sa pinto, akmang pipihitin na niya ang seradura nang magsalita itong muli. "See you later, my Lexie."

Inis na muli niya itong nilingon at isa pang irap ang iniwan niya rito bago tuluyan nang binuksan ang pintuan at padabog na isinara iyon.

Nakita pa niyang napapitlag ang sekretarya'ng naka-upo sa labas at may pagka-tarantang tumayo at tumingin sa kanya.

"May problema po ba, Doctora?" pagtataka na ang mababakas sa mukha nito.

Pinilit niyang magpakawala ng isang ngiti. "N-nothing. Sorry about that." aniya bago malalaki ang mga hakbang na umalis na sa harapan nito.

Habang papauwi ay nag-iisip siya kung papaano sasabihin sa ina na hindi siya natanggap sa in-applyan niya. Sana naman ay tanggapin na lamang nito iyon ng maluwag sa kalooban. Ipinangangako niyang maghahanap na siya ng bagong ospital na papasukan at pagbubutihin na niya sa pagkakataong iyon.

HALOS ay alas-onse na nang makarating siya sa kanila. Hindi naman kalayuan ang ospital sa bahay nila, naisipan niya lang na dumaan muna sa mall at bumili ng paborito niyang milk tea, para 'ika niya ay mabawasan, kung hindi man tuluyang mawala ang stress na nararamdaman niya.

Nasa pintuan pa lamang siya ay naaamoy niya na ang niluluto ng ina. Agad niyang tinungo ang kusina upang batiin muna ito at mag-mano bago umakyat sa silid niya. Mamaya na niya sasabihin dito ang tungkol sa application niya at baka mawalan ito ng ganang kumain.

Nang ilang hakbang na lamang ang layo niya sa kusina ay nangunot ang noo niya. May mga kausap ang Mama niya. Ang isa ay nakilala niyang boses ng kanyang kapatid, habang ang isa naman ay tila pamilyar sa kanya. Dagling kumabog ang dibdib niya nang maisip kung sino ang posibleng may-ari ng boses na iyon.

"Oh, God! You can't be this cruel!"

Habang papalapit siya nang papalapit ay palinaw ng palinaw sa pandinig niya ang boses nito. Kung maaari nga lang ay tumakbo na lamang siyang muli palabas ng bahay nila upang matakasan ito. Ngunit nanaig ang kuryosidad kung bakit ito naroon sa bahay nila.

"Talaga, kuya Atticus? Aasahan ko 'yan, ha? Kapag internship ko na, tatawagan kita, ha. Ilalagay ko sa choices ang hospital n'yo na possible na mapag-internan ko." narinig niyang sabi ng kapatid niya. Mababakas ang tuwa sa tinig nito.

"Kuya, talaga?" naka-angat ang kilay na sa isip-isip niya habang papalapit sa mga ito.

"Sure. Tawagan mo lang ako. And, no need for you to get other hospital option, just tell them to send your credentials to us, then, you are in. " nasa pinto na siya ng kusina kaya't nakita niya nang dumukot ng pitaka ang binata at kumuha roon ng calling card nito at iniabot sa kapatid niya. "Here's my card." nakangiting sabi nito.

Abot naman hanggang tainga ang ngiti ng kapatid niya. Bakit ba hindi, eh, kilala ang Dela Vega Doctors, hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa iba't-ibang panig ng Pilipinas. Mayroon din kasing branch ito sa iba't ibang mga probinsya. At hindi madaling makakuha ng internship sa ospital na iyon. Ayon sa mga kaklase niya dati sa MedSchool ay tila butas ng karayom ang dadaanan mo para lamang makapag-intern sa ospital na iyon. Metikuloso umano ang mga ito sa pagpili ng intern. Sinisiguro umano ng mga ito na hindi mababahiran ang kalidad ng serbisyo nila ng mga incompetent na intern. Kaya't talaga namang plus points sa kapatid kung makakapasok ito bilang intern doon.

"Oh, tama na 'yan, kayong dalawa. Tulungan mo na ako'ng maghain, Xander. Bakit kaya wala pa ang at--" natigil ito ng sasabihin ng makita siyang nakatayo na sa bungad ng kusina. "Oh, nariyan ka na pala, Leighana. Halika at ikaw na nga ang tumulong sa aking maghain. Hindi matapos-tapos ang kwentuhan ng dalawang 'yan mula pa kanina." ani'ng ina niya na naglalatag na ng mga pinggan sa mesa. "Bakit nga pala hindi ka pa sumabay kay Atticus papunta rito? Saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang?"

Natitigilang sumulyap siya sa kinaroroonan ni Ziv. Prente itong nakatayo at nakahalukipkip at nakatingin sa kanya. Tila hinihintay din ang magiging sagot niya.

"Ahm... nag--punta pa po ako ng mall. May binili lang po ako. Hindi ko naman po alm na pupunta siya rito."

Nakita niyang umangat ang kilay ni Ziv sa sinabi niya. Inismiran niya lang ito.

"Nautusan siya ng Tita Gigi mo na dalhin iyong mga herbs na ipinangako niya sa akin noong huli kaming nagkita." abala pa rin sa paghahaing sabi ng Mama niya.

"Ate, grabe excited na ako'ng mag-intern. May sigurado na ako'ng pag-i-internan. At hindi basta-bastang ospital ha. Sa Dela Vega Doctors.. oh, 'di ba, ate? Astig!" buong tuwa at pagmamalaking singit naman ng kapatid niya.

"Oo na." nakangiting aniya na ginulo ang buhok ng kapatid nang madaanan ito patungo sa pwesto ng ina.

"Ate! 'Yung buhok ko. Hindi na ako bata, ano ka ba?" pumapalatak pang reklamo nito na muling inayos ang buhok.

Nang makalapit sa ina ay nagmano siya rito at humalik sa pisngi bago tinulungan na itong maghain. Nakaramdam siya ng pagka-ilang habang naghahain sapagkat nararamdaman niya ang mga titig ni Ziv na nakasunod sa bawat galaw niya.

Nang matapos maghain ay nagsi-upo na sila sa kanya-kanyang pwesto. At dahil ang katabi niyang pwesto ang nilagyan ng ina ng pinggan para sa bisita nila ay doon naupo si Ziv. Inis na lihim niyang ipina-ikot ang mga mata. Walang nagawang tahimik na lamang siyang kumain matapos magdasal.

"Nagpa-pasalamat nga pala ako, Atticus at tinanggap mo ang anak ko sa ospital ninyo." maya-maya ay sabi ng kanyang ina. Hindi naman siya kumibo sapagkat iniisip niyang ang kapatid niya ang tinutukoy nito.

"Wala po iyon, Tita. Karangalan ko po." magalang na anito at sinulyapan siya. Palihim niya naman itong inirapan na nginisihan lang nito.

"Kaya ikaw, Leighana, pagbutihin mo, ha. Baka mamaya pagkatapos ng dalawang linggo mag-resign ka na naman. Nakakahiya sa Tita Gigi mo." himig panenermon nito.

Kung hindi niya napigilan ang kanyang sarili ay naibuga niya sa mesa ang tubig na iniinom niya. Gayunpaman, ay nasamid pa rin siya at inihit ng ubo. Pakiramdam niya, pati ang ilong niya ay napasukan ng tubig. Naramdaman niyang hinahagod-hagod ng katabing doktor ang likod niya.

"Okay ka lang?" dinig ang concern sa boses  nito.

Kahit nahihirapang huminga dahil sa pagkakasamid ay hindi napigil niyon ang matalim na tingin na ipinukol niya rito.

"Kasalanan mo 'to." aniya sa isip niya.

"Ayos ka lang ba, anak?" bakas din ang pag-aalala sa tinig ng ina.

Tumango lamang siya sapagkat masakit pa rin ang dibdib niya.

"Dahan-dahan kasi, ate." sabi naman ng nag-aalala ring kapatid niya.

"O-okay na 'ko. Nasamid lang ako."

Kahit hindi niya lingunin ay naramdaman niyang mataman siyang tiningnan ni Ziv, tila sinisiguro kung talaga ngang ayos lang siya. Nang tila makontento sa nakikita ay tahimik nitong muling ipinagpatuloy ang pagkain.

"Ahm... Ma, may--sasabihin po sana ako." alanganin niyang panimula sa ina.

Mas naramdaman kaysa nakita niya ang mabilis na pagbaling ni Ziv sa kanya. Hinihintay din ang sasabihin niya. Ang kapatid niya naman ay pasulyap-sulyap lang sa kanya habang kumakain.

"Ano 'yon, anak?" sagot ng Mama niya na ang mata ay nasa kinakain.

"Hrmp..." kinakabahan na siya. "M-ma, I don't think it's a good idea na sa ospital na pag-aari ng bestfriend mo ako magtrabaho." deretso niyang sabi bago pa man siya panghinaaan ng loob.

Doon napukaw ang interes ng Mama niya. Kunot-noong nag-angat ito ng tingin sa kanya.

"And why is that, Leighana?" kalmadong tanong ng ina. At hindi niya gusto iyon. Alam niyang nagtitimpi lamang ito.

"Ma, please try to understand. Kung doon ako magtatrabaho magiging tampulan ako ng tsismis. Iisipin ng mga kasamahan ko na kaya lang ako natanggap doon kasi kaibigan ng nanay ko ang may-ari. And I can't work with that kind of environment." buong pagsusumamong sabi niya sa ina. Umaasang maniwala ito at pakinggan ang rason niya.

Kalmado pa rin ang anyo na lumipat ang tingin nito kay Ziv na nakatingin pa rin sa kanya.

"Atticus..." pukaw nito sa atensyon ng katabi niya.

"Tita..." mabilis namang sagot nito at mabilis pa sa alas kwatrong bumaling sa ina niya.

"You're the one who interviewed my daughter, is she qualified or not?" deretso sa mga mata ng binata ang tingin na sabi ng kanyang ina.

Helpless na napapikit na lamang siya. Tahimik na nakayuko siya sa pinggan niya. Muli ay nilingon siya ni Ziv bago muling bumalik ang tingin sa Mama niya at sumagot.

"Very much qualified, Tita." pormal na sagot nito.

Napahugot siya ng hininga sa sagot nito.

Shit! Bakit pakiramdam niya ay napagka-isahan siya?

"See?" nag-angat siya ng tingin sa ina.

"P-pero, Ma--"

"End of discussion, Leighana!" ana'ng Mama niya at tumayon na. "Ipagpaumahin mo, Atticus hijo, pero tapos na ako'ng kumain. Paki-sabi sa Mommy mo, salamat." iyon lang at tumalikod na ito.

Akmang tatayo siya upang sundan ito nang hawakan ni Ziv ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Matatalim ang mga matang tumingin siya rito. Ang kapatid niya ay tila nawiwindang na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Let's talk, Leighana." ani Ziv sa malamig na tinig.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Ji Min
babaan NYU naman Ng coins , grabe sobrang Mahal maganda Sana Yung story nya Kaso sobrang Maha naman
goodnovel comment avatar
Dat's Foodie In-house
Hello po.. nabasa niyo na po ba ang full story nito?
goodnovel comment avatar
Dat's Foodie In-house
Meron bang ibang option para makabili ng coins? Hindi na kasi compatible ang new version ng GCASH dito sa phone ko. Sana may makatulong ang ganda pa naman nitong istorya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status