Share

Chapter 4

"LEIGHANA..." muli ay mga katok na naman ng ina ang nagpagising sa kanya.

"Urgh! Ano'ng oras na ba?" disoriented pang tanong niya sa sarili, iniangat niya ang ulo mula sa padapang pagkakahiga at halos hindi pa maidilat ang mga matang luminga-linga. "Shit! Madilim pa sa labas, ah."

"Leighana.." muli ay tawag ng ina sa labas ng pinto ng kwarto niya at sinundan ng mas malalakas na katok.

"Ma.." paos pang balik sigaw niya.

"Open the door."

Kahit nahihilo pa sa antok ay pinilit niyang bumangon at tinungo ang pintuan. Nang mapatingin siya sa orasang nakasabit sa dingding ng silid ay lalong tila gusto niyang manlata.

"Seriously? Alas singko pa lang ng madaling araw! No wonder, madilim pa sa labas." iiling-iling na ipinagpatuloy niya ang paglapit sa pintuan.

Nang mabuksan niya ang pintuan ay tumambad sa kanya ang tila iritado nang hitsura ng ina.

"Morning, Ma. Bakit po?" pupungas-pungas pang bati niya rito.

"Bakit po? Really, Leighana, you're asking me that?" nag-angatan ang mga kilay nitong sabi.

Nagtatanong pa rin ang mga matang nakatingin lamang siya rito. Masyado pang maaga, at hindi pa yata gumagana ang brain cells niya.

"Ngayon ang interview mo sa Dela Vega Doctors, don't tell me nakalimutan mo na?" lalong tila magbuhol na ang mga kilay nito.

"Ma, hindi ko po nakakalimutan." aniyang padaskol na nagkamot ng ulo. "Pero naman po, Ma, alas ocho po ang interview ko, alas singko pa lang po." reklamo niyang lumakad nang pabalik sa loob ng silid at naupo sa kama, kakamot-kamot pa rin ang ulo.

Pahalang siyang muling nahiga sa kama at namaluktot. Hindi na siya nagtaka nang muli niyang marinig ang boses ng ina'ng alam niyang kasunod niya.

"Leighana Alexandra, bumangon ka na riyan! Baka tanghaliin ka, nakakahiya kay Atticus." kulit pa rin nito.

Nakuha ng pangalang binanggit nito ang atensyon niya. "Atticus? Akala ko po ba si Tita Gigi ang mag-i-interview sa akin?" kunot-noong iniangat niya ang ulo at nilinga ang ina.

"Oh, I'm sorry, I forgot to tell you, anak. Tumawag ang tita Gigi mo kagabi, ang sabi niya may biglaan siyang meeting in Davao. Sabi ko nga, okay lang naman kung ire-schedule ang interview mo today, but she insisted na ituloy na raw, but instead of her, her son Atticus will do the interview." mahabang paliwanag ng kanyang ina. "Nakilala mo na siya noon, anak. Naisama na siya rito ng titi Gigi mo. I think you were barely five years old, then. And he was around.. eight? or nine.." dagdag pa nito ngunit hindi niya maalala.

"Hindi ko na po maalala, Ma." umiiling pang sabi niya at muling ibinaon sa malambot na kama ang mukha.

"Oh, don't worry, makikilala mo rin siya mamaya. Kaya bumangon ka na riyan at maligo ka na, bababa na ako at ihahanda ko ang almusal mo." anitong tinapik pa ang pigi niya.

Ungol lang ang tanging naisagot niya rito at hindi pa rin tumitinag sa pamamaluktot sa kama.

"Leighana..."

"Opo... babangon na po." halos paungol niya pa ring sabi.

"Bumangon ka na riyan, ha." ani pa nito bago tuluyang lumabas ng silid niya.

"Opo."

Sa totoo lang ay masakit pa rin ang katawan niya hanggang ngayon. Pero siyempre, hindi niya masasabi sa ina iyon. Wala nga siyang ibang ginagawa sa bahay bukod sa maghugas ng pinggan, sasakitan pa siya ng katawan? Paano niya naman ipaliliwanag iyon sa ina nang hindi ito magtataka?

Nagpalipas pa siya ng ilang minuto bago iinot-inot na bumangon at pumasok sa banyo upang maligo.

"URGH! Sabi ko na nga ba, ang aga ko, eh." inis na sa loob-loob niya.

Nasa lobby siya ngayon ng ospital na sinabi ng ina na pag-aari raw ng asawa ng tita Gigi niya. Alas siyete y media pa lang. Maaga pa rin siya ng treinta minutos.

"Mas maganda na iyong maaga, kaysa late ka. Nakakahiya naman kung mauna pa sa iyo 'yong mag-i-interview sa iyo." tila naririnig niya pa'ng sabi ng ina bago siya umalis ng bahay kanina.

"Hays. Kesa naman hulas na ako pagdating ng interviewer ko." inis na sa isip niya. Inilabas niya ang cellphone niya at naisipang libangin niya na lamang ang sarili.

Nagtanong na siya sa guard kanina kung saan ang opisina ng hospital Director. Ang sabi ng ina ay doon daw siya pinadederetso. Mabait naman iyong itinuro sa kanya.

Pagdating niya roon ay naroon ang sekretarya ng Director at sinabing hindi pa raw dumarating ang hinahanap niya. Ipinaiwan na rin nito sa kanya ang mga dokumentong dala niya.

Naisipan niyang maglakad-lakad na muna upang makita na rin ang mga facilities sa ospital na iyon.

At nang mapagod siya ay naisipan niya nga munang maupo sa lobby ng ospital. Babalik na lamang siya roon sa opisina mamaya, menos diyes bago mag-alas ocho.

Tutok na tutok siya sa cellphone niya nang wala sa loob ay nag-angat siya ng tingin papunta sa pintuan.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaking kapapasok lang sa entrance ng ospital. Nakangiti pa nitong mahinang tinapik ang guwardiya na bumati rito at tuloy-tuloy nang pumasok sa loob. Mabuti na lamang ay sa pinakasulok niya napiling maupo.

Siya yun!

Hindi siya maaaring magkamali.

Hindi man malinaw niyang nakita ang mukha nito noong gabi sa bar, dala ng nainom niya, ay nakita niya naman kahit kalahati ng mukha nito kinabukasan mula sa pagkakadapa nito sa higaan.

At base sa pagkabog ng dibdib niya, sigurado siya.. siya yun!

Ang lalaking ipinagdasal niyang hindi na sana makatagpo ng landas kahit kailan.

"Oh, my God! Ano'ng ginagawa niya rito? May pasyente kaya siyang dinadalaw sa ospital na ito?"

Nang mawala ito sa paningin niya ay nagmamadali siyang tumayo ay tinungo na ang daan papunta sa opisina ng Director. Mabuti pang doon na lamang siya maghintay. Mahirap nang magpakalat-kalat, baka bumalik ito at makita pa siya.

Pagdating niya ay matamis niyang nginitian ang sekretarya ng Director at naupo hindi kalayuan dito. Ayon dito ay kadarating lamang daw ni Dr. Atticus dela Vega. Naipasa na raw nito ang mga documents niya. Maghintay lamang daw siya at maya-maya ay ipatatawag na siya nito.

Hind niya alam kung ang malakas ba'ng lagabog ng dibdib niya ay dahil sa magaganap na interview, o dahil pa rin sa pagkakakita niya kay Ziv kanina.

"Focus, Leighana! Focus!" sigaw ng utak niya. Huminga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. Hindi makakatulong sa kanya ang nararamdaman niya.

Nang tumingin siya sa relong pambisig ay alas ocho na. Ilang sandali na lamang ay papapasukin na siya ng mag-i-interview sa kanya.

Hindi nga naglipat-saglit ay tumunog ang intercom ng sekretarya. Magalang ngunit malambing itong sumagot sa nasa kabilang linya bago ibinaba iyon at tumingin sa kanya.

"Dra. Maniego, puwede na raw po kayo'ng pumasok sa loob." nakangiti nitong sabi sa kanya.

"Thank you." aniyang nakangiti rin.

Kahit ang totoo ay parang gusto na niyang masuka sa kaba.

"Shit! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit hindi maalis-alis ang kaba ko? Biset na lalaking 'yon, bakit ngayon pa napiling magpakita sa akin." inis na kausap niya sa sarili.

Hinagod-hagod muna niya ang dibdib bago huminga ng malalim at saka pa lamang kumatok sa pintuan.

"Puwede ka na po'ng pumasok Doktora." singit ng sekretarya.

Nilingon niya ito at muling nginitian bago dahan-dahang pinihit ang seradura at unti-unting binuksan ang pinto.

Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang ubod ng laki at lamig na opisina. Nakatalikod ang swivel chair ngunit alam niyang may taong naka-upo roon at hawak ang folder na agad niyang nakilala na sa kanya. Mukhang binabasa nito ang credentials niya.

"Close the door, and come in." ani'ng baritonong tinig nito.

That voice!

Pamilyar sa kanya ang boses nito. Lalong tila minamaso sa kaba ang dibdib niya.

"Oh, please God, do not let it be." piping panalangin niya.

Wala sa loob na halos mangatog ang mga tuhod niyang lumapit dito. Huminto siya nang nasa tapat na siya ng mesa nito.

Tumikhim muna siya upang alisin ang tila sapot sa lalamunan niya bago binati ito. "Good morning, Sir."

Kahit may kutob na siya ay kulang ang pagsabing nalaglag ang panga niya nang umikot ang swivel chair at tumambad sa kanya ang taong nakaupo sa likod niyon. Parang gusto niyang bumuka ang lupa at kainin na lamang siya nang oras ding iyon.

"Good morning, Dra. Maniego. Or do you prefer me calling you, My Lexie?" hindi niya alam kung ngiti o pang-uuyam ang nakapagkit sa labi nito na tumayo at iniabot ang kamay sa kanya.

Sumara, bumuka ang mga labi niya sa kawalan ng masasabi. Wala sa loob na tinanggap niya ang kamay nito.

Ramdam na ramdam niya ang init na hatid ng kamay nito lalo na nang mariin pa nitong pisilin ang kamay niya.

"Y-you are Atticus dela Vega?" sabi niya nang maapuhap ang boses.

"The one and only!" sarkastiko pa ring sabi nito.

"Bu-but...I t-thought... your name's--"

"Ziv Atticus dela Vega, at your service, baby." nakangising sabi nito. Hawak pa rin ang kamay niya.

"Leche kang tadhana ka! Hindi magandang biro ito, ha!" aniya sa isip niya sabay lunok.

"Well," angat ang kilay na untag nito. "Have a sit, Lexie."

"Y-yung kamay ko po, Sir." aniya at tiningnan ang kamay niyang tila ayaw na nitong bitiwan.

"Oh, I would not mind doing the interview, while holding your hand, Lexie." anito na bibigyan pa siya ng pang-toothpaste commercial na ngiti.

Mas bagay ditong maging modelo kaysa doktor.

"Hrmp... I prefer, Dra. Maniego, sir." aniyang hindi tumitingin dito. "And please, iyong kamay ko po."

Nagkibit ito ng balikat at binitiwan ang kamay niya bago muling bumalik sa pagkaka-upo. "Yeah? Why so formal, my Lexie? I don't think we have to be formal with each other. You see, we already had--"

"Dr. dela Vega!" nanlaki yata pati butas ng ilong niya dahil sa palagay niya ay kasunod na sasabihin nito. "I-i... ahm... c-can't we just forget what happened that night?" nauutal na sabi niyang hindi pa rin tumitingin dito.

Kunot ang noo'ng mataman siya nitong tinitigan. "Do you think it was that easy, my Lexie? Gayong pagpasok mo pa lang sa pintuang iyan, wala na ako'ng ibang gustong gawin kundi ulitin ang mga nangyari noong isang gabi. Damn woman, alam mo ba'ng hindi ako sa kwarto ng condo ko natulog kagabi dahil ayaw ako'ng patulugin ng ala-ala mo roon?"

Mariin ang pagkakasabi nito ngunit bakit parang tumitindig ang mga balahibo niya sa bawat katagang binibigkas nito?

"Oh, please... Dra. Maniego or Dra. Leighana! Just please, stop calling me Lexie. I am not Lexie, and definitely, I am not your Lexie. At nakiki-usap ako, kalimutan na natin ang nangyari. Lasing ka, lasing ako, so, it happened. Siguro naman, sa dami ng babaeng naka-one night stand mo, hindi na mahirap para sa iyo na kalimutan na lang ang nangyari sa atin." parang maiiyak na niyang sabi.

"Really, huh? Let us see." pormal na sabi nito. "Now, Dra. Maniego, let us proceed." masungit na ang aura nitong sabi.

Aaminin niyang kahit papaano ay gusto niya iyon. Mas gugustuhin niya ang magsungit ito kaysa ipilit na ipa-alala ang nangyari sa kanila.

Ang mga sumunod na sandali ay tila normal na interview na lamang ang namagitan sa kanila. Nakakapaso pa rin ang init ng mga tingin nito ngunit laking pasasalamat niya na hindi na ito bumabanggit ng kahit na ano tungkol sa nangyari.

Nang matapos ay pormal pa rin ang ekspresyon nito na isinara ang folder niya na nasa harapan nito at mataman siyang tinitigan.

"Thank you, sir. Kung tapos na po tayo, I think, I have to--"

"Do you really think I will let you go, that easy, Lexie?" matiim ang mga matang nakatingin ito ngayon sa kanya. "Bakit ka umalis nang walang paalam nang umagang iyon?"

"Oh, please... Dr. dela Vega--"

"I am asking you, Lexie."

Tila nanghihinang bumuntong-hininga siya at tumingin dito. "Please, let us not talk about it." himig paki-usap na sabi niya rito.

Bumuntong-hininga naman ito at tumango. "Yeah." tila sumusuko nang sagot naman nito. "What is important now, is you are here." bahagya nang nagliwanag ang kanina ay madilim na aura nito.

Frustrated na napapailing na lamang siya.

Tama ba na nag-apply siya sa ospital na ito? Kapag nagtrabaho na siya rito ay lalo niya itong hindi maiiwasan.

Parang ayaw niya na tuloy ituloy ang application niya. Initial interview pa lang naman. Huwag na kaya siyang tumuloy sa final interview.

Ngunit paano naman ang Mama niya? Paano niya ipaliliwanag iyon sa ina? Tiyak na hindi ito titigil hanggat hindi nalalaman ang totoong dahilan.

"Urgh! Leighana, kasi naman, eh. Bahala na nga." aniya sa sarili at bumuntong-hininga.

"Ahm... kung tapos na tayo, a-alis na ako." alanganing paalam niya sabay tayo.

Nagtaka pa siya nang tumayo ito at lumigid sa kinaroroonan niya.

"Okay. Let's go." tila kaswal na sabi nito sabay hawak sa kamay niya at akmang aakayin na siya papunta sa pintuan nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay nito sabay hila pabalik, upang makuha niya ang atensyon nito.

Nagtatanong ang mga matang nilingon siya nito.

"Ano'ng let's go? S-saan tayo pupunta?" naguguluhang tanong niya.

"Ihahatid kita." tila walang anumang sagot naman nito.

"Bakit mo ako ihahatid?"

Bumalik ang kunot sa noo nito na para ba'ng hindi na siya dapat nagtatanong at normal lang na ihatid siya nito.

"I mean.. hindi mo naman ako kailangang ihatid." ewan niya kung bakit nagpaliwanag naman siya.

Tumiim ang tingin nito sa kanya at sa isang iglap, sa panlalaki ng mga mata niya ay nasa baywang na niya ang mga kamay nito at sakop na nito ang labi niya.

Tinangka niya itong itulak ngunit tila siya nagtutulak ng pader sa tigas ng dibdib nito.

Nang kapwa na sila tila pangangapusan ng hininga ay saka lamang nito binitiwan ang labi niya. Ngunit hindi pa rin ito lumalayo sa kanya. Ipinagdikit nito ang noo nila at tila habol pa rin ang hiningang pumikit.

Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito na pumapaypay sa balat ng mukha niya.

Maya-maya ay dumilat ito at tumitig sa mga mata niya. "You're hired." anas nito at muling inangkin ang labi niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status